Chapter 6

1123 Words
NARAMDAMAN NI AIMEE ANG mainit na pagtugon ni John sa mga halik niya. Pero para naman siyang natauhan kaya mabilis rin niya itong itinulak na para siyang napaso. Ilang segundo rin silang nakatitigan, at para bang huminto ang oras sa pagitan sa kanilang dalawa ni John. “Let’s party!” biglang sigaw ni Samuel na naging hudyat para muling magsayawan ang lahat. Natabuan na ng mga taong nagkakasiyahan sila Aimee at John. At parang sinadya pa silang banggain ng ilan kaya muling nagkadikit ang katawan nilang dalawa. “Aimee…” Sa kabila ng ingay ng buong paligid ay narinig pa rin ni Aimee ang pagtawag ni John sa pangalan niya. Nagsimula ring umangat ang kanang kamay nito patungo sa kanyang mukha. Parang nakaramdam pa nga siyang kuryente nang dumampi ang dulo ng mga daliri nito sa pisngi niya. Wala na siyang nagawa pa kungdi ang pumikit nang mapansin niya ang unti-unting paglapit ng mukha nito sa mukha niya. At hindi nagtagal ay naramdaman niya ang muling paghalik ni John sa mga labi niya. Parang hindi na makontrol ni Aimee ang kanyang sarili. Hindi na niya alam kung anong nagtulak sa kanya, at nagawa na niyang sumama kay John nang yayain siya nitong humiwalay sa iba. Wala na siyang pakealam kung nasaan man sila magpunta, o kung saan mang parte ng mansion iyong siya dalhin ni John. Dahil para sa kanya, hindi na niya nanaisin pang mawala ang maiinit at mapupusok na halik na namamagitan sa kanilang dalawa. “J-James…” wala sa loob na sambit ni Aimee. Saglit na natigilan si John sa ginagawa nito. Pero hindi hinayaan ni Aimee ang kanyang sarili na mabitin sa ganoong sitwasyon. “I’m yours…” masuyong bulong niya sa tenga ni John. At saka muli niyang siniil ito ng halik. Siya na rin ang kusang nagtanggal ng mga damit nito. At hinayaan niyang gawin ni John ang nais nitong gawin sa katawan niya. Halos mapaliyad si Aimee nang maramdaman niya ang pagpasok ng sandata ni John sa kanyang kayamanan. At halos umalingawngaw rin sa bawat sulok ng silid na iyon ang kanyang pag-ungol. “A-Aimee…” usal ni John. “Faster, Johnnn….” Nanginginig niyang utos sa binata na kaagad naman nitong sinunod. At halos tumirik na ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang mabilis nitong pagbayo, “J-Johnnnn… I-I’m…I’m c*****g!” Hindi na rin niya napigilan ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa likuran ng binata nang maramdaman niya ang unti-unting pag-abot niya sa kalangitan. “A-Aimee…” lalo pang naging agresibo si John. Pagkaraa’y mahigpit pa siya nitong niyakap. Narinig pa niya ang paghingal nito na para bang kay layu-layo ng kanilang nilakbay samantalang naroroon lang naman sila sa silid na iyon. Halos hindi na matandaan ni Aimee ang mga sumunod na nangyari. Paggising niya kinabukasan, laking gulat niya nang bumungad sa kanyang paningin si John. At kahit tirik na ang araw ay naroroon pa pala sila sa abondunadong mansion na iyon. Kapwa pa silang walang sablot kaya lalo lang siya nataranta. Dali-dali siyang nagbihis. Nagsimula na siyang umiyak nang magrewind sa kanyang utak ang mga nangyari. At halos bumaliktad ang sikmura niya nang maalala niya ang lahat sa kanila ni John. Napatakbo siya sa sulok, at doon siya sumuka. Pagkaraan ay naging sunod-sunod na ang pag-iling niya. Pilit niyang sinasaksak sa kanyang isipan na hindi totoo ang lahat. “Aimee?” parang naalimpungatan pa si John, kaagad na itong nagbilis. At aktong aalis na si Aimee sa lugar na iyon nang bigla siyang hinawakan ni John sa braso niya. “Basta mo na lang ba ako iiwan, matapos ng mga nangyari kagabi?” paglalambing na tanong pa ni John sa kanya. “Y-Yung kagabi…” hinawi ni Aimee ang kamay nito, “…Walang nangyari sa atin kagabi.” Si James at John, mga kababata ni Aimee ang mga ito. Halos magkakasabay na silang lumaki. Nag-iba ang tingin niya kay James noong araw na magtapat ito sa kanya. Pero si John, sadyang kapatid lang ang tingin niya rito. Wala siyang nararamdaman na anumang espesyal na damdamin rito. Kaya nga kahit nararamdaman na niyang may gusto ito sa kanya, sinasadya niya itong balewalain. Pero dahil sa kalasingan niya kagabi, nakagawa pa siya ng bagay na alam niyang pagsisisihan niya ng labis. “Ano ‘yun? Alam kong nalasing ka lang pero wala kang amnesia,” natatawang sabi pa ni John na halatang tinago ang kaba. “Lasing ako kagabi kaya wala akong matandaan!” mangiyak-ngiyak na katwiran ni Aimee. “Aimee, please…” tila pagmamakaawa ni John at nagawa pa siya nitong yakapin buhat sa kanyang likuran, “Alam kong natatakot ka lang! Handa naman kitang ipaglaban eh! At handa kong panagutan kung anuman ang nangyari sa atin!” “Wala namang nangyari!” diin niya. At sa muling pagkakataon ay nagawa niyang alisin ang pagkakayakap ni John sa kanya. “Aimee!” umiyak nito. “Hindi tayo pwede, John! Sorry! Pero buntis ako, at si James ang ama!” pagtatapat niya. Natigilan si John. "Tama ang narinig mo, John!" tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ni Aimee, "Buntis ako! Kaya hindi puwede ang gusto mo!" Iyon naman ang pagkakataon ni Aimee, nagawa na niyang talikuran ito. Nadinig pa niya ang malakas na pagsigaw ni John sa pangalan niya pero hindi na niya ito nilingon pa. Nakaramdam siya ng pag-aalala rito pero minabuti na lang niyang huwag itong pansinin. Nagmamadali na siyang umuwi sa bahay ng mga Ramos. Halos natatanaw na niya ang naturang bahay nang salubungin siya ni Meeya. “Ate, saan ka ba galing?” nag-aalalang tanong nito. “Ano kasi…” hindi niya alam kung ano dapat niyang isagot rito. Hindi rin niya magawang tignan ito sa mga mata. “Kuya John,” parang nagulat pa si Meeya nang makita nito si John sa likod. Hindi na nilingon pa ni Aimee ang binata sa kanyang likuran kahit pa ramdam na ramdam niya ang presensya nito. “Panuorin mo ito, ate!” kinakabahang inabot sa kanya ni Meeya ang cellphone nito. Nagtatakang kinuha naman iyon ni Aimee. Pinindot niya ang play button ng naturang cellphone. At bumungad sa screen ang isang pamilyar na lugar. Nagsimulang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Mahangin noong mga panahong iyon, pero nagsimula siyang pagpawisan ng malapot. Napatikom siya ng bibig nang madinig niya mula sa audio ang malakas na pag-ungol ng isang babae. Madilim ang paligid pero malinaw ang pagkakakuha ng video. “Saan mo nakuha ‘to?” biglang tanong ni John kay Meeya. “S-Sa secret website ng school natin!” tugon ni Meeya sabay tingin sa kanya nito, “Kalat na kalat ngayon sa school natin ang video na ‘yan, Ate! Umalis si Nanay dahil pinatawag siya sa school.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD