“EIGHTEEN THOUSAND LIKES! GAGAWIN NAMIN ANG STRANGER’S CHALLENGE!”
Confident na sabi ni Samuel sa harapan ng camera. At tulad ng kanyang inaasahan, dahil sa video na kanyang inupload ay sinimulan na siyang komprontahin nila Madz, Ike, at James. Doon na rin niya sinimulan na ipaliwanag sa mga kaibigan ang tungkol sa Mystery Box na natanggap niya. Pero bago pa iyon ay pinakiusapan muna niya si Christine na ilihim muna nila ang tungkol sa Yearbook, at sa lugar na pupuntahan nila. Idinahilan na lang nila sa mga ito na nanggaling ang naturang kahon na iyon sa isa sa mga fans nila. Alam kasi niyang mahihirapan siyang kumbinsihin ang mga ito lalo na si James.
“Seriously, bro?” halos hindi makapaniwalang reaksyon ni Madz habang pinapanuod nito ang naturang video kung saan humihingi si Samuel ng boto at opinion mula sa mga avid viewers nila, “Gagawin mo talaga ang Stranger’s Challenge na ‘to?”
“Natin! Gagawin natin,” pagtatama naman ni Samuel, “Look, I know na mahirap paniwalaan. But believe it or not. Ilang araw ko palang pinopost ang video na ‘yan, naka-hit na kaagad ito ng five hundred thousand likes! And as a Vlogger, kaya mo bang i-disappoint ang mga naghihintay mong fans?”
“Kailangan ba talaga na kasama ako d’yan?” paniniguro ni James, “Matagal na akong nagretire sa grupo n’yo, alam n’yo naman n’yan. At ilang weeks na lang ay ikakasal na ako. Kaya pinagdo-double ingat na ako dahil lapitin daw sa aksidente ang mga taong malapit nang ikasal.”
“Naniniwala ka rin ba sa mga pamahiin, ‘Bro?” natatawang komento ni Madz, “Moderno na tayo ngayon!”
“Nag-iingat lang,” katwiran ni James.
“Ako, Samuel! Kilala mo naman ako! Lagi lang ako nasa likod mo! Game na game ako sa kahit anumang challenge!” komento na ni Ike na tulad ng inaasahan ni Samuel ay ito ang unang kakampi sa kanya, “Pero hindi naman ako imbitado sa exclusive party ng stranger na iyon, eh!”
Hindi nakakibo si Samuel. Ramdam niya ang disappointment na nararamdaman ng kaibigan. Maski naman siya ay iyon ang una niyang napansin. Oo, matagal na nilang kaibigan si James, at kabilang ito sa grupo nila dati. Pero ito ang unang tumiwalag nang ma-engage ito sa pinsan ni Christine na si Kathleen. Kaya bakit ito ang nasa listahin, at hindi si Ike? Samantalang, nag-uumpisa palang siya noon ay si Ike na ang kasa-kasama niya.
“Baka basher mo ang nagpadala ng Mystery Box kaya hindi ka imbitado!” natatawang sabi na lang ni Madz na halatang gusto lang asarin si Ike.
“Baliw ka!” natatawang ganti na lang din ni Ike sabay ang pagbato ng binilog nitong tissue kay Madz.
“Okay ganito na lang,” awat ni Samuel sa kanyang kaibigan, at tumingin siya ng diretso kay James, “Kapag sumama ka sa amin, ako na bahala sa Hotel Reservation n’yo ni Kath sa Honeymoon n’yo!”
Gulat na napatingin si Christine sa nobyo nito.
“Whoa!” react naman nila Madz at Ike, “Mayaman si Mayor!”
“Suhol ba ‘yan?” natatawang react naman ni James, “Ganyan ka na ba kadesparadong kumita ng pera, Bro?”
Sa paglipas ng sampung taon, aaminin ni Samuel na hindi pa rin talaga nagbabago si James. Masakit pa rin itong magsalita, “Maybe,” pagpapakumbaba na lang niya. Binababa na rin ang kanyang ego dahil kailangan niya ito ngayon. Masakit ang binitawan ni James na salita pero totoo naman ang mga sinabi nito. Desperado nga siyang kumita ng pera, at para magpa-impressed sa Daddy niya, “Gusto kong makipagdeal sa’yo,” seryosong sabi niya rito.
“Like the old days!” umiiling na react ni Christine, “Ganyan na ganyan kayong dalawa noong pinagpustahan n’yo si…”
Naningkit ang mga mata ni James dahilan para maputol ang sasabihin ng dalaga.
“Pre…” agaw na lang ni Samuel sa atensyon ni James, “…Pumayag ka na. Isipin mo na lang na reunion natin ito!
“Oo nga naman!” segunda ni Madz na parang naramdaman din nito ang tensyon na biglang namagitan kina James at Christine.
“Paano naman iyon magiging reunion? Nasa Japan pa si John. At makakabalik siya dito sa Pilipinas sa mismong wedding day ko pa,” katwiran ni James, “Saka kung need n’yo talaga na gawin ang challenge na kasama ako, gawin na natin ito ngayon dahil hindi ko na ‘yan mahaharap sa susunod na mga araw.”
“So, pumapayag ka na?” paniniguro ni Samuel.
“Bakit may choice pa ba ako?” balik na tanong ni James.
Lumapad ang pagkakangiti sa mga labi ni Samuel dahil sa pagpayag ni James. Para naman siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Isa na lang ang problema niya, si John. Almost five years na itong nasa Japan. After nilang gumaduate, doon na ito nanirahan. At kung hihintayin pa nila ang pagbabalik nito, mahihirapan naman nilang i-reschedule ang lahat dahil kay James. Kaya hangga’t maaari ay magawa na nila ang challenge na ito as soon as possible.
“P’wedeng representative?” mungkahi bigla ni Ike na nagtaas pa ng kamay na akala mo ay magre-recite sa harapan ng klase.
Namilog ang mga mata ni Samuel.
“Iyon naman pala! May representative si John!” ani Madz.
Palihim naman sumenyas si Christine kay Samuel para iparating na hindi ito sumasang-ayon sa naging suggestion ni Ike.
“I don’t know kung magandang idea na si Ike ang ipalit n’yo kay John,” pabulong na babala ni Christine kay Samuel.
“Nakita mo ba ang mukha ni Ike kanina nang malaman niyang wala siya sa listahan?” bulong ring tanong ni Samuel sa nobya, “Alam naman natin na siya talaga ang partner ko! He’s my bestfriend.”
Hindi na kumibo pa si Christine, at napabuntong-hininga lang ito, “Minsan talaga gusto ko nang magselos d’yan sa bestfriend mo!”
Natawa naman si Samuel sa sinabi iyon ni Christine kaya nagawa na lang niyang yakapin ito at halikan sa pisngi.
“Oy, tama na muna ang lande!” sita naman ni Ike, “Pag-usapan na muna natin ang mga dapat nating gawin!”
Natatawang sumunod na lang sina Samuel at Christine. Dahil naging seryoso na ang mukha ni Ike after nilang sumang-ayon na ito muna ang representative ni John. At dahil naman sa ilang rason ni James, nagdesisyon silang lahat na ngayong gabi nila gagawin ang Stranger’s Challenge.
Gamit ang sasakyan na pagmamay-ari ni Ike ay nagtungo na sila sa kilalang Haunted Mansion ng kanilang lugar. At tulad ng inaasahan ni Samuel, kitang-kita niya ang gulat sa mga mukha ng kaibigan nang marating na nila ang kanilang destinasyon.
“Bro, bakit naman sa dami-dami ng haunted places sa buong Pilipinas dito mo pa naisipang pumunta?” pabulong na sita ni Madz kay Samuel.
“No choice na. Ang bahay na ito lang ang naisip ko na pinakamalapit na puntahan. Saka biglaan, nakita mo naman diba? Masyadong busy ang schedule ng magiging next Congressman natin!” Katwiran na lang niya sabay pangusong itinuro ang kinaroroonan ni James.
Napakamot na lang ng ulo si Madz saka iniready na lang nito ang mga camera na gagamitin nila.
“Are you okay?” sita ni Samuel kay James nang mapansin niyang nakatingala ito sa naturang bahay.
“Yah, na-shock lang ako!” tugon nito saka matipid na ngumiti.
Alam ni Samuel na hindi komportable ang mga kabigan niya na bumalik sa lugar na ito. Maski naman siya ay nagulat. Kung siya lang ang masusunod ay hindi ito ang lugar na pipiliin niya para gawin ang stranger’s challenge na iyon.