Chapter 1

1567 Words
Biglang natauhan si Phil Cruz at nalaman niyang kanina pa siya tinatawag ng kanyang kapatid na si Danz. Nag flashback sa kanyang isipan ang isang pangyayaring hindi niya malaman kung ano ito. Hindi maintindihan ni Phil kung bakit may mga bagay sa kanyang isipan na hindi niya matukoy na paulit-ulit niyang naaalala. Medyo weird sa kanya pero hindi niya lang pinansin ito. Hinubad ni Phil ang kanyang white t-shirt at inilagay sa labahan. Kumuha siya ng towel at pumasok sa banyo. Habang naliligo siya ay biglang nag flashback sa kanya ang pagbaril sa kanya ng isang lalaking naka black jacket. Napahinto si Phil saglit nang sumakit ang ulo niya. May nag flashback sa kanya na para siyang itinulak at nahulog sa bangin. Napasigaw siya ng sumakit lalo ang ulo niya. Kumatok agad si Danz sa pintuan ng banyo sa pag-alala sa kapatid. “Ayos ka lang 'tol?” pag-alala ng kanyang kapatid. “Ayos lang, 'wag kang mag-alala,” sagot niya kay Danz kahit ang totoo ay sumasakit ang ulo niya. Pagkatapos maligo, nagpalit siya ng damit. Habang nakatingin si Phil sa salamin ay nakikita niya ang kanyang sarili na parang hindi siya okay. “Hindi ko alam pero sa edad kong labing-walong taong gulang, may mga bagay na hindi ko alam kung anong meron sa akin kung bakit paulit-ulit kong naaalala ang mga bagay na kahit kailan hindi pa nangyari sa buhay ko!” sabi niya sa kanyang sarili. “Hindi ka ba bababa? Baka ma late na tayo sa school! Kanina pa kita tinatawag!” tawag sa kanya ni Danz. “Oo na, parating na!” sagot ni Phil. Pagkababa niya ay kanina pang naghihintay si Danz sa may pintuan ng sala. "Kumusta ang umaga mo 'tol?" tanong ni Danz. Natulala si Phil dahil iniisip pa rin niya ang mga naalala niya. Lumapit sa kanya si Danz at tinanong siyang, "Ayos ka lang 'tol?" Natauhan siya at sinabing, “Danz? Ano nga tanong mo?" Hinampas siya ng dyaryo ni Danz sa ulo. “O ayan para matauhan ka kasi lagi kang absent minded. O 'wag mong sabihin babae na naman 'yan? Bilisan na natin, late na tayo!” sabi ni Danz sa kapatid. Habang naghihintay sila ng bus ay napansin ni Danz na tulala na naman ang kanyang kapatid. Hinila niya ito nang may dumating na bus dahil nag uunahan ang mga pasaherong sumakay sa bus. May mga estudyante, mga papunta sa trabaho at ang iba ay mamalengke. Sa loob ng bus ay magkatabi ang magkapatid. Habang nakatingin si Danz sa bintanang salamin ng bus ay nakita niyang tumatakbo ang isa nilang kaklase na babae na parang hinahabol ang kanilang bus. Sabi ni Danz sa driver ng bus na may sasakay na kasama nila kaya inihinto ng driver ang bus. Pagkasakay ng babae ay dumeritso ito, at kumakaway si Danz para makita ng babae. Agad silang nakita ng babae at umupo. Nakangiti si Danz sa kaklase nilang babae at ngumiti rin ito pabalik sa kanila. Samantala si Phil ay tahimik lang at walang pakialam sa kanyang paligid. Nag byahe sila higit mga 30 minutes bago narating ang kanilang school. Pagkababa nilang tatlo kasama ng ibang mga estudyante na bumaba rin ay nasa tapat lang nila ang school. Bumungad agad sa kanila ang pangalan ng kanilang school, ang John Kin's University. Ito ay isang kilalang paaralan sa buong lugar ng Lungsod ng Cambridge. Nagmadali ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom. Nagmadali rin sila Phil at Danz kasama ng kanilang kasabayang kaklase na babae papunta sa kanilang classroom. At buti na lang ay wala pa ang kanilang professor kaya umupo agad silang tatlo. Maya't maya ay pumasok na ang kanilang professor at nagsimula na itong mag discuss. Sa notes ni Phil ay hindi niya alam pero guhit lang siya ng guhit at napatigil siya dahil sa kanyang iginuhit. Hindi niya alam pero ito ang pumapasok sa isipan niya. Napalunok si Phil dahil naguhit niya ang isang babae na hindi niya alam kung sino. Napasigaw siya nang bigla niyang naalala na ang babae ay siya ang babaeng kasama ng lalaki na binaril. Napagtanto ni Phil na siya ang lalaking binaril at ang babaeng iginuhit niya ay siya ang makakasama niya. Natigil ang professor sa pagtuturo nila dahil sa malakas na sigaw ni Phil. Pinagtitinginan siya ng kanyang mga kaklase. Napapikit si Danz dahil siya ang nahiya sa ginawa ng kanyang kapatid. “Anong nangyayari sa'yo 'tol?” mahinang sabi ni Danz. Napatingin si Phil sa kapatid niya at sa buong estudyante na nasa loob ng classroom. “Mr. Cruz, kung wala kang balak na makinig sa klase ko, you may leave now,” sabi ng professor. Kinuha ni Phil ang kanyang notes at pen. Tumayo siya at kinuha ang kanyang bag. Hindi alam ni Danz ang gagawin kung paano niya mapipigilan si Phil sa pag walk out. Nang humakbang na si Phil paalis sa classroom ay nakita niya sa board ang isang solving problem sa math. Tinanong ng kanilang professor kung sino ang makakasagot sa solving problem na nasa board. Walang nakakasagot kahit isa dahil hindi nila alam ang sagot. “Excuse me sir, ako na ang sasagot,” sabi ni Phil. Kinuha ni Phil ang marker sa kamay ng kanyang professor at pumunta sa white board. Isinulat niya ang solution at ang sagot. Pagkatapos ay inilagay ni Phil sa table ng professor niya ang marker. Nang tuluyan ng umalis si Phil sa klase ay tinawag siya ng kanyang professor, “Mr. Cruz, bumalik kana sa upuan mo.” Nakangiti pareho si Danz at ang babaeng nakasabay nila sa bus nang bumalik si Phil. Pagkatapos ng klase ay sinabi ng professor na gusto niyang makausap si Phil. Sa hallway habang naglalakad, kinausap na ng professor si Phil. Humingi ng pasensya si Phil sa inasal niya sa klase at hindi raw mauulit ito. Sabi ng professor sa kanya na alam niyang mabait at matalino siyang estudyante kaya sana mag focus siya kapag nasa loob ng klase lalo na kung kaharap na nila ang professor. Ngumiti si Phil at ngumiti rin ang professor sa kanya at iniwan na siya. Muling binuksan niya ang kanyang notes. Nakita niya ang kanyang ginuhit na babae. “Hindi ko pa siya nakita ni minsan. Sino ba ang babaeng ito? Bakit lagi kitang naaalala? Bakit may memories ako sa'yo?” sabi niya sa sarili. Biglang may nagsalita sa harapan niya, “Siya ba ang gumugulo sa isip mo? Ganda ng pagka-drawing mo. Maganda siya at parang nasa labing-pitong taong gulang base sa pagka-drawing mo sa kanya,” sabi ng babaeng nakasabayan nila sa bus. Agad isinara ni Phil ang kanyang notes at inilagay ito sa bag. Umalis siya at hindi pinansin ang babae. “Phil Cruz! Ang sungit mo talaga! Bakit hindi ka namamansin?” sigaw ni Okuni. Hinarap siya ni Phil at sinabing, “May sasabihin ka ba? Pupunta pa akong library," sagot niya kay Okuni. Naramdaman ni Okuni ang paglapit ng mukha ni Phil sa kanyang mukha kaya naman nabigla siya. Hindi siya nakasagot sa harap ng binata. "Wala ka bang sasabihin?" tanong ni Phil. Tumalikod siya at iniwan si Okuni na mag-isa. Hindi makapaniwala si Okuni na sobrang lapit ng mukha ng matagal na niyang crush na si Phil. Pumunta si Phil sa library at naghanap siya ng libro para sa kanilang pagsusulit. Biglang may nahulog na libro na pumukaw sa kanyang atensyon. Pinulot ni Phil ang libro at binasa niya ang pamagat nito, “Art of Love.” Bitbit niya ang libro habang naghahanap pa siya ng iba. Napatigil siya nang may nagsalita sa tabi niya. “Para ba sa pagsusulit ang hinahanap mong libro?” mahinang sabi ni Okuni dahil nasa library sila. Kilala ni Phil ang boses ni Okuni at sinagot niya lang ito ng, “Oo.” Umalis na siya at iniwan si Okuni na napabuntong hininga naman dahil sa pagiging masungit nito na hindi siya pinapansin. Naghahanap si Phil ng mesa at upuan na ma upuan nang matuklasan niya ang isang aklat. Umupo siya at inilagay ang mga librong kinuha niya. May kinuha siya sa kanyang backpack, ang kanyang notes. Pagkabukas niya sa notes ay agad bumungad sa kanya ang kanyang drawing sa isang babaeng lagi niyang naalala kahit hindi pa niya ito nakikita ni minsan. Napansin niyang biglang bumukas sa harapan niya ang pahina ng librong "Art of Love". Walang hangin na awtomatikong magbubukas nito, pagtataka niya. Nang kunin niya ito sa mesa, napansin niyang may nakasulat itong impormasyon tungkol sa kung ano ang mangyayari sa plot ng libro ng nobela. “Kung alam niya lang kung gaano ko siya kamahal, ilang taon na akong naghihintay sa mahal ko habang sinusubukan ang pagkakataong makita siyang muli.” basa ni Phil. Umupo sa tabi ni Phil si Okuni na may dalang libro at ipinatong sa table. Naka concentrate lang si Phil sa binabasa niya. Pa simpleng nakatingin si Okuni sa kanya habang binuklat ang isang pahina ng libro. Napansin ito ni Phil kaya niligpit niya ang kanyang gamit sa bag at dinala ang mga libro. Isinauli niya ito ngunit hindi niya namalayan na nailagay niya ang “Art of Love” na libro sa kanyang bag bago umalis. Medyo nasaktan si Okuni dahil nararamdaman niyang naiinis si Phil sa kanya. Napansin niyang naiwan nito ang pen sa mesa kaya nakaisip siya ng paraan. Nasa isip ni Okuni na may dahilan na siya para malapitan ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD