NAISIPAN NANG MAGTUNGO ni John sa banyo. Pagkapasok niya roon ay kaagad niyang nakita ang eleganteng bathub. At tamang-tama ang lugar na iyon sa gagawin niyang laro. Alas-tres palang ng madaling araw kaya naman sobrang tahimik ng paligid. Pinuno na ni John ng tubig ang bathtub. At habang hinihintay niyang mapuno ito ay muli niyang pinanuod ang video, at masuring pinag-aralan ang mechanics ng ‘Bath Game’ ayon kay rules ni Christine. Nagdesisyong siyang seryosin ito lalo na sa huling sinabi ng nilalang na iyon sa video. "Kapag nagawa ko ng tama ang larong ito, mahahanap ko na ang sagot sa matagal ko nang tinatanong sa sarili ko," bulong ni John sa kanyang sarili. Isang tanong lang naman ang gumugulo sa isipan niya noon pa naman. “Nasaan si Aimee?” Kung si Christine ang may pakana ni

