Chapter 6

2559 Words
"Lumipat daw ng school si Heisel." "Tss, dapat lang na mahiya na s'ya ano!" "S'ya 'yung feeling unbothered queen!" "Ang angas nga ng mommy ni Adeline n'on." Nang makalapit na 'ko kay Kyla ay ngumisi lang s'ya. "I think you've heard the news. Pagpasok pa lang ng school ay usapan na 'yon." She chuckled. "Baka ako na naman sisihin, ha?" Pabalang na sagot ko. Bago pa makapagsalita si Kyla ay dumating na ang teacher namin and may announcement. "There will be outsiders or other students from the North University." "All boys school 'yun 'di ba?" Kulit na bulong ni Kyla sa'kin. "Malay ko." Umirap ako dahil 'di ako interesado. "Hoy, hanap tayo fafa!" Yinugyog na ni Kyla ang braso ko. I glared at her. Hindi nga 'ko interesado sa mga nagkakagusto sa'kin dito, maghanap pa kaya? "Sis, you're boring! Just try it kasi! Baka tatanda kang dalaga niyan matakot ka na." Sambit ni Kyla. "Baka ako pa maunang ikasal sa'yo." I smirked at tumawa lang si Kyla sa biro ko. "So, punta na tayo sa quadrangle dahil papunta na sila." The girls were hyped up dahil all boys school nga iyon. Ang mga boys ay sobrang bored naman. Kagaya ko na walang interes. Ang mga girls sa'min ay nagsi-ayusan na ng buhok at naglagay na ng powder sa mga mukha nila. 'Yung iba ay naglagay pa ng kaunting make-up. "Two lines please! Payag ako na makasama n'yo ang kaibigan ninyo basta dalawang linya lang ang section n'yo!" Bilin ng adviser namin. Sinundan naman namin at kami ni Kyla ang nasa harap dahil s'ya ang President ng klase. "Quiet now, guys!" Pinagalitan ni Kyla ang mga kaklase at sumenyas na ayusin na ang linya. Wala talagang makapalag kay Kyla, eh. I smirked and immediately pouted when she got back in front. Lahat kami ay pumunta na sa quadrangle and surprisingly ay nandito na pala sila! Nauna pa sila. "Oh, s**t! Spotted one!" Maharot na sabi ni Kyla. Napabuntong hininga na lang ako dahil talagang wala akong interes. Habang naglalakad ay tahimik lang ang lahat. "Tsk, lakas ng charms mo. Ang daming sumusunod na mata sa'yo." Bulong ni Kyla kaya napatingin ako sa North University Students and... tama nga s'ya. Maraming umiwas ang tingin at 'yung iba ay matapang na pinantayan ang mga tingin ko. I just smirked and hindi na 'ko nagulat sa inasta nila. Nang mapunta na kami sa puwesto ay nag short speech ang principal namin. "Anyways, North University Students! You are all welcome to tour around and hoping that we'll see you next school year." Nagpalakpakan ang lahat. I clapped slowly at nababagot na talaga. "Grabe, kaunti na lang, Lia." Bulong ni Kyla. "Ano na naman?" "Hm? iisipin ko na tomboy ka dahil wala kang interes sa boys!" I chuckled. Purkit ba wala akong napupusuan o 'di ko pa trip magjowa ay tomboy na? This girl! Umiling ako sa sinabi n'ya. "You're crazy! I have a heart you know? I still admire boys but I have no interest with them for now 'cause I know it'll be just a puppy love thing." Umirap ako. "Oh, so, you're the person who's into serious relationships, huh? Then... why don't you try? Let the boys court you and if they can wait it means they're really committed." Sambit ni Kyla sa'kin. Damn, Ky! You're just giving me ideas! Pinabalik na kami sa room at patuloy lang ang mga klase. Ilang beses nang may tumawid na North Univ Boys sa labas ng room dahil nag to-tour nga sila. The bell rang at syempre, excited ang mga girls. Lalo na itong katabi ko. "Let's go! Lunch time!" Kyla chuckled. I just smiled at natatawa lang na lang sa best friend ko. Nang pumuntang canteen ay may iilang North University Boys. "Oh my!!! May guwapo 'ron! Ay! Actually lahat sila guwapo!" Kyla said, excitedly. She's lightly pointing at the group of boys na nag-o-order. "Ikaw na mag order para malapitan mo sila." Kukuha na sana ako ng pera sa wallet nang hilahin n'ya 'ko bigla. "Dude, Louisse! Tangina nito. Bagal! Pinauna ko na 'yung dalawang babae sa pila, kingina ka tagal mo!" "Shut the f**k up, Ethan." Argh, boys and profanities! "The guy at your back looks hot." Bulong ni Kyla. Tumingin ako sa likod ko habang nasa pila, walang pakialam kung ano isipin n'ya. Siniko naman ako bigla ni Kyla at parang nahiya pa. "Crush ka n'ya." Pangta-traydor ko sa kaibigan ko at ngumisi pa 'ko. "Oh!" Sambit ng lalaki at ngumiti lang kay Kyla. "Hi! I'm Ethan," He waved. "I hate you so much." Bulong ni Kyla bago ayusin ang itsura. "Hi! I'm Kyla!" She waved back. You'll thank me soon, Kyla. I rolled my eyes sa kalandian ng best friend ko at humarap na ulit dahil malapit na kami sa pila. Bigla ay may kumalbit sa'kin at si Ethan 'yon. "Yes?" I asked. "My friend wants to know your name." I saw how his friend glared at his best friend tila tinraydor din nito. I smirked. "Which?" I asked 'cause they're a lot! Tignan ko muna itsura aba! Nakita kong nakikinig lang si Kyla sa'min. "Itong katabi ko at silang lahat." Ethan chuckled. "Dinamay mo na naman ako." Reklamo ng katabi n'ya. "Chill, Louisse! Iisipin ko kasi na ako na gusto mo dahil wala pa 'kong nabalitaan na may crush ka." "I have no interest in having relationships." The man said in a cold manner and his cold gaze went to me. "Oh! You're the same with her." Singit ni Kyla na akala mo, eh, kasama sa usapan nila. "Oh? Talaga?" Si Ethan na akala mo matagal na silang magkakilala ni Kyla. Tumango si Kyla. "My friend here had lots and still have lots of admirers even from college boys! Pero ayaw niyang patulan dahil wala raw siyang interes mag jowa because she's a serious relationship type of person." Daldal ni Kyla. Ewan ko sa'yo. "Kampal pala kayo nito, Vermone!" Tumawa si Ethan. "Shut up." Sungit na naman ni guy. I have no interest on listening anymore, guys. Bahala na kayo riyan at mag-oorder na 'ko. "Hey! Ang daya nito ako ang nauna sa pila, ah!" Sambit bigla ni Kyla. "Daldal mo, eh." I chuckled. "Isang Asado po ta's gulaman po twenty pesos." "Oh, ganda! Gusto mo ba ulit nang dessert na graham cake?" Tanong ni Ate. Oh... "Yes!" I smiled. Kumuha na 'ko ng 100 pesos sa wallet ko nang biglang may nag-abot ng pera. "Ako na magbabayad." Adrian? "I can pay for my meal you know?" Sungit ko at ngumisi lang si Adrian. "Adeline Thania, because I paid for your meal, can we perhaps eat together?" "No. If that's the consequence then get your f*****g money back and I'll pay for my own meal!" Naiinis na 'ko. Ayaw ko sa lahat ay pinipilit ako. "Feisty. I like girls who are really hard to get you know? Much more challenging." Challenging mo mukha mo. "Ayaw ko nga 'di ba?" Giit na sabi ko. "Adrian, hindi mo gugustuhin na mainis si Adeline." Tumawa si Kyla. "I paid for your meal. You should eat with me as-" Nagulat ako na may one thousand pesos na naglagay sa palad ni Adrian at napatingin ako kung sino 'yon. Kaibigan ni Ethan. I don't know his name. Nakita ko rin na nagulat si Ethan at mga ibang barkada pa nila. "She doesn't want to be with you. So if you paid for her meal just to have her sit with you, then I'll pay you f*****g triple just to leave her alone." His coldness and ruthlessness sent shivers down my spine. Wala nang nasabi si Adrian at tumango bago umalis. Kumuha na 'ko ng pera sa wallet pero bago ko pa mabayaran ang lalaki ay umalis na rin s'ya. "Uh- Ethan," tawag ko sa barkada n'ya at ngumisi s'ya sa'kin. "Paki-bigay sa kaibigan mo. Paki-sabi na rin thank you." Nag-aabot ako ng one thousand pesos. Mabilis na umiling si Ethan habang nakangiti. "For sure he will not accept that payment. Keep it but I'll deliver him your thanks." Kumindat si Ethan. Dahil ayaw ko nang pinipilit ako ay syempre ayaw ko rin mamilit. Kung ayaw ko, ayaw ko. Kung ayaw n'ya, e'di ayaw n'ya. "Thank you, Ethan." Sambit ko bago kami umalis ni Kyla sa stall na 'yon. "Oh, my f*****g gosh! What was that?!" Sambit ni Kyla at ngumising parang aso sa'kin. Nang makahanap nang mauupuan ay kinukulit na 'ko ni Kyla at sinasabing destiny ko na raw 'yon. "Destiny? You believe in destinies?" I chuckled. "Oh, shut it you, cold-hearted woman! He's already a prince like he saved his damsel in distress!" Natawa si Kyla. "Oh, shut up, Ky! I'm not a damsel in distress a while ago. I can save myself. I don't need heroic acts like that. Why though? Do you expect me to fall immediately when a guy saved me?" "You're the strong one..." Kyla smiled. "If ever you loved someone, you're the stronger one than your future lover. You're the independent type! You have a queen-like attitude." Pumorma pa si Kyla na may suot na korona. I'm the strong one? Hmm, I don't think so. I think I just learned how to train my emotions ever since I was a child. I don't like crying in front of people because I was once called weak for crying. Ever since then, I never cried or showed my tears to anybody. I'm like my dad who doesn't show his emotions, too. "You should've at least asked for his name." "Not-" "-Interested." Dugtong ng best friend ko kaya napangisi ako. Umirap ako at kinulit lang ako nang kinulit ni Kyla. "Whatever makes you happy, Ky!" I chuckled. Pinipilit ba naman na ka-tadhana ko na raw 'yung lalaking 'yon. Parang ewan lang! Pabalik na kami ngayon sa room namin. "Oh! Si Ethan." Yinugyog ni Kyla ang braso ko. "Oh, hi!" Bati ni Ethan sa'min. Nakita kong may binatukan siyang lalaki at 'yun ang nagbigay ng one thousand pesos kay Adrian. Naghiyawan din ang mga ibang barkada nila. Ngumiti lang ako nang magtama ang paningin namin at umakyat na kami ni Kyla sa second floor. "Ang cute lang kapag naging kayo siguro 'no?" Humagikhik si Ky. "Hay, bahala ka." Tumawa na 'ko dahil sa kakulitan ni Kyla. The third bell rang and our teacher immediately came kaya kaagad nanahimik ang buong klase. "Oh, class! Today ay titignan lang natin ang art museum. May dalawang students na na-exhibit ang work nila. Congratulations in advance!" Lumabas na kami ng room at pumunta sa exhibit room. Upon entering, we saw some North University Boys. Bigla ay kiniliti ako ni Kyla sa bewang kaya napakunot noo ko sa kaniya. "The boys are here." Bulong n'ya at isang diretsong tingin ay nakita ko si Ethan na kasama ang mga barkada. "Oh, hello, North Univ Boys! Hope you guys enjoy touring." "Oh, we are indeed enjoying, Madam!" Sagot ni Ethan. "Good to know." Ngiting sabi ni Miss Cabrera. "Okay, students! Ang nakuha for exhibit ay si Geoffrey Balomore and Adeline Thania Cruz!" Pumalakpak ang mga kaklase ko at nagulat ako na pati sina Ethan. "Nakuha lang 'yan dahil anak s'ya ni Mr. Aries Cruz." Dinig kong bulong ng mga girls. "Oh, shut up hanggang dito ba naman?!" Singhal bigla ni Kyla at natahimik ang lahat pati si Miss Cabrera. "Inggit kayo kay Adeline, eh! Purkit ba Cruz s'ya? Oh, bakit? Nakita niyo na bang ni-isang beses na tinake advantage n'ya ang pangalan ng pamilya n'ya?!" Nainis na talaga si Kyla. "Tigilan mo na." Sinisiko ko si Kyla. "Miss! These girls here are backstabbing Adeline at ang kakapal lang po ng mukha dahil 'yung pinag-uusapan po nila ay nasa harapan lang po nila mismo! The audacity, please-" "Ano ba?!" Pinagalitan ko na si Kyla. "See that? S'ya ang gagawan n'yo ng masama o sasabihan ng masama pero palagi n'ya 'kong pinipigilan sugurin kayo dahil gano'n kabait 'to!" Napapikit ako nang mariin at umiling. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko kaagad ang kaba nila sa mukha nila. "Oh, gagaya ba kayo kay Heisel?" Kyla smirked. "Enough, ladies! Adeline Thania Cruz here was noticed because her art skills were outstanding! It's not because of her family name." Yumuko ako at nahiya na. Parang pinipiga puso ko tuwing naiisip na ginagamit ko lang ang family name ni papa. "Look at her art." Turo ni Miss sa painting ko. I heard Kyla chuckle with no humor. "Ganda." Rinig kong puri ng mga boys. "Dang, girl." Umalis na saglit si Miss dahil tinawag s'ya ng head department. "Adeline, malandi at may tinatago ka rin talagang baho, eh, 'no? Pa-inosente ka pa." Sambit bigla ni Graize. "Oh you-" Hinila ko na pabalik si Kyla. "Tigilan." "Oh, c'mon! Lia! Ayan na nga, oh, harap-harapan ka pa inaano ta's mabait ka pa rin?!" "Feeling unbothered queen s'ya, eh!" Kumento ni Paulene. "Oh, please," Natawa nang bahagya si Christel. "Tss, tigilan n'yo na nga. Hindi na nga kayo pinapatulan ni Adeline tas-" "Oh, boys! You're only defending her dahil crush n'yo s'ya-" "Oh, eh, ano naman?!" Ngayon naman ay girls vs boys na nangyayari. "Crush talaga namin s'ya! Proud akong sabihin 'yon." "Ginayuma ba kayo?!" Tumawa si Christine. "Inggit lang kayo." Laban ni Felix. "Oh!!!" Sigawan ng mga lalaki. "Inggit?! Ba't kami maiingit?!" "Kasi si Adeline wala pang ginagawa ang lakas ng charms! Ta's kayo na maraming ginagawa sa mukha at nagpapapansin ay sa hule, si Adeline na walang ginawa ang napapansin!" "Shut the f**k up!" Sumasakit ulo ko. "Masiyado kayong nagpapa-uto kayo Adeline!" "Sus! Ngayon lang ako magsasalita pero kayo ang walang hiya, eh." "Oh, please!" Si Kyla na nakisingit na. Nakisama na si Kyla sa bardagulan at naiwan lang akong nakatayo rito. Nakakahiya dahil may ibang visitors pa na nakikinood sa gulo ng section namin. Pati sina Ethan ay nandito. "Oh?! Talaga ba Kyla?! Makapagtanggol ka sa best friend mong parang wala naman pakialam ngayon!" "Ba't n'ya di-dibdibin mga sinasabi n'yo tanga ka ba?!" Napapikit ako ng mariin tila nasosobrahan na masiyado. "Oh, baket?! Ano?! 'Di ka makapalag ano!" Laban ni Kyla. "KYLA," Mariin na tawag ko at natahimik silang lahat. "Lahat kayo." Sapat na lakas ng boses lang ang gamit ko. "Anong pinaglalaban niyo?" Malamig na tanong ko. "Mula una alam niyong wala akong pakialam sa mga sinasabi n'yo pero ba't kailangan niyong i-dikdik sa mukha ko lahat? For your information ay napapansin ko kayo pero 'di ko na pinapansin at ba't kailangan niyong ulit-ulitin sa harap ko?" Tahimik lang ang mga kaklase ko. "Malandi ako, sige. Maarte ako, sige. Masungit ako, sige, Plastic ako, sige lang ulit." Tinignan ko silang lahat. "It doesn't mean that I don't react means I don't feel all of those words." "Ano gusto niyong gawin ko? Umiyak sa harapan ninyo? Mangawawa sa harapan ninyo? Kapag ba nakita n'yo 'kong nasasaktan maggiging masaya ba kayo?" My voice broke. "Kung ayaw niyong Cruz ako, eh, magpakasal na ba 'ko para magbago apilido ko?" Sarkastikong sambit ko. Umiling ako. "Hindi ko alam ano gusto niyo. Tipong huminga ata ako ay may masasabi kayo, eh." I chuckled yet I felt a stung on my chest. Mabait naman ako 'di ba? Bakit... ganito pa rin tingin nila sa'kin? Nananahimik na nga 'ko pero bakit ganito pa rin? Ako ba talaga may mali? I sincerely smiled at them and walked away, in peace.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD