KASALUKUYANG MALALIM ANG iniisip ni Christine nang maputol ang video, at biglang nag-appear sa screen ng TV ang isang larawan ng taong may suot na hooden jacket. Halos mapatalon siya sa matinding pagkagulat dahil sa malakas na halakhak na kumawala roon. Alam niyang hindi na siya ligtas sa kuwartong iyon kaya naman nagtangka na siyang tumakbo patungo sa pintuan. Pero hindi pa naiihakbang ni Christine ang mga paa niya nang makaramdam siya bigla ng pagkahilo. Mabuti na lang ay mabilis siyang napakapit sa kama kaya hindi siya tuluyang bumagsak. Pilit niyang iginagalaw ang kanyang mga paa kahit na unti-unti na rin niyang nararamdaman ang pagkamanhid nito. Bumibigat na ang pakiramdam niya, at parang hindi na kayang buhatin pa ang kanyang sarili. Nasa gitna ng pamamanhid ng kanyang k4tawan nang

