LIHIM NA NAGPAPASALAMAT si Samuel dahil halos dalawang linggo na rin ang lumipas simula nang mabigo niyang gawin ang Stranger's Challenge ay wala pang masamang nangyayari sa kanya. Pero ayaw naman niyang maging kampante, lalo pa’t hindi pa niya ina-upload ang video na inedit ni Madz. Hindi naman sa natatakot siyang i-upload ito, medyo disappointed lang talaga siya sa tunay na naging resulta ng laro. At isa pa, after nang gabing iyon ay hindi pa sila nagkakapag-usap ni Ike. Aaminin niya, sumama talaga ang kanyang loob sa mga kaibigan niya. Kaya nagpasya na rin muna siyang hindi magparamdam sa mga ito.
Pero hindi na nakatiis pa si Samuel. Nagawa rin niyang tawagan si Christine para sabihin kung nasaan siya.
"Finally, nagparamdam ka rin!" Bungad ni Christine sa kabilang linya.
Nagtungo si Samuel sa balkonahe ng mga sandaling iyon, "Pasensya ka na, mahina kasi ang signal rito sa Batangas."
"Batangas? Sa resthouse ng Mommy mo?" Paninigurong tanong ni Christine.
"Yes," maikling tugon ni Samuel. At saka siya napatingin kay Harlene nang lumapit ito sa kanya. Sinenyasan niya itong lumayo muna sa kanya.
Pero sadyang may pagkapilyang ang dalaga. Nakangisi itong lumuhod sa harapan ng binata.
"Oi!" Bulaslas ni Samuel.
"Oi?" Tanong naman ni Christine sa kabilang linya.
"W-Wala may....m-may pinakita lang saglit sa akin si Mang Yul. Nakahuli siya ng malaking isda!" Pagsisinungaling ni Samuel habang palihim niyang sinasaway si Harlene.
"Shhh...." Senyas lang ng dalaga, at nakangiti nitong i-unzip ang pants ng binata.
Napahugot na lang ng malalim na buntong-hininga si Samuel nang hawakan ni Harlene ang kanyang alaga. Automatiko itong tumayo at nagalit na parang sabik na sabik na makita ang dalaga.
"Pupunta ka pala d’yan bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” hinanakit na sabi ni Christine sa kabilang linya. May konti ring pagkainis ang timbre ng boses nito. Galit ito dahil hindi man lang siya nagpaalam rito ng personal. Sinadya talaga niya iyon dahil alam niyang magpupumilit lang itong sumama sa kanya, eh gusto nga niyang makapag-isa.
Pero mag-isa nga ba talaga siya?
Halos ipitin ni Samuel ang kanyang boses para pigilan niya ang ungol na gustong kumawala sa kanya. Hindi rin niya alam kung alin ang bibigyan niya ng atensyon, ang pag-uusap nila ni Christine o ang ginawang init ni Harlene
“Ano naman ang naisipan mo’t nauwi ka d’yan ngayon sa Batangas? Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa amin dahil sa mga nangyari?” sunod-sunod pa ring tanong ni Christine.
“H-Hindi,” pagsisinungaling ni Samuel at kusang nang napaawang ang bibig niya dahil sa kakaibang init na nararamdaman niya sa mga sandalinng iyon , “A-Alam mo....n-naman na hindi ako komportable.... Hughhhh.... k-kapag... n-nasa bahay ang Daddy ko at ang asawa niya, diba?”
"Okay ka lang?" Biglang sita ni Christine.
'H-Ha?!" Para namang natauhan si Samuel, "S-Sorry, baby!" Hindi na napigilan niya ang magpakawala ng ungol, "I'm m**********g right now! N-Narinig ko kasi ang boses mo, at namiss kita!"
"Really, huh?!" May pagdududang ganti ni Christine, "Bakit hindi mo kaya buksan ang camera mo, para makita mo ako?"
Natigilan si Samuel. Hindi na niya alam ang isasagot kaya natahimik siya. Nagulat na lang siya nang agawin ni Harlene ang kanyang cellphone, at ito mismo ang nagdisconnect ng tawag, "What are you doing?" Inis niyang tanong.
"Para wala nang istorbo!" Pilyang sagot ng dalaga.
Pero inis lang na inagaw ulit ni Samuel ang kanyang cellphone, "Akala ko ba okay lang sa'yo may girlfriend ako?"
"Tama, pero ayoko kasing may ibang kausap ang taong pinapaligaya ko," ngumisi ang dalaga.
Bahagya nang itinulak ni Samuel ang dalaga palayo sa kanya. At saka na niya muling sinara ang zipper ng kanyang pantalon, "Alam mong andito ang magulang mo tapos ganyan ka? Paaano kung mahuli nila tayo?"
"Eh di lagot ka sa tatay ko!" Parang batang nanakot pa si Harlene.
"A-Alam mo ikuha mo na lang ako ng malamig na beer sa ref!" Utos na lang ni Samuel.
Parang bata namang sumimangot si Harlene. At padabog itong naglakad patungo sa kusina. Halos hindi pa rin mapinta ng mukha nito nang bumalik sa balkonahe at inilapag sa center table ang naturang inumin, “Ito na po ‘yung pinalamig ninyong beer.”
"Pwede mo na akong iwan," seryosong utos ni Samuel.
"Pero... "
"I said, pwede mo na akong iwan!" Diin ni Samuel na medyo tinaasan na niya ang timbre ng kanyang boses.
Muling sumimangot si Harlene, at padabog itong umalis.
Nadinig pa ni Samuel ang malalakas na yabag ng paa nito. At nakita pa niya mula sa kanyang kinaroroonan ang pag-dirty finger nito sa kanya.
Natawa na lang si Samuel. At nang muling mapag-isa si Samuel ay tinuon na lang niya ang kanyang buong atensyon sa pagbabasa ng mga Email na pinadala sa kanya ng ilan niyang fans. Hindi na niya alam kung gaano na siya katagal sa pagbabasa nang hindi niya namalayang naubos na pala niya ang beer na binigay sa kanya ni Harlene.
Hindi na nag-effort pa na tawagin ni Samuel ang dalaga. Ayaw na muna niya itong makita dahil sa ginawa nito. Siya na lang mismo ang nagkusang pumunta sa kusina para kumuha ulit ng panibagong inumin.
Nasa kusina pa lang si Samuel ng mga sandaling iyon ay sinimulan na niyang tunggain ang beer na nakuha niya. Pero bigla siyang natigilan nang makarinig siya ng kaluskos na nagmula sa balkonaheng pinanggalingan niya. Sinubukan niyang sumilip mula sa kanyang kinaroroonan pero wala naman siyang nakitang anumang kakaiba roon. Kaya naman nagawa na lang iyong balewalain.
Naisipan nang bumalik ni Samuel sa kanyang ginagawa habang panay pa rin ang pag-inom niya ng beer. Hindi pa siya tuluyang nakakaupo ay kaagad na niyang napansin na nakaopen ang kanyang laptop sa MS WORD, at kaagad rin niyang nabasa ang nakatype roon.
“You’re failed!”
Dalawang salita lang iyon pero mabilis na binalutan ng matinding takot si Samuel. Alam kasi niyang hindi roon naputol ang binabasa niya kanina.
Nagsimula nang magpalinga-linga si Samuel sa paligid. Hindi niya alam kung may gusto lang bang mang-prank sa kanya. Pero sino naman? Imposibleng si Harlene dahil 'ni minsan ay hindi niya nakitang hinawakan nito ang laptop niya.
Isang malakas na kalabog ang narinig ni Samuel na siyang labis niyang kinagulat. Napalingon muli siya sa kusina dahil alam niyang doon nanggaling iyon.
“M-Mang Yul?” tawag niya.
Naramdaman ni Samuel ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib dahil sa katahimikan na tumugon sa kanya.
"Aling Margen? Harlene?"
Pero katahimikan pa rin ang sumagot kay Samuel. Aktong babalik pa sana siya sa kusina nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. Mabilis naman siyang nakahanap ng pagkakapitan kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig. Pero ramdam na ramdam niya ang pamimigat ng kanyang ulo. Alam niyang hindi ito simpleng hilo lang dahil hindi naman niya ugali ang malasing kaagad sa dalawang bote lang ng beer.
Unti-unti na rin nararamdaman ni Samuel ang pamamanhid ng kanyang mga paa at kamay na siyang labis na niyang kinatakot. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon? At kung bakit bigla siyang nakakaramdam ng ganito?