Chapter 7

1094 Words
"AALIS NA TAYO RITO!" tanging nasabi ni Aimee sa kanyang kapatid. At aktong papasok na siya sa bahay nang pigilan siya ni John. “Ano’ng aalis? Aalis kayo sa bahay?” gulat na tanong ni John. Matapang na tinignan ni Aimee ang binata. At aktong magsasalita pa sana siya nang may marinig silang pamilyar na boses. “Dapat lang!” Sabay-sabay silang napalingon sa gate nang marinig nila ang malakas na boses ni Madam Juliet. Nanlilisik ang mga mata nitong nilapitan si Aimee, at saka malutong na sampal ang binigay nito sa dalaga. Aktong mamagitan pa sana si John pero nagawa nang hilain ng Ginang si Aimee papasok sa loob ng bahay nito. "Ate!" malakas na tawag ni Meeya. "Aimee!" gulat din ni John at nagmamadaling sumunod papasok sa loob ng bahay. Nagawa na ni Madam Juliet na kaladkarin si Aimee papasok ng pamamahay nito, “How dare you!?” galit na galit pa nitong pinagduduro ang dalaga, “Ang kapal din ng mukha mo! Kung alam ko lang na nag-aalaga ako ng higad sa loob ng pamamahay ko, matagal ko na sana kayong pinalayas!” “Ma, enough!” mabilis na awat na ni John sa ina nito. Doon na rin lumitaw si James, at nagawa nitong awatin ang nagwawalang ina. Nagtama ang paningin nila Aimee at James pero kaagad na umiwas ang dalaga. Ayaw niyang ipakita rito ang pag-iyak niya. Pero hindi niya maiwasan ang makadama ng matinding pagkahiya dahil sa mga nangyari. Pinapanalangin na lang niya na sana ay lamunin na lang siya ng lupa, at bigla na lang siyang mawala sa harapan ng mga ito. “Ano na naman ba ‘to, John?” baling ni James sa kapatid nito. "Ako pa talaga? Ha, James?" balik ni John. Natigilan naman si James dahil sa panunutyang tingin ng kapatid. “Ang kapal rin ng mukha mo’ng babae ka!” nanggagalaiti pa ring sigaw ni Madam Juliet kay Aimee, “Kitang-kita ko sa video kung paano mo landiin ang anak ko!” Hindi na nakakibo si Aimee. Patunay lang na napanuod na rin nito ang video na iyon. “A-Ano’ng video?” naguguluhang tanong ni James. “Sige, umarte ka pang inosente d’yan!” galit na baling ni John sa kapatid. "W-Wala akong alam sa sinasabi mo!" galit na ring balik ni James kay John. Nasa ganoon silang scenario nang dumating na si Aling Lupe. Bumungad sa paningin ni Aimee ang hindi maipintang mukha ng kanyang ina. At halos tunawin siya sa pamamagitan ng mga tingin nito. Pero hindi katulad ni Madam Juliet, naging tahimik lang ito. "Hayyy!!! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Napakalaking eskandalo ang ginawa ng anak mo, Lupe!" nanggagalaiting turan ni Madam Juliet. "Pasensya na po, Madam!" pagpapakumbabang sabi ni Aling Lupe "Mabuti pa, lumayas na lang kayo rito sa pamamahay ko!" pagtataboy ni Madam Juliet sa mag-iina. "Paki-usap, Madam!" biglang lumuhod si Aling Lupe sa harapan ni Madam Juliet, "Aalis po kami sa bahay po ninyo, pero huwag po ninyong alisin ang scholarships ng mga anak ko!" Marahas na hininga ang pinakawalan ni Madam Juliet sabay tingin ng masama kay Aimee. Si Aimee naman napayuko na lang. Hindi na niya kaya pang makita ang pagmamakawa ng kanyang ina para sa kanilang dalawa ni Meeya. Para siyang nilalamon ng matinding kahihiyan sa panmamaliit na ginagawa sa kanila ni Madam Juliet. “Magsilayas kayo sa pamamahay ko!” sigaw pa rin ni Madam Juliet. Si Aling Lupe ang sumalo sa mga masasakit na salitang lumalabas sa matalas na bibig ng kanilang amo. “Ayoko nang makita ang pagmumukha ninyong mag-iina sa pamamahay ko. Sobra-sobra na kahihiyang binigay ninyo sa aking pamilya! Huwag kayong mag-alala, hindi naman kami ganoong kasama para palayasin kayo na walang laman ang inyong bulsa! Pero nakikiusap ako, hangga’t maaari. Huwag na huwag na kayong magpapakita sa amin!” ito ang mga huling sinabi ni Madam Juliet bago sila tinalikuran. "Aimee," pagtangka pang paglapit sa kanya ni John. "John!" pasigaw na tawag ni Madam Juliet sabay hila sa anak, "Ikaw din James!" Tumalikod na rin si Aimee. At nagtungo na siya sa kanilang maliit na kuwarto sa likod-bahay ng mga Ramos. At dahil na rin sa katayuan ng kanilang buhay, wala silang ibang magawa kungdi tanggapin ang mga paratang nito. Nang araw ding iyon ay nagsimula na silang mag-impake. Simula noon ay hindi na nagawa pa ni Aimee ang pumasok sa eskwelahan. Napadpad sila sa isang squatter area kung saan nakakuha ng maliit na apartment roon ang kanilang ina. “Kalimutan na natin ang lahat. At magsimula muli tayo,” payo ng Nanay nila. At pilit na pinapasigla ang boses kahit pa halata ang matinding kalungkutan nito. Lihim na nasasaktan si Aimee dahil simula nang umalis sila poder ng mga Ramos ay hindi pa siya kinakausap ng kanyang Ina. Ramdam na ramdam niya ang galit nito sa kanya dahil sa kanyang ginawa. Lumipas pa ang ilang araw. Kasalukuyan siya noong naglalaba nang bigla siyang komportahin ni Meeya. “Ate, totoo ba? Buntis ka?!” bungad na tanong nito sa kanya. Natigilan na si Aimee. At lihim siyang napamura dahil wala siyang ideya kung paano natuklasan ni Meeya ang tungkol sa bagay iyon. Samantalang, todo-ingat siya sa kanyang kinikilos. Alam naman niyang mabubunyag rin ang katotohanan sa kanyang pagbubuntis, pero hindi niya akalain na mapapaaga ito. "Si Kuya John ba? O si--" nanginginig na tanong ni Meeya. Aktong aawatin na sana ni Aimee si Meeya nang makita niya ang kanyang Ina sa likuran nito. Halos hindi siya makagalaw sa kinalalagyan niya habang pinagmamasdan niya ang reaksyon ng mukha nito. At kahit hindi niya ito tanungin, alam niyang narinig nito ang sinabi ni Meeya. “Buntis ka?” paniniguro nitong tanong. Napalunok si Aimee. “Nalintakan na!” bumakas ang pag-aalala sa mukha ng kanyang Ina, nagpalakad-lakad na ito, “Matagal na ba kayong may relasyon ni John?” Umiiyak na umiling si Aimee. “K-Kakausapin ko ang magulang niya, hindi p’wede—” aktong tatalikuran na sana sila ng kanilang ina nang mabilis iyong pinigilan ni Aimee. “Nay, h-hindi po si John…” pag-amin niya, “…Si…S-Si James po! S-Si po James ang nakabuntis sa akin!” “A-Ano’ng sabi mo?!” nanlaki ang mga mata ng kanyang Ina. At halos hindi ito makapaniwala sa mga narinig. Ilang segundo rin siyang mariin na tinitigan nito na para bang pilit na inuunawa ang mga huling salitang lumabas sa bibig ng anak. Ilang saglit pa, malakas na sampal na ang binigyan nito sanhi ng pagkakasubsob sa sahig ni Aimee. “Ate?!” Madali namang sumaklolo si Meeya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD