Chapter 15- Dead City

2095 Words
Pagkakain ko ng kanyang kaluluwa ay para akong asong ulol. Pakiramdam ko umiikot ang ulo ko at humahaba ang katawan ko. "Ano bang kapangyarihan 'to?" tanong ko na lang sa sarili ko. Naglakad ako papalayo sa mga tauhan ko ngunit bigla akong natumba sa aking kinatatayuan.  Nagulat ako ng bigla akong napatingin sa likuran ko na nandito sa tabi ko si Alessandro. "Tulungan na kita mahal na hari," sambit niya sa akin. "Kumusta ang laban?" tanong ko sa kanya. "Panalo po tayo kaya ilalayo na po kita dito," "Sige maraming salamat." Hindi ko alam sa tuwing kumakain ako ng mga kaluluwa ng mga malalakas na demonyo ay nanghihina ako. Ganito ba talaga ang epekto nito sa katawan ko? Lumipad na kami ni Alessandro sa langit at bumalik na kami sa palasyo. Habang lumilipad kami ay unti-unting bumabalik ang lakas ko kaya bumaba muna kami ni Alessandro sa baba at nag pahinga ako doon. "Teka Alessandro," sambit ko sa kanya. "Sige po mahal na hari." Umupo ako sa tabi ng patay na puno para magpahinga ng bigla akong nakakita ng isang senaryo pagtabi ko dito. "Ano 'to?" tanong ko na lang bigla. "Ano 'yun mahal na hari?" naguguluhang tanong sa akin ni Alessandro. "Ito ooh? Ito! May nakikita ako," "Ano pong nakikita niyo?" tanong niya sa akin. "H-hindi ko alam kung ano 'to," lahad ko sa kanya. "Baka epekto lang 'yan ng pagkain niyo ng kaluluwa ni haring Amadius," "Maaari." Hindi ko sinabi kay Alessandro kung anong nakita ko sa utak ko dahil baka ito pa ang gawin niya na panlaban sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at sa pangalawang pagkakataon ay parang napunta ako sa ibang dimensyon ngunit narito pa rin ang patay na puno. Nakaupo lang ako sa tabi nito ng dumating ang iba't-ibang hari ng bawat lugar. Lahat sila ay magkakaibigan at masasayang magkakasama dito sa puno na ito ay ang lagayan nila ng mga curses nila. Idinilat ko ang mga mata ko at tumayo ako sa kinauupuan ko. "Isa ka pa lang makapangyarihan na puno." sambit ko sa sarili ko habang nakatingin dito. Kinuha ko ang espada ko at papahampas na ako sa puno na ito ng bigla itong nag apoy. "Bakit mo ako ginagambala?" tanong ng puno sa akin. Pareho kaming nagulat ni Alessandro sapagkat nagsalita ang punong ito kaya gulat akong nagtanong sa kanya. "May ganito pa lang nilalang dito?" gulat na tanong ko sa kanya. "Hindi mo ba ako kilala?" tanong niya sa akin pabalik. "Tatanungin ba kita kung kilala kita?" tanong ko muli sa kanya. "Ako! Ako ang nag iisang puno dito sa ating mundo ang puno ng kasamaan!" Pakilala niya sa akin. "Nakita ko," tugon ko sa kanya. "Alam kong nakita mo sa iyong panaginip ang nangyari sa lugar na ito at kung saan ako gamit," "Paano mo nalaman?" "Dahil ako ang nagpapasok sayo dito," "Hindi kita kilala ngunit gusto kong malaman kung makapangyarihan ka ba?" "Ang lahat ng parte ng aking katawan ay mabisa sa anomang sugat at pinsala sa iyong katawan," "Mabuti!" Inayos ko muli ang aking espada at papahampas na sana ako sa sanga nito ng bigla niya akong dinuraan ng apoy. Nasunog ang aking damit dahil sa dura niyang ito. "Lapastangan!" Sigaw ko. Sinubukan kong mag palit ng anyo ko ngunit hindi ako makapalit. Tinawanan ako ng patay na puno at tinutya. "Mahina!" Sigaw niya sa akin sabay tawa ng malakas. "Alessandro subukan mong magpalit ng anyo!" Utos ko kay Alessandro. "Masusunod po mahal na hari." tugon niya sa akin. Sinubukan ni Alessandro na mag palit ng anyo ngunit hindi rin niya magawa. "Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya. "Ang lugar na ito ay isinumpa ang sinumang gagamit ng kapangyarihan dito ay mababalewala lang," sambit niya sa akin. "Ngunit paano? Anong klaseng lugar 'to?" tanong ko sa kanya. "Sinabi ko na sayo kanina na ako ang puno ng kasamaan!"  "Kung ikaw ang puno ng kasamaan! Ako naman ang hari ng kasamaan!" "Leonon," tawag niya sa akin. "B-bakit alam m-" putol kong tugon sa kanya. "Nababasa ko ang iyong katauhan Leonon. Isa ka lang ilusyonadong hari na pinit na naghihiganti sa kanyang mga angkan at pamilya," tumatawa niyang sambit sa akin. "Hindi ako nag iilusyon! Dahil tunay akong malakas at masamang hari!" sigaw ko sa kanya. "Kilala mo ba kung sino ang kasama mo ngayon?" tanong niya sa akin. Napatingin ako kay Alessandro at nakita ko si Alessandro na napapalunok na lang sa tabi. "Sasabihin ko kung sino siya kung ibibigay mo sa akin ang kahilingan ko," "Kilala ko si Alessandro dahil nag mula siya sa angkan ng mga kaseleo!"  "Ayan ang alam mo ngunit wala kang kaalam-alam-" putol niyang tugon. "Ako na ang gagawa ng kahilingan mo," singit ni Alessandro. "Mabuti! Sa dulo ng lugar na ito ay mga mga batong hiyas. Kunin mo ang batong urbana doon at ibigay mo sa akin," Utos niya. "Anong batong urbana?" tanong ni Alessandro sa kanya. "Malalaman mo kung anong sinasabi ko sayo kapag nandun ka na ngunit mag iingat ka sa lugar na 'yun dahil bantay doon ang mga tauhan ni Baal," "Baal? Ang ating diyos?" tanong ni Alessandro sa kanya. "Oo at sobrang pinag hihigpit na makapunta doon sa lugar na 'yun," "Paano kung hindi ako pumunta doon at kunin ang batong urbana?" "Edi hindi kayo makakaalis sa lugar na ito." Tumingin sa akin si Alessandro at itinaas ang kanyang espada. "Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya. "Alam kong hindi ka pa rin nagtitiwala sa lahat ng mga nakapalibot sayo panginoong Leonon ngunit sinasabi ko sayo na nasayo ang aking katapatan kaya para maipakita ko sayo ang aking katapatan ay ako ang pupunta sa dulo ng lugar na ito upang kunin ang bato ng urbana," seryosong sambit niya sa akin. "Ikaw ang masusunod. Siguraduhin mo lang na babalik ka ditong kumpleto ang parte ng katawan mo at buhay," "Sisiguraduhin ko mahal na hari," "Humayo ka at gawin mo ang naisin mo." Madaling umalis sa harapan ko si Alessandro at naiwan na lang ako sa harapan ng patay na puno. Nang makalayo na si Alessandro sa amin ay tinanong ko muli ang patay na puno. "Nakikita mo ba ang nakaraan?" tanong ko sa kanya. "Hindi," "Anong hindi?" "Hindi ko nakikita," tugon niya sa akin sabay tawa ng malakas. "Anong hindi? Kanina lang binasa mo ang nakaraan ko," urat na tugon ko sa kanya. "Oo nga pero hindi ko naman sinabi na totoo 'yun,"  "Ano?!" galit na tanong ko sa kanya. Tumawa sa akin ang punong ito kaya kinuha ko ang aking espada at madali kong tinanggal ang kanyang sanga. Pag putol ko ng sanga niya at nag labas siya ng mainit na putik. Umaapoy-apoy ito na mabilis na dumadaloy sa kanyang putol na sanga. "Anong ginawa mo!" Galit na sigaw niya sa akin. "Nararapat lang sayo 'yan!" natatawa kong tugon sa kanya. "Hindi mo alam kung anong mangyayari sa kasamahan mo dahil sa ginawa mo," tugon niya sa akin. "Wala akong pake," tugon ko sa kanya. "Hindi ka ba nakakaramdam ng kakaiba sa kanya?" tanong niya sa akin/ "Katulad ng?" nagtatakang tugon ko. "Alamin mo," tumatawa niyang tugon sa akin. "Alam mo kung nagagamit ko lang ang kapangyarihan ko ay kanina ka pa putol na puno ka!" "Alam mo kung nakita ko lang ang galaw mong 'yun ay hindi ka sana makakaputol sa akin." tumatawa niyang sambit sa akin. Nakatingin na lang ako sa kanya nito habang iniisip ko kung paano ako makakaalis sa lugar na 'to. Sinubukan ko muling mag palit ng anyo ko para makalipad ako sa langit ngunit hindi ko ito magawa. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya at hindi ako makagalaw ng sobrang bilis. "Anong kapangyarihan ba ang nakuha ko kay Amadius?" tanong ko na lang. "Walang silbi 'yang sinasabi mo ngayon Leonon," tumatawa niyang sabat sa akin. "Kung ako sayo puntahan mo na ang kasama mo dun at ibigay niyo sa akin ang bato ng urbana," Utos niya sa akin. "Hindi mo ako mauutusan!" Sigaw ko sa kanya. Itinaas niya ang kanyang mga sanga at inihampas ito sa akin. Humahaba ang kanyang mga sanga at tumutulis ang dulo nito. Masakit ang bawat hampas na ginagawa niya sa akin ngunit pinipigilan ko lang ito dahil naghihilom lang ang mga sugat sa aking katawan. Buong akala ko ay gagana ito dito ngunit nagulat ako na ang mga sugat na natamo ko sa kanya ay walang nangyayari. "Anong klaseng lugar 'to?" tanong ko sa kanya habang tinatakpan ang aking mukha. "Ito ang tinatawag nilang lugar ng sinumpa," tugon niya. "Ito ba ang tinatawag nilang lugar na sinumpa? Ang iniilagan na lugar ng lahat?" tanong ko sa kanya. "Tama!" tumatawa niyang tugon sa akin. "Dito pala 'yun! Mabuti naman at nakapunta na kami dito dahil matagal ko na rin gustong malaman kung totoo nga ang lugar na ito o hindi." Tumatawa lang siya sa akin nito kaya mas lalo akong nag iinit sa kanya. "Ngunit sa loob ng mahabang taon ay wala ni isa ang nakalabas dito," pilyong sambit niya sa akin. "May nakita akong mga hari na nag titipon-tipon dito," "Sila ang gumawa ng lugar na ito ngunit dahil sa ginawa nila ay nagambala ang itaas at lahat ng mga haring 'yun ay namatay!" Tumatawa niyang sambit sa akin. "Sino ang may gawa sayo?" tanong ko. "Sila. Silang mga nag simatay dito," tugon niya. "Kaya pala. Naiintindihan ko na kung anong kapangyarihan ang nakuha ko kay haring Amadius," masayang sambit ko. "Ano?" "May imumungkahi ako sayo," "Ano?" "Kapag nakuha na ni Alessando ang bato ng urbana hindi ba't papaalisin mo na kami dito?" "Oo kung buhay pa siya sa mga oras na ito," "Kung naibigay namin ang bato ng urbana sayo maaari mo ba akong bigyang ng kapiraso ng sanga mo?" "Maaari naman," "Mabuti." Umalis ako sa harapan niya at dinampot ko ang sanga na pinutol ko sa kanya at inapuyan ito. Sinimulan ko ang paglalakad patungo sa lugar kung saan mahahanap ang bato ng urbana. Habang nag lalakad ako patungo sa lugar na ito ay bumibigat ang pakiramdam ko kaya hinanda ko agad ang aking espada at sarili sa posibleng mangyari. Diretso lang ang daanan at wala ka ng pag pipilian pa na iba.  Madilim ang daan ngunit lumiliwanag ito dahil sa aking dalang sanga na may apoy. Malayo-layo na rin ang nilakad ko ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang maganda. Mula sa malayo ay parang may naramdaman akong pwersa. "Kanino 'to? Bakit parang pamilyar?" tanong ko na lang sa sarili ko. Tumakbo na ako pagkaramdam ko ng pwersang ito at mula dito ay nakita ko si Alessandro na nakikipag laban. "Alessandro!" Sigaw ko. Nakikipag laban si Alessandro sa mga kawal ni Baal ngunit ang mga kawal na ito ay nakagamit ng kanilang ibang anyo. "Bakit nila nagagamit ito?" tanong ko na lang sa sarili ko. Mabilis kong nilusob ang mga kalaban ni Alessandro at dalawa kaming nakipaglaban dito. Patuloy lang kami sa pakikipag laban sa mga ito dahil may kalakasan sila kumpara mo sa mga lakas naming ngayon. "Paano tayo makakapalit ng anyo mahal na hari?" tanong sa akin ni Alessandro. "Hindi tayo makakapalit ng anyo ngayon kaya gamitin mo ang lahat ng natutunan mo kay Alzem," tugon ko sa kanya. "Masusunod mahal na hari." Inilabas ko ang lakas ko sa normal kong anyo at pinilit kong makipag sabayan sa kanila. Pagod na pagod na kami ni Alessandro dahil sa tuwing napapatay namin sila ay nabubuhay lang rin sila. "May naisip akong plano Alessandro," "Ano po 'yun?" "Nasa iyo na ba ang bato ng urbana?" "Nasa akin," "Mabuti. Pag bilang ko ng tatlo ay tatakbo tayo ng mabilis para matakasan natin sila," "Masusundan nila tayo," "Akong bahala." Bumilang na ako ng tatlo at humanda na kami ni Alessandro sa pag takbo. "Isa. Dalawa. Tatlo!" Sigaw ko. Kumaripas kami ng takbo ni Alessandro at hindi naman kataka-taka na hahabulin kami ng mga tauhan ni Baal. Mabilis ang pagkakatakbo namin ni Alessandro at mula rito ay natatanaw na namin ang patay na puno. "Nandito na ang bato!" Sigaw ko sa kanya. Binuksan niya ang lagusan at sabay senyas sa akin na ibato ang bato sa bunganga niya.  Nakabukas na ang lagusan at mas binilisan ko ang pagtakbo. Inihagis koang bato sa kanya kasabay ng pag labas namin ni Alessandro sa lagusan. Pag labas namin sa lagusan ay hingal na hingal kaming dalawa ni Alessandro at kasabay nito ay bigla kaming nag tawanan na dalawa. Dito nag simula ang pagkakaibigan naming dalawa. Nabuo ni Alessandro ang tiwala ko sa kanya kaya bukod na siya ang kanang kamay ko ay naging matalik na kabigan ko pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD