"Gusto kong malamang kung alam niyo ang lugar ng sinumpaan?" tanong ko agad sa kanilang dalawa.
Nagtinginan sina Jozer at Lib in sa tanong ko at seryosong tumugon sa akin.
"Ang sinumpaang lugar po ay isang matandang kasabihan sa ating lugar mahal na hari," tugon ni Jozer.
"Wala pa bang nakakapunta sa inyo doon?" tanong ko muli sa kanya.
"Wala pa pong nakakapunta sa amin doon sa lugar na 'yun mahal na hari sapagkat hindi po ito nag eexist,"
"Talaga ba? Ngunit ang lugar na 'yun ay napuntahan namin ni Alessandro," tugon ko sa kanila. "Hindi ba Alessandro?" tanong ko kay Alessandro.
"Tama kayo diyan mahal na hari,"
"Kung maaari po mahal na hari ay idala niyo kami sa lugar na 'yun," Pakiusap ni Lib in sa akin.
"Ngunit halos kalapit lang ito ng inyong kaharian?" nagtatakang tanong ni Alessandro kay Lib in.
"Totoo ba?" gulat na tugon niya. "Kung maaari ay samahan mo kami doon upang makita rin namin ang lugar na 'yun,"
"Ngunit ang lugar na 'yun ay binabantayan ng mga tauhan ni Baal." tugon ni Alessandro.
Nakikinig lang ako sa kanilang tatlo habang nag uusap sila tungkol sa lugar ng sinumpaan ng bigla akong nakaisip na kamkamin ang mga bato sa lugar na ito.
"Alessandro," sabat ko sa kanila.
"Ano po 'yun mahal na hari?" tanong niya sa akin.
"Gaano karami ang mga bato sa lugar na 'yun?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Marami pong nag gagandahang mga bato doon mahal na hari." tugon niya sa akin.
Tumingin ako kina Jozer at Lib in at tumugon sa kanila.
"Sige isasama namin kayo sa lugar na 'yun at isasama natin ang ating mga malalakas na hukbo,"
"Hindi po kaya mapanganib ang gagawin natin mahal na hari?" tanong sa akin ni Alessandro.
"Walang mapanganib na salita sa ating diksyonaryo dahil nasa panig niyo ako. Ang tanging itatak niyo sa inyong kaisipan ay ang batas na aking pinapairal dito. Kung anong sabihin ko ay walang maaaring humarang dito. Naiintindihan mo ba 'yun Alessandro?" seryosong sambit ko sa kanya.
"Masusunod po mahal na hari,"
"Tawagin niyo na si pinunong Alzem at isama ang malalakas na miyembro ng inyong hukbo at tutungo tayo sa lugar ng sinumpaan,"
"Masusunod mahal na hari!" tugon nila sa aking lahat.
Pinaalis ko na silang lahat at pagkatapos ay tumungo ako sa aking laboratoryo upang balikan ang patay na puno doon.
Pag pasok ko sa loob ng aking laboratoryo ay nag liliwanag ang buong lugar dahil sa dalang liwanag ng bato ng urbana.
"Ano kayang meron ka at gustong-gusto ka ng patay na puno?" tanong ko na lang sa sarili ko habang tinititigan ito.
Habang nakatitig ako sa batong ito ay bigla ko na lang naalala ang libro ni ama kaya kinuha ko ito at hinanap ang batong ito sa mga naitala niyang sangkap dito ngunit wala akong makitang bato ng urbana doon. Maski ang puno ng patay ay wala rin dito kaya't kumuha ako ng panulat at ako na ang nagsulat nito dito.
Mula sa gilid ko ay nakita ko ang patay na puno. Kumuha ako ng kapiraso nito at inilagay ko ito sa aking lutuan.
"Anong silbi mong patay na puno?" tanong ko habang hawak-hawak ito.
Nakatingin ako dito sa patay na puno na ito ng bigla itong nagsalita muli.
"Haring Leonon," tawag niya sa akin.
"Bakit ba nakakapunta ka dito sa akin?" iritableng tanong ko sa kanya.
"Nasayo ang kapiraso ng katawan ko kaya nakakausap mo ako ngayon,"
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang may kailangan sa akin," tumatawa niyang sambit sa akin.
"Ano bang pakinabang ng sanga mo sa akin?" tanong ko sa kanya muli.
"Ang buong parte ng aking katawan ay mahalagang sangkap sa isang gamot,"
"Anong gamot?"
"Ang pagiging imortal!" Mayabang na sigaw niya sa akin.
"Paano ako makakasiguro na totoo ang iyong sinasabi sa akin? May nakagawa na ng gamot ng pagiging immortal?"
"May nag iisa. Bakit hindi mo subukang gamitin ang kapiraso ng aking sanga upang malaman mo ang sinasabi ko?"
"Anong tamang sangkap para dito?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko sasabihin," Pang aasar niya sa akin.
"Napakagaling mo! hayaan mo at hindi ka na makakapagsalita pang muli dahil lulusubin namin ang lugar niyo!" Galit na sigaw ko sa kanya.
"Kung mahahanap mo kung nasaan ako?" tanong niya habang tumatawa sa akin.
"Anong sinasabi mo?"
Hindi ko alam sa tuwing nakakausap ko ang punong patay ay sumusulpot si Alessandro sa labas ng aking laboratoryo at sa tuwing nakikita ko siya mula sa loob ay parang nakatanaw siya sa akin sa loob mula sa labas na tila ba'y nakikita niya ako.
Lumabas na ako agad sa aking laboratoryo at lumabas na ako sa palasyo upang puntahan sila sa labas.
Habang naglalakad ako papalabas ay nakita ko sa likuran ko si Alessandro.
"Ooh?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Nagulat po ba kayo sa akin panginoon?" tanong niya sa akin.
"Hindi naman," tugon ko.
"Halina po kayo at tutungo na po tayo sa lugar ng sinumpa," Paanyaya niya sa akin.
"Sige." tugon ko.
:Lumapit kami kina Alzem at pinahanda ko sila sa paglipad.
Nagbago na kaming lahat ng anyo at pinapwesto ko si Alessandro sa harapan upang maging guide namin sa paglipad.
Tumagal din ng minuto ang aming paglipad at bumaba kami malapit sa kaharian ni haring Amadius na ngayon ay kuta na ng mga kaseleo.
"Nandito na po tayo," sambit ni Alessandro sa akin.
"Sige." tugon ko.
Bumaba na kaming lahat sa lupa at naglakad-lakad na kami dito. Nanguna na dito sina Jozer at Lib in dahil lugar nila ito.
Palakad-lakad lang kami dito sa lugar na ito ngunit wala kaming makitang kakaiba at hindi ko rin makita ang punong patay.
"Nasaan na Alessandro" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko din po alam mahal na hari. Tama naman ang lugar na pinuntahan natin ngunit wala akong makita dito na kahit ano," tugon niya sa akin.
"May kakaiba talaga ngunit hindi ko alam kung ano. Suyurin niyo ang buong lugar na ito at ibalita niyo agad sa akin kapag may nakita kayong kakaiba!" Utos ko sa kanila.
"Masusunod mahal na hari!" tugon nila sa akin.
"Jozer at Lib in maiwan kayo."
Nag paiwan ang dalawa at kinausap ko sila tungkol dito.
"Anong lugar 'to?" tanong ko sa kanila.
"Nasa labas po tayo ng kuta ng mga kaseleo mahal na hari," tugon ni Jozer sa akin.
"Bago pa ito maging kuta namin anong lugar ito?" tanong ko muli sa kanya.
