"ANO PA'NG KALOKOHANG pinaggagawa mo?!” Singhal pa rin ni Aling Lupe, at para na rin itong sinasapian ng kung anong masamang espiritu, “Napanuod ng dalawang mata ko ang video n’yo ni John. Tapos sasabihin mong buntis ka, at si James ang ama?”
“M-Matagal na po kaming may relasyon ni James,” umiiyak nang pag-amin ni Aimee, “Siya po talaga ang boyfriend ko! S-Siya po talaga ang ama ng dinadala ko!”
“Alam mo ba ang mga pinagsasabi mo? Magkapatid ‘yun! Aimee! Magkapatid! Kahit saang anggolo, ikaw ang mali!” nanginginig na sigaw pa rin ng Ginang, at pulang-pula na ang mukha nito dahil sa sobrang galit, “Hindi kita ganyan pinalaki! Napakatalino mo pero hindi ko akalain na ganyan ka kalandi!”
Halos hindi na makagalaw pa si Aimee nang magawa na siyang sabunutan ng kanyang ina. Sa pagkakataong iyon, naramdaman na niya ang pagpalupot ng mga nagagalit nitong mga daliri sa mahahabang hibla ng buhok niya.
“Nay, tama na po!” umiiyak na ring umawat si Meeya.
Ramdam na ramdam ni Aimee ang sakit na pananabunot sa kanya ng Ina. Pero sa isang iglap lang ay biglang silang sinakop ng katahimikan na siyang pare-parehas nilang pinagtaka. Naramdaman na rin ni Aimee ang pagluwag ng pagkakasabunot nito sa kanya. At nang mapatingin siya sa mukha nito ay ganoon na lang ang laking-gulat nila ni Meeya. Nakita nila kung papaanong tumirik ang mga mata nito. At halos pare-parehas rin silang nataranta nang magsimulang mangisay ito sa kanilang harapan.
“N-Nay! Nanay!” natatarantang tawag ni Aimee, at nagawa pa niyang yugyugin ito.
“Nay!” umiiyak na ring sambit ni Meeya. At saka ito tumakbo palabas ng kanilang bahay para humingi ng tulong, "Tulong! Tulungan n'yo kami!" sigaw nito.
Sa tulong ng mga kapit-bahay, naisugod nila sa pinakamalapit na hospital ang kanilang Ina. Ang buong akala ni Aimee ay magagawa pa nilang masagip ang buhay ng kanilang Ina pero death-on-arrival na ito. Cardiac arrest o atake sa puso ang sanhi ng pagkakamatay nito. Walang sinuman sa kanila ni Meeya ang nakakaalam na matagal na palang itong may dinaramdam na sakit pero nagawa nitong ilihim sa kanila.
Pakiramdam ni Aimee ay biglang gumuho ang kanyang mundo. Sa isang iglap lang, binawi ang lahat sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasan na itanong sa kanyang sarili kung may nagawa ba siyang malaking pagkakasala kaya pinaparusahan siya ng ganito? Kinuha na ang taong pinakamamahal niya, iyon ang kanyang ina. Alam niyang wala namang ibang dapat sisihin sa mga pangyayari kungdi siya lang. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang Ina. Napakawalang kwenta niyang anak!
“Paano na tayo ngayon, Ate?” umiiyak na tanong ni Meeya habang kapwa sila nakatayo sa harapan ng morgue.
“Hindi ko alam?” naguguluhan umiling si Aimee.
Muling umiyak si Meeya.
At dahil sa matinding konsensyang nararamdaman ni Aimee ay hindi na niya magawang pang hawakan ang kapatid. Hindi niya alam kung papaano niya papawiin ang kalungkutan at pangungulila nito.
Napahawak na lang si Aimee sa kanyang ulo. Pakiramdam kasi niya ay parang sasabog na utak niya kakaisip kung ano ba ang susunod na gagawin nila. Wala kasi ibang sumasagi sa isipan niya sa mga sandaling iyon kungdi ang sumunod sa kanyang Ina.
At kitilin ang sarili niyang buhay.
-------
LUMIPAS ANG LIMANG TAON...
"Oh, Sam! Deeper! Idiin mo pa, Sam! Faster, Honey! Fasssttteeerr!"
Para talagang musika sa pandinig ni Samuel ang bawat pag-ungol ng girlfriend niyang si Christine. Nararamdaman na rin niya ang pagbaon ng mga kuko nito sa kanyang likuran hudyat na malapit na nitong maabot ang kalangitan inaasam nila.
He pushes harder, and deeper, and faster!
“I-I’m c*****g, Sam!” tumitirik pa ang mga mata ni Christine.
Halos malapit na nilang makamit ang tagumpay sa mga sandaling iyon nang bigla silang makarinig ng malakas na pagkatok mula sa pintuan. Balak pa sanang dedmahin iyon ni Samuel pero nadinig niya ang matining na boses ng step-sister niyang si Jazz!
“Open the door!” malakas na pag-uutos nito na akala mo ay ito ang nagmamay-ari ng bahay.
Aywan nga ba ni Samuel, bakit kasi sa dami-daming babaeng na pwedeng ipalit ng Daddy niya sa pumanaw nitong asawa, ang nakuha pa ay ang secretary nito. Nagkaroon pa tuloy siya ng instant kapatid na sobrang eskandalosa ng bunganga! And take note, silang dalawa lang ngayon sa bahay dahil ang Daddy niya at Mommy nito ay nag-out-of-town, at one-week na mawawala. Okay na sana ang lahat. Magagawa na sana niya ang kanyang gusto, katulad ng ginagawa niya dati. Magpapa-house party sana siya kaso ang asungot niyang step-sister ay daig pa ang twenty-four seven na barangay tanod na todong nakabantay sa kanya. Hindi niya alam pero may kutob siyang sinadya ng kanyang Daddy na iwan si Jazz para mag-spy sa bawat galaw niya, at may magsumbong!
“Kapag hindi mo ‘to binuksan, isusumbong kita kay Tito na nagdala ka ng babae sa bahay!” pagbabanta na nito.
“Pagbuksan mo na,” natatawang utos na rin ni Christine.
Hindi maiwasan ni Samuel ang mapamura dahil sa pagkabitin. Dismayado na siyang bumangon. Dali-dali na niyang sinuot ang kanyang boxer short, at inis na siyang nagtungo sa pintuan.
“What?!” pasigaw na niyang bungad sa kinse anyos niyang step-sister.
“Special delivery!” masiglang sabi nito. Ang kaninang maala-wangwang nitong boses ay biglang naging malambing nang magkaharap na silang dalawa. At saka na rin nakita ni Samuel ang hindi gaanong kalakihang box na bitbit nito.
“Wala akong ineexpect na package ngayon!” inis niyang sabi sabay ang pagsara ulit ng pinto.
Pero hindi sumuko si Jazz. Muli itong kumatok ng pagkalakas-lakas.
Para namang narindi ang dalawang tenga ni Samuel dahil sa sobrang ingay. Kaya wala na siyang nagawa pa kungdi ang muli itong pagbuksan. Baka kasi isipin ng mga kasambahay nila, binubully na naman niya ito.
“Nakapangalan siya sa’yo, oh!” turo nito sa nakadikit na sticker.
Napakunot ang noo ni Samuel nang mabasa niya ang kanyang pangalan na nakasulat roon. Katibayan na para sa kanya nga ang package na iyon. Kahit wala naman talaga siyang natatandaan na may inorder siya sa online ay nagawa pa rin niya iyong tanggapin, “Sino’ng nagdeliver nito?” inis niyang tanong kay Jazz dahil wala rin siyang mabasang pangalan ng sender.
Napakipit-balikat ang dalagita. At aktong magsasalita pa sana ito nang walang anu-ano ay pabalang nang pinagsarhan ulit ni Samuel ito ng pintuan. Nadinig pa niya ang nanggagalaiting reaksyon ni Jazz na siyang labis na kinatuwa niya. Pagkaraan ay inis na niyang nilapag ang naturang box sa ibabaw ng kanyang study table.