Chapter 14- Conquering the kingdom of king Amadius

1656 Words
Tunay ngang naririnig ko ang mga nasa isip nila at ito na ang pinakabago at pinaka magandang kapangyarihan ko ngayon. Malaki na ang pagbabago ng kapangyarihan ko at araw-araw akong lumalakas sa bawat nakakain kong mga kaluluwa. Ito na ba ang tinatawag nilang pinaka dakila o kakaunti pa rin ang aking kaalaman at kapangyarihan?" Upang masubok muli ang aking bagong kapangyarihan ay dinala ko muli sa isang digmaan ang aking mga hukbo. Sa panahong ito ay mas malakas at mas malaking kaharian ang aming lulusubin upang kamkamin ang kanilang mga pag-aari at mga tauhan. Si haring Amadius ang isa sa hari na iniidolo ko sapagkat napaka lakas niya at napaka galing niya sa pakikipag laban. Ang aming kaharian ay isa lamang pipitsuging kaharian sapagkat ang aming hari dati na si haring Ezra ay isang matatakutin at madayang hari.  Nag hangad man siya ng kapangyarihan ngunit hindi niya ginamit ang kanyang utak dahil hindi siya nakikipaglaban sa ibang palasyo upang makita ang tunay niyang lakas. Nag focus lang sila sa pangongolekta ng mga kaluluwa sa mundo ng mga tao. Ito na ang propesiya ako ang sinasabi na dadating na malakas na hari na mag hahari dito sa aming mundo. Ako ang itinakda na magiging hari ng lahat ng mga hari. Habang nanunuod ako sa pag eensayo nila Alzem ay tinawag ko si Alessandro.  Kinumpasan ko lang siya ng kamay ko at naintindihan niya agad ito kaya lumapit siya agad sa akin at tinanong ako. "Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo mahal na hari?" tanong niya sa akin sabay yuko. "Gusto ko lagi kang nasa tabi ko dahil sa ikaw na ang napili kong kanang kamay ko. Ang lahat ng utos ko ay susundin mo," "Masusunod po mahal na hari," "P-pero," natigilan kong sambit sa kanya. "Hindi pala sa lahat ng oras ay kasama kita ngunit sa tuwing tatawagin kita ay dapat lagi kang nariyan," "Masusunod po mahal na hari." Pinaalis ko na siya at tinawag ko si Alzem. "Sigurado ka ba na kaya na ng iyong hukbo na makipaglaban?" tanong ko sa kanya. "Kaya na po namin ito mahal na hari," "Sige kung ganun ay ipapadala ko kaya sa isang digmaan," "Lulusob tayo sa kaharian ni haring Amadius," "Kailan po ito? Meron na po ba kayong kongkretong plano para dito mahal na hari?" "Ang pakikipag digmaan ay hindi na ginagamitan ng plano basta malakas ka at mautak ay tiyak na mananalo ka sa anumang laban." Pailing-iling man na sumang-ayon sa akin si Alzem ay parang nag dadalawang isip pa rin siya sa idea ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay naririnig ko ang sinasabi ng utak niya kahit hindi siya magsalita. "Ano ba namang klaseng hari 'to? Walang plano ang gusto lang ay mangamkam nang mangamkam ng pag aari ng iba." mga salita na nasa utak niya. "Alam mo Alzem tsaka mo na ako pangaralan kung nanalo kayo sa laban huh? Ayoko ng mga incompetent na kawal kaya nga kita inilagay sa posisyon dahil naniniwala ako na kaya mo at ikaw na rin ang nagsabi sa akin na kaya niyo na ang makipagdigma ngayon dahil sinanay mo na sila." seryosong sabi ko sa kanya. Napatitig sa akin si Alzem at gulat na nagtanong sa akin. "Narinig niyo po ako?" gulat na tanong niya sa akin. "Ayoko man sabihin sayo pero oo narinig ko ang sinasabi ng iyong utak." Agad siyang lumuhod sa aking harapan at nag patirapa. "Patawarin niyo po ako sa aking kalapastanganan mahal na hari! Hindi na mauulit muli ang ganito! Susunod lang ako sa inyong mga utos at hindi na muling magtatanong sa inyo." Tumawa ako ng malakas sa kanya at pinatayo siya sa kanyang kinaluluhuran. "Tumayo ka Alzem. Humayo ka at ang iyong mga hukbo! Lulusubin natin maya-maya lang ang kaharian ni Amadius!" Utos ko sa kanya. "Masusunod po mahal na hari!" "Alessandro!" tawag ko. "Bakit po mahal na hari?"  "Tumungo ka ngayon din sa kuta ng mga kaseleo upang kunin ang gamot na ipagawa ko sa hukbo ng bagong pinuno na si Jara. Kunin mo ang gamot na ipanglalaban natin sa mga hukbo ni haring Amadius upang hindi kayo masyadong mahirapan sa laban,"  "Masusunod po mahal na hari." Madaling umalis sa harapan ko si Alessandro at tumungo sa kuta ng mga kaseleo upang kunin ang gamot na sinasabi ko sa kanya. Umupo muli ako sa aking upuan at pinag masdan ko lang ang aking mga kawal na patuloy pa ring nag sasanay ng bigla silang pinatigil ni Alzem. "Kayong dalawang libo na kawal ay maghanda para sa pakikidigma natin sa mga kawal ni haring Amadius!" Sigaw niya dito. Itinaas nilang lahat ang kanilang mga espada at nag sigawan silang lahat ng malakas. Natuwa ako sa pinakita nilang katapangan at nasabi ko na lang sa sarili ko na kaya na nila ang susunod na digmaan. Lumipas ang ilang minuto ay dumating na si Alessandro dala-dala ang napakaraming butilya ng gamot. "Narito na po ang mga gamot na pinapakuha niyo mahal na hari," sambit niya sa akin habang abot-abot ang lagayan ng mga butilya na ito. "Mabuti." tugon ko sa kanya. Kumuha ako ng isang butilya at agad ko itong inihagis sa kanila upang tingnan ang epekto nito sa kanila. Ang lahat ng nakalanghap ng usok na ito ay parang mawala sa kanilang ulirat. Lumabas ang kani-kanilang mga pakpak at tila ba'y bulag na kumakapa sa dilim. "Ano itong gamot na ito panginoong Leonon?" tanong sa akin ni Alessandro. "Ito ang gamot na panlaban natin sa ating mga lulusubin. Ikaw at si Alzem ang hahawak nito dahil kayo ang mga pinuno ng hukbo. Nung una ay ako pa ang nangangasiwa sa laban ngayon ay manunuod lang ako sa inyo kung paano kayo makipag laban ng totohanan," sambit ko sa kanila. "Paano kung kami ang unang makalanghap ng usok nito panginoon?" "Saan mo ba ibabato ang gamot na ito? Sa inyo ba? Ang butilya na ito ay ibabato niyo malayo sa lugar kung nasaan kayo para hindi niyo malanghap ang usok nito at kapag nakita niyong nag iiba na sila ng anyo ay dali-dali kayong susugod sa kanila sapagkat mabilis lang mawala ang epekto ng gamot na ito," paliwanag ko sa kanila. "Masusunod po mahal na hari," "Ihanda niyo na ang inyong hukbo at lulusob na tayo sa kaharian ni haring Amadius," "Masusunod po mahal na hari!" tugon nilang dalawa. Iniayos na nila ang kanilang hukbo at pagkatapo nito ay nag palit na sila ng anyo nila upang maghanda sa paglipad. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at pinag mamasdan ang mga susunod na gagawin nila.  "Tingnan natin kung kaya niyong makipag laban na wala ako." nakangiting sambit ko habang pinag mamasdan silang lahat na nagsimulang magsilipad sa langit. Nagpalit na rin ako ng anyo ko at nag simula na rin akong lumipad sa langit. Habang binabaybay namin patungo sa kaharian ni haring Amadius ay nadaanan pa namin ang kaharian ni haring Madok at haring Zeptta. Mas malakas na hari ang kanilang haharapin kaya't may agam-agam pa rin ako na baka matupok ang mga kawal ko imbis na sila ang manalo sa digmaan na ito. Ngunit muli sa kanilang likuran ay naririnig ko ang mga nasa isip nila at lumalakas ang aking loob dahil sa kagustuhan nilang manalo dito upang makakain muli ng masasarap na pagkain pagkatapos ng digmaan. Habang papalapit kami nang papalapit sa kaharian ni haring Amadius ay parang bumibigat ang aming mga pakiramdam kaya sinenyasan ko si Alzem na maglakad na lang upang hindi sila makita ng mga kawal ni haring Amadius. Mabilis akong lumapit kina Alessandro at Alzem upang balaan sila dahil sa nararamdaman ko. "Maging mapagmatiyag kayong dalawa dahil iba ang nararamdaman ko ngayon," seryosong sambit ko sa kanila. "Masusunod mahal na hari," tugon ni Alzem sa akin. "Ihanda niyo lang ang inyong mga butilya at bigyan ang iba pang kawal nito upang magamit sa pakikipaglaban," Utos ko sa kanila. "Masusunod mahal na hari," "Manatili lang kayo sa ganyang anyo niyo upang maging handa kayo sa anumang mangyayari nandito lang ako sa inyong tabi na handang tulungan kayo kapag nahirapan na kayo. Isipin niyo na nasa pagsasanay lang ito ngunit mas mahirap na dahil anumang maling galaw niyo ay mamamatay kayo," "Masusunod mahal na hari," "Sige na ipagpatuloy niyo ang paglalakad niyo." Tumango sila sa akin at bumalik sa kanilang pwesto. Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon sapagkat nakikita ko sa aking mga pinuno na maaasahan sila sa anumang mangyayari ngayon. Dahan-dahan lang kaming naglakad upang hindi kami marinig ng mga kawal ni haring Amadius ngunit nagulat na lang kami na ang bawat daanan pala doon ay may patibong. Pinalipad ko agad sila sa himpapawid dahil sa mga patibong sa lupa. Dahil sa hindi inaasahan ang ganitong pangyayari ay may mga nasugatan na mga kawal. Palapit na kami nang palapit kaya pinauna ko na sina Alzem at Alessandro upang ibato na ang mga gamot. Matagumpay nilang naibato ang mga gamot at nalanghap ito ng mga tauhan ni haring Amadius kaya nawala sila sa katinuan.  Ito na ang tamang oras kaya sumigaw ako sa kanilang lahat. "Sugod!" Sigaw ko ng malakas. Lahat ng aking mga tauhan ay madaling nagsilaparan at agad na pinaslang ang mga tauhan ni haring Amadius at pumasok sa loob ng kanilang palasyo. Madami rin ang kawal ni haring Amadius ngunit dahil sa gamot na inihagis nila Alessandro at Alzem ay nanghina sila at agad na napaslang ng mga ito. Habang nasa kagitnaan sila ng laban ay nakita ko ang isang mabilis na kidlat na tumutupok sa aking mga kawal kaya agad akong nagpalit ng anyo ko at sinagupa ko agad ito. Sa gitna ng labanan ay nakalaban ko si haring Amadius. Katulad ng aking inaasahan siya ay isang malakas na hari ngunit hindi siya umubra sa akin dahil sa dami na rin ng nakain kong mga katulad kong demonyo kaya ang lakas ko ay pambihira. Tumagal din ng ilang minuto ang tapatan namin ni haring Amadius ngunit natalo ko rin siya at nakain ang kanyang kaluluwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD