Lumipas ang siyam na buwan at ito na nga ang araw ng kapanganakan ni Haraya. Nag silang siya ng isang napaka gandang batang lalaki walang mapaglagyan ang kasiyahan ko ngayon dahil sa nakita ko na sa wakas ang anak ko ang taga pagmana ko.
“Isinilang na ang taga pagmana!” Masayang sigaw ni Alneo sa mga alipin naming naghihintay ng magandang balita mula sa labas ng palasyo.
Nagbunyi ang mga ito sa paglabas ng prinsipe dahil sa kasiyahang nararamdaman naming lahat ay nagsagawa kami ng isang piging para sa prinsipe. Ang lahat ng mga angkan ay imbitado sa kasiyahan.
Inutusan ko ang hukbo ni Amain na balitaan ang lahat ng angkan na isinilang na ang prinsipe at inutusan ko rin ang aking kawal na kumuha ng mga sariwang kaluluwa mula sa mundo ng mga tao upang mapag saluhan naming lahat.
“Alneo, tumungo ka sa mundo ng mga tao at kunin mo ang pinaka malakas at pinaka mabuting bagong kaluluwa doon. Atin itong pagsasaluhang lahat upang lahat tayo ay magkaroon pa ng kaunting lakas,” utos ko sa kanya.
“Masusunod, mahal kong hari.”
Si Alneo ay isang tapat na kanang kamay ko kaya kung ano mang utos ko sa kanya ay agad niyang sinusunod.
Ang lahat ay masaya sa pagsilang ng aking anak kaya hindi nila mapigilan na mag alay ng kani-kanilang mga regalo para sa aking anak.
Simula ng ipinakala ko ang balita na nanganak na si Haraya ay agad itong nabalitaan ng mga iba’t-ibang angkan ng aking nasasakupan.
Unang dumating ay ang angkan ng mga Kaseleo kung saan ay mga demonyong bihasa sa musika. Sila ang nagpapakalat ng nakaka hipnotismo na awitin sa mundo ng mga tao upang ito ang kanilang sambahin. Ang musika na sandigan ng mga tao kapag sila ay nasa problema at walang makausap ngunit ito ang magiging daan upang sila ay bumitaw na sa kanilang buhay at mag pakamatay.
Tinatawag nilang death music ang kanilang musika dahil sa kung sino man ang nakarinig nito na mababa ang emotion ay tiyak na sa kamatayan ang punta.
“Abu Bapan!” Masayang bati ko sa pinuno ng angkan na ito sabay abot ng kamay ko dito.
“Sa wakas at may magmamana na sa iyong trono,” masayang bati niya sa akin.
“Oo. Maya-maya lang ay ipapakita na namin ang prinsipe sa inyong lahat ngunit sa ngayon ay umupo muna kayo sa bulwagan dahil hihintayin pa natin ang iba pang mga angkan,”
“Kasama ko ang aking mga alipin upang magbigay ng kasiyahan sa lahat,”
“Maraming salatmat Abu!”
“Walang problema dahil ito ang aming kakayanan na angkan ang magbigay ng kasiyahan at magandang musika sa ating mga piging at siyempre ikaw ang hari ng ating mundo kaya marapat lang na magbigay ligaya kami saiyo lalo pa't isa itong napakagandang salo-salo para sa lahat!" Patapik-tapik niyang tugon sa akin habang nakangiti.
“Oo naman! Sige na tumungo na kayo sa bulwagan at hintayin ko pa ang iba pa nating bisita,”
“Mauuna na ako.” ani niya.
Pinasama ko na si Abu Bapan sa mga tauhan ko at nanatili ako sa b****a ng palasyo upang hintayin ang mga susunod pang mga bisita.
Palinga-linga ako sa paligid ng biglang umihip ang napakalakas na hangin. Napatingin ako sa malayo at nakita ko ang angkan ng mga Bulwa.
Ang Bulwa ang nangangasiwa sa mga kaluluwang nakokolekta sa mundo ng tao. Sila ang bihasa sa panghuhuli ng mga ligaw na kaluluwa para silang mga grim reaper pero ibang version ito dahil hinuhuli nila ito para makain at hindi matulungan makaakyat sa langit.
“Dala ko ang pinakamasasarap na kaluluwa na nakuha namin sa mundo ng mga tao. Pagdamutan niyo muna ang mga ito at sinisigurado ko na sa susunod ay mas marami at mas masasarap pa ang ihahain ko sa inyo at sa prinsipe,” nakangiting sambit ni Haram na pinuno ng mga Bulwa.
“Nandyan naman ang aking mga Arnaseo upang humuli ng mga kaluluwa bakit pa kayo nag papakapagod mahal na Haram?” tanong ko sa kanya.
“Aba! Iniisip mo ba na matanda na ako kaya ka ganyan? Baka sabihin ko sayo na nung panahon namin ay ako ang pinaka magaling na Arnaseo ngunit ng bigla niyong hinati ito sa dalawa ay nawala na ang lakas ko,” Atungal niya sa akin.
“Pasensya na po Haram gustuhin ko man na manatili kayo sa Arnaseo ngunit ang inyong edad ay nalalapit na sa wakas kaya inilagay ko kayo sa mas magaan na pamumuno hanggang ngayon ay wala pa ring lunas para sa atin upang mamuhay tayo ng walang hanggang,” tugon ko sa kanya.
“Anong ginagawa ng mga Harim? Hayy nako! Mahihina nga wala pang ambag! Ooh siya hayaan na natin ang nakaraan at ipakita mo na sa akin ang aking prinsipe,” inis na tugpn niya sa akin.
“Ilang minuto lang ay ilalabas na siya ni Haraya kaya kung maaari ay mag hintay na muna kayo sa bulwagan kasama ni Abu Bapan,”
“Nandyan na pala siya,”
“Siya at ang kanyang angkan ay nariyan na upang mangasiwa sa musika,”
“Oo nga pala siya nga pala ang pinuno ng musika nang kamatayan,”
“Ihahatid na kayo ng aking alipin upang makaupo na kayo sa bulwagan,”
“Sige.”
Umalis na si Haram sa harapan ko at tumungo na rin siya sa bulwagan. Lumipas pa ang ilang minuto ay dumating na ang mga kawal ng Arnaseo at ang kanilang pinuno na si Azal.
Mabibigat ang mga yabag ng mga ito dahil nakasuot sila lagi ng kanilang mga armas upang proteksyon sa anumang kaguluhan na mangyayari sa palasyo.
“Kami na lang ba ang hinihintay mahal na hari?” tanong ni Azal sa akin.
“Oo kayo na lang ang hinihintay na angkan,” tugon ko sa kanya.
“Nandyan na ba ang mga harim?” bigla na lang niyang natanong sa akin.
“Harim? Bakit mo natanong?” nagtatakang tugon ko sa kanya.
“Oo ang angkan na bihasa sa mga gamot ang mga harim,”
“Hindi ba sinabi ni Alneo sa inyo na pinatay namin ang angkan ng harim dahil hindi sila sumusunod sa ating batas?” tanong ko sa kanya.
“Ano?! Wala siyang sinabi sa akin! Anong proweba nyo na hindi sila sumusunod? Hindi niyo ba alam na sila ang nagbibigay sa atin ng mga gamot kapag tayo ay may sobrang laki ng pinsala sa katawan? Sila ang nag aaral ng ating pagiging immortal ngayon!” galit na sambit niya sa akin.
“May panahon para pag usapan natin iyan dahil ang kaganapan ngayon ay ang kapanganakan ng prinsipe at hindi ang kamatayan ng angkan ng harim.”
Galit na umalis sa harapan ko si Azal at hindi man lang yumuko sa akin upang mag bigay galang.
“Lapastangan! Yumuko ka sa nakakataas sa'yo kung ayaw mong pati ang angkan mo ay ipatapon ko sa dagat ng apoy!” galit na sigaw ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin ng masama at biglang ngumiti kaya biglang nag init ang aking ulo at sinugod ko siya. Ngunit bago pa man kami mag tamaan ni Azal ay biglang pumagitna sa amin si Alneo.
“Ama!” Pamimigil niya kay Azal.
“Pinatay niyo ang bumubuhay sa ating mga Arnaseo, Alneo! Sabihin mo sa akin kung anong masamang ginawa ng mga harim sa inyo at walang awa niyong pinaslang ang mga malilit na demonyong ito? Alam niyong walang lakas ang mga iyon sa labanan ngunit sila ang unang-una nating takbuhan kapag nakikipag digmaan tayo sa iba pang mas malakas na demonyo sa atin!”
“Makakahanap din tayo ng kapalit ng mga harim,” paliwanag ni Alneo.
“Kaawa-awang Karim,” malungkot na sambit ni Azal sabay dura sa harapan ko.
“Sinasabi ko sa’yo Azal hindi ito ang tamang panahon para pag usapan natin ang mga iyan ito ay araw ng prinsipe! Kung ayaw mong tumigil sa ginagawa mo ay mag duwelo tayong dalawa at kung sino ang matalo ay ibibigay niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan sa nanalo,”
“Wag ama!” Pamimigil ni Alneo sa kanyang ama.
“Sang ayon ako sa iyong gusto mahal na hari.” nakangiti niyang tugon sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at tinawag ang lahat ng aking alipin upang ayusin ang arena para sa duwelong magaganap sa pagitan naming dalawa ni Azal na pinuno ng Arnaseo.
Umalis na sa harapan ko si Azal at tumungo sa bulwagan ngunit lumapit sa akin si Alneo at lumuhod sa harapan ko upang bawiin ang duwelong ito.
“Pakiusap mahal kong hari bawiin niyo na ang dwelong ito dahil hindi ito ang sagot sa hindi niyo pagkakaintindihan ng aking ama,”
“Tumigil ka Alneo! Ang sinabi ko ay sinabi ko na at walang sinuman ang makakapigil sa aking batas!” Pabalik na tugon ni Azal habang galit na nakatingin sa anak nito.
Buo na ang desisyon ko na mag lalaban kami ni Azal kaya agad akong lumipad patungo sa arena upang simulan ang dwelo sa pagitan naming ni Azal.
Napuno na agad ang arena sapagkat kumpleto na ang mga angkan na hinihintay namin imbis na sa bulwagan ang kasiyahan para sa aking anak ay napunta ito sa arena.
Nagulat ang lahat ng angkan sa nangyayari sapagkat magkaibigan kami ni Azal ngunit dahil sa hindi pag kakaintindihan ay mauuwi ito sa karahasan at kamatayan.
“Ang duwelong ito ay para masukat natin kung sino ang mas malakas sa aming dalawa! Ang sinumang sumuway sa aking batas ay mamatay! Ako ang batas! Ako!” Galit na sigaw ko sa kanilang lahat.
Ang lahat ay nagsitahimik sa akin. Unti-unti na ring lumalabas ang aking mga pakpak at nagbabago ang aking anyo dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.
“Wag ng masyadong maraming satsat Esra! Mag simula na tayo!” Galit na sigaw ni Azal.
Hindi ko na din pinatagal pa at nag kita na kami ni Azal sa himpapawid. Inilabas niya ang kanyang armas kasabay ng pagkuha ko ng armas ni Alneo. Nagkasagupaan kami at naglabasan ng lakas walang sinuman ang magpapatalo sa aming dalawa dahil buhay ang kapalit nito. Una kong nasugatan si Azal ngunit nabawian niya din ako agad hanggang sa malaking sugat na ang natamo naming dalawa.
Pinipilit na ako ni Haraya na ipagpaliban ang laban naming dalawa ni Azal dahil araw ito ng anak namin ngunit dahil sa matigas ang ulo naming dalawa ni Azal ay hindi naming pinakinggan ang mga sinasabi ng mga nakakakita sa amin.
“Haram, pigilan mo naman silang dalawa,” pakiusap ni Haraya kay Haram.
“Hindi ko pwedeng pigilan ang dalawang nag aapoy ang mga mata sa galit baka madamay pa ako at magkaroon ng isang malawakang digmaan mula sa ating mga angkan.”
Naririnig ko na ang iyak ni Haraya at pakiusap niya sa akin ngunit hindi pa rin ako tumitigil sa paghampas ng aking espada kay Azal.
“Ayokong mawalan ng ama ang anak ko Esra! Kaya tumigil ka na!” Malakas na sigaw ni Haraya sa akin.
Napatingin ako kay Haraya kaya bigla akong sinunggaban ni Azal at tumilapon ako sa lupa.
Napakalakas ng impact 'non kaya hindi ako agad nakatayo sa pagkakalagapak ko sa lupa. Mabilis na lumipad patungo si Azal sa akin upang tuldukan na ang laban na ito at paslangin ako ng biglang nagkaroon ng pagsabog malapit lang sa palasyo.
Nagtinginan ang lahat sa gawing ito at sabay saksak ko ng espada ko kay Azal.
“Ama!” sigaw ni Alneo habang nag papatirapa.
Nag tinginan ang lahat sa aming dalawa at nakita nilang nakahandusay na lang si Azal sa sahig habang bumabalik ang kanyang dating itsura.
Madaling tumakbo si Alneo sa arena upang puntahan ang kanyang ama na duguang nakahandusay sa sahig ngayon.
Habang naglalakad ako patungo sa mag ina ko ay biglang dumilim ang kalangitan at nawalan ako ng paningin.