Akala ko nawalan lang ako ng malay 'yun pala may isang pangyayari ang magtutuldok sa akin at ang aking angkan.
Hindi ko kilala ang binatang ito ngunit napakalakas ng kanyang pwersa. Mas mabilis pa siya sa akin parang isang kidlat ang bilis niya at parang kulog ang kanyang mga yabag.
"Katapusan mo na haring Esra," bulong niya sa akin.
"A-ano?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Papalingon pa lang ako sa kanya ng bigla na lang bumulwak ang mga dugo sa bibig at katawan ko.
Napaluhod ako sa harapan ng mag ina ko habang umiiyak sa akin si Haraya ngunit hindi ko na siya makita ng malinaw.
Patuloy na umaagos ang dugo sa aking katawan habang nakaratay ako sa sahig bago pa man tuluyang sumara ang aking mata ay nakita kong pinalibutan nilang lahat ang lalaki ngunit napaslang lang sila nito ng isang segundo.
Napakalakas niya at sino man sa amin ay walang makakatalo sa kanya.
"Ito na ang bago nating hari! Lumuhod kayong lahat at magbigay galang sa akin!" sigaw ng isang boses.
"Sino ka? At anong pakay mo dito sa aming mundo?" tanong ni Haram.
Lumabas ang isang napaka gandang lalaki sa dilim at nagpakilala ito sa kanilang lahat. Mahina na ako nito at hindi ko na kayang mag regen dahil nahati ko ang kapangyarihan ko sa prinsipe at kay Haraya.
"Ako si Leonon ang anak ni Karim na pinuno ng mga harim! Ngayon niyo matitikman ang hagupit nang galit ng mga harim!" Galit na sigaw niya sa aming lahat.
Kumulog ng sobrang lakas kasabay ng pag sigaw niya sa aming lahat talagang nag nangalit ang kalangitan at umulan ng dugo ang araw na sana ay isang salo-salo.
Agad na kinain ni Leonon ang kaluluwa ni haring Esra at pagkatapos ay kinain din niya ang kaluluwa ni Azal.
Mas lumakas ngayon ang pwersa ni Leonon dahil sa pagkain niya sa mga pinaka malalakas na demonyo sa palasyo.
Dahil sa madilim na pangyayari na dapat ay isang kasiyahan ay maraming nilalang ang namatay at nagkaroon ng kaguluhan sa palasyo.
Leonon's POV
Sariwa pa sa aking alaala kung paano nila pinatay ang pamilya ko at ang aking angkan. Siyam na buwan akong nag tago at nag aral para sa aking pagbabalik.
Ngayon ito na ang tamang araw para patayin ko ang hari at ang kanyang angkan. Habang kumukuha ako ng tamang oras para sa paglusob ko ay parang nakisama sa akin ang kapalaran.
Nakita ko si pinunong Azal na nakikipaglaban kay haring Esra. Gustuhin ko mang tulungan siya upang mabigyan namin ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya ko ay hindi ko nagawa sapagkat malakas pa ang pwersa ni haring Esra at nandyan ang kanyang mga kawal para tulungan siya.
Mula sa malayo ay pinapanuod ko lang silang dalawa kung paano magtagisan ng kanilang lakas. Sa una, mukang dehado pa si haring Esra ngunit dahil sa ginawa kong pagsabog mula sa palayo ay napatingin silang lahat at nawalan ng atensyon si pinunong Azal kay haring Esra kaya sinaksak siya nito.
"Napakatuso at napakadaya talaga nitong haring ito!" Galit na sambit ko habang nakatanaw sa dalawa.
Malaki na ang pinsala nilang dalawa ngunit si pinunong Azal ay nakaratay na sa sahig habang habol-habol ang kanyang hininga.
Nagbago na ako ng anyo upang makuha ko na ang lakas na gusto ko at dali-dali akong lumipad sa lugar kung nasaan si haring Esra habang abala ang iba kay pinunong Azal.
Hindi ko rin nakilala ang sarili ko nito dahil sobrang bilis ko para akong kidlat sa sobrang bilis at ang pwersa ko ay kasing lakas ng kulog.
Lumapit ako kay haring Esra sabay nakangiting sumambit sa kanya habang nakikita siyang hinang-hina mula sa laban nila ni pinunong Azal.
"Katapusan mo na haring Esra," bulong ko sa kanya.
"A-ano?" tanong niya sa akin.
