DAIG PA NI Ike ang nagising sa pinakamalalim na pagkakatulog nang bigla siyang napabalikwas sa kanyang higaan. Muli siyang nagpasalamat dahil nananaginip ulit siya. Alam niya ang tawag sa ganitong panaginip. Lucid Dream. Ito iyong senaryo na nananaginip ka sa mismong panaginip mo. Marahil dahil sa magulo ngayon ang kanyang pag-iisip. At dala na rin ng matinding konsensyang nararamdaman niya para kay Samuel, kaya lagi niyang napapaginipan na gusto siyang p4t4y!n nito. Alam niyang posibleng senyales iyon na kailangan na niyang hininto kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Christine ganoong alam na ni Samuel ang pagtataksil niya. Kasalukuyan nang pinapakiramdaman ni Ike ang kanyang sarili nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niyang nabasa ang pangalan ni Christine sa screen

