Chapter1
"Why are you looking at me like that, Miss Raina?" ramdam ko ang pang-aasar n'ya sa tono ng pagsasalita n'ya.
He even smirked at me. Tanginang Villamor 'to sarap ilubog sa lupa.
"Inaalala ko kasi yung muka ng aso ko, Villamor." pang- aalaska ko pero hindi man lang s'ya nakitaan ng inis.
"I'm too handsome to be a dog, Miss Raina... Kung maging aso man ako, uunahin kitang kagatin." bwisit!
Bakit ba napaka-galing ng hayop na'to mang-asar? Nakaka-irita! Lintik!
Nakaupo lamang ako sa aking swivel chair at naka-dekwatro. Halos manlisik na ang mata ko kay Villamor dahil sobra akong naiinis pag nakikita ko s'ya.
Kahit ba napaka-gwapo nito ay di nito maalis ang galit ko sa kanya. Asa s'ya. Mukha din napaka-galing nito sa kama dahil halos lahat ng mga nakaka-syoso ko sa negosyo ay natikman na ng hayop na Villarmor na'to. Ako lang ang hindi n'ya matitikman, I swear to God!
Nakatayo lang s'ya ng tuwid sa harapan ko at naka-titig sa akin na para bang tuwang-tuwa na makitang busangot ang mukha ko.
Nakabukas ang dalawang butones ng polo n'yang puti, kaya naman halata lalo ang pagkamatipuno n'ya... Dumagdag pa sa nakapagpa-lakas ng dating n'ya. Pero di n'ya ako maaakit, kapal naman n'ya!
"My, my, my... Why don't you just admit that you're lusting over me, Raina." lalo nang nagsalubong ang kilay ko at sinamaan s'ya ng tingin. This thick-faced womanizer! Narinig ko pa ang kaunting halakhak n'ya.
"Go ahead, Villamor... Mangarap ka tanga." umirap pa ako.
He look at me with amusement in his eyes. At paarang tuwang-tuwa pa sa nangyayare.
He pulled the swivel chair and sit in front of me.
Hindi inaalis ang titig sa akin.
Ramdam ko ang pagkabalisa ko dahil parang nag-iinit ang katawan ko sa paraan ng pagtitig n'ya.
Kalma, Raina. Hindi ka dapat nagpapa-apekto sa kumag na'yan at kapag nakita n'yang naaapentuhan ako... Malanang na lalo ako bwi-bwisitin nito at baka mag-conclude pa na crush ko s'ya. Ano ako teenager? Para sa crush crush na 'yan???
"What do you need, Villamor? You really love to waste others time, don't you?" Nakataas kilay kong tanong.
He just smirks.
"Chill, Raina. I'm here to tell you something." tumikhim naman ako at medyo ini-atras ang aking upuan dahil dumudungaw sa akin si Villamor at kulang na lamang ay lapain ako.
"What is it this time? Ayusin mo, Villamor. Umay na umay na ako sa pakana mo! Kada linngo na lamang ay ini-storbo mo ako sa mga walang-kwentang bagay na sinasabi mo! " tumawa naman s'ya na lalong nakapagpa-inis sa akin kaya't sinipa ko s'ya sa ilalim ng lamesa.
"You're fvcking sadist'' daing n'ya at ibinaba ang isang kamay para hipuin ang tuhod n'yang sinipa ko ng heels ko.
Sawa na ako sa kagaguhan n'ya. Daming-daming pwedeng pagtripan e, ako pa ang napili n'ya.
"Ano ngang sasabihin mo? Ayusin mo, Villamor kundi babayagin na kita." banta ko na ikinasama ng muka n'ya.
"Oh, please, your words."
"Oh, please you words,'' panggagaya ko sa boses nito at umirap pa.
"Pwede bang sabihin mo na agad kung anong sasabihin mo at madami pa akong kailangang gawin," masungit kong saad at umayos naman na s'ya ng upo.
"How does it feel?" My brows met.
"Ng ano?"
He leaned closer to me. Bahagya naman akong napalayo dahil sobrang lapit ng muka n'ya sakin. Ia-atras ko pa sana ang upuan ko kaso kinabig n'ya ito papalapit sa kanya. Halos di ako huminga at manigas sa kinauupuan. Ramdam ko ang mainit na hininga n'ya sa parte ng mukha ko. Pakiramdam ko'y bumibilis ang t***k ng puso ko.
"T-the hell, V-villamor." halos di ko alam kung anong sasabihin.
Ramdam ko na nakangisi s'ya.
"How does it feel to be a second and not at the top?'' bigla na lamang nawala ang kakaibang pakiramdam ko at napalitang ng galit. Tangina talaga nito ayaw akong tigilan.
"You came here just for that? So childish of you, Villamor.'' mapanuya kong saad at tuluyan ng nai-atras ang upuan ko.
I saw the rage in his eyes. Ganyan nga Villamor...
"Tingin mo ba ay may pakialam ako sa pwesto mo, Villamor? So what if I'm just the Vice President? Ikamamatay ko ba?" pero sa totoo ay halos ibato ko ang hawak kong wine nang ini-anunsyo na ang magiging Presidente ng kompanya ay si Villamor. At lasing na lasing ako nakauwi. Buti na lamang ay kinaya ko pang mag-drive pauwi dahil kung hindi baka nakagawa ako ng kahihiyan sa party na pagsisisihan ko.
I saw him gulped. I know he's the only one who knew that I always aim to be on top, but shits happened... He came... Palagi na lang akong pumapangalawa sa lahat ng bagay.
"Come on, stop with the childish attacks. Wala kang mapapala sa akin." dagdag ko. Dahil totoo naman, ano bang mapapala n'ya sakin kung araw-araw at linggo-linggo n'ya akong bwisitin.
"I have,''
"May napapala ka?" napatawa pa ako ng bahagya.
" Uh-uh,"
"Ano?"
"That's for you to find out," aniya at tumayo.
"Ulol," and rolled my eyes on him. Tingin n'ya ba maniniwala ako sa kanya? na may napapala s'ya sakin pag pinipikon n'ya ako. Napaka-isip bata talaga!
"I'll be always at your top," parang may ibang meaning ang gagong 'yun a. O baka na naman namali lang ako ng dinig.
Rinig ko ang pagsarado ng pinto kaya naman umayos ako ng upo at sumubsob sa lamesa ko.
I think I need to drink later. Mga sampong shot siguro ng tequila at baka mabawasan ang inis ko kay hayop na Villamor.
Nagsimula na ako sa gawain ko at pinermahan na ang kailangang pirmahan.
I dialed Nial's number.
Nial is my gay friend. A fvcking handsome gay. Kung hindi lamang ito bakla ay baka nag first move na ako para ligawan s'ya. Hindi pa n'ya inilalantad ang kasarian n'ya dahil takot s'ya sa sasabihin ng iba at lalo na sa sasabihin ng magulang n'ya. He's an only child kaya ayaw n'yang ma-dissapoint ang mga ito sa kanya. Kaya naman nandito ako bilang huwarang kaibigan na napagkakamalan laging kaintahan n'ya at hindi ko naman itinatanggi pag may nag-approach at itinanong kung totoo na boyfriend ko s'ya, hindi ko din naman sinasabing boyfriend ko s'ya. Basta wala kaming kinokumpirma, sabay lang kami sa agos ng chismis para lamang walang makaalam ng sekreto na.
" Hello," a manly voice answered. Hindi mo talaga masasabing bading.
"Hey, babe." I joked. Nakikinita ko ang reaksyon n'yang nandidiri kaya napangisi ako.
"Kilabutan ka nga, Megan." may kaartehang untag nito.
"Chill, aakitin lamang sana kita kung sasama ka sa akin mamaya.... Magba-bar ako,"
"What time?"
"I don't know yet, I'll text you later." I said and ended the call. Matik na yun na sasama s'ya at hihintayin n'ya ang text ko.
Alam n'yang stress ako ngayon dahil sinabi ko sa kanya ang nangyare kahapon. Dinamayan n'ya lang ako pero hindi n'ya ako dinamayan mura-murahin sa usapan namin si demonyong Adonis. I think he's attracted to him. Kahit pa lagi s'yang sinasamaan ng tingin ni Adonis tuwing makikita s'ya nito, bakit nga ba ang init ng dugo ni Adonis kay Nial? E, wala naman akong matandaan na nag-usap sila at wala din akong masabing dahilan para kainisan n'ya si Nial.
Tapos na ang mga gawain ko at niligpit ko na ang kailangan ligpitin.
Habang naglalakad ako sa hallway ay nagtitinginan sa aking ibang members dito sa building. I just shrugged it off at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
I already text Nial. Alam kong naggagayak ito kaya naman ng makapunta ako ng parking lot ay agad kong pinatunog ang kotse ko.
Akmang papasok na ako sa kotse nang biglang may humawak sa braso ko. Sa sobrang gulat ko ay nahampas ko ito ng bag ko na ikinadaing n'ya.
"The hell with you, Villamor!"