Dalawang bala ang tumama sa ilaw nagdilim ang silid. Napasinghap si Mikay sa dilim pero mabilis siyang tinakpan ni Adam at hinila sa ilalim ng stainless table, habang nakikipag palitan ng putok sa dalawang lalaki. Sa dilim, maririnig ang sigawan, putukan, at kaluskos ng mga paa. Hanggang sa tuluyang natahimik ngunit kasunod nun ang makapal na usok, agad nilang ikinatakip ng ilong at gumapang palayo sa puwesto nila. “Capt… are you okay?” tanong ni Mikay ng makita ang dugong na agos sa balikat nito. “Yeah…” huminga siya ng malalim na sumandal sandali sa isang cabinet na pinag taguan nila pero alerto pa rin sa paligid. “Pero hindi na tayo ligtas dito." Ani Adam, tumingin si Mikay sa katawan ni Gladys ngunit hindi na niya matanaw sa dilim kahit meron emergency light sa loob ng morgue dahil

