"Alam na ba ito ng parents mo?" tanong habang patuloy pa rin siya sa mahinang pagmasahe sa kamay ko.
Umiling ako. "Okay lang malaman ni daddy pero hindi pwede kay mommy."
Napaangat ang tingin niya sa akin, nagtataka. "Bakit?"
I exhaled. "Mom taught me how to be an elegant lady and dads.. the opposite. She would be miserable if she knew that I know how to punch a guy." nakangiwi kong sabi.
Humalakhak siya. "Tinuran ka ng daddy mong sumuntok, ganun ba?"
"Yeah.. only on pervs though. Hate niya ang mga manyak na lalaki kaya tinuruan niya ako ng konting self defense. Mom does not agree but she can't stop dad. Ang sabi ni mom magkunwari lang daw akong may natutunan sa tinuturo ni daddy. Hindi niya lang alam na.. alam ko na."
He looked at me in an amused way. "Mabuti kung ganun."
"Yesterday.. were you waiting for me outside my classroom?"
Tinaasan niya ako ng kilay at umayos siya ng upo. Nilagay niya ang isang braso niya sa sandalan ng upuan ko.
"Oo.. hinihintay kitang lumabas kahapon. Nainip ako kaya sinilip kita sa bintana at nagulat ako ng sinuntok mo ang classmate mo."
Napanguso ako at napayuko. "He's an asshole.."
Tumango ito. "He deserved it.."
Nagtitigan kami ng ilang segundo. Nakaramdam ako ng kiliti ng paglaruan niya ang dulo ng buhok ko. Napakagat ako ng labi kaya napatingin siya sa labi ko. Agad siyang tumikhim at umayos muli ng upo. Tinanggal niya na ang kamay sa likuran ko at binuklat na ang mga notes.
"Naitabi ko ang mga notes ko noong first year kaya kapag may oras ka, pag aralan mo.."
I nodded and I listened to every words that he say.
"Paano ka nakapagsulat kanina?" tanong niya.
"Tinulungan ako ni Aubrey at kanina nung nag seatwork kami.. binigyan ako ng mas mahabang oras ng professor ko dahil mabagal akong magsulat sa kaliwang kamay."
Tumango siya at nag umpisa na siyang magsulat sa notes ko. "Ako muna ang nagsusulat ngayon ng solution. Makinig ka na lang habang ineexplain ko ang sagot."
"Okay.."
Nang matapos kami ay nagsulat pa siya sa notes ko ng mga alternative na solutions kung sakaling malito ako.
Habang busy siya sa pagsusulat sa notes ko ay pinaglalaruan ko ang ugat niya sa kanyang kaliwang kamay na nakapatong sa lamesa.
Sumilip siya sa ginagawa ko sa kamay niya at napangisi siya habang nagsusulat. Napanguso naman ako. Ang pogi talaga niya, seryoso man o nakangiti.
Natapos na kami sa pagliligpit ng gamit ay nagkatinginan kami.
"Do you want me to drive you home?"
Napanguso ako. "Hindi na. Nag taxi lang ako kanina."
"Hindi ba nagtaka ang mga parents mo?"
"Hindi, pinauna ko muna silang umalis at kung madatnan nila ang sasakyan ko sa amin ay sasabihin ko na lang na tinamad akong mag drive."
"Okay, ihahatid kita hanggang sa makasakay ng taxi."
"O-okay.."
Tumango ako at sinabayan siyang tumayo. Awkward kaming naglalakad dahil tahimik lang kami pareho. Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante pero walang pakialam si Marcus. Tumatango lang siya, tanda ng pagbati kapag may tumatawag sa pangalan niya.
"Mag ingat ka. Text me when you're home.."
"Okay. Mag ingat ka din pauwi.."
He smiled a little and that's my cue to get inside of the taxi. Kumaway ako sa kanya bago isara ang pinto.
Hanggang sa matapos akong mag dinner mag isa ay kinikilig pa rin ako. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
I'm humming my favorite song while driving my car, on my way to school. Thank god my hand is okay now. Napuna ni Aubrey ang pagka glow ko. Sinabayan ko lang ang biro niya dahil maganda ang mood ko.
Wala ang huling professor ko kaya naisipan kong puntahan si Marcus. Paniguradong magugulat siya dahil maaga ako ngayon. He texted me earlier na kung pwede kaming magmeet ngayon para sa bago naming topic. Supposedly saturday pa sana kami magkikita para sa susunod na lecture. But I agreed with him kasi.. gusto ko din siyang makita at makausap.
Nang makarating ako malapit sa classroom niya ay nahigit ang hininga ko ng nakita ko siya na may kausap. Nakaakbay siya sa babae habang tinatawanan nila ang papel na hawak nito.
Kumirot ang dibdib ko. Nawala ang excitement na nararamdaman ko. Biglang tumaas ang balahibo ko sa aking braso. Hinaplos ko ito at bigong naglakad paalis.
May girlfriend na pala siya? Did I assume too much? Ilang araw pa lang kami magkasama ganito na ang nararamdaman ko.
But.. but he kissed me! He's so sweet of me. He was definitely flirting with me. I felt so.. betrayed.
Fuck! I've kissed and made out with a lot of boys in my high school but I'm not jealous if they found another girl to play with.
It's just a peck of a kiss and why the hell am I so bothered! This is not right. I shouldn't have felt this way. Kailangan ko ng pigilan ito bago pa lumalim at baka.. hindi na ako makaahon.
Nauna na ako at pumunta sa usual place namin para mag study.
Binuksan ko ang libro ko at nakatunganga lang ako doon. Ni isang salita ay walang pumapasok sa isip ko. Pinilit kong mag concentrate kahit na sumasakit na ang ulo ko.
Pagkatapos ng isang oras ay dumating si Marcus. Hinahabol niya ang kanyang hininga at may kaunting pawis sa mukha.
"Nandito ka na pala. Bakit hindi sinasagot ang tawag ko?"
"Oh.. I'm sorry hindi napansin kasi nagrereview ako. Let's start?" peke akong ngumiti sa kanya. Mukhang napansin niya dahil kumunot ang kanyang noo. Ilang segundo niya akong tinitigan bago umupo sa tabi ko.
Tahimik lang kaming nag aral. Nang matapos kami ay agad akong nagliligpit ng gamit. Aalis na sana ako ng hinawakan niya ang braso ko.
"Hey, nagmamadali ka? May pupuntahan ka ba?"
"Yes, thank you for your time.."
Umalis na ako at sinigurado kong hindi niya ako mahahabol. Agad kong pinatunog ang aking sasakyan at sumakay.
Dinikit ko ang aking noo sa manibela at mahinang napa sabunot sa buhok. What the hell is wrong with me!?
Umayos na ako ng upo. Pero nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang nakatayo mapalit sa sasakyan ko, hinihingal. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pinaandar ko na ang aking sasakyan.