HINDI NA ALAM NI CHRISTINE KUNG ILANG ORAS na siyang nakatitig sa kisame habang nakababad ang buo niyang kat4wan sa bathtub. Kung hindi pa niya narinig ang pagpatak ng ulan na tumatama sa bintana ay hindi pa niyang maiisipang sumilip roon. Doon na rin niya namalayan na umuulan na pala sa labas. Umuulan na wari’y nakikisimpatiya ang kalangitan sa kalungkutang nararamdaman niya. Aaminin niyang nasasaktan siya ngayon. Dumagdag pa ang pakiramdam niya na natamaan rin ang kanyang ego. Lihim siyang naiinis sa kanyang sarili, hindi naman kasi niya dapat maramdaman ang ganito. Alam naman niya na sa simula pa lang ay isang laro lang ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Ike. Si Ike, ito ang nagiging takbuhan ni Christine sa oras na may hindi sila pagkakaunawaan ni Samuel. Ito ang lagi niyang nasasa