Hindi ko na pinatagal pa ang pagkakataong ito kaya bago pa man siya lumingon sa akin ay sinaksak ko na agad siya ng espada ko.
Mabilis na napasubsob si haring Esra sa sahig kaya't pinalibutan ako ng kanyang mga kawal ngunit dahil sa lakas na aking nararamdaman ngayon ay isang iglap lang ay napatay ko rin sila.
Pagkatapos kong patayin ang mga kawal ni haring Esra ay nagtago ako sa madilim na parte ng Arena sabay sigaw ng malakas sa kanilang lahat.
"Ito na ang bago niyong hari! Lumuhod kayong lahat at magbigay galang sa akin!" sigaw ko sa kanilang lahat.
"S-sino k-ka? At a-anong pakay mo d-dito sa aming mundo-o?" utal na tanong ni pinunong Haram sa akin.
Lumabas ako sa mula madili na parte sa palasyo at nagpakita ako sa kanilang lahat. Napatitig at napatingin silang lahat sa akin sabay tugon ko kay pinunong Haram.
"Ako si Leonon ang anak ni Karim na pinuno ng mga harim! Ngayon niyo matitikman ang hagupit nang galit ng mga harim!" Galit na sigaw ko sa kanya.
Nanlilisik ang aking mga mata na nakatingin sa kanila ng biglang napukaw ni haring Esra ang aking atensyon. Gumalaw pa siya ng bahagya kaya agad ko siyang pinuntahan at pinatay ng tuluyan.
Pagkapatay ni haring Esra ay agad kong kinain ang kanyang kaluluwa at tumungo ako kay pinunong Azal upang kainin din ang kanya.
Pagkakain na pagkakain ko pa lang ng kanilang mga kaluluwa ay parang nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko at mas lumakas ang pakiramdam ko kaya simula rito ay pinaslang ko na ang lahat ng malalapit na kaanak ni haring Esra.
Maski ang kanyang bagong silang na anak ay pinatay ko rin bilang kabayaran sa lahat ng mga ginawa nilang kasamaan sa aming angkan.
"Ako na ngayon ang inyong hari at sino man ang lumaban sa akin ay hinding-hindi na muling mabubuhay pa! Ako ang batas at ang batas ay ako!" Sigaw ko sa kanilang lahat na may ngiti sa aking mga labi.
Nabalot ng katahimikan at takot ang lahat ng nakasaksi ng nangyari ngayon sa dalawang magigiting na mandirigma ng palasyo. Tahimik lang ang lahat habang tumatawa ako kaya itinaas ko ang mga kamay ko sa kalangitan at biglang kumidlat at kumulog ng sobrang lakas. Dahil sa takot ng mga ito ay bigla silang napaluhod sa sahig at nagpatirapa sa aking harapan kasabay ng pag puri nila sa akin.
"Mabuhay ang bagong hari!" Sigaw ni pinunong Haram sa akin habang nagpapatirapa sa akin.
"Mabuhay ang bagong hari!" Papuri ng lahat sa akin.
Madaming dugo ang nasa sahig at naglutangan ang mga kaluluwa sa ere kaya kinain ko itong lahat at mas nakaramdam ako ng lakas sa aking katawan.
"Ganito pala ang pakiramdam kapag sobrang lakas mo! Lahat ay nanginginig na nakatingin saiyo?" natatawang sambit ko sa kanila.
"Kung ikaw ang anak ni Karim bakit naging ganyan ka?" tanong ni Haram sa akin.
"Hindi mo naiintindihan ang tinatanong mo sa akin? Wala kaming nilabag na batas ng hari ngunit pinatay nila ang buong angkan ko!" Galit na sambit ko sa kanya na may pagtatangis. "Nararapat lang kay haring Esra ang nangyari sa kanya ngayon at sa pamilya niya dahil sa ginawa niya sa pamilya ko! Sinasabi ko sa inyo ito ang una at huling luha na maipapakita ko sa inyong lahat dahil sa aking pamumuno ay mas makakatikim kayo ng mas nakakatakot na hari! Hindi ako magiging mabuti sa inyong lahat dahil hindi kayo karapat-dapat para dito!"
Naglakad na ako papalayo sa kanilang lahat at dito na natigil ang usapan namin ngunit bago pa man ako makalayo sa kanilang lahat ay nag iwan muna ako ng isang mensahe.
"Bukas na bukas ay mag kakaroon tayo ng pagpupulong upang mapanatili ang mga angkan sa ating mundo ngunit ang sinumang hindi sumunod sa akin ay tiyak na kamatayan ang matatanggap at kung ikaw naman ay naging tapat na alipin sa akin ay gagantimpalaan kita ng isang bagay na ngayon mo lang makukuha. Ang buhay na walang hanggang."
Pagkasabi ko nito sa kanila ay tumalikod na ako at naglakad nang marahan patungo sa loob ng palasyo.
Pagpasok ko sa loob ng palasyo ay namangha ako ng bahagya ngunit ipinatawag ko rin ang mga alipin roon at pinapalitan ang mga disenyo na ginawa ng hari at reyna dito.
Sinunog ko gamit ang aking kamay ang mga gamit dito sa loob hanggang sa maging abo ito.
Pagkatapos kong gawin ang lahat ng mga gusto ko ay tumungo na ako sa silid ni haring Esra upang tumingin sa bintana kung saan ay natatanaw mo ang buong lupain ng palasyo.
"Kay gandang pag masdan!" Nakangiti kong sambit habang pinag mamasdan ang mga matutulis na bato sa labas. "Ang lahat na ng mga pag aari nila ay akin na ngayon!"
Ngayon at nasa rurok na ako ng kapangyarihan ko ay hindi ako nakakaramdam ng kapaguran sa aking katawan kaya't ipinatawag ko ang lahat ng mga alipin sa loob ng palasyo at binigyan sila ng bagong batas.
"Lumapit kayo sa akin mabubuting alipin!" Sigaw ko sa kanila.
Madaling lumapit sa akin ang mga naiwang buhay na alipin ng hari at agad na nagtanong sa akin.
"Ano pong maipaglilingkod naming saiyo mahal na hari?" tanong niya sa akin.
"Anong pangalan ko?"
"Ano?" gulat na tanong sa akin ng isang alipin.
"Pag kumumpas ang kamay ko ng pababa at hindi mo pa rin nasasabi ang pangalan ko ay masusunog ang iyong katawan at magiging abo!" Galit na sambit ko sa kanya.
"Le-leo?"
Tumingin ako sa kanya ng matalim at agad na kinumpas pababa ang kamay ko kaya bigla na lang sumilab ang apoy sa kanyang katawan at dahan-dahang nasunog ang kanyang katawan.
Nagbago pa ang anyo niya upang matakasan ang kamatayan ngunit dahil sa kakaibang pwersa ng aking kapangyarihan ay hindi na ito nakatakas pa.
Kinakabahan at natatakot na ang mga natirang alipin ng palasyo kaya't tinanong ko muli sila.
"Anong pangalan ko?"
Halos lahat sa kanila ay pailing-iling na nakatingin sa akin habang inaalala ang pangalan ko.
"Bibigyan ko pa kayo ng pagkakataon upang mabuhay. Uulitin ko anong pangalan ko?" tanong ko muli sa kanila.
Walang sumagot ni isa kaya ikinumpas ko muli ang aking kamay pababa at sumilab ang apoy sa kani-kanilang mga katawan ng biglang may sumagot na isa.
"Haring Leonon! 'yan po ang inyong pangalan, mahal na hari!" tugon niya.
Agad kong tinanggal ang apoy sa kanyang katawan at ginamot ang kanyang sugat.
"Mabuting alipin ngayon ay gagantimpalaan kita ng dagdag kapangyarihan," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Salamat mahal na hari," nakangiting tugon niya sa akin.
"Simula ngayong araw ay ikaw na ang mamamahala sa loob ng palasyo at ikaw na rin ang tatawagin ko sa aking mga pangangailangan. Ngayon, dahil sa ikaw na lang ang natitirang alipin rito ay inuutusan kitang kumuha muli ng mga kapalit ng mga iyan at dadagdagan ko pa ang iyong gantimpala,"
"Masusunod po."
Agad na umalis sa harapan ko ang alipin ko at naghanap siya ng magiging parte ng kanyang grupo sa loob ng palasyo.
Habang ako lang ang nasa palasyo ng mga oras na ito ay iniisip ko na kung ano-ano ang mga batas na aking ipapamalakad sa buong nasasakupan ko.
Ano bang mangyayari sa pamamalakad ko? Magiging maganda ba ang kakalabasan ng bagong batas o hindi?
Kahit pa pangit ang batas na 'yan ay dapat nilang sundin sapagkat sinasabi ko sa kanila na ako ang batas at ang sinumang hindi sumunod sa akin ay aking papatayin.