"P4T4Y NA SI AIMEE?" Nanlaki ang mga mata ni Ike nang tingnan niya ang kaibigan na si James. "Namatay daw sa panganganak. Dahil sa hirap at sobrang stress nadamay pati ang anak namin," tugon ng binata at bakas sa mukha ang kalungkutan. "A-Alam ba ito ni John?" Usisa ni Ike. Umiling si James, "Ikaw palang ang pinagsabihan ko tungkol dito. Sigurado akong kukunin ni John ang pagkakataon na umattend sa kasal namin ni Kathleen para hanapin si Aimee." "Talagang malakas ang kontrol ni Kathleen dahil nagawa niyang kumbinsihin ang mgamagulang ninyo na pauwiin si John," natatawang umiling na lang si Ike. "Malaki ang expectations ni Kathleen sa wedding. Pero hindi niya alam, ang dalawang abay niya ay hindi makakarating!" Natatawang komento ni James. "Dalawa?" Napakunot ang noo ni Ike. "S

