Chapter 4 - The law is me

2165 Words
Kinabukasan ay ipinatawag ko ang lahat ng mga angkan upang ilatag ang mga batas na aking ginawa. Mabilis na dumating ang mga angkan sa bulwagan at doon namin lahat pinag usapan ang aking mga batas. "Anong gusto niyong mangyari panginoon?" tanong ni Abu Bapan sa akin ang pinuno ng Kaseleo. "Kumusta ang trabaho niyo sa lupa?" "Ganun pa rin po. Marami pa ring tumatangkilik sa mga musika na gawa natin," "Gusto ko doblehin mo ang bilang ng mga taong nakikinig ng musika nyo," "Masyadong mahigpit ang labanan sa lupa," "Wala akong pake kung kakaunti o sakto lang ang gusto ko paramihin mo ang mga taong tumangkilik sa musika niyo upang makarami tayo ng makokolektang kaluluwa," "Masusunod," "Haram?" tawag ko sa pangalan niya. "Ano po 'yun panginoon?" "Paramihin mo ang mga tauhan mo sa lupa upang maka-kolekta kayo ng maraming kaluluwa doon. Hindi mo ginagawa ng maayos ang trabaho mo!" Galit na sigaw ko sa kanya. "Patawad," Nakayuko siya nito habang tumutugon sa akin. "Pasukin niyo ang lahat ng mga tao sa lupa upang makuha niyo ang kanilang mga kaluluwa! Mas mabuti mas malakas na pwersa!" Sigaw ko. "Sino na ang bagong pinuno ng mga Harim?" tanong ko sa kanila. "Sa pagkakaalam ko si Amain na ang bago," "Nasaan siya? Bakit hindi siya pumunta dito?" "Nag iipon sila ng bagong hukbo dahil sa nangyaring digmaan," "Mabuti dahil sa susunod na mga araw ay susugurin natin ang kalaban natin upang makamkam ang kani-kanilang mga ari-arian at tauhan. kaya sabihan mo 'yang si Amain na magsanay siya ng mga malalakas na hukbo dahil sasabak tayo sa panibagong digmaan," nakangiting sambit ko sa kanila. "Ngunit panginoon! Mahina pa ang ating hukbo para sa digmaan na ito," "Hindi niyo ba ako nakikilala? Ako na ang hari niyo ngayon! Ako ang batas at ang batas ay ako! Kung walang awa niyong nilipon ang aking mga angkan ay ganun din ang gagawin ko sa inyong lahat! Ngunit bago ko ito gagawan ay papahirapan ko muna kayo!" Tumatawa kong sambit sa kanila. Nakatingin lang silang lahat sa akin nito dahil alam nila sa sarili nila na papahirapan ko silang lahat dahil sa nangyari sa aming angkan. Matira matibay kung sinong malakas ang siyang maiiwan at kung sinong mahina ang siyang mamamatay. Pinag planuhan ko talaga ang mga mangyayari ngayon dahil sabi ko nga kanina ang siyang mahihina ay mamamatay dahil lahat sila ay isasama ko sa digmaan. Ako ang pinaka makapangyarihan dito sa lugar na ito at gusto kong subukin ang sarili ko sa iba pang lugar upang malaman ang aking kakayahan. Bago ko pinaalis ang dalawang pinuno na ito ay binigyan ko muna sila ng kaunting regalo. Iniabot ko sa kanila ang isang maliit na butilya na naglalaman ng likidong berde. "Ito, Ito ang gamot na ginagawa ng aking angkan upang makatulong sa ating lahat. Ang gamot na magbibigay buhay na walang hanggang," sambit ko sa kanila. "Ngunit dahil sa inyong hari ay hindi na nila ito natapos pa! Ngunit nakaisip ako ng maganda at bagong gamot para sa pakikidigma natin." Lahad ko sa kanila.  Inihagis ko sa kanila ang butilyang ito at nabasag. Ang usok na nagmula sa butilya na ito ay nasinghot nilang dalawa kaya biglang nagbago ang kanilang mga anyo para silang nabaliw na dalawa dahil sa gamot na nalanghap nila. Lumabas ang kani-kanilang mga pakpak, sungay at tumulo ang kanilang mga laway dahil sa sobrang pagkabaliw.  Isang minuto lang ang itinagal ng gamot na ito kaya madali rin silang bumalik sa kani-kanilang katawan. "Ayan ang gagamitin nating panlaban sa digmaan. Ngayon para lumakas din kayong lahat ay ibibigay ko ang kaluluwa ng mga taong nakolekta niyo sa lupa. Sa inyong lahat ito upang sa laban ay lumakas kayo!" Nag patirapa silang dalawa sa akin at sinamba ako. Matikas ang aking pagkakatindig sa kanila upang makita nila na hindi ako katulad ng kanilang hari na mahina at walang pakinabang. Pagkatapos ng pag pupulong namin ngayon ay pinaalis ko na silang dalawa at sinabihan sila na magkakaroon muli ng panibagong pag pupulong ngayong araw upang ang lahat ng mga nasasakupan ako ay makilala ako na bago nilang hari. Mabilis akong pumasok sa aking palasyo at tumungo ako agad sa aking silid upang mag isip ulit ng panibagong batas. Batas na ang lahat ay matatakot na hindi sundin. Habang nasa silid ako ay mula sa labas ay may kumatok. "Halika at sabihin sa akin ang iyong kailangan." sambit ko na lang bigla. Bumukas ang pinto ng aking silid at pumasok ang aking kanang kamay na pinangalan kong Kora. "Mahal na hari," Bati niya sa akin sabay yuko sa aking harapan. "Natapos mo na ba ang pinag-uutos ko sayo?" tanong ko sa kanya. "Pinahalughog ko lahat ng mga angkan dito sa ating lugar at kinuha namin ang lahat ng mga anak na lalaki upang sumanib sa hukbo ng Arnaseo," "Mabuti. Nasaan si Pinunong Amain?" "Narito po ako panginoon," sambit niya sa akin sabay yuko. "Nakausap ko na ang mga matatandang pinuno na sina Abu Bapan at Haram. Pinakita ko sa kanila ang aking imbensyong gamot para sa gaganapin digmaan at gusto ko din iparanas sa inyo ito." sambit ko sa kanila sabay hagis ng maliit na butilya. Nabasag ang maliit na butilyang ito sa harapan nila at katulad ng kina Haram at Abu Bapan ay nagbago ang kanilang anyo na dalawa. Lumabas ang kanilang mga pakpak, tumubo ang mga sungay at tila ay nawala sa kanilang sarili. Dahil sa hindi ko pa tapos gawin ang gamot na ito at kulang pa ito sa sangkap ay mabilis lang mawala ang epekto nito kaya kailangan nilang mag madali sa digmaan upang mas malaki ang aming magapi sa kalaban. "Anong naramdaman niyo?" tanong ko sa kanila habang hawak-hawak nila ang kanilang mga ulo. "Wala akong maalala sa nangyari panginoon," tugon ni Amain. "Mabuti kung ganun dahil sa susunod ay mas malala pa ang mangyayari diyan kapag nakuha ko na ang tamang pormula," "Nalanghap niyo rin ang usok hindi ba? Bakit wala kayong naramdaman?" tanong sa akin ni Kora. "Madami pa kayong kailangan na gawin upang mapantayan niyo ang aking lakas. Sa susunod sasabihin ko ang sikreto ngunit sa ngayon ay magpalakas kayo dahil sa susunod na mga araw ay makikipag digmaan muli tayo para makuha natin ang kanilang mga yaman at makapag ipon muli tayo ng malalakas na kawal," "Masusunod po mahal na hari," "Magkakaroon muli tayo ng pag pupulong mamaya at siguraduhin niyo na ang bawat miyembro ng bawat angkan ay dadalo. Mapa bata man o matanda, Babae man o Lalaki," "Masusunod," "At bilang pasasalamat ko sa inyo ay gagantimpalaan ko kayo ng mga sariwa at mabubuting kaluluwa upang makadagdag ito sa inyong lakas," "Maraming salamat mahal na hari!" Pasasalamat nilang dalawa sa akin sabay yuko sa harapan ko. Ikinumpas ko na ang aking kamay sa kanila at madali silang umalis sa aking harapan. Pag alis nilang dalawa ay tumanaw ako sa aking bintana upang silayan ang bagong hukbo na kanilang tinipon. Lumipas ang mga oras mula sa aking pag papahinga ay nagkaroon ng malakas na pagsabog sa labas ng palasyo. Agad na nagtipon ang aking hukbo sa labas ng palasyo at sinilip kung saan ito nagmula. Ngunit pagkita nila ay sumabog lang ang isang bato na naglalaman ng kumukulong putik. Mas uminit ang aming lugar na ikinasaya ng marami at dahil sa naudlot na ang aking pag papahinga ay ipinatawag ko na ang lahat upang sabihin ang aking mga panukalang batas. Tumayo ako sa mataas na bato sa harap ng aking palasyo at tinawag ko ang lahat ng aking tauhan. "Tipunin niyo na ang lahat at magkita-kita tayo sa bulwagan ngayon din!" Utos ko sa kanila. Mabilis na nagbago ang kanilang mga itsura. Lumabas ang kanilang mga pakpak at madaling lumipad sa langit. Pagkatapos kong utusan ang mga tauhan ko kasama sina Amain at Kora ay pumasok muli ako sa palasyo upang inumin silipin ang pinagawa kong silid. Ako lang ang maaaring makapasok dito sapagkat nilagyan ko ito ng orasyon kung saan ay mag a-appear lang ito sa aking mga mata. Kahit pa nabukas lang ang silid na ito ay hindi nila ito makikita ng kanilang mga mata dahil sa inilagay kong orasyon dito. Ang angkan ko ang pinaka magaling sa mga orasyon at mga gamot ngunit hindi nila ito nagamit noong panahon na sumugod sa aming tirahan ang mga tauhan ni Ezra. Pagtungo ko sa bulwagan ay nakita ko na agad ang mga nasasakupan ko na naghihintay sa akin. Lumuhod at nagpatirapa silang lahat sa akin ng makita nila akong naglalakad sa kanilang kalagitnaan. "Ito pala ang pakiramdam ng makapangyarihan ka. Ang lahat ay sasambahin ka upang hindi mo sila pabayaan." sambit ko na lang sa sarili ko. Pag dating ko sa pinaka mataas na parte ng bulwagan ay pinatayo ko na silang lahat. "Alam naman nating lahat kung anong nangyari sa ating lugar. Ang inyong haring si Ezra ay pumanaw na at nasa akin na siya ngayon!" Nakangiting sigaw ko sa kanila. "Ang pamumuno ko ay kakaiba mula sa pamumuno ng inyong haring pumanaw. Mas mabagsik at mas madugo ang ating gagawin ngayon dahil ang sinumang hindi susunod sa aking pinag uutos ay mamamatay kagaya ng inyong haring si Ezra!" "Kaawaan niyo po kami!" Nagpapatirapa nilang sigaw sa akin. "Mabuting hari pa rin naman ako ngunit mas matalim ang aking pangil kaysa sa naunang pamumuno. Ipinatawag ko kayong lahat upang ilahad sa inyo ang bago niyong batas na susundin! Ang batas ko!" Tumatawa kong sambit sa kanila. Inihagis ko sa kanilang lahat ang mga butilya na naglalaman ng berdeng gamot upang makita ko kung paano gumana ito sa kanilang lahat at ayon sa aking pananaliksik ay mas matagal ang epekto nito sa mga normal lang na demonyo kaya't namangha ako ng bahagya dito. Lahat sila ay nakahawak sa kani-kanilang ulo na tila ba'y hilong-hilo at walang maalala sa nangyari. "Ang lahat ng mga babae ay mag titipon-tipon upang buhayin ang natigil na pananaliksik at pag-imbento ng gamot ng aming lahi. Kamatayan lagi ang kabayaran sa hindi pag-sunod sa akin ngunit buhay na walang hanggang para sa mga magiging mabuting tagasunod. Alin ang susundin niyo?" tanong ko sa kanila. Sumagot ang isang babae sa akin. "Wala pang nakaka-imbento ng buhay na walang hanggang kaya wag kayong maniwala sa kanya!" Sigaw niya. Agad kong itinuro ng daliri ko ang babaeng ito at nasunog siya sa harapan ng marami kaya natakot sila sa akin at lumuhod habang nag mamakaawa sa akin na kaawaan ko ang kanilang mga buhay. Kinain ko agad ang kanyang kaluluwa at nakaramdam ako ng ginhawa sa aking katawan. "Napakasarap kumain ng kaluluwa kaya sinasabi ko sa inyo na pilitin niyong hindi sumunod sa akin sapagkat ang mga katulad niyong mga walang silbi ay sa tiyan rin ng mga kasamahan niyo mapupunta! Sinong gustong makatikim ng kauri niya itaas ang kamay at ibibigay ko!" natatawang sambit ko sa kanila. Umupo ako sa upuan doon at hinintay na mag taas ng kamay ang mga ito ngunit wala kaya ako na ang nagpatikim sa kanila nito. "May kapareha ka ba dito?" tanong ko sa isang babae. "M-Meron po," nanginginig na tugon niya sa akin. "W-wala po," Bawi niya sa akin. "Sino ang kabiyak nito?" tanong ko. Walang nagtaas ng kamay kaya tinanong ko muli sa kanila. "Ang sinomang makakapagsabi sa akin kung sinong kabiyak nitong babae na ito ay magkakaroon ng masarap na hapunan ngayon!" Nakangiting sigaw ko sa kanila. Agad na tinuro ng isang babae ang lalaking nagkukubli sa kanyang harapan kaya agad kong pinatay ang kabiyak niya. Isang kaluluwa na ito at pinapasok ko ito sa kanyang katawan. Napapikit ang lalaki na tila ba'y lumutang sa langit ang katawan at pagkatapos ay tumingin ito sa akin na nagliliyab ang mga mata. "Hindi ba't mas masarap ang kaluluwa ng kasamahan mo kaysa ng mga tao?" tanong ko sa kanila. Tumango lang sila sa akin kaya bumalik na ako sa aking kautusan. "Ngayon at nakaramdam na kayo ng pag sunod sa akin ay gagantimpalaan ko kayong lahat ng masasarap na pagkain. Ilabas ang mga kaluluwa!" Sigaw ko. Inilabas ng angkan ni Haram ang mga kaluluwa na nakaimbak sa kanilang lagayan at binigyan ang lahat ng tig-iisang kaluluwa at sabay-sabay namin itong kinain na lahat. Ang lahat ay parang naregenerate sa kinain nila at tila ba'y nagkaroon sila ng panibagong lakas dahil sa pagkain nila dito. "Mas marami pa kayong makakain na ganyan kapag naging mabuti kayong tagasunod! Ngayon gusto ko lahat ng kalalakihan na walang kinabibilangan na mag sanay kasama ng mga Arnaseo dahil magkakaroon tayo ng digmaan mula sa kalapit na kalaban natin. At doon ay makakakain muli tayo ng masasarap na pagkain!" Itinaas nilang lahat ang kanilang mga kamay sa langit at nakisaya sila sa akin. Ang mga batas na aking inilahad sa kanila ay para sa aking sariling benepisyo. Ang batas na ito ay magagamit ko sa kanila upang mas lumakas pa ang aking kapangyarihan ng sa ganun ay wala ng makatalo sa akin kahit na sinoman at ako na ang maghahari sa lahat ng lugar dito sa aming mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD