"Tatanga-tanga ka kasi nanggugulat ka!" singhal ko kay Villamor na sapo-sapo ang kanyang pisngi na namumula dahil sa hampas ko ng bag. Medyo nakokonsensya ako pero deserve n'ya yun dahil gago s'ya.
"So, it is my fault now." Di makapaniwala n'yang saad at sinamaan ako ng tingin. E hindi naman ako natatakot sa kanya. Kung ang iba ay takot na takot sa presensya n'ya, sorry s'ya dahil tuwing makikita ko s'ya ay nakulo ang dugo ko.
"Bakit, hindi ba? Bakit ka kasi nanggugulat?!" He glared at me.
"I didn't expect you to hit me with that fvcking Chanel bag," He scrutinized my bag, and it was as if, in his mind, he was tearing it to pieces.
"I know what you're thinking, so stop it, or I might just hit you with this again." I warned.
"Damn, sadist." he said.
"What exactly do you need?" I asked in annoyance.
Naglakad s'ya palapit at sinarado ang pinto ng kotse ko. Nakalapat ang isang kamay n'ya sa kotse at kinukulong ako sa mga bisig n'ya.
Ito na naman yung pakiramdam ko na nabilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko'y naninikip ako ang dibdib ko. He's looking at me intently.
He won’t take his eyes off me, so I can’t look at him directly—I don’t know why. Pakiramdam ko ay tagos hanggang buto ang tingin n'ya. Itinaas ko ang paningin ko at nagsalubong na ang tingin namin. His dark brown eyes are like hypnotizing me. Hindi ko aalis ang tingin dito. I can't move, even if he's towering me.
"Stay where you are, Raina. Missy is here, and I don’t have time for that nonsense. So please, just do this one thing for me." I gulped and didn't bother to answer. Honestly, di ko alam.... Nawawala ata ang boses ko pag ganto ang nararamdaman ko. Damn this hot thick-faced womanizer. Kailan ba kakalma ang t***k ng puso ko. Ramdam ko ang butil-butil na pawis ko dahil sa init ng pakiramdaman.
"Ryker, baby!" We heard a high-pitched scream, and someone was calling Adonis's name, so I panicked and accidentally pushed Adonis.
Pero parang tumulak ako sa pader di man lang s'ya natinag. Tangina talaga ang laki at ang tigas naman ng katawan n'ya. Lalo akong binanas at parang maiiihi sa kaba dahil baka makita kami ni Missy na ganito ang sitwasyon.
She is head over heels about Adonis, and no woman dares to approach Adonis as long as they see Missy around because they are afraid Missy will go after them. And she is his ex-girlfriend. Bakit kaya sila naghiwalay e, bagay na bagay sila.... Parehas may saltik sa utak.
"Oh, s**t. Stay still. Just this once, Raina." Pakiusap n'ya kaya wala akong nagawa kundi ang makipagtitigan na lamang kay Adonis.
Palapit na ng palapit ang boses ni Missy pero wari wala kaming pakialam. Ramdam ko ang pagbigat ng paghinga ni Adonis. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang tuhod ko, I don't know why. Tangina.
Halos mahigit ko ang hininga ko dahil unti-unting inilalapit ni Adonis ang kanyang mukha sa akin. Holy mother of fvcking rascals! Galaw, Raina! Pigilan mo, tangina.... Ayan na.
Ramdam ko ang malambot na labi ni Adonis na lumapat sa labi ko. Kakaibang kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Parang kinikiliti ang sikmura ko. Nakakapanlambot ng tuhod. Gamit ang isang kamay ni Adonis ay sinuportahan n'ya ang bewang ko at pinisil pa n'ya ito. Halos matumba ako dahil sa panghihina. Tangina, anong nangyayare sakin?
Sobrang init ng pakiramdam ko, kakaibang pakiramdam at ngayon ko lamang 'to naramdaman. Napa-daing ako ng mahina at kinuha n'ya ang opportunity na iyon para palalimin ang aming halikan. Halos mabaliw ako sa kakaibang init na nararamdaman ko. Gumanti na ako, nakipaglaban ako sa dila n'ya. At nagpasarap pa sa pakiramdam ko ang pagpisil n'ya sa bewang ko.
"Ryker! H-how dare y-you!?" halos mapalundag ako dahil sa boses na nanggaling sa likod ni Adonis. Tangina and'yan na si Missy.
Pero hindi man lamang ako kinabahan sa presensya n'ya sa halip ay nainis ako dahil naudlot ang halikan namin--- gago hindi ako nag-enjoy ha... Promise! Ano ba itong iniisip ko, nakakadiri naman. I never liked him! Paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko. Hindi maaaring magustuhan ko s'ya dahil karibal ko s'ya. Inagaw n'ya ang posisyong inaasam-asam ko. I will never like him, not even a little.
Umayos nang tayo si Adonis at hinarap si Missy na parang wala lamang ito sa kanya. Nagawa pa n'yang ayusin ang polo n'ya dahil may kaunting gusot ito. I could see Missy's face that she's about to cry. There's a hint of anger in her eyes, hindi lang siguro n'ya alam kung ano ang uunahin n'ya. Ang komprontahin ba si Adonis o sugudin ako ng sampal.
"What are you trying to do... A-Adonis... Why did you k-kiss her!?" naiiyak na sambit nito.
Adonis just shrugged and seems not to care about her.
"Leave me alone, Missy. We're already done, how many times do I have to remind you that." malamig na sambit nito.
Lalong naluha si Missy at nang dumako ang tingin n'ya sakin ay nag-alab ito sa galit na parang handa akong dambahin ng sambunot.
"Don't you dare try to hit her," alam na alam ni Adonis ang nasa isip ng kanyang dating kinakasama. Kinabig ako ni Adonis at hinarangan mula kay Missy. Nasa unahan ko s'ya at naka-antabay sa bawat kilos ni Missy. She looked at us in disbelief.
"N-no, please... A-Adonis... Don't do this to me," pakiusap n'ya at naglakad papalapit samin.
Bawat hakbang n'ya ay s'yang paghawak ni Adonis sa kamay ko. His calloused hand holding mine.
"I know you still love m-me... I can feel i-it..." Baliw ba s'ya ? Kung mahal pa s'ya nito ay hindi ito gagawa ng paraan para pagtaguan s'ya. Dinamay pa ako sa katarantaduhan nilang dalawa. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare ngayong araw ay nagpakalulong na lamang ako sa alak para di ako nakapasok.
"Leave, Missy." matigas na saad ni Adonis.
Aaminin ko medyo natatakot ako pag ganito s'ya dahil nasanay lamang ako sa pang-aasar nya at pag ngisi n'ya pag minumura ko s'ya. O baka naman ganito talaga s'yang makitungo sa iba. I just don't get him, bakit ba n'ya ako laging pinipikon at ginagalit... Dahil ba alam n'yang nasasapawan n'ya ako sa company? at ngayong nakuha na n'ya ang posisyon ay hindi pa din n'ya ako tinitigilan.
"Bakit mo ba ako pinapaalis?! Putangina naman Adonis! Ano bang ginawa ko sayo para iwanan mo ako?!" halatang galit na ito dahil mabibigat na yapak ang ginagawa nito. Why am I involved in their problem? Tngina kasi nito ni Adonis, hanggang dito ba naman ay isasali pa ako. I already had enough.
"Pwede na ba akong umalis? Nakaka-istorbo na ata ako e," napakamot pa ako sa ulo.. Patay paniguradong hinihintay na ako ni Nial.
"The fvck, Raina?"
"Hindi, hindi ka aalis... You fvcking slut! Who gave you permission to take Adonis away from me?! Pagbabayaran mo ang ginawa mo!" nanggigigil nitong usal kaya naman tinaasan ko s'ya ng kilay. Si Adonis naman ay pinisil ang kamay ko kaya napadaing ako. Hayop na lalaki talaga 'to.
"Magkano ba?" tanong ko. Her face turned red.
"Aba't talagang... Bitawan mo s'ya Adonis! Bibigyan ko ng leksyon ang babaeng 'yan!"
Imbis na bitawan ako ni Adonis ay mas inilapit pa ako nito sa kanya kaya napa-untog pa ako sa matigas na likod nito.
"Namumuro ka na ha!" untag ko at sinuntok ng mahina si Adonis sa likod.
"Fvck, what was that for?"
"Bitawan mo s'ya sabi e!" naubusan ng pasensya si Missy at sinugod na ako. Pilit n'ya akong inaabot sa likod ni Adonis para sambunutan... Samantalang ginagamit ni Adonis ang isang kamay n'ya para ilayo si Missy. Ano bang akala n'ya sakin at pino-protektahan n'ya ako mula sa babaeng to. Nahihinaan ba s'ya sa akin.
Mabilis kong kinagat ang kamay ni Adonis para mabitawan ako at mabilis akong umikot para sugudin si Missy. Rinig ko ang malulutong na mura ni Adonis at irit ni Missy dahil sinasambunutan ko na s'ya. S'ya naman ang hawak ngayon ni Adonis dahil napayakap s'ya dito nang akmang ilalayo naman s'ya sakin ni Adonis.
Hindi ko tinitigilan ng sambunot si Missy at rinig ko na ang pag-iyak n'ya. Todo sambot naman si Adonis ng isang kamay ko dahil sinasapon ko pa si Missy habang sinasambunutan. Ha! akala ba n'ya? Batang hamog ata ako dati kaya nagkamali s'ya ng kinalaban.
"Babe! Meghan let go of her!"