"W-WALA. WALA NAMAN," mabilis na tugon ni Christine dahil bahagya na rin siyang tinablan ng hiya. “By the way, thank you sa paghatid ninyo sa akin ni Madz dito sa kuwarto natin,” paglihis na lang ng usapan. Naisip niya kasi na baka maoffend na niya ito sa mga tanong niya. “You’re welcome,” tugon naman ni Danica, “Hindi ka rin namin pwedeng pabayaan ni Madz lalo na’t binilin ka sa amin ni Congressman Tan. Basta kapag may problema ka, tawagan mo lang kami ni Madz. Okay?” “Thanks!” maikling sagot na lang ni Christine, at saka na siya nagpaalam para tapusin na ang pag-uusap nila. Pagkaraan ay marahas na hininga na lang pinakawalan niya bago na niya naisipang ilapag ang kanyang cellphone sa tabi ng box. Nagpasya na rin siyang magtungo ng banyo para maligo na. Nagdesisyon siyang puntahan si

