Tinulungan siya ni Phil na makatayo at hinarap. Tinanong siya ni Phil kung bakit tumakbo at nagmamadali siya. Tinanong rin siya ni Phil kung may kailangan ba siya sa kanya.
Pinaliwanag ni Okuni ang dahilan kung bakit siya tumakbo bago makapasok si Phil sa library. Ibinigay niya ang pen ni Phil. Nagpasalamat lang si Phil at saka umalis na ito.
Nahinto si Okuni saglit at naalala niya ang sinabi ng kanyang kaibigan na si Christine na nagmumukha na siyang tanga sa ginagawa niya.
Nang gabing iyon, hindi na mapipigilan ang lakas ng ulan sa labas. Nakatanaw si Emily Cruz sa bintana na malalim ang iniisip. May nagpaalala sa kanya na hindi niya napigilan ang sarili na maiyak. Tumutulo na lang mga luha niya dahil sa pagkamatay ng kanyang ama sa pangingisda sa dagat.
Biglang bumukas ang pintuan na ikinagulat niya.
“Ma, kanina pa po kami tumatawag sa'yo ni Phil na bumaba na dahil kakain na tayo,” wika ni Danz.
Agad pinahiran ni Emily ang mga luha niya bago humarap sa anak.
“Sige, susunod na ako Danz,” sagot ni Emily.
Nang bumaba na si Danz ay may kinuha si Emily sa cabinet. Isang litrato na matagal na niyang tinatago ng ilang taon.
“Balang araw makikita rin kita,” sabi ni Emily sa sarili.
Habang kumakain ang magkapatid ay may kinuha si Danz na isang putahe na niluto niya. Hindi lang sa pag awit magaling si Danz pati na rin sa pagluto.
Habang nagbibiruan at nagtatawanan ang magkapatid ay hindi maalis sa isipan ni Emily na balang araw ay malalaman rin nila ang tungkol sa kung sino ang kanilang ama.
Habang tumatagal, lalong nilihim ni Emily ang isang lihim na hindi niya kayang sabihin sa kanyang mga anak. Alam niyang masasaktan sila Phil at Danz sa oras na sinabi niya ito sa kanila.
Na flashback kay Emily noong dalaga pa siya ay nagtatrabaho siya sa isang bar. Ito na ang nakasanayan niyang trabaho ngunit siya ay sumasayaw lamang sa entablado.
Hanggang may pumukaw sa kanyang natutulog na puso na umakit sa kanya. First time niyang nagkaroon siya ng isang one night stand sa isang Filipino-Chinese na lalaki.
Ito ang resulta na naging bunga ng kanyang pagbubuntis. Isang gabing puno ng pagnanasa at init ng katawan ngunit malaking impact na nagpabago sa buhay ni Emily.
Dahil sa kahirapan sa buhay, mangingisda ang kanyang ama habang namatay na ang kanyang ina. Bago namatay ang kanyang ama ay binilin nito na huwag na bumalik sa buhay sa bar. Dapat alagaan na niya ang kanyang mga anak at magkaroon ng ibang hanap buhay.
Samantala sa silid ni Phil at Danz, nagsimula na magturo si Phil sa kapatid niya. Parang naging professor si Phil sa pagtuturo niya kay Danz. Hindi sila tumigil hanggang hindi matutunan ito ni Danz.
Hanggang nakatulog ang kapatid ni Phil.
“Tinulugan ako, hanep din. Pero buti na lang at fast learner din siya pero bakit nahihirapan siya pagdating sa math?” sabi ni Phil sa sarili.
Ginising niya ang kanyang kapatid para lumipat sa kama. Napabuntong hininga siya dahil tulog mantika ang kapatid niya.
Binuhat niya na lang ito at inilagay sa kama.
“Ang bigat-bigat mo ‘tol kung alam mo lang! Sana nga nakuha mo lahat ang itinuro ko dahil pag wala kang maisagot sa exam kakanta ka sa harap namin ni mama,” sabi niya sa sarili.
Nang magligpit na si Phil ng mga gamit sa study table ay napansin niya ang mga sinulat na lyrics ng kanyang kapatid. Mahilig magsulat si Danz ng sarili niyang kanta. Sabi ni Phil sa sarili na hindi siya magaling kumanta, pati rin ang ina niya.
“Baka kay papa siya nagmana,”
Napaisip tuloy si Phil kung sino ang kanilang ama. Walang kahit anong litrato na pinakita si Emily sa kanila. Dahil pareho silang singkit ni Danz, ibig sabihin may lahi kaya silang Chinese.
Kung ano-ano na naiisip ni Phil dahil gusto rin niya makilala ang kanilang ama ngunit gaya ng sabi ng kanilang ina na matagal ng “Nalunod sa sabaw ang kanilang ama.”
Oras na ng school, hinanap ni Danz ang kapatid niya. Nakasalubong niya sila Chad at Mark sa hallway at tinanong kung nasaan si Phil. Sinamahan siya ng kanyang dalawang classmate papunta sa kapatid niya.
Nakita nilang naglalaro ito ng basketball mag-isa. Pero this time, seryoso ito na para bang wala sa mood. Kahit feeling nila na wala siya sa mood ay nilapitan parin nila ito.
“Phil, hanap ka ng kapatid mo. Bakit hindi mo sinabing maglalaro ka para sumabay na kami,” sabi ni Chad.
Huminto si Phil sa pag shoot ng bola at pinaikot ito sa hintuturo niya.
“Pasensya na ‘tol, gusto ko lang mapag-isa kaya hindi kita nasabihan. Pero nandito na kayong tatlo, bakit hindi tayo maglaro?” sagot ni Phil.
Nagtinginan sila Danz, Mark at Chad sa alok ni Phil kaya pumayag na sila. Nagsimula na silang maglaro ng basketball. Hanggang may mga babaeng huminto para manood sa kanila.
Habang naglalakad sila Okuni ay hinila siya ni Christine para tumigil sa paglalakad.
“Hindi ba, sila Phil ‘yang naglalaro ng basketball?” napatingin naman si Okuni sa itinuro ng kanyang kaibigan.
Napatitig na lang si Okuni kay Phil na may pawis na sa mukha.
“Tara na, lapitan natin!” anyaya ni Okuni.
“Teka lang, ‘yang radar mo umiilaw na naman. Tinanong ko lang kung sila ba iyan? Tapos ito, gusto mong lumapit,” harang ni Christine.
“Alam mo beshy, kailan ka ba ipinanganak? Parang gusto mo akong maging matandang dalaga. Gusto mo bang maging single ako habang buhay?” sagot ni Okuni sa kaibigan.
“OA naman nitong beshy ko. Sige na nga, ilawan ang radar!” sigaw ni Christine habang hinihila si Okuni papunta sa mga naglalaro ng basketball.
Nang maka upo na sila Okuni at Christine ay hindi mapigilan ni Okuni ang mahulog ang loob sa binatang si Phil.
“Beshy, yung laway mo tumutulo na sa kaka-titig sa crush mo,” pabirong sabi ni Christine.
“Wala naman, ikaw talaga beshy,” sagot ni Okuni.
Nag hiyawan ang mga babae na tila bang kinikilig sa mga naglalaro ng basketball.
Sa hindi inaasahan napatingin si Phil kay Okuni. Dahil nagkasalubong ang mga mata nila ay lumingon ng ibang direksiyon si Okuni.
“Beshy, bakit tinatakpan mo mukha mo ng notes? Akala ko ba manonood tayo ng live basketball?” wika ni Christine.
Sinabi ni Okuni na nakatingin si Phil sa kanya. Napabuntong hininga si Christine at sinabing, “OA mo masyado, Tingin lang ni Phil nagkakaganyan kana?”
Nang napatingin si Danz kay Christine ay agad siyang sumigaw.
“Kinilig ka rin?” tumawa si Okuni.
“Bakit masama bang kiligin?” sagot ni Christine.
Pagkatapos ng laro, hindi na makausap ni Christine si Okuni. After school, dumeretso silang dalawa sa shop para bumili ng milk tea. Maya't- maya may lumapit sa kanila na dalawang bodyguard.
“Miss Christine, hinahanap na po kayo ng papa mo,” sabi ng isang bodyguard.
“Paano ba 'yan beshy, mauna na ako. Alam mo namang strict si papa. Six na ng gabi, kaya uuwi na ako,” paalam ni Christine.
“Sige beshy, salamat sa time at ingat ka,” sagot ni Okuni.
Nakita niyang sumakay si Christine ng isang magarang itim na sasakyan. Naiwan na si Okuni na mag-isa. May tumatawag sa kanya, ang kanyang ama. Hindi niya sinagot ito dahil alam niyang nagsumbong na naman ang bodyguard niyang hindi siya nakita.
Dahil dito, tinawagan niya ang kanyang bodyguard para sunduin siya. Nang makasakay na siya sa kotse ay nag chat sa kanya ang kanyang ama na mag-ingat siya sa pag-uwi.
“Hindi kita maintindihan dad, galit ka dahil kapag nakikita mo ako, naaalala mo si mummy. Mabuti at minsan nag-aalala ka rin sa akin. Sana kinakamusta mo rin ako kung humihinga pa ba ako?” sabi niya sa sarili habang tumulo ang luha niya.
Pagkauwi ni Okuni ay dumiretso siya sa kanyang kwarto. Umupo siya sa kama at inilagay ang bag niya. Humiga siya habang nakatitig sa kisame. May nagniningning na mga bituin at buwan. Nilagyan niya ng glow in the dark ang kanyang kisame.
Biglang napatigil si Okuni nang biglang may kumalabog sa may balcony. Agad siyang bumangon at kinuha ang baseball bat ng kanyang ama. Kinakabahan siya dahil wala naman ibang tao maliban sa yaya, driver, bodyguard at security guard sa bahay nila.
Naisip niyang tawagan ang bodyguard niyang nasa sala ngunit nabitawan niya ang kanyang cellphone nang may narinig siyang bumukas ng pintuang salamin sa may balcony. Dahan dahan niyang tinungo ang balcony.
Nakita ni Okuni ang shadow sa kurtina ng pintuang salamin. Nanginginig siya sa takot habang dala ang baseball bat.
Kukunin niya sana ang cellphone niya ng biglang pumasok ang isang shadow ng isang lalaki patungo sa loob ng kwarto niya.
Napasigaw si Okuni ng malakas na naging alarma sa mga security guards at bodyguard niya sa bahay.
Nabitawan ni Okuni ang baseball bat at nahulog ito. May dugong tumutulo sa sahig na siyang dahilan para mawalan ng malay si Okuni at bumagsak.