Chapter 2

1540 Words
Sa kabila ng magkaibang personalidad, nagkakaintindihan sila Phil at Danz. Pareho sila ng edad at nasa parehong magkaklase. Tinutulungan nina Danz at Phil ang kanilang ina sa palengke kapag walang pasok. Matagal nang hiwalay ang kanilang mga magulang, at hiwalay sila sa kanilang ama. Pareho silang estudyante ng John Kin's University. Sa palengke, sabi ng kaibigan ng kanilang ina na sila Phil at Danz na parehong guwapo ang kanyang mga anak kaya maraming dumadagsa para bumili ng isda sa kanila. Nakauwi na sila sa bahay galing sa palengke. Dahil may inaasikaso pa ang kanilang ina ay naiwan ang magkapatid sa sala. “Kapagod ngayong araw na ito ‘tol. Ang daming bumili at malaki ang kita natin ngayon,” masayang sabi ni Danz sa kapatid. “Oo, pasalamat tayo hindi matumal ngayon, at ang importante natulungan natin si mama. Kaya dapat tayong magsikap na makapag tapos para tayo naman ang tumulong sa lahat ng hirap ni mama sa atin,” sagot ni Phil. Habang nagsasalita si Danz hindi niya napansin na nahihilo na ang kanyang kapatid. Agad niyang pinaupo ito sa sofa. Kumuha siya ng tubig para ipainom sa kapatid. “Magpa check up na kaya tayo ‘tol dahil lagi ka na lang ganito. Alam kong kahit hindi mo sabihin sa akin ang totoo pero ramdam kong sinasarili mo lang ang sakit ng ulo mo,” pag-alala ni Danz. “Sige payag na ako pero huwag mong sabihin kay mama,” pakiusap ni Phil. “Bakit naman? Napansin din ni mama na palagi kang ganito, pero hindi na niya ito pinansin dahil sa sobrang busy,” daing ni Danz. Nang gabing iyon, napansin ni Phil na natutulog na si Danz sa sobrang pagod. Kumuha siya ng kumot para lagyan ng kumot ang kapatid. Sa kanyang study table, nakalatag ang mga notes at libro niya. Hindi pinansin ni Phil ang pagod sa katawan dahil may parating na exam at kailangan niyang maghanda. Nasa isip niya na tuturuan niya ang kanyang kapatid dahil medyo mahina ito sa math. Nang kunin ni Phil ang kanyang bag, may nahulog sa sahig galing sa bag. Nagtaka siya kung ano ito. Kaya nang kunin niya ay nagulat siya ng makita ang libro. “Art of Love? Paano ka napunta sa bag ko?” pagtataka niya. Na flashback kay Phil ang nangyari sa library, dahil sa pagmamadali niya na iwasan si Okuni ay nalagay niya ang libro sa kanyang bag. Na flashback rin sa kanya ang nangyari sa library sa pagsauli niya sa mga libro. “Mr. Cruz, apat lang na libro ang kinuha mo pero bakit sinasabi mong lima lahat ang hiniram mo?” tanong ng librarian. “Po? Parang...” nagtaka si Phil kung nasaan na ang “Art of Love” na libro. Ipinakita ng librarian ang card kung saan tumutukoy kung ilang libro ang hiniram niya sa library. Ngumiti na lang si Phil dahil kahit siya, hindi niya maintindihan ang nangyayari. Na flashback sa kanya ang sinabi ng librarian na “Mr. Cruz, alam mo bang bawal mag dala ng libro dito. Puwedeng huwag muna dalhin iyan? Next time, don't do it,” paliwanag ng librarian. Balik kay Phil, hawak niya ang libro ng “Art of Love” na medyo weird para sa kanya ang aklat na ito. Nilagay niya ulit ito sa kanyang bag dahil balak niyang isauli ito sa library kung saan ito nahulog. Nagsimula na siyang mag-aral hanggang sa hindi niya namalayan na pumikit na ang kanyang mga mata. Kinaumagahan, parang naririnig ni Phil na tinatawag siya. “Gising na ‘tol!” Nang magising si Phil, nag tanong siya kung anong oras na? Sagot ni Danz na dapat magmadali na sila dahil baka ma late na sila. “Bakit kasi dito ka natulog? Advance mo naman mag-aral para sa exam ‘tol. Next week pa naman, excited masyado,” sabi ni Danz. Agad hinubad ni Phil ang white t-shirt niya at kumuha ng towel para maligo. Pagkalabas ay narinig ni Phil na kumakanta ang kanyang kapatid ng isang love song. “Sabayan mo ako ‘tol sa pagkanta, sige na kumanta kana,” masayang sabi ni Danz. “Late na nga tayo tapos gusto mo pang kumanta? Isa pa, hindi maganda boses ko tulad mo,” sagot niya. Napansin ni Phil na nakaupo lang ang kapatid niya habang siya busy sa pagsusuot ng damit. “Gusto mo sapakin kita diyan? ‘Tol, anong oras na, late na tayo! Tapos ikaw, hindi kapa naliligo?” galit na sabi ni Phil. Tumawa lang si Danz bilang sagot sa kapatid niya. “Anong nakakatawa?” mas nagalit pa si Phil. “Wala namang pasok ngayon dahil linggo ngayon,” tawa lang tawa si Danz. Agad kinuha ni Phil ang cellphone niya para tingnan kung linggo nga ba ang araw ngayon. “Danz!!!” sigaw ni Phil sa kapatid. Agad tumakbo si Danz na hinabol ng kanyang kapatid. Galing sa silid nila ay umabot sila sa sala. “Anong nangyayari dito?” natigil sila ng dumating ang kanilang ina. “Wala ma, alam mo na, nagbibiruan lang kami ni Phil,” sagot ni Danz. “Akala ko magpapatayan na kayo. Maiba ako, salamat sa pagtulong ninyo sa akin kahapon,” sabi ni Emily sa mga anak niya. Binigyan niya ng pera ang dalawang magkapatid para kung sakaling may gusto silang bilhin. Pagkaalis ng kanilang ina ay agad sinugod ni Phil si Danz. Kiniliti niya ang kapatid hanggang sa marinig sa buong bahay nila ang hiyaw ni Danz. “Tulong!” sigaw ni Danz hanggang sa hindi na napigilan ni Phil na kilitiin pa siya. Samantala, sa bahay ni Okuni Suarez Mori, malungkot siyang nakatingin sa salamin. Sinusuklay ang kanyang buhok na hanggang leeg. Ang kanyang ama ay isang Japanese businessman habang ang kanyang ina ay isang Filipina kaya siya ay half Japanese, half Filipina. Dahil sa sobrang busy ng kanyang ama, wala ng makakausap si Okuni sa bahay. May isa siyang katulong para mag-asikaso sa kanya habang isang driver naman para maghatid-sundo sa kanya sa school. At kung may mga lakad siya ay may tagapagmaneho sa kanya sa magara niyang kotse. Masasabing marangya ang buhay ni Okuni ngunit hindi siya masaya. Wala siyang kasabay kumain, pati sa pagpunta niya ng mall o kahit saan ay siya lang mag-isa kasama ng kanyang isang bodyguard. Na flashback kay Okuni noong una niyang makita si Phil Cruz. Hindi mapigilan ni Okuni na napatingin kay Phil noon habang naglalaro ng basketball sa school na kasama ng kapatid nito. Sobrang saya pa niya ng malaman na magkaklase silang dalawa. Simula noon lagi na siyang excited na pumasok makita lang ang ultimate crush niya. “Sobrang hot ni Phil, guwapo, matangkad, magaling maglaro ng basketball, tinitilian ng mga babae, walang arte, matalino ngunit...” sabi ni Okuni sa kanyang kaibigan na si Cristine. “Ngunit ano?” tanong ni Cristine. “Masungit sa akin,” malungkot nitong sagot kay Cristine. “Grabe naman kasi pag described mo kay Phil Cruz. Kulang na lang sambahin mo siya! Hello? Ito pa ang inaatupag mo beshy? Next week na ang exam kaya aral-aral din,” sermon ni Christine. Napabuntong hininga si Okuni sa sinabi ni Christine. “Minsan lang ako nagkaroon ng crush, kontrabida ka pa. Mag-aaral din ako pero kapag nakikita ko si Phil, parang namumula na ako,” sabi ni Okuni. Sinabi ni Christine kay Okuni na tigilan na niya ang pagpapansin kay Phil dahil nagmumukha na siyang tanga. Pangit tignan sa isang babae na sunod ng sunod sa isang lalaki. Pumasok na si Okuni at Christine sa school. Habang naglalakad sila sa hallway ay tinanong siya ni Christine kung bakit pala siya sumakay ng bus kung may kotse at driver naman siya. “Alam ko na kung bakit sumakay ka ng bus ng makita kita. Dahil gusto mong makasabay si Phil sa bus. Tama ba?” nakangiting sabi ni Christine. Sa halip na sumagot si Okuni ay sumabay ang dalawa nilang classmate. “Si Phil na naman ba ang topic of the day?” pabirong tanong ni Mark. “Mukhang may in-love sa kaibigan natin pare!” tukso ni Chad. “Alam niyo Mark at Chad, mga marites din kayo noh? Baka gusto ninyong e fly kick ko kayo papuntang gate?” napatawa si Mark at Chad sa sinabi ni Christine. Tumakbo na sila Mark at Chad na hinabol ni Christine. Hindi na lang ito pinansin ni Okuni. Kilala na niya sila Mark at Chad na puro kalokohan lang ang nalalaman. Nahinto si Okuni dahil muntik na silang magkabangga ni Phil. Napalunok si Okuni ng magkalapit silang dalawa. Para ng natutunaw ang puso niya sa mga titig ni Phil. “Sorry, nagmamadali kasi ako. May sasabihin ka ba?” tanong ni Phil. “Wala naman,” sagot ni Okuni. Umalis na si Phil habang nakatingin lang si Okuni sa kanya. Sinundan niya si Phil na pumunta ng library. Naisip niya na baka hinahanap nito ang pen niya. Kaya nagmadali si Okuni para ibigay ang pen sa kanya. Habang tumatakbo si Okuni palapit kay Phil ay nadulas siya kaya napansin ito ni Phil. Nahawakan ni Phil at baywang at kamay niya. Naririnig ni Okuni ang bilis ng t***k ng puso niya habang nakatingin sa mukha ng crush niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD