Chapter 6

1010 Words
Madalas akong umuwi ng walang tao sa mansyon. It's okay because I don't want to talk to my parents about school stuff. Its draining the hell out of me. Pero napabuntong hininga ako ng makita ko ang kotse nilang nasa garahe. Nandito sila. Nag breathing exercise muna ako bago lumabas ng sasakyan. I need to compose myself. I plastered a fake smile on my face when I went to the dining table. I kissed my parents cheeks as I greeted them. "Kumain ka na, anak," sabi ni mom. Tumango ako at agad na umupo. Nakita ko si daddy habang nag sasandok ako ng pagkain ko. He looks so old and so stressed. Napahinto ako. "Dad...Are you okay?" nag aalala na tanong ko. "I'm fine, anak.." pilit siyang ngumiti sa akin. Napabuntong hininga ang aking mommy at inabot ang kamay ni dad na nakapatong sa lamesa. "Zachary, darling, nahalata na din ng anak mo na hindi ka okay. Magpacheck up na tayo bukas, please?" Napasimangot si daddy. "I can't right now, Mariel. May board meeting pa ako bukas. Magiging busy din ako sa mga susunod na araw dahil sa paparating na event. Hindi pwedeng lumiban.." "But your health is more important," giit ni mommy. Marahang pinisil ni daddy ang kamay na hawak ni mommy. "Huwag na nating pagtalunan ito sa harap ng pagkain at sa harap ng bata, please, darling." Napa buntong hininga si mommy sumusukong tumango. Ngumiti siya sa akin bago ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. Hindi ko mapigilang mag aalala at maawa kay daddy dahil wala siyang katuwang sa opisina. Tumutulong si kuya ng paunti unti kapag may free time siya. Although, hindi siya pinipilit ni dad. Kusa siyang humihingi ng mga pwede niyang gawin dahil baka naaawa na din siya. Noong nagkasakit ang lolo ko ay sa Italy kami nanirahan. Nang namatay siya ay agad kaming umuwi dito sa Pilipinas upang alagaan ang negosyong naiwan. Sa Italy mas gustong magpagamot ng aking grandpa dahil mas advance ang medisina doon kaysa dito sa Pilipinas. And my fathers alone now. Lahat ng trabaho bumagsak sa kanya. That's why he's been pressuring me too. At hindi ko siya masisisi. Pansamantala kong naitabi ang personal kong nararamdaman dahil sa problema sa pamilya. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako upang makapag aral ng muli. Nag scroll muna ako sa aking i********: at nagulat ako ng makita ang post ni Aubrey. "Busy arranging my new crib!" I commented on her post. Tumawag ako sa kanya through a video call, agad naman niyang sinagot. Nakita kong pawis pa siya at may nakakalat na box sa paligid. "Oh my god, Aubrey. You have a condo na? "Yes!" masyang sagot niya "Oh my gosh, I'm so jealous!" Humalakhak siya. "Biglaan ang pagpayag ni daddy kaya grinab ko na ang opportunity baka magbago pa ang isip niya. Kunin mo na ang tabi kong condo. Wala pang nakatira, para magkapitbahay tayo." Pagkatapos ng tawag ay napaisip ako. I want to have a condo too. Iniisip ko na gusto ko din na makatakas sa mga problema dito sa bahay para makapag focus ako sa pag aaral. Pero papayagan kaya ako ng parents ko? Napahinto ako sa pag iisip ng nag vibrate ang phone ko. Kumalabog ang puso ko ng nagtext si Marcus. Marcus: Kumain ka na? Is he fuckung serious? My girlfriend na siya pagkatapos ay ganito ang itetext niya sa akin. f*****g playboy! I ignored his texts at sinimulan ko ng mag aral. Nag bbrate na naman ang phone ko at tamad ko itong inabot. Marcus: I know you're online, Ellory. I saw your comment on Aubrey's post. Are you ignoring me? Shit! Is he stalking me now? I replied hastily. Ako; Stalking me? Napairap ako sa hangin ng mabilis siyang nakapag reply. Marcus: I'm not that creep, Ellory. Biglang nag init ang mukha ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakaramdam ng galit sa reply niya. Ako: Okay. Binaba ko na ang aking phone at hindi na uling pinasin ito. Hanggang sa mapagod akong mag aral at nakatulog na. Kinabukasan ay maganda ang mood ng parents ko. Kaya naglakas ako ng loob na magtanong sa kanila. "Mom, dad, can I get a condo next month?" Sabay silang napahinto sa pagkain at gulat akong tinignan. "Why, anak?" tanong ni mom. Nagkibit balikat ako. "I'm an adult now, mom. Is that enough reason?" Napa buntong hininga siya. Nagkatinginan sila ni dad. "Hindi ka na ba… kumportable dito, anak? Wala naman kami madalas ng daddy mo dito, hija.." "Gusto ko lang po, mom, please?" "Do you know how to cook your own food? Do your laundry or the dishes? Living alone is not easy, hija.." Napanguso ako. Oo nga pala. "But.. I can learn in time?" hesitant na sagot ko. Tumingin si mommy kay daddy upang manghingi ng tulong. "Darling?" "I'll think about it first. Kapag maayos mo na ang grades mo ay there's a big chance na papayagan kita." ani ni daddy. "Really, dad?" tumango siya at ngumiti. "Yes!" Tumayo ako at niyakap ang leeg niya. Napa halakhak siya at tinapik ang braso ko. Nakangiti si mommy habang nakatingin sa amin. Paikot na ako sa parking lot ng naaninag ko si Marcus. Nakahalukipkip siya at masama ang tingin sa sasakyan ko. Bigla akong kinabahan at biglang namawis ang mga kamay ko. What is he doing here? Mabuti na lang ay tinted ang sasakyan ko. I checked myself in my small mirror on my car before going out. I sprayed my favorite perfume and I'm done. Kunwari ay hindi ko siya napansin kaya dire diretso lang akong naglakad. Napasinghap ako ng hinigit niya ang braso ko. Napalingon ako agad sa kanya. Kunwaring gulat sa presensya niya. "Oh, Marcus. May kailangan ka?" "Are you ignoring me?" may diing sabi niya. "Why would I ignore you?" I chuckled a little to hide my nervousness. Tinitigan niya ako ng mariin. "May nagawa ba akong mali?" marahan niyang tanong. "W-wala, ano ka ba.. malelate na ako sa klase ko." I tried to pull back my arm but he won't let go of it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD