NARAMDAMAN NI JOHN ANG pagpatak ng kanyang luha. Pero mabilis din niya itong pinunasan. Kahit ilang beses pa siyang umiyak, hindi na magbabago ang lahat. Hindi na magagawang pagalingin ng luha ang sugat ang kanyang puso. Madilim na ang buong paligid, pero wala pa ring balak si John na buksan ang ilaw. Gusto muna niyang ipanatag ang kanyang isipan at kalooban. At pagkatapos ng kasal na ito, gagawin na niya ang nararapat. At handa na niyang talikuran ang lahat, alang-alang kay Aimee. Ang buong akala ni John ay hindi na magbabago ang masasayang araw na magkakasama sila. Pero binago iyon nang simulang ligawan ni James si Aimee. Lihim na nasasaktan si John sa tuwing nahuhuli niya sina James at Aimee na naglalambingan. Lihim rin niyang pinagdasal noon na sana siya na lang si James. Kaya nama