"Ito ay nasasakupan ng kaharian ni haring Amadius ngunit walang ganung lugar dito mahal na hari," tugon niya sa akin. "Ang sinasabi niyo pong lugar ng sinumpa ay parte lang ng isang haka-haka,"
"Paano mo nga maipapaliwanag ang nangyari sa amin ni Alessandro?" inis na tanong ko sa kanya. "May sanga ako ng patay na puno na kung saan ay nag iisa lang,"
"Patay na puno?" tanong niya sa akin habang nag iisip.
"Oo 'yun nga ang sinasabi ko sayo kanina pa,"
"Pangalawang beses ko pa lang ito narinig mahal na hari ngunit may isa akong kilala na nakakaalam nito,"
"Sino?"
"Si Aram,"
"Sino 'yan?"
"Siya ang pinaka matandang sa aming lugar. Siya ang tinawag naming Kaka dahil marami siyang alam na kwento. Itong patay na puno ay isa sa mga kinukwento niya sa amin noong kami ay bata pa,"
"Kilala niya ang patay na puno?"
"Opo mahal na hari,"
"Kung ganun ipakilala mo siya sa akin ngunit kailangan niyo munang hanapin dito ang sinasabi ko,"
"Masusunod po."
Umalis na silang dalawa sa harapan ko at nag hanap-hanap rin sa lugar ngunit lumipas na ang ilang oras ay wala pa rin silang nahahanap na patay na puno.
"Umuwi na tayo!" Utos ko sa kanila.
"Nandito po si Kaka Aram sa kuta ng mga kaseleo," Pamimigil ni Jozer sa akin.
"Aah sige. Umuwi na kayong lahat at maiiwan kami dito nila Jozer at Lib in!"
Kaya mula sa mga pwesto nila ay nagpalit na sila ng anyo at nagsiliparan na silang lahat sa langit para bumalik sa palasyo.
Pag kaalis na pag kaalisng mga tauhan ko ay nag pasama na ako agad kina Jozer at Lib in sa kanilang Kaka at kinausap ko ito.
Tumungo kami sa isang maliit na kubo dito at nakita namin ang isang matandang lalaki na nagtatanim ng halaman.
"Kakang Aram!" Tawag ni Jozer sa kanya.
Tumingin ito sa amin at ngumiti.
"Ikaw ba ang hari dito?" tanong niya sa akin.
"Ako nga." tugon ko sa kanya.
Lumuhod siya sa harapan ko at nagpatirapa sa akin.
"Ako ay matanda na kaya kahit na kainin niyo ang aking kaluluwa ay wala kayong makukuhang sustansya," sambit niya bigla sa akin.
"Wala kong balak na paslangin ka Kaka. Narito ako para sa isang bagay,"
"Ano 'yun mahal na hari?" tanong niya sa akin.
"Alam mo ba ang patay na puno?" tanong ko sa kanya pabalik.
"Ang patay na puno?" tanong niya sa akin.
"Oo 'yun nga,"
"Nakita mo siya?"
"Ikaw ba Kaka nakita mo na siya?"
"Matagal na panahon na rin nang masilayan ko ang patay na puno," sambit niya. "Ang punong ito ay mahiwaga dahil hindi mo siya mahahanap kapag hinanap mo siya dahil siya ang mismong magpapakita sayo kapag hindi mo siya kailangan. Ang punong ito ay mahiwaga at naging kwento-kwento na lang ng mga nakakatanda," Lahad niya sa akin.
"Paano mo nakita ang puno na ito?" tanong ko sa kanya.
"Isa akong manggagamot noong kabataan ko at lumabas ako ng palasyo noon para maghanap ng mga kasangkapan sa mga gamot na ginagawa namin ngunit naligaw ako sa isang lugar na hindi ko alam," kwento niya.
"Tapos nakita mo na siya?"
"Hindi pa. Napagod ako sa paghahanap ko pabalik sa palasyo hanggang sa may nakita akong malaking patay na puno,"
"Siya na 'to,"
"Oo. Akala ko isang puno lang siya ngunit nagulat na lang ako ng bigla itong nagsalita sa akin,"
"Siya nga 'yan! Ikaw ang sinasabi niya sa akin na nag iisang immortal?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Hindi ako ang sinasabi niya dahil kung ako ang sinasabi niyang immortal ay dapat hindi ako tumatanda," tugon niya.
"Kung gayon sino ang sinasabi niya sa akin?" tanong ko na lang sa sarili ko.
Hindi ako nagtiwala kay Kaka Aram kaya't sinugatan ko siya sa kanyang kamay na ikinagulat nila Jozer at Lib in.
"Mahal na hari!" Pamimigil nila sa akin.
Umagos ang dugo sa kamay ni Kaka Aram at nakatingin lang ako dito ngunit hindi ito nag hilom kaya pinatakbo ko agad ito kay Lib in sa mga malapit ba kaseleo sa lugar.
"Sino kayang nakagawa na ng pagiging immortal?" tanong ko na lang sa sarili ko.
"Jozer," tawag ko sa pangalan niya.
"Ano po 'yun mahal na hari?"
"Tawagin mo si Jara dito at kakausapin ko siya,"
"Masusunod po."
Umalis agad sa harapan ko si Jozer at naiwan na ako sa kubo ni Kaka Aram. Habang hinihintay ko ang pagbabalik nila ay napatingin ako sa isang halaman na nakatanim sa hardin ni Kaka.
"Ano ito?" tanong ko na lang sa sarili ko.
Pumitas ako dito at inilagay ko sa garapon na dala ko.
Dumating na si Jara at agad akong kinamusta.
"Kumusta mahal na hari?" tanong niya sa akin sabay yuko.
"Yung gamot na sinasabi ko sayo? Kumusta na?"
"Meron po kaming nagawang imbensyon mahal na hari,"
"Ano 'yun?"
"Para ito sa mga sugatang kawal kung saan ay pag ininom nila itong gamot na ito ay gagaling at maghihilom ang kanilang mga sugat,"
"Na subukan niyo na ba 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa mahal na hari,"
"Kung sa gayon ay tawagin niyo si Kaka Aram upang masubok natin ang gamot niyo,"
"N-ngunit matanda na si Kaka at baka hindi niya kayanin ang gamot na ito?"
"Paano natin malalaman ngayon na mabisa ang gamot na inembensyon niyo kung hindi natin susubukan?" tanong ko sa kanya.
Hiniwa ni Jozer ang kanyang braso at tumulo ang dugo dito. Kinuha niya ang gamot na hawak ni Jara at ininom ito.
"Ba-?" putol na tanong niya habang tinitingnan si Jozer na nilalagok ang gamot na ito.
Pag ubos ni Jozer ng gamot na ito ay agad iyang pinakita sa amin ang hiwa ng braso niya na parang ipinagmamalaki niya.
"Walang nangyari," sambit ko sa kanya.
"A-nong wala?" tanong ni Jozer sa akin sabay ngisay sa harapan naming lahat.
Nakakatuwang tingnan ang isang mahangin na kawal ko na nangingisay-ngisay sa aking haarapan ngunit nakakagulat at nakakamangha lang na ang kawal na ito ay mabilis na bumalik sa kanyang ulirat.
"Jara," tawag ko.
"Ano po 'yun mahal na hari?"
"Bakit kailangan lagi na lang ganyan ang unang reaksyon kaapg umiinom ng gamot? Hindi ba pwedeng nasa maayos na lagay kami nito?" tanong ko sa kanya.
"Aayusin at babaguhin ko po ang sangkap nito mahal na hari,"
"Mabuti! hanggang dito na lang ang pagbisita ko dito sa inyo mauuna na ako pabalik sa palasyo,"
"Sasama na po ako mahal na hari," sabat ni Jozer.
"Ikaw ang masusunod."
Nagpalit na kami ng anyo namin at lumipad na kami sa langit pabalik sa palasyo.