Unti unti siyang humarap sa akin habang nakangisi. Aamba din sana siya ng suntok sa akin ng may tumulak sa kanya kaya napaupo siya sa sahig.
"Tarantado, papatulan mo talaga!? Umalis ka dito sa harapan ko baka mapatay kita."
Agad na lumapit ang mga kaibigan niya upang tulungan siya na tumayo.
"Tara na, pare. Mahirap maging kalaban ang mga senior," nanginginig na bulong ng isa niyang kasama.
Naglakad na sila palayo habang bitbit si Noah na masama ang tingin sa amin. Hindi naman nagpatinag si Marcus. Patuloy ang masamang titigan nila hanggang sa maglaho sila sa pangingin namin. Agad namang nag sialisan ang mga kaklase ko ng natapos ang action scene.
Huminga ng malalim si Marcus bago siya humarap sa akin. "Are you okay?"
Hindi pa ako nakaka sagot sa tanong niya ng inangat niya ang kamay ko. Napangiwi ng mahawakan niya ang pasa.
"Fuck.. we need to go to the clinic," punong puno ng pag aalala ang boses niya. Kinuha niya ang mga gamit ko at inalalayan akong lumabas.
Ginagamot na ng nurse ang pasa at maliit na sugat ko sa kamay. Napabaling ako kay Marcus ng may tinawagan siya sa kanyang telepono.
"I think you should see your sister. We're here in the clinic.. Okay."
Nanlaki ang mata ko sa kanya. "H-how did you k-know?" I'm hundred percent sure na si kuya Ali ang tinawagan niya.
"I've seen you around him sometimes and you have the same surname. So I just assumed that he's your brother."
Napa buntong hininga na lang ako. Matapos akong gamutin ng nurse ay dumating na si kuya.
"What the hell happened, Ellory?" bungad niya sa akin. Hinihingal pa ito at halatang tumakbo. Tinignan niya ang kamay kong may nakabalot na bandage.
"My classmate touched my butt cheek so I punched him in the face," mahinang sabi ko.
Umiling siya at napangisi. Ginulo niya ang buhok ko at agad naman akong napasimangot.
"Kuya!"
"Anong pangalan ng nambastos sayo?" nanging seryoso na siya. Nagtinginan sila ni Marcus kaya agad akong umalma. Oh, no. I sense trouble.
"Huwag mo ng alamin at ako na ang bahala sa kanya. Huwag niyo na siyang patulan… please."
Tinignan ko silang dalawa pero tumagal ang titig ko kay Marcus. "Please?"
Napa buntong hininga si Marcus at napahaplos sa kanyang batok. Si Kuya Ali naman ay ngumuso at nagpipigil ng ngiti kay Marcus.
Bumaling na sa akin si kuya. "Ihahatid na kita pauwi.. hindi ka makakapag drive diyan sa kamay mo.."
Tumango ako at hinagilap ko na ang gamit ko. Nakalabas na si kuya. Si Marcus naman ay nakatayo lang malapit sa akin, parang may hinihintay.
"Thank you, Marcus. Pasensya na din mukhang hindi tayo makakapaglecture ngayon."
"It's okay. Pagalingin mo muna yang kamay mo.. bukas na lang ulit tayo mag aral."
Tumango ako at ngumiti sa kanya bago umalis. Kinuha ni kuya sa akin ang libro na hawak ko at siya nanang nagbibit. Nang makarating na kami sa sasakyan ay naging seryoso siya.
"You know.. even when I'm not always around you, you can always count on me, Ellory. I am your brother. Do not hesitate to call me when you're in trouble," seryoso at madiin niyang sabi.
"I know.." nanghina ako at napabaling sa bintana ng sasakyan.
"Ayaw mo ba siyang ireport sa guidance so that we can file a case against him?"
Naalerto ako at agad na napaharap sa kanya. "No.. kuya, huwag. Ayokong malaman ni mommy na may sinuntok ako. At isa pa, marami ng problema si daddy. Ayoko ng dagdagan pa."
"Tss.."
Pagdating ko ng mansyon ay nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at wala ang mga magulang ko dito kaya nakakain ako ng tahimik.
Siguradong madidisappoint sa akin si mommy dahil she's training mo on how to be an elegant lady while my dad's the opposite.
Hindi muna ako mag aaral ngayon dahil hindi din ako makakapagsulat dahil sa kamay ko. Pagkatapos ng pagligo na pahirapan ay humiga na ako sa aking kama. Tumunog ang cellphone ko at inabot ko ito sa aking nightstand.
Marcus:
Take a rest. We'll see each other again tomorrow. For the lecture.
Napanguso ako sa text niya.
Ako:
Thanks again, Marcus.
Marcus
No problem.
Audrey called to check on me. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari dahil hindi na daw siya nakabalik sa classroom. She was so happy that Marcus was there, kung wala daw ay walang magtatanggol sa akin.
Kinabukasan ay nagkaroon ng maliit na pasa ang mukha ni Noah. Masama lang ang tingin niya sa akin at napapangisi lang ako. Feeling ko nagtagumpay ako dahil napahiya ko siya.
Ang mga classmates ko naman ay nakangisi sa akin at tuwang tuwa sa ginawa ko. Nabigla sila dahil akala nila ay babaeng babae ang kilos ko.
Lumakas ang t***k ng puso ko ng malapit ng mag ala sais ng gabi. Nagretouch ako ng mukha ko. Bago pa ako makalabas ng pinto ay nakita ko na si Marcus sa labas ng classroom namin, nag aabang. Nakatanaw siya sa balcony at nakatingin sa paligid.
Napa buntong hininga ako para pakalmahin ang sarili. s**t! Ang pogi niya talaga.
"O, Ellory, nandyan na pala ang sundo mo," pang aasar sa akin ni Aubrey.
"Poging sundo," pang sasakay ko sa kanya.
Napahagikhik kaming dalawa at kumaway sa isa't isa ng makalapit na ako kay Marcus.
"Tara na?" nakangiti kong tanong sa kanya.
Tumango siya pero napatigil siya ng lumingon siya sa likuran ko. Si Noah at ang brakada niya na nakatingin sa amin ng masama. Lalapitan na sana ni Marcus pero agad ko siyang pinigilan. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa kanyang dibdib. Tumingala ako sa kanya at umiling.
Napatingin naman siya sa akin at sa kamay kong nasa dibdib niya. Dinilaan niya ang kanyang ibabang labi at bumigat ang paghinga.
Tumingin ako sa aking likuran at nakita kong hinihila na ng tropa niya si Noah.
Humarap muli ako kay Marcus at marahang ngumiti. "Relax, Marcus. Hindi na nila ako ginugulo, okay?"
Napapikit siya ng ilang segundo bago tumango. Nagkatitigan kami ng ilang sandali. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"Baba na tayo?" pang aaya kong muli sa kanya.
Binaba ko na ang kamay ko sa kanyang dibdib at nakaramdam ako ng panghihinayang. Ang sarap hawakan ng katawan niya.
Nauna na akong maglakad para pigilan ang pagkakilig. Naramdaman kong tumakbo siya palapit sa akin upang magkapantay ang lakad naming dalawa.
Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa likod ng building. Nang nakaupo na kami ay kinuha niya ang kamay kong may balot pa ng bandage.
"Makakapagsulat ka na ba?" marahan niyang tanong
"Oo pero, kumikirot lang kaya kailangan imassage kapag hindi na kaya."
Tumango siya. Nag init ang pisngi ko ng hinaplos ng kanyang thumb ang aking sugat. Malambing niyang minasahe ito.