Pagkatapos nilang mangolekta ng mga kaluluwang sariwa sa mundo ng mga tao ay bumalik na rin kami agad sa mundo namin.
Malaking pasalamat ni Haram sa akin dahil sa pagtulong ng hukbo ni Alzem sa kanila.
"Ngayon alam mo na ang kahalagahan ng pagtulong pinunong Haram?" tanong ko sa kanya.
"Opo mahal na hari! Napabilis at naparami ang pangongolekta namin ng mga kaluluwa dahil maraming nag tatrabaho para dito. Mas marami pa makukuha nating kaluluwa kung nandito ang mga kaseleo,"
"Bukas isama mo ang mga kaseleo upang makapaghasik na muli sila ng kasama sa mundo ng mga tao. Sinubukan kong pasukit ang utak ng babae kanina ngunit lumalaban siya at ang kasama niya kaya hindi ko sila napossess,"
"Kung gusto niyo po mahal na hari ay magpatulong kayo kay Abu Bapan tungkol sa ganyan dahil diyan po siya magaling,"
"Sige. Maraming salamat sa iyo,"
"Walang anuman."
Lumabas na kami sa lagusan pabalik sa mundo namin.
Pag dating na pag dating pa lang namin ay nag bunyi na ang lahat ng mga kasama ko dahil sa dami ng nakolekta nila. Habang nag papahinga kami nila Haram at Alzem ay dumating si Abu Bapan.
"Kumusta ang inyong pag punta sa mundo ng mga tao?" tanong niya agad sa amin.
"Marami kaming nakuhang sariwang kaluluwa Abu Bapan!" masayang tugon ni Haram.
"Mabuti! Bukas kami naman ng mga tauhan ko ang pupunta sa mundo ng mga tao at sundan niyo agad kami Haram para makuha rin natin agad ang kanilang mga kaluluwa,"
"Maganda 'yan!"
"Kung gusto niyo isama sina Alzem ay pwede ko silang ipahiram sa inyo,"
"Maraming salamat mahal na hari." masayang tugon nilang dalawa sa akin.
Ilang minuto na ang lumipas mula ng bumalik kami sa mundo ng mga tao at sa tingin ko ay maganda-ganda na rin ang aming mga katawan nito dahil nakapag pahinga na rin kami. Habang ang papahinga kami sa kuta ni Haram ay dumating si Alessandro kaagad ko siyang kinamusta at inalukan ng posisyon.
"Alessandro," tawag ko sa pangalan niya.
"Mahal na hari," tugon niya sa akin sabay yuko sa akin.
"Kumusta na ang iyong lagay ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Mabuti na ang aking pangangatawan ngayon mahal na hari dahil na rin sa tulong ng mga kaseleo. Maraming salamat sa walang sawang pagtulong sa amin upang maka-recover kami mula sa pinsala na tinamo namin sa paligsahan,"
"Walang kaso 'yun sa akin. Gusto kong gumaling kayong lahat na nasugatan dahil sa paligsahan na 'yun," tugon ko sa kanya. "Dahil sa ikaw ang nanalo sa dalawampu ay ikaw ang makakakuha ng pinaka mataas na posisyon,"
"Maraming salamat po sa tiwala mahal na hari,"
"Simula ngayon Alessandro ay ikaw na ang aking kanang kamay. Galingan mo pa dahil marami pa tayong susugurin na mga bayan,"
"Masusunod mahal na hari!"
Ngumiti ako sa kanya bilang tugon dito at pagkatapos ay umalis na ako sa kanilang harapan. kahit pa tumagal kami ng ilang oras sa mundo ng mga tao ay hindi ako nakaramdam ng pagod marahil siguro ay ngayon pa lang ako nagising makalipas ang pitumpu't pitong araw ng pagkakatulog ko.
Pag dating ko sa palasyo ay dumiretso na ako agad sa aking laboratoryo upang aralin muli ang gamot na gustong-gusto kong ma-master.
"Anong kailangan kong gawin para ang gamot na oley na ito ay maiinom na lang namin at hindi na ako mahihirapan pang magbato sa kanila nito?" tanong ko sa sarili ko.
Habang nag iisip ako ng paraan ay bigla na lang sumagi sa isip ko ang nagawa kong gamot na pampalakas.
Nakasilid ito sa maliit na butilya at nag aapoy ang kulay nito.
Walang sabi-sabi ay bigla ko itong binuksan at ininom ang gamot na ito na dapat ay usok lang.
Humagod agad sa aking lalamunan ang malapot na gamot na ito at umusok ang aking bibig.
Katulad ng nangyari sa akin kapag nalalanghap ko ang usok nito ay para akong nababaliw na parang napapaso ang aking katawan hanggang sa tumagal ng ilang segundo ay bumalik na sa dati ang aking pakiramdam.
"Kahanga-hanga!" sambit ko.
Binukas sara ko ang aking mga kamay dahil parang nakakaramdam ako ng kakaiba dito para kasing may lumalabas na usok sa aking palad at tumitigas ang aking mga kalamnan.
"Ito na siguro ang pinaka perpektong gamot na nagawa ko sa talang buhay ko! Ngayon ay kailangan ko na rin maperpekto ang portal sa mundo ng mga tao. Hindi ko kailangan mag labas pasok sa lagusan na nasa kuta ni Haram. Ang gusto ko ay malaya akong makakalabas pasok sa mundo ng mga tao ng hindi nila nalalaman." sambit ko sa sarili ko.
Binuksan ko muli ang libro ni ama upang aralin pa ang ibang kapangyarihan doon ngunit hindi ko ito mabasa ng maayos dahil may punit ito sa gilid at natanggal ang kabiyak nito.
"Anong klaseng kapangyarihan ang nakapaloob sa putol na pahina na 'to?" tanong ko na lang sa sarili ko.
Habang abala akong nananaliksik sa libro ni ama ay bigla na lang sumakit ang ulo ko. Pailing-iling ako habang humahawak ako sa ulo ko nito dahil sa sobrang sakit. Lumabas ako sa laboratoryo ko at tumungo ako sa aking silid upang mag pahinga at bago ako mag pahinga ay tinawag ko si Beka na aking punong kasambahay.
"Beka!" tawag ko sa kanya.
Madaling lumapit si Beka sa akin at tinanong ako kung anong maipaglilingkod niya sa akin.
"Mahal na hari?" tanong niya sa akin sabay bigay galang sa akin.
"Bigyan mo ako ng sariwang dugo ngayon din," Utos ko sa kanya.
"Masusunod."
Umalis agad si Beka sa aking harapan at naiwan na muli ako sa aking silid ng bigla muling sumakit ang aking ulo at sa panahon na ito ay umiiko ang aking paningin.
"Ano ito?" tanong ko na lang sa sarili ko habang nakahawak sa aking ulo.
Hipo-hipo ko ang aking ulo nito ng bigla nag panting ang tenga ko. Parang may mga kaluskos sa aking tenga hanggang sa may dumaang tauhan ko sa aking silid.
"Bakit hindi na lang namatay ang hari," sambit ng isa.
"Oo nga! Gusto ko sanang mamuno si Abu Bapan sa aking kaharian dahil siya ang mas nakakaangat sa hari." tugon naman ng isa.
Malayo ang pagitan naming tatlo ngunit rinig na rinig ko ang usapan nilang dalawa.
Kinawayan ko ngayon ang dalawang utusan na ito at pinapasok sa aking silid.
"Kumusta ang pag-uusap niyong dalawa?" nakangiting tanong ko sa kanila.
"Mahal na hari," tugon nila sa akin sabay yuko.
"Mabuti na lang at hindi ako namatay noh? Kapag namatay ako ay marahil masaya na kayong mga maliit kayo!" galit na sambit ko sa kanila.
"Mahal na hari patawarin mo kami sa aming kalapastanganan. Hindi na po mauulit," Pakiusap ng isa sa akin.
"Talagang hindi na mauulit pa 'to dahil ngayon ay mawawala na kayo!" Galit na sigaw ko sa kanila.
Lumuhod silang dalawa sa akin at nagpatirapa upang pagbigyan ko ang kanilang hiling ngunit nanguna na ang galit sa akin kaya tinupok ko na agad sila ng apoy at namatay silang dalawa.
Pagkapatay ng dalawa ay naging abo na sila at lumantad na ang kanilang mga kaluluwa.
Dumating si Beka at gulat na nakatingin sa akin.
"M-mahal na hari?" utal na tanong niya sa akin.
"Halika Beka," tawag ko sa kanya. "Nakikita mo ba itong dalawang ito? Ikaw na ang nag mamay-ari sa kanilang kaluluwa ngayon kaya't kainin mo na sila ngayon din," masayang sambit ko sa kanya.
"Ayoko po," sambit niya sa sarili niya.
"Ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya.
"P-po? P-aano niyo narinig ang sinabi ko?" utal na tanong niya sa akin.
Napailing ako sa sinabi sa akin ni Beka.
"Ano bang nangyayari at naririnig ko ang mga nasa isip nila at kung hindi naman sa isip ay naririnig ko ang mga usapan nila kahit pa nasa malayo sila sa akin?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
"Beka, Nalalaman mong ako ang inyong hari kaya ang mga bagay na natutuklasan mo ngayon ay siyang tunay. Ako si Leonon ang pinaka malakas na hari ngayon sa buong mundo!" Mapagmataas kong sigaw sa kanya.
Nagpatirapa sa aking harapan si Beka at pinuri ako.
Ito na kaya ang panibago kong kapangyarihan o nadadala lang ako ng aking pagka-paranoid.
Ininom ko na ang dalang inumin ni Beka sa akin at pagkatapos ay pinaalis ko na siya. Pangiti-ngiti ako nito ng biga muli akong nakaisip ng paraan kung paano susubukin ang aking kakayahan.
Pagkaubos ko ng dugong inumin ko ay lumabas ako sa palasyo at nagpalakad-lakad ako sa labas. Tumungo ako ngayon sa lugar kung saan nag sasanay sila Alzem at ang hukbo niya upang aralin ang mga nasa isipan nila.
At totoong-totoo nga ang nangyayari sapagkat dumaan ako sa harapan ng isang kawal at narinig ko ang nasa isipan niya.
"Pagbubutihan ko pa para maging katulad ako ni pinunong Alzem." sabi ng utak niya.
Napangiti ako sa nilalaman ng kanyang utak kaya napatugon ako sa kanya ng hindi ko inaasahan.
"Galingan mo pa nang sagayon ay ikaw ang papalit kay Alzem kapag pumanaw siya." sabat ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at bigla na lang napayuko sa aking harapan.
"Gagawin ko ang lahat mahal na hari upang makuha ko ang inyong atensyon!" Sigaw niya.
"Babalikan kita diyan!"
"Maraming salamat mahal na hari!" Papuri niya sa akin.
Nagpalakad-lakad pa ako sa hukbo ni Alzem at nakita ko sa di kalayuan si Alessandro na nakikipag sanay kay Alzem.
Habang papalapit ako sa kanilang dalawa ay bigla muling sumakit ang aking ulo at napagewang ang aking lakad kaya agad akong nilapitan ng isa kong kawal at kinamusta ako.
"Mahal na hari mag pahinga muna kayo," alalang sambit niya sa akin.
"Hindi panahon ng pamamahinga ngayon dahil marami pa tayong dapat gawin. Bumalik ka na sa pag sasanay mo at ipakita niyo sa akin na marami kayong natutunan kay Alzem nung panahon ako ay walang malay,"
"Masusunod."
Bumalik na siya sa kanyang mga kasama at umupo na muna ako sa aking upuan upang tingnan ang kanilang paraan sa pag sasanay.