Chapter 12

1064 Words
SA PAGLIPAS NG LIMANG TAON, kapansin-pansin na may ilang pagbabago sa abandunadong mansyon na iyon. Nawala na sa bungad ang nakapaskil roon na ‘Private Property.’ Dumami na rin ang vandalism sa iba’t ibang sulok ng bahay. Unti-unti na ring nababakbak ang mga pintura ng dingding at kisame. May hindi na ring magandang amoy sa buong paligid. Pero kahit marami na ang nagbago sa lugar na iyon, nananatili pa ring sariwa sa alaala ni Samuel ang mga naging kaganapan rito. Wala naman talagang ibang intension si Samuel kung bakit dito niya ginanap ang Thanks giving Party nila noon. Ang gusto lang naman niya ay konting kasiyahan. Wala siyang ideya na may magaganap sa pagitan nila John at Aimee. At wala naman talaga siyang kinalaman sa pagkalat ng s*x video ng mga ito. Pero dahil siya ang tumatayong leader ng kanilang grupo, at siya ang nagplano ng Party na iyon, sa kanya nabuntong ang lahat ng sisi. Ang buong akala pa nga niya noon ay hindi siya makakasama sa graduation nila. Noong mga panahong iyon, lihim niyang pinagpasalamat na anak siya ng Tatay niya dahil nagawa siyang iligtas ng pera nito. “Sam…” Bigla naramdaman ni Samuel ang pagkapit ni Christine sa mga braso niya dahilan para makabalik ang kanyang diwa sa kasalukuyang panahon at oras. Paakyat na sila sa second floor ng mga sandaling iyon. Isa sa mga kuwarto roon ang napili nila para gawin ang ritual ng ‘The Midnight Game.’ At dahil malapit na ring mag-alas dose ng hating-gabi, sinimulan na niyang ilabas isa-isa ang mga gamit sa kanyang backpack. Hindi naman nakawala sa paningin ni Samuel ang magkahalong takot at kaba sa pagmumukha ng kanyang mga kasama. Nakakadama na rin siya ng konting takot pero hindi niya iyon pinapahalata. Iniisip na lang niya sa mga oras na iyon ay ang mga nagtitiwalang fans niya. At saka hindi naman ito ang unang pagkakataon na mag-explored sila sa isang abandunadong lugar na katulad nito kaya medyo sanay na rin siya. Hindi na rin nag-aksaya ng oras pa si Samuel. Isa-isa na rin niyang binigay ang mga card kung saan nakasulat roon ang kanilang mga pangalan. At dahil kulang sila, kay Ike niya inabot ang card na para kay John. Inabutan rin niya ng pin ang kanyang mga kaibigan na ipantutusok ng mga ito sa kani-kanilang hintuturo para makapagpalabas sila ng konting dugo na ipapahid nila sa kanilang card. Pagkaraan ay isa-isa na ring nilang sinindihan ang kanilang mga kandila. At doon na rin nila pinatay ang ilaw ng kanilang mga flashlights. Eksaktong alas-dose ng hating-gabi nang magawa nila ang twenty-two knock sa wooden door. Siniguro nilang sinusunod nilang mabuti ang mga bawat steps ng ‘The Midnight Game.’ Bitbit ang kani-kanilang mga kandila at tig-iisang balot ng asin, nagsimula na silang maglakad-lakad sa buong mansyon. Habang tumatakbo ang oras ay saka naman sila nakakadama ng kilabot at takot. Hindi na rin nagiging maganda ang simoy ng hangin na siyang nagpapatindig ng kanilang mga balahibo. Dumagdag pa ang ilang kaluskos na naririnig nila na hindi nila alam kung gawa ba ng hayop or ng kung anong nilalang. Pakiramdam rin kasi nila, hindi lang silang lima ang taong naroroon sa bahay na iyon. “Okay, thirty minutes na lang!” bulong ni Samuel sa kanyang sarili matapos niyang i-check ang oras sa kanyang cellphone. Halos tatlong oras na rin silang nagpapalakad-lakad sa buong mansyon. At maraming beses na rin na silang nagtakutan. “Uy, may salamin!” parang batang turo naman ni Madz. “Tamang-tama, mag-aalas tres na! It’s Devil’s hour!” segunda naman ni Samuel na wari’y nabasa niya ang tumatakbo sa utak ng kaibigan. “Bloody Mary!” sabay pang sabi nila Samuel at Madz. “No, Sam! Please, don’t do that!” pagmamakaawa ni Christine sa kanila, “H-Hindi na nga maganda ang pakiramdam ko, dadagdagan n’yo pang dalawa. Please, tama na ang pananakot!” Pero parang wala namang nadinig sina Samuel at Madz. Sabay pa silang humarap sa salamin, at sabay na rin nilang ginawa ang ritual ng ‘Bloody Mary.’ “Please, stop it!” naghi-hysterical nang sabi ni Christine na hindi nito alam kung paano pipigilan ang dalawang lalaki. “Guys, ano ba?! Natatakot na si Christine!” galit na awat na rin sa kanila ni James. Saglit napasulyap si Samuel sa kinaroroonan ng kanyang girlfriend. Nakita niyang umiiyak na talaga si Christine dahil sa matinding takot. Pero biglang naningkit ang kanyang mga mata nang makita niyang nilapitan ni Ike si Christime para aluin. Ewan nga ba niya, mabilis siyang nakadama ng selos kaya naman dali-dali rin niyang nilapitan ang mga ito. Aktong hahawakan na niya ang balikat ni Ike nang pare-parehas silang magulantang sa malakas na kalabog na nanggaling sa kung saan. Ilang saglit pa ay may malakas na hangin ang bigla nilang naramdaman na siyang naging dahilan para isa-isang nawalan ng sindi ang kanilang mga hawak na kandila. Ayon sa rules, kinakailangang masindihan ito sa loob ng sampung segundo. At dahil sabay-sabay itong nawalan ng apoy, natataranta bigla si Samuel kung sino sa kanyang mga kaibigan ang dapat niyang unahin na sindihan. “Circle of salt!” bulaslas ni Madz. At aktong gagawa na ito ng malaking bilog sa sahig gamit ang asin nang muli silang makarinig ng malakas na pagputok. Nagkatinginan sila sa isa’t isa. Wala silang ideya kung saang parte ng mansyong ito nanggaling. Pero nakakasiguro sila na putok iyon ng isang baril. At dahil sa kanilang narinig ay nag-uunahan na silang magtakbuhan sa hagdanan. Nakakasiguro na sila ngayon na hindi lang silang lima ang taong naroroon sa lugar na iyon. Papalabas na sila ng gate nang may bigla maalala si Samuel, “Wait!” awat niya sa mga ito. Sabay-sabay namang napalingon ang mga ito, at kapwa humahangos pa dahil sa takot at pagkataranta. “Kailangang nating bumalik!” utos ni Samuel, “Hindi pa natin pwede’ng tapusin ang laro hanggang hindi pa 3:33am!” “F***k!” mura na ni Ike saka mabilis siya nitong kiniwelyuhan. Nagulat ang lahat. “Nasa panganib na tayo, ‘Pre! ‘Yung laro pa rin ang iniisip mo? Gusto mo ba kaming mamatay?” galit na tanong ni Ike, at bakas na bakas sa mukha nito ang labis na takot, “Hindi na multo o anumang elemento ang naririto! Kungdi tao! At wala tayong ideya kung anong klaseng tao iyon lalo na may baril siya!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD