"HINDI MO PA RIN makontak si Sam?" Kasalukuyan na silang nasa byahe patungong hotel nang marinig ni John ang pagtatanong na iyon ni Kath. Hindi niya alam kung matatawa ba siya dahil pekeng-peke ang kaputian nito. Mukha na itong nakulangan ng dugo sa kakaturok ng glutathione. Samantalang noong mga bata pa sila ay hindi naman talaga ito maputi. Kapansin-pansin sa itsura nito ang pagkakaroon insecurity. Halatang-halata nga, dahil sa pagiging only child nito ni Congressman Tan kaya nanalo ito noong bilang President ng Student Council ng school nila. Samantalang kasing liit lang naman ng utak nito ang utak ng isang kuto. Ang natatandaan niya, si Danica pa nga ang gumawa ng plataporma nito noong school campaign. Utak kuto talaga! Sarap tirisin! "Ga'nun talaga 'yun!" tugon naman ni James at

