Chapter 1- The bloody night

2114 Words
Napakainit at nababalot ng kadiliman ang buong lugar ganito ko inihahambing ang mundo ng mga demonyo. Namumuhay sa kasamaan ang mga nilalang sa mundong ito. Sila ang dahilan ng ating mga kapahamakan sa buhay at sila ang unang-una na nagagalak kapag tayo ay nasa banig ng kalungkutan. Lumalabas sila sa kani-kanilang mga lungga upang maghasik ng lagim sa sangkatauhan. Ito ang kanilang mga misyon ang sirain ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos. Maliliksi at malalakas ang mga nilalang na naninirahan sa mundong ito, Ang mundo ng mga demonyo. Magaganda ang kanilang mga mukha hindi gaya ng nababasa natin sa mga libro ngunit nagbabago ito kapag ginusto nila at napapalitan ang magandang mukha ng isang nakakatakot at nakakanginig na tranpormasyon. Lumalabas ang kanilang mga naglalakihang pakpak, namumula ang kanilang mga mata at tumutubo ang kanilang mga sungay kapag nakakaramdam sila ng sakuna lalo na kapag kailangan nilang gamitin ang kani-kanilang kapangyarihan para sa isang digmaan o labanan. Nasa katangian na nila ang lahat ng kasamaan at masaya sila kapag sinasabihan natin sila ng masasakit na salita dahil para sa kanila ay isa itong komplimento. King Esra's POV Alam kong may mas malakas na hari na mag hahari sa mundong ito kaya bago pa man mangyari ito ay mag sasagawa na agad ako ng palihim na pananaliksik sa bawat angkan ng nasasakupan ko. Hindi naging madali ang pamumuno ko dahil alam ko marami diyang nag hahangad ng posisyon ko ngunit kahit anong gawin nilang pagkakandarapa dito ay hindi ako makakapayag na mawala ang pinakaiingatan kong trono. Mainit na simoy na hangin ang dumadampi sa aking pisngi habang nakatanaw ako sa malawak na nasasakupan ng aking palasyo habang pinag mamasdan ang mga apoy na nakapaligid sa aking palasyo ay tinawag ko ang aking kanang kamay na si Alneo. "Alneo! Halika ka at may sasabihin ako sayo." tawag ko sa kanya habang winawagayway ko ang kanang kamay ko. Agad na lumapit sa akin si Alneo at tinanong ako. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo, panginoon ko?" tanong niya sa akin. "Isugo mo ang iyong hukbo sa lahat ng lugar ng ating nasasakupan at silipin kung ano-ano ang kanilang mga ginagawa. Ipaalam mo agad ito sa akin upang mahatulan ang sinumang mga lumalabag sa ating batas," utos ko kay Alneo. "Masusunod po." tugon niya sa akin sabay alis sa harapan ko. Mabilis na naglaho si Alneo sa harapan ko at muli akong bumalik sa harapan ng bintana upang tanawin ang pagkilos nila ng kanyang hukbo. Mabilis ang lahat ng pangyayari dito sa mundo namin sapagkat isa sa kakayahan namin ay ang kumilos ng mabilis. Nag bago ang kanilang mga anyo at madaling lumipad patungo sa himpapawid. Habang nakatanaw lang ako sa labas ay biglang nagsalita ang alipin kong si Archa isang matandang babae na tagasilbi sa aking palasyo. "Isang mahinang nilalang ang kukuha ng trono mo. Uulan ng dugo at mag babagsakan ang mga bituan mula sa kalawakan." seryosong sambit niya sa akin. Napalingon ako sa direksyon kung nasaan siya at agad ko siyang nilapitan at sinaktan. "Walang sinuman ang makakakuha ng tronong ito kung hindi ang magiging supling ko!" galit na tugon ko sa kanya. "Kung 'yan ang panini-wala mo ngun-it da-dating a-ang i-isa p-pang mas masama na hari na ki-kitil sa'yo at mang-gagaling ito sa pinaka mahi-nang ang-angkan ng ating l-lugar," utal niyang sambit habang sinasakal ko siya. "Hindi! Hindi maaari 'yan!" galit na sigaw ko sa kanya. Pinutol ko na ang paghinga ni Archa dahil sa galit ko sa kanya. Wala man lang siyang pasubali kung magsalita sa akin at hindi man lang ako ginalang bilang hari nila. Mabilis na naging abo ang kanyang katawan at pagkatapos ay kinain ko ang kanyang kaluluwa. Masama ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ng matandang alipin ko na 'to sa akin. Nakikita niya sa aking mga mata na may isang mas malakas at mas tuso na mag hahari sa palasyo. Ito ang mas magbibigay ng parangal sa aming mundo ngunit ito rin ang mag papabagsak dito. Dahil sa mga salitang binitawan niya sa akin ay bigla akong nakaramdam ng agam-agam sa sarili ko. Hindi ako mapakali kung sino