NAGSIMULA NA RING MANINDIG ang mga balahibo sa katawan ni Samuel nang mag-flash sa screen ng kanyang laptop ang isang pamilyar na bahay na tinutukoy nitong ‘The Most Haunted Mansion In Town’. Hinding-hindi siya maaaring magkamali, dahil sa bahay na iyon naganap ang naging Halloween Party nila five years ago.
“—Nasa listahan na ang mga taong imbitado para sa aking exclusive party!” anang boses ng lalaki habang isa-isang nagslide-show sa screen ng laptop ni Samuel ang mga Graduation Picture nila ni John, Madz, James at Christine, “Pamilyar ba kayo sa The Midnight Game?"
Napakunot ang noo ni Samuel. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang tungkol sa ‘The Midnight Game’ dahil marami nang sikat na Vlogger ang nagtry na laruin ito. Sa totoo lang, pinaplano na nila itong gawin. Kaya imbes na makadama siya ng takot ngayon, napalitan pa ito ng pagka-amazed at excitement. Automatic na ring nag-flash sa kanyang utak ang posibleng bilang ng mga magiging viewers niya kapag ginawa nila ang Stranger’s Challenge na ito.
“Kung hindi pa kayo pamilyar, ganito ang mechanics ng laro…” pagpapatuloy ng video, “…Each player may tig-iisang white card kung saan nakasulat roon ang tunay na pangalan ng mga taong inimbitahan ko. Each player, kailangang may hawak na kandila. Then prick your finger with the pin and squeeze until a drop of blood appears. Dot the blood on your white card and allow it soak in. Patayin ang lahat ng ilaw sa lugar, maski ang mga flashlight na inyong dala. Ilagay ang inyong mga white card sa saradong wooden door. Sindihan ang inyong kandila gamit ang lighter, at ilagay ito sa ibabaw ng inyong card. After nito, kumatok sa wooden door ng twenty-two times. Dapat ang pinakafinal knock ay umeksakto sa alas-dose ng hating-gabi. Buksan ang pintuan, then kunin ang iyong kandila pero iwan ninyo sa silid na iyon ang inyong mga card. Huwag ninyong hahayaang mawalan ng apoy ang mga hawak ninyong kandila. Kung accidentally na nawalan ito ng sindi, kinakailangan itong masindihan muli na hindi tatagal sa sampung segundo. Panatilihin itong nakasindi hanggang matapos ang game. If you are unsuccessful in relighting the candle, immediately surround yourself with a circle of salt. End the game at exactly 3:33am, it is safe to stop moving or to step outside on your circle of salt. You may also turn on the lights or your flashlights. Tandaan, huwag magsisindi ng kahit anong ilaw during the game. Tanging mga kandila lang ang kailangang nakasindi. Huwag ding matutulog. Huwag na huwag kayong gagamit ng ibang blood sa card kung saan nakasulat ang mga pangalan n’yo. Huwag kayong huminto sa paglalakad sa buong bahay. Lastly, huwag kayong mag-a-attempt na umalis sa lugar during the game. Sunugin na ninyo ang inyong mga card, tanda ng pagtatapos ng laro.”
“This is crazy…” tanging react ni Christine habang mataimtim din itong nakikinig.
“Kapag nagawa n’yo ng tama ang stranger’s challenge, unexpected gift ang inyong matatanggap!” pagpapatuloy ng video, “Ngayon tatanungin kita, Samuel Mortiz? ARE YOU WILLING TO TAKE A RISK FOR THE STRANGER’S CHALLENGE?”
Hindi alam ni Samuel kung ano nga ba ang magiging reaksyon niya dahil sa kanyang mga nadinig. Nagtatalo na rin ang isip niya kung tatanggapin ba niya ang hamon ng isang estranghero. Nakakadama siya ng takot pero mas nangingibabaw sa kanya ang kagustuhan niyang makuha ang unexpected gift na sinasabi nito.
“Seryoso ka?!” halos nanlaki ang mga mata ni Christine nang sabihin ni Samuel na gusto niyang tanggapin ang challenge na iyon, “Paano ka nakakasiguro na safe ‘yan? Remember, hindi natin kilala kung sino ang nagpadala sa’yo ng mystery box na iyan. Dapat natakot ka na sa simula palang dahil alam ng taong iyon ang mga pangalan ng kaibigan mo!”
“Pero hindi mo ba naisip na possible itong magtrending?” mariing tinitigan ni Samuel ang girlfriend, “Bakit may ibang vlogger naman na panay accept sa challenge ng mga fans nila, ah?”
“The question is… fans mo nga ba talaga ang nagpadala n’yan?” mariin rin siyang tinitigan nito.
“Si Jazz,” sabi na lang niya nang sumagi sa kanyang utak ang step-sister niya, “Siya ang nakatanggap ng package ito!”
Kibit-balikat na lang ang naging tugon ni Christine.
Hindi na hinayaan pa ni Samuel na kontrahin pa siya ni Christine. Kaya naman, nagmamadali na siyang lumabas ng kanyang kuwarto, at pinuntahan niya si Jazz. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa, diretso na niyang tinanong ito kung nakita ba nito ang taong nagdeliver ng naturang package.
“Just an ordinary delivery man!” mataray pa nitong tugon.
“O-Ordinary delivery man?” Tumaas ang dalawang kilay ni Samuel tanda na may ini-expect pa siyang ibang sasabihin si Jazz sa kanya.
“Ano bang mayroon sa delivery man na iyon na dapat kong sabihin sa’yo?” sita na nito, “Dapat ba na sabihin kong mukha siyang fairy?”
“Ha-ha! Funny!” irap na ni Samuel sa dalagita saka na niya inis na tinalikuran ito. Muli siyang bumalik sa kanyang kuwarto na hindi sapat ang nakuhang sagot na binigay sa kanya ni Jazz.
"Ano'ng sabi?" Usisa ni Christine.
"Ordinaryong Delivery Man lang daw iyon," tugon ni Samuel saka na niya muling sinet ang kanyang mga camera.
"Ano'ng gagawin mo?" Sita ni Christine habang pinagmamasdan nito ang binata.
"Tatanungin ko mismo ang mga followers ko kung dapat ko bang patulan ang challenge na ito!" Seryosong sagot ni Samuel saka na niya hinanda ang lahat.
Mula sa video ay pinaliwanag ni Samuel ang tungkol sa mistery box na natanggap niya. Pinakita rin niya sa screen ang mga bagay na nasa kahon. Pero ang hindi lang niya isinama ang natanggap niyang yearbook, at ang tungkol sa nilalaman ng USB.
"Bakit hindi mo sinama ang Yearbook no Aimee? At hindi mo sinabi ang tungkol sa USB?" tanong ni Christine.
"May kutob akong kapag sinabi ko ang tingkol roon, hindi pumayag si James na sumama sa atin," seryosong tugon ni Samuel, "Tingin mo ano ang magiging reaction niya kapag nalaman niyang nakapangalan pa kay Aimee ang Yearbook?"
Nag-aalalang napabuntong-hininga si Christine, "Paano si John? Nasa Japan siya ngayon!"
"Hindi mo ba napapansin? Lahat tayo nakapangalan rito maliban sa isa! Si Ike!" Sabi ni Samuel habang tinitignan ang white card kung saan nakalagay ang mga pangalan ng mga imbitado sa laro, "Imposibleng nakalimutan ng taong iyon si Ike! Kaya sa tingin ko, si Ike ang pwede nating ipalit kay John!"
"Sure ka d'yan? Paano kung hindi natin nagawa ng tama ang larong ito?" Nag-aalalang tanong pa rin Christine.
"Wala naman sinabi rito na may parusa tayong matatanggap diba? Saka wala rin sinabi rito na bawal ang representative!" Diin ni Samuel.
Muling nagpakawala ng marahas na hininga si Christine, at hindi na ito nagbigay ng anumang komento.