"Ihahatid na kita." hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa building.
Nataranta ako. "Hey…" pilit kong hinihila ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan.
"Kaya kong maglakad ng hindi hinahawakan ang kamay ko. At isa pa baka makita tayo ng girlfriend mo! I don't want to be a kabit!" nanggigigil kong bulong sa kanya.
Huminto siya at gulat na humarap sa akin. "Girlfriend?"
"Yes! Maang mangangan ka pa.." inirapan ko siya at tinaasan ng kilay.
Tumawa siya pero walang humor sa kanyang mukha. "Wala akong girlfriend.."
"You're really a damn playboy! Ganyan ang mga linyahan ng mga babaero so spare me with your bullshits! Stop flirting with me!" galit na ani ko sa kanya. Aalis na sana ako ng hinigit niya na naman ang braso ko. "Ano ba?!"
"I'm sorry.. nasaktan ba kita?" tinignan niya ang braso kong namula ng konti dahil sa hawak niya.
"N-no.." sensitive lang talaga ang balat ko.
Tinitigan niya ako. And the way he stares at me he's like looking through my soul. "Wala akong girlfriend. Explain mo sa akin kung paano mo nasabing may girlfriend ako..." marahan niyang sabi.
"I- I saw you yesterday with a girl. Nakaakbay ka sa kanya at.. masaya kayong dalawa!" Biglang lumakas ang boses ko dahil naalala ko na naman.
"Damn.. Ellory, that's my sister."
Hinawakan niya ako sa aking kamay at mabilis na kumalabog ang puso ko. Kabit na naiinis ako sa kanya ay sumama pa rin ako dahil.. marupok ako.
Sa ibang building kami papunta. Sa THM building ang diretso namin. Bigla akong naalarma ng maalalang may klase pa ako.
"May klase pa ako.. mamaya na lang.."
"Sandali lang 'to.."
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko kaya wala akong choice kundi sumabay sa kanya. Pinadaan niya ang kanyang mga daliri sa space ng aking mga daliri.
Namula ako at ramdam ko ang init ng kanyang palad. Ewan ko ba, hindi pa namin napapatunayan na kapatid niya nga yun ay kumalma na ang puso ko.
Nakita namin ang sinasabi niyang kapatid na na nakatambay sa isang puno at parang may hinihintay.
"Jade.."
"Oh, kuya. Ano na naman.." nayayamot na sambit nito.
Napanganga ako at agad kong sinarado ang bibig ko. Totoo nga na kapatid niya. Agad akong pinamulahan. Yumuko ako dahil hiyang hiya ako sa kanya.
"May gusto akong ipakilala sayo.."
Nanlaki ang mata niya at umayos siya ng tayo. Maganda ang kapatid niya at may cute itong bangs. Tamang tama sa baby face niyang mukha.
"Si Ellory.." tumitig siya sa akin "..nililigawan ko…"
Nalaglag ang panga naming pareho ni Jade. Nakangisi lang si Marcus habang nakatunghay sa akin.
"OMG, kuya! Binata ka na! Hi Ellory, ako si Jade.." nakangiti siya habang abot ang kanyang kamay sa akin.
Hinila ko ang kamay ko kay Marcus at agad na tinanggap ang kamay ni Jade.
"Hi.." nakangiwing bati ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay kumakalabog pa rin ang puso ko.
"Ang ganda mo naman! Alam mo may kamukha ka.."
Umiling si Marcus sa kapatid niya.
"Mauuna na kami. May klase pa si Ellory. Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba pumapasok sa klase mo?" nakunot na tanong ni Marcus.
"Hoy hindi ah! Hinihintay ko si Seleena!" defensive na sagot ni Jade.
"Sige... alis na kami."
"Bye, Ellory," kumaway siya sa akin at matamis na ngumiti.
"Bye, Jade.." ngumiti din ako sa kanya.
Hinawakan muli ni Marcus ang kamay ko. Nakatingin siya sa akin ng may matagumpay na ngiti.
Tahimik lang kaming naglakad at ina absorb pa ng utak ko ang mga sinabi niya.
Una, kapatid pala niya ang pinagseselosan ko, lintek! Nakakahiya. Pangalawa, hawak siya ng hawak ng kamay ko at nadidistract ako sa init ng palad niya. Pangalto, liligawan daw niya ako?
Hindi ko namalayan na sa pag iisip ko ay nakarating na kami aa classroom ko. Halos hindi ko siya matignan ng maayos dahil sa kahihiyan
"Totoo ang sinabi ko. Liligawan kita.. "
Umangat ang tingin ko sa kanya. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa kanyang slacks. Natuwa ako ng nakita kong medyo kinakabahan siya.
Napanguso ako at tumango. "Sige.."
Lumiwanag ang kanyang mukha. Mayabang siyang ngumisi, para bang hindi kinakabahan kania.
"I'll text you later. Sabay tayong mag lunch."
"Okay. Papasok na ako sa loob.."
"Bye.." tumingin siya sa labi ko bago umangat ang kanyang ngiti sa aking mata.
"Bye," nanghihina kong sabi.
Nakangiti ako habang paupo sa dabi ni Aubrey. Nakatawa naman ang mukha niya at tinuturo ako.
"Alam mo masyado kang obvious, Ellory. Look at your face, you're blushing!"
Napakagat naman ako ng labi. "Is it really that obvious?"
"Oo! If I didn't know you, I would think that you're in love with him na agad."
Napahinto ako at napatingin sa kanya. Nalaglag ang panga niya ng marealize ang sinabi niya.
"Are you.. for real!? You're in love with him? Oh my god, Ellory. That is too damn.. fast!" she exclaimed to me.
"You think?" nakangiwi kong tanong. "I.. I'm always thinking about him these past few day and grabe ang saya ng puso ng sinabi niyang liligawan niya ako."
"Wow! That was one hella move!"
Nagtatawanan kami hanggang sa dumating na ang professor namin. Inspired akong mag aaral ngayon at wala ng makakabali ng mood ko kahit pa tingin ng tingin sa akin si Noah at mag aasar na naman. Hindi ko na siya pinapansin. He's not worth my time anymore.
I felt like I was walking on clouds when I saw Marcus leaning on the railing outside of my classroom, waiting for me, like he always did.
Nagtext siya sa akin na susunduin niya ako para makapag review kami dahil hindi kami natuloy kahapon.
"Akin na yang bag mo.." nilahad niya ang kanyang kamas sa harapan ko.
"Bakit?"
"Ako na mag bibitbit.."
Nawierduhan ako sa kanya pero binigay ko pa rin.
"And the book, Ellory."
"Kaya ko naman.."
Hinila niya ang libro ko sa akin. Bitbit niya ito sa kaliwang kamay kasama ang bag ko. Ang kanang kamay niya naman ay kinuha ang kaliwang kamay ko upang magkahawak kaming maglakad.
Napanguso ako at pinipigilan ang sarili kong magwala. Nag aalboruti na ang puso ko, siguradong pulang pula na naman ang mukha ko.