at kailan dadating ang sinasabi niyang aagaw ng trono sa Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nakakabalik ang hukbo ni Alneo kaya nagpatawag muli ako ng bagong hukbo mula sa angkan ng mga Arnaseo kung saan ay bihasa sa mga armas. "Amain, tipunin mo ang lahat ng iyong mga kawal at tumungo kayo kung nasaan ang hukbo ni Alneo at pagkatapos nito ay bumalik kayo agad sa akin upang ibalita ang nangyayari," utos ko sa isa sa pinaka magaling na kawal ng aking imperyo. "Masusunod." tugon nito sa akin. Mabilis na naglaho si Amain sa harapan ko at tinipon ang kanyang mga kawal sa labas ng palasyo at madaling umalis. Mula ng umalis si Alneo at ang kanyang hukbo ay hindi na ako mapalagay kaya nagpalakad-lakad ako sa silid ko ng biglang pumasok ang asawa kong si Reyna Haraya. "Kumusta mahal kong hari?" nakangiting tanong niya sa akin habang hinahalikan ang pisngi ko. "Hindi maganda!" singhal ko sa kanya. "Bakit? Anong bumabagabag saiyo mahal kong hari?" nag aalalang tanong niya sa akin. "May isang matandang alipin na nagbabala sa akin na may aagaw sa aking trono bilang hari," "Gusto mo bang itapon natin siya sa dagat ng apoy upang mawala ang iyong agam-agam?" "Pinatay ko na siya pagkatapos niyang banggitin ito sa aking mukha ngunit hindi ko naitanong kung sino ang gustong kumuha ng aking trono kaya nagkaroon ako ng agam-agam," "Nakita ko ang mga kawal natin sa labas kanina. Ano ang gusto mong mangyari?" "Lilipunin at papatayin lahat ng mga angkan na hindi sumusunod sa ating batas!" "Mabuti 'yan!" tugon niya. "Naparito pala ako upang ayain kang pumunta sa mundo ng mga tao gusto kong makita muli ang mundo ng mga tao maaari mo ba akong samahan?" "Gustuhin ko man sumama sayo sa mundo ng mga tao ngunit gusto ko munang masiguro ang siguridad natin dito," "Ikaw ang bahala. Balita ko pa naman nagiging masama at sakim na ang mga tao sa lupa kaya gusto ko itong makita ng personal upang malaman ko sa mga alipin natin na totoo ang balita," "Gawin mo kung anong gusto mo at kung saan ka magiging masaya ngunit sinasabi ko sayo na mag iingat ka sa lupa dahil may mga sugo doon maaari tayong mapahamak kapag naramdaman nila ang ating kapangyarihan," "Naiintindihan ko at isa pa kaya ko namang mag bagong anyo kung saan ay hindi nila ako makikilala. Gusto ko lang rin naman kumain ng sariwang kaluluwa dahil doon mas gumaganda ang kutis ko," Natatawang tugon niya sa akin. "Ikaw ang bahala." Umalis na ang aking Haraya kasama ang kanyang mga alipin upang tumungo sa mundo ng mga tao para magharik ng lagim. Ito ang aming kabuhayan at nagpapalakas ng aming mga kapangyarihan ang makita ang mga tao na gumagawa ng kasamaan kasabay ng pagkain ng mga mabubuting kaluluwa sa lupa. Pag alis ng reyna ay bumalik ako sa ginagawa ko ang palakad-lakad sa loob ng silid ko habang patuloy na nag iisip kung paano ko matutuldukan ang sinabi ni Archa sa akin kani-kanina lamang. Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na ang aking mga hukbo. Agad na nagbalita sa akin si Alneo sa kanyang natuklasan sa isang maliit na angkan ng mga demonyo ang mga Harim. "Ang mga harim ay hindi gumagampan sa kanilang mga tungkulin. Hindi sila nakikiisa sa pagpaparami ng kasamaan sa lupa. Sila ay may sariling kaganapan na kung saan ay puro pangogolekta ng mga halamang gamot ang kanilang ginagawa," Seryosong sambit ni Alneo sa akin. "Kung gayon, lipunin at patayin ang lahat ng nasa angkan ng harim bata man o matanda! Sinisigurado ko na sa kanilang angkan magmumula ang kaguluhan ng lugar na ito," "Ngunit kapag pinatay nating lahat ang mga 'yun ay mawawala na ang mga magagaling na manggagamot sa ating lugar?" nag aalalang tanong niya sa akin. "Wala akong pake kung saan sila bihasa na larangan ang gusto ko ay itapon niyo sila sa dagat ng apoy upang doon sila mamatay!" "Masusunod." Umalis muli ang hukbo ni Alneo kasama ang hukbo ni Amain upang mag sanib pwersa sa pag lipon sa mga harim. Nakangiti ako ng mga oras na ito at nawala ng bahagya ang aking agam-agam dahil sa papatayin namin ang angkan ng harim. Ang harim ang pinaka bihasa sa mga halamang gamot at sila ang mga manggagamot ng aming lugar ngunit sila rin ang pinaka matalino sa mga katulad kong demonyo ngunit ang kanilang angkan ang pinaka mahina. "Ang mga harim ang pinaka mahinang angkan dito sa pinamumunuan ko ngunit paano maghahari ang isang harim kung sila ay mahihina na nilalang lang?" tanong ko na lang bigla sa sarili ko. Kahit pa ako ang pinaka malakas na nilalang dito sa aming lugar at palakas na palakas ay alam kong may dadating at dadating na isang nilalang upang agawin ang posisyon ko ngayon. At ito ang hinding-hindi ko kayang bitawan dahil ito ang matagal na naming pinanghahawakan. Hindi na ako makapag hintay pa sa magiging resulta ng kanilang misyon kaya't palihim din akong tumungo sa lugar upang saksihan kung paano sila pinatay ng aking mga kawal. Pagdating ko sa lugar ng mga harim ay nakarinig ako ng malalakas na sigaw ng mga babae sa kani-kanilang tahanan. Naglabasan ang mga ito sa kanilang mga kubo at mabilis na tumakbo palayo sa mga kawal ko ngunit dahil sa malalakas at mabibilis ang aking mga kawal ay walang nakatakas ni isa sa kanila. Inipon nilang lahat ang mga ito sa iisang lugar at doon ay sabay-sabay na pinatay pagkatapos ay dinala ito sa dagat ng apoy. Tuwang-tuwa ako sa nakikita ko sapagkat ngayon ay wala na sila sa paningin ko. Wala ng susuway sa mga gusto ko at lahat ng maiiwan na mga nilalang dito ay magpapasailalim na sa aking kamay. Ang lahat ng susuway ay matutulad sa kanilang lahat. Pagkatapos ng madugong gabing ito ay bumalik na ako sa palasyo upang hintayin ang pagbabalik nila Alneo at Amain. Ilang minuto lang ang lumipas ng dumating ako sa palasyo ay dumating na din ang dalawa. Inayos ko ang sarili ko at nag panggap ako na wala akong nakita kung paano nila pinaslang ang mga walang muang na mga sanggol ng angkan ng harim. "Tapos na po namin ang inyong pinapagawa panginoon," sambit ni Alneo sa akin. "Mabuti. Wala bang natira kahit isa sa angkan ng mga harim?" "Wala po ultimong mga alaga nilang hayop ay pinatay namin upang mapalagay na ang inyong loob," "Mabuti Alneo. Asahan niyo ng inyong hukbo na may gantimpala kayong makukuha mula sa akin," "Maraming salamat!" "Makakaalis na kayo." Pagkaalis na pagkaalis ng mga kawal ko ay agad akong umupo sa aking upuan upang mag pahinga ng kaunti. "Ang paghahari ni Esra ay walang hanggang!" Masaya kong sambit. Habang masaya kong inaalala ang mga pangyayari kanina ay dumating na ang aking asawang si Haraya. "Kumusta ang pag bisita mo sa mundo ng mga tao?" tanong ko sa kanya. "Dumadami na ang pumapanig sa kasamaan! Lahat sila ay nag papatayan na dahil sa kapangyarihan!" Natatawang tugon niya sa akin. "Mabuti! Sige lang mga sakim na tao ipagpatuloy niyo lang ang inyong naisin upang mas lumakas ang aming pwersa!" "Ginagawa ng mga alipin ko ang lahat ng kanilang makakaya upang bumitaw ang mga tao sa sinasamba nilang Diyos! Mas malakas na ang nakuha kong kapangyarihan ngayon dahil marami-rami na rin ang pumapanig sa kasamaan," "Mag punla ka muli ng kasamaan sa puso ng mga tao upang mapadali ang ating pag sakop sa kanilang mundo," Nakangiti kong sambit sa kanya. "Humayo ka aking reyna at mas lalo kang mag palakas ng iyong kapangyarihan upang tayo at ang magiging mga supling natin ang tanging mamumuno sa mundong ito. "Masusunod mahal kong hari," "Lumapit ka sa akin mahal kong asawa at simulan na natin ang pagsasanib pwersa upang may mapunla na akong taga-pagmana ng ating kapangyarihan sa iyong sinapupunan." sambit ko sa kanya habang inaabot ang aking kamay. Nakangiting lumapit sa akin si Haraya at mabilis na nagtagpo ang aming mga labi. Isang madugo at mainit na gabi ang nangyari sa aming dalawa. Ang gabing ito ay ang gabi na kung saan ay ipupunla ko rin ang aking sisidlan kay Haraya upang makabuo kami ng aming magiging supling. Ang lakas at aking kapangyarihan ay mahahati sa dalawa at ito ay mapupunta sa aking magiging anak kay Haraya upang maging matagumpay ang gabing ito para sa aming dalawa ay inilabas ko na agad ang kalahati ng lakas ko at ipinasa ito kay Haraya. Ang pagkatapos ng aming pagtatalik ngayon ay mabubuo ang isang itlog sa kanyang sinapupunan at mapupunta agad dito ang kalahati ng aking lakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD