Sapo ang panga na lumabas si Adam ng public bathroom pero hindi mabura-bura ang ngiti sa labi niya. Daig pa niya ang pasyente na bagong opera habang nag lalakad sa corridor ng headquarter dahil nakakapit pa siya sa pader habang marahan na nag lalakad dahil sa sakit ng likod niya sa pagkakabagsak. “Hoy, Adam! Anong nangyari sa’yo? Bakit nandito ka pa akala ko naka alis ka na?" takang tanong ni Thunder ng makita ang binata. Napatingin naman si Adam kay Thunder sabay ngiti na ikinangiwi naman ni Thunder na napa-atras, hindi sanay na makita ng ngiti ng ganun si Adam. Normal kasi nitong ngiti e yung nakakaloko or nang-aasar, yung ngiti nito ngayon parang legit parang kinikilig na ewan. "Hala! Huy... nadugo ang ilong mo, ano bang nangyari sa'yo?" nabigla naman si Thunder na napalapit kay Adam

