Hingal man kaming pareho ni Alessandro na nakalabas sa lagusan ay nagawa pa rin naming dalawa na tumawa.
"Akala ko katapusan na nating dalawa," natatawang sambit niya sa akin.
"Hindi ko pinangarap na mamatay sa lugar na 'yun hindi pa napapanahon," seryosong tugon ko sa kanya. "Pero nag papasalamat ako sa katapangan na pinakita mo kanina,"
"Itataya ko ang buhay ko sa inyo mahal na hari,"
"Gantimpala ang naghihintay sayo pag uwi natin sa palasyo." masayang nakangiting sambit ko sa kanya.
Lumuhod sa harapan ko si Alessandro at niyukuran niya ako.
"May tanong lang ako Alessandro?"
"Ano po 'yun mahal na hari?" tanong niya pabalik sa akin.
"Paano mo nalaman na ito ang bato ng urbana?" tanong ko sa kanya habang pinapakita ang bato.
Nanlaki ang mga mata niya na nakatingin sa batong hawak ko sabay tanong sa akin pabalik.
"Paanong nasa inyo pa rin po ang bato ng urbana?" tanong niya sa akin.
"Simple lang naman ginawa ko," nakangising kong tugon sa kanya.
"Ano po?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"May nakita akong bato sa lapag kanina bago ko tinanong sayo 'yung bato ng urbana tapos pinag palit ko ito at saktong paghagis ko ay nakalabas tayo sa lagusan," lahad ko. "Teka? Paano mo nalaman na ito nga ang bato ng urbana?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi ko rin po alam kung anong naging basehan ko para malaman na 'yan nga ang bato ng urbana basta ang nangyari ay hinawakan ko ang lahat ng mga bato doon ngunit ng 'yan na ang hinawakan ko ay bigla na lang lumitaw ang mga kalaban na 'yun,"
"Magaling! Napaka galing mo Alessandro!" manghang sambit ko sa kanya.
"Maraming salamat mahal na panginoong Leonon,"
"Halika na at bumalik na tayo sa palasyo."
Nagpalit na kami ng anyo na dalawa ni Alessandro at lumipad na kaming dalawa sa langit.
Habang lumilipad kaming dalawa ni Alessandro ay hindi mawala ang mga ngiti sa aming dalawa sapagkat nautakan namin 'yung patay na puno dahil nasa akin ang bato ng urbana at may nakuha pa akong sanga niya.
"Makakagawa muli kami ng panibagong imbensyon sa sanga na ito." sambit ko na lang sa sarili ko.
Lumipas ang ilang minuto ng paglipad namin ni Alessandro ay nakabalik na kami sa palasyo. Paglapag na paglapag pa lang namin sa labas ng palasyo ay agad akong nilapitan ni Alzem.
"Mahal na hari!" alalang tawag niya sa akin.
"Anong nangyari Alzem?" tanong ko sa kanya.
"Nakuha po namin ang buong hukbo ni haring Amadius at ang kanilang mga kayamanan," sambit niya sa akin.
"Mabuti!"
"Ano pong nangyari sa inyong dalawa mahal na hari? Bakit dalawang linggo kayong nawala?" tanong niya sa akin.
"Dalawang linggo?" gulat na tanong ni Alessandro sa kanya.
"Oo! Pinaghahanap na nga namin kayong dalawa bumalik pa kami sa kaharian ni haring Amadius ngunit wala kayo roon," tugon niya kay Alessandro.
"Kumusta ang mga hukbo natin? May namatay ba?"
"Wala pong namatay sa ating hukbo at sa katunayan nga po mahal na hari ay nakadagdag tayo ng tatlong libong kawal sapagkat sumuko silang lahat sa atin at marami na rin pong nadagdag na bagong miyembro ng ating mga ibang hukbo," lahad niya.
"Kasya pa ba tayo dito sa ating lugar?"
"Ang totoo niyan mahal na hari ay iniwan namin sa kanilang palasyo ang ibang mga tauhan ni haring Amadius dahil wala na silang mapaglagyan dito,"
"Tawagin mo ang lahat ng mga magagaling sa pagtatayo ng mga bahay dahil lalawakan na natin ang ating kaharian. Ang tatlong kaharian na ating sinakop ay doon na natin ipapatira ang mga bawat angkan natin dito," Utos ko sa kanya. "Ang dating palasyo ni haring Madok ay titirhan na ngayon ng mga Kaseleo, ang kaharian naman ni haring Zeptta ay titirhan na ngayon ng mga Bulwa at ang kaharian naman ni haring Amadius ay titirhan ng mga Harim," sambit ko.
"Saan po ang aming kuta mahal na hari?" tanong niya sa akin.
"Ang aking mga minamahal na Arnaseo ay dito sa akin mananatili. Kayo na ang maninirahan sa mga aalisan na tahanan ng mga kaseleo, bulwa at harim," sambit ko sa kanya. "Ihanay mo sa pinaka malakas hanggang sa pinakamahina ang iyong hukbo upang alam natin kung saan tayo mag fofocus. Ang bawat hukbo na gagawin mo ay iwanan mo ng kanya-kanyang lider ng sa gayon ay mapaayos natin ang ating mga hukbo," sambit ko kay Alzem.
"Masusunod po mahal na hari,"
"May natira bang mga pinuno sa kaharian ni Amadius?" tanong ko sa kanya.
"Meron po!" Sigaw ng isang di kilalang personalidad.
Lumapit ito sa akin at lumuhod sabay yuko.
"Mahal na hari!" Bati niya sa akin.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya.
"Ako ang pinuno ng hukbo ni haring Amadius," tugon niya sa akin.
"Anong pangalan mo?"
"Jozer mahal na hari,"
"Anong nangyari at sumapi kayo sa amin?"
"Nang mapatay agad ang aming haring si Amadius at sumuko na kami agad sapagkat nasa kasulatan namin na kapag napatay ang aming hari ay sasapi kami agad sa kahariang nakapaslang dito upang mapatuloy ang aming angkan,"
"Handa na ba kayo sa pagbabago?"
"Handang-handa na po kami sa mga mangyayari mahal na hari,"
"Kung gayon ay ilalagay kita sa isa sa mga pinuno ng kaharian na 'to. Ikaw na ang hahawak ng unang hukbo na gagawin ni Alzem,"
"Masusunod mahal na hari." tugon niya.
Umatras na ng pwesto si Jozer at lumapit naman sa akin si Alzem.
"Kayo na po ba ang pipili ng mga pinuno panginoon?" tanong niya sa akin.
"May mga napipisil ka ba? Kulang pa tayo ng dalawa,"
"Meron na po akong nakitang mga malalakas na kawal na nagmula sa kawal din ni haring Amadius,"
"Sige ipakilala mo sa akin."
Tinawag ni Alzem ang isang kawal sa kanyang kanan at lumapit ito sa akin. Lumuhod ito sa aking harapan at nag patirapa sa akin.
"Ako si Lib on ng kaharian ni haring Amadius," Pakilala niya sa akin.
"Magagaling ba ang hukbo ni haring Amadius at dalawa na kayo agad ang magiging pinuno ng hukbo?" tanong ko sa kanya.
"Ang aming hukbo ay isa sa pinaka malakas na hukbo dito sa atin na nasa level 1 at ang aming hari ang siyang pinakamalakas na hari dito ngunit sa hindi inaasahan na may dadating pa palang mas malakas na hari at ikaw 'yun panginong Leonon. Ang aming hukbo ay hasa sa pakikipaglaban at pag sasanay kaya masasabi ko na ang aming hukbo ang siyang pinakamalakas sa lahat," matapang na sambit niya sa akin.
"Kung kayo nga ang pinaka matapang na hukbo sa lahat ng nasa level 1 bakit kayo narito ngayon?" pilisopong tanong ko sa kanya.
"Katulad na lang ng sinabi ng aking pinunong si Jozer ay nasa kasulatan na ang sinumang haring napatay ng kanyang kalaban ay ang buong sambahayan dito ay sasama dito sa dahas man o sa hindi. Dahil ang aming kaharian ay hindi naman ganun kadami ang bilang ay minabuti namin na sumanib na lang sa inyo at mag paalipin,"
"Kung gayon ay simulan niyo ng isanay ang mga hukbo dito upang maging kasing kalakas ninyo at isasalang ko kayo agad sa isang digmaan," sambit ko sa kanya.
"Masusunod mahal na hari." tugon niya sa akin.
Iniayos na agad ni Alzem ang mga hukbo sa tulong ng mga bagong pinuno na magiging kahalili niya sa mga hukbo na ito.
"May isa pa pala tayong hindi nakukuha bilang isang pinuno na hahawak sa mga pinaka mahina na hukbo natin. Siya ang mangangasiwa dito upang mas lalo silang lumakas at kapag hindi siya nagtagumpay na palakasin ang mga nasa hukbo niya ay siya papaslangin sa harap ng lahat ng ating sinasakupan," seryosong sambit ko sa kanila.
"Masusunod mahal na hari," tugon nilang lahat.
"Ngayon, hinahamon ko kayo na lumapit sa akin upang tanggapin ang huling posisyon na ito." nakangiting sambit ko sa kanila.
Nag titinginan lang ang lahat nito dahil sa takot na baka ay mapaslang sila ngunit may isang nag lakas ng loob na lumapit sa akin at nag pakilala na mula sa kaharian ni haring Zeptta.
"Ako si Waram ang pinaka mahinang miyembro ng hukbo ni haring Zeptta!" Sigaw niya sabay luhod sa akin.
Nagtawanan ang lahat sa kanya dahil sa pag identify niya sa kanyang sarili ngunit napatingin ako sa kanya ng seryoso at parang nakita ko ang sarili ko sa kanya.
Isang mahinang nilalang na ngayon ay sobrang lakas na.
"Ikaw na ang mamumuno ng iyong hukbo Waram ngunit alalahanin mo ang sinabi ko na kapag hindi lumakas ang hukbo mo ay papaslangin kita sa harapan ng lahat ng ating nasasakupan,"
"Masusunod mahal na hari."
Tumalikod na ako sa kanilang lahat at naglakad na ako pabalik sa palasyo upang itago ang nakuha kong mga rekado sa magiging imbensyon ko.
Haban naglalakad ako ay may isang batang paslit na naglalaro at nasanggi niya ako. Nahawakan niya ang aking kamay kaya't biglang sumakit ang ulo ko.
Napagewang ako sa aking nilalakaran ngunit bigla akong nasalo ni Alessandro at inakay ako pabalik sa aking silid.
"Kumusta ang inyong pakiramdam mahal na hari?" tanong niya sa akin na may pag aalala.
"Hindi ko alam ngunit parang nanghina ang aking katawan pagkatapos akong patigil ng patay na puno na 'yun," sambit ko sa kanya.
"Halika na kayo mahal na hari at ihahatid ko na kayo sa inyong silid upang makapag pahinga na kayo,"
"Maraming salamat. Anong napansin mo sa mga nakalaban mo kanina?"
"Yung mga tauhan ni Baal?"
"Oo,"
"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila namamatay na lahat kahit pa nasasaksak ko na sila ng aking espada. Parang tumatama lang ito sa kanila ngunit hindi sila tinatablan dito,"
"Satingin mo? Nakuha na nila ang pagiging immortal?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi ko po alam kung ganun nga mahal na hari dahil napansin ko lang na parang may hindi tama sa lugar na 'yun,"
"Paanong hindi tama?" tanong ko sa kanya.
"Parang kakaiba siya sa mga napupuntahan nating mga kaharian,"
"May alam kaya sina Lib in at Jozer sa lugar na 'yun?"
"Maaari po mahal na hari sapagkat malapit lang ito sa kanilang palasyo,"
"Tawagin mo ang dalawang 'yun at idala mo sa aking silid. Mauuna na ako sayo upang makapag pahinga na ako,"
"Masusunod mahal na hari."
Nag patuloy na ako sa paglalakd papasok sa palasyo at mula sa bungad ay nakita ko si Beka ang aking punong kasamabahay na nakatayo sa harapan ng pinto.
"Kumusta kayo mahal na hari?" tanong niya sa akin.
"Mabuti naman. Papasok na ako sa aking silid at dalhan mo ako ng sariwang dugo upang mapatid ang aking pagkauhaw,"
"Masusunod po mahal na hari."
Mabilis na umalis si Beka sa aking harapan at pumasok na ako sa loob. Bago ako tumungo sa akin silid ay pumunta muna ako sa aking laboratoryo upang iwan doon ang aking mga nakuhang gamit mula sa lugar na sinumpa.
Pag pasok ko sa aking laboratoryo ay nilabas ko agad ang sanga ng patay na puno at ang bato ng urbana.
Kuminang ng sobrang lakas ang bato na ito at ang puno naman ay naglalabas ng kumukulong putik ng bigla itong nagsalita.
"Leonon ang pinaka masamang hari," sambit niya.
"Sino ka?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Ako ang patay na puno," Pakilala niya sa akin.
"Paano ka naka-contact sa akin?"
"Ang aking sanga ay parte ng aking katawan kaya't madali lang kitang makakausap," tumatawa niyang sambit sa akin.
"Anong gusto mong mangyari?" galit na tanong ko sa kanya.
"Gusto mo bang malaman kung sino ang kinagigiliwan mong tauhan ngayon?"
"Sino?"
"Ang iyong matalik na kaibigan,"
"Si Alessandro?"
"Oo! Siya nga! Gusto mo bang malaman kung sino siya?"
"Sino siya at saan siya nagmula?" tanong ko sa kanya.
"Siya ay anak ni-"putol niyang tugon sa akin ng bigla akong tinawag ni Alessandro.
"Mahal na hari?" tawag niya.
Habang nag uusap kami ng patay na puno na ito ay tumawag si Alessandro mula sa labas ng aking laboratoryo kaya madali akong lumabas ng aking laboratoryo at tumungo ako sa aking silid upang mag panggap na nagpapahinga.
Ininom ko agad ang dugo na nakalagay sa aking la mesa at pagkatapos ay umupo ako sa aking upuan.
Nakatingin ako nito sa labas habang hinihintay na dumating sina Alessandro, Jozer at Lib in.
"Narito na po kami mahal na hari," sambit ni Alessandro sa akin.
"Sige maupo kayo."
Umupo silang tatlo sa upuan at nag simula na kaming mag-usap na tatlo. Marami ang naglalaro sa akin utak ngayon dahil sa nahagilap ako ng patay na puno na 'yun. Sinisira na naman niya ang aking kaisipan at binibigyan ako ng sakit sa ulo sapagkat may sinasabi siyang tungkol kay Alessandro ngunit hindi niya natapos ito.
"Alessandro," seryosong sambit ko ng pangalan niya.
"Ano po 'yun mahal na hari?"
"W-wala." tugon ko sa kanya.
Napapailing na nakatingin sa akin si Alessandro ngunit hindi maiwasan ng aking sarili na mag isip ng kung ano sa kanya dahil na rin sa mga nararamdama ko sa kanyang pagkatao.
"Sino ka nga ba Alessandro?" tanong ko na lang sa aking sarili.