CHAPTER 6.

2937 Words
CHAPTER 6 : Shantal POV. "Nay nakita niyo po ba si sam?" tanong ko kay nanay naka upo sa may ilalim ng puno na meron upuan kararating lang nito kasama si tatay at ang dalawang kong kapatid na lalaki galing sila sa bayan para mangumpra ng paninda nila nasipan kasi ni nanay mag tinda kahit paunti-unti lang daw saka mabenta mag tinda dito dahil malayo sa pamilihan, at kanina ko pa hinahanap si sam mukhang tinakasan ako kahit sa pagkain ng tanghalian hindi ito umuwi dito sa bahay. "Bakit mo sa akin naitanong diba kayong dalawa ang naiwan dito sa bahay" sagot ng ina. "Yun nga po nay mukhang tinakasan ako ng batang yon kasi yayain ko sana samahan ako mag laba at mag linis ng bahay pero pag alis niyo po kanina hindi ko na nakita si sam diko alam saan nanaman nag punta yon" paliwanag ko kay nanay, at napatingin ako sa paparating lang sila santino, sandro at si tatay marami silang dala at puno na rin ng karga ang karosa habang hila ng kalabaw pinahinga muna siguro ng mga ito ang kalabaw, kaya nauna si nanay sa mga ito. "Hay nako ang batang yon talaga hindi makapali pag dito sa bahay malamang doon yon sa bagong dating na taohan dito hacieanda makurot ko talaga ang singit ng batang yon pag-uwi dito" usal ni nanay kaya bumaling ang attention ko dito. "Hayaan niyo na po nay, saka nay mukhang marami po kayong kinompra" aniya ko alam kong masinop sa pera si nanay kaya malamang meron itong naipon kaya naisipan mag tinda. "Oo eh saka malayo ang bayan kaya naisipan kong damihan nalang para hindi maubos agad ang stack kahit papano may malaki-laki na rin kaming naipon ng tatay niyo kaysa itago ko lang mas mabuti na itong ikapital nalang sa pag dinta para kahit papano kumita parin tayo kahit walang trabaho sa hacienda" mahabang saad ni nanay. "Sa bagay nay" tipid kong usal at tumulong sa mga kapatid kong ipasok sa loob ang pinamili nila para itinda. "Hello everyone magandan hapon, wow maraming pagkain" masiglang sigaw ni sam na kapapasok lang sa loob ng bahay akma na sana nitong dapotin ang malaking supot ng tsitsiriya ng pigilan ko ito. "Hep hep hep!!!! tindahan yan ni nanay kaya hindi mo puwedeng kunin, saan ka galing magaling kong kapatid at ngayon mo lang naisipang umuwi kasi tapos na ako sa mga gawain dito sa bahay aber" usisa ko dito. "Si naman para hawakan lang eh" nakanguso nitong usal. "Pwes bawal mo hawakan yan kung wala kang pangbili, at hindi mo pa sinagot ang tanong ko saan ka galing at kumain?" muli kong tanong sa nakanguso kong kapatid na at puppy eyes pa talaga sa akin. "Wag na wag mo akong daanin diyan sa pagpuppy eyes mo sam ha" singhal ko dito. "Ate naman bayaran ko naman yan eh, saka sorry na ate nakalimutan ko kasi yung usapan natin kaninang umaga at galing po ako doon sa bahay ni kuyang pogi at doon na rin po kumain kahit hindi siya marunong mag luto at gumawa ng apoy sa kalan" mahabang paliwag nito kaya pinaningkitan ko ito ng mata. "Sorry Sorry ka diyan, at saan ka kukuha ng pera ibayad dito sa paninda ni nanay aber!!? at alam mo ba kanina pa kita hinahanap bata ka hindi ka man lang nag abeso sa akin gagala ka papunta doon sa kuyang pogi mo kamo buti kung totong pogi yan baka mukhang paa naman, saka sam kababae mong bata wag ka nga pagala-gala kung saan pano kung mapano ka sa mga daan na walang katao-tao lalo na yung patungo doon sa bahay ng bagong dating may kalayuan din yun" mahabang sermon ko pa sa kapatid ko nag alala din kasi ako kanina ng bigla lang ito nawala pero hindi ko muna ito hinahanap sa ibang bahay kasi akala ko uuwi din ito agad pero ito hapon nang umuwi, hanapin ko na sana ito pero nakita kong dumating na sila nanay. "Sorry na nga po ate hindi na po mauulit" naiiyak na usal nito at napakad ng daliri, kaya parang naguilty ako sa pag sermon ko dito. "Talaga lang" asik ko. "Tama na yan shasha mamaya ko nalang pag-sabihan yan kapatid mo, ayusin niyo na yan mga paninda natin dito" sabat ni nanay sabay turo sa ginawang tindahan ni tatay sa tabi ng sala namin. "Sorry po nanay" hinging paumanhin ni sam kay nanay na lumapit para mayakap nito si nanay. "Okay lang anak basta sa sunod mag paalam kana sa ate mo o sa amin wag kang aalis dito sa bahay na hindi namin nalalaman ha, saka tama naman ang sinabi ng ate mo wag kang gagala mag isa lalo na babae ka kahit masasabi natin safe itong hacienda hindi natin hawak ang isip ng ibang tao malay mo gawan ka nila ng masama at wag kang matiwala sa bago mo lang kakilala naiintindihan mo ba si nanay huh" malumanay na pangaral ni nanay kay sam, ako naman sinimulan ko nang ayusin itong loob ng tindahan. "Opo saka nanay tinuruan ko po sa buhay ng apoy at pagluto si kuya jude kasi hindi po siya marunong maging sa pag-hugas ng plato, kaya hindi po ako nakauwi agad" muling paliwanag ni sam, nakita ko naman napangiti si nanay. "O anong nangyari sa makulit at madaldal kong bunso?" saad ni tatay. "Wala po tay i just explained my side lang po kasi nag lakuwatsa po ako hindi ko natulongan si ate sa mga gawain dito sa bahay kanina" naka ngusong usal ni sam sa ama, minsan talaga may pagka-englisera itong si sam at number 1 lagi ito sa paaral ng mga ito likas na matalinong bata. "Asus inienglis mo nanaman si tatay alam mo naman mahina ako diyan eh" natatawang saad ng ama, nakikinig lang ako sa kanila kasi busy ako sa kakasabit sa mga paninda. "Bunsoy may ice cream akong binili para sayo nilagay ko doon sa freezer kasi mediyo natutunaw na eh" agaw ni santino sa attention ng bunso nilang kapatid kaya numiningning naman ang mga mata ni sam basta marinig ang favorite nitong ice cream, kaya napa irap ako kasi walang akin kumakain naman ako ng ice cream ah lalo na mediyo mainit itong panaho. "Aba saan ang akin?" sabat ko na nakasimangot na ang mukha ko. "Syempre ate meron din naman sayo saka dalawang galon na yung binili ko kahit papano may naiipon din ako kaya nakabili ng dalawang galon ice cream" nakangiting ani ni santino kaya lumawak ang ngiti ko sa labi. "Salamat santi" "Thank you kuya santi" Sabay na pasalamat namin ni sam kaya nag katinginan kami at natawa. "Tutulong po ako ate ako ang mag ayos nitong mga delata" presenta ni sam sa ginagawa ko. "Sige" tipid kong sagot dito at pinag patuloy ang pag ayos namin sa munting sari-sari store ni nanay. "Anak nag pacash in na ako kanina sa gcash mo para magamit sa pag paload mo sa kahit anong sim maging sa wifi o tv signal dagdag kita din yon" saad ni nanay oo nga pala sinabi ni nanay na mag pacash in ito sa gcash account ko pero hindi ko natignan kasi busy ako kanina sa pag laba at pag linis sa totoo lang bihira ko lang ginagamitin yung cellphone ko regalo pa yon ni tatay sa akin noong nag graduate ako ng high school at gumawa narin ako ng gcash account doon minsan kasi may mga kaklase akong mag share sa mga project namin o kung may activity kaming need namin mag ambagan yung iba sa gcash nalang daw sila mag send ng ambag nila kaya ayon gumawa ako ng gcash account ko at dati ginamit ko yun mag benta ng load at load sa wifi maging sa mga tv signal. "Okay po nay tignan ko po mamaya" sagot ko kay nanay. "Sige kayo muna ang bahala dito pupunta muna kami ng tatay niyo sa mansion saglit kay pinatawag kami nila don at donya may mahalaga ata silang sasabihin sa amin" saad ni nanay. "Sige po nay ingat po kayo" aniya, nang makaalis sila nanay pinag-patuloy ko na ang ginagawa ko. "Ate bakit parang kabaong itong binili nila nanay lalagiyan ng mga tinda nating isda manok at hotdog" tanong ni sam kaya napalingon ako dito pahaba kasi ito kaya nasabi ni sam na parang kabaong at pumasok pa ito sa loob ng freezer na binili din nila tatay kanina binalikan pa ito nila sandro at santino kasi iniwan muna nila hindi na lasi kasya sa karosa at mabigat, second hand lang daw ito sabi ni nanay kaya mura lang, may refrigerator naman kami pero maliit lang mga ice lang ang ilagay namin doon pati mga ibang stock naming pag kain na kaylangan iref. "Pasaway kang bata bakit pumasok kapa talaga diyan" "Eh hindi ko maabot eh mahuhulog ako dito sa loob kaya pumasok nalang ako" "Ikaw talaga lumabas kana diyan ako nalang ang gagawa niyan puntahan mo nalang sila kuya sandro mo sabihin mo sa kanila ihawin nila yung ibang isda tapos yung bangus ako na ang bahala" utos ko dito tumalima naman ito agad. Nang matapos kami sa pag ayos sa tindahan dito naman ako sa kusina mag luluto kasi gumagabi narin kasi at kasama ko si sam na taga hiwa ng mga rekados na kaylangan ko sa pag luto ng sinigang na bangus request ni tatay at yung dalawa kong kapatid inihaw ang ibang isda doon sa likod nitong bahay namin. "Ate tapos na po itong mga kaylangan mong rekado" simisinghot na usal ni sam, kaya napalingon ako dito ng maayos ko ang pag salang sa kalan ang sinaing ko. "O' bakit ka sumisinghot diyan?" tanong ko dito. "Kasi naman ate pinapaiyak nanaman ako nitong sibuyas kaya i hate to hiwa-hiwa onion eh" simisinghot parin sabi ni sam kaya natawa ako sa itsura nitong namumula na ang boong mukha pati ang mga mata nito. "Hahaha sibuyas lang talaga ang mag papaiyak sayo sam yung kurot ni nanay at palo ni tatay dahil sa kapasawayan mo hindi ka man lang umiiyak" natatawang saad ko dito. "Ate naman kaya ko pang tiisin yung palo at kurot ni nanay pero itong sibuyas hindi kusang tutulo ang luha ko" naka nguso nitong ani nito sabay kusot sa mga mata. "Next kasi mag lagay ka ng asin sa harap para hindi mapunta sa mga mata mo yung katas ng sinuyas diba sinabi ko na yon sayo" "Nakalimutan ko kasi ate" "Hay nako hali ka nga dito talian ko muna yan buhok mo, at ilan beses ko na rin sinabi sayo pag mag luto itali ng maigi ang buhok kay baka may malaglag na hibla ng buhok sa niluluto pano kung may mga bisita tayo makita sa hinain nating pag kain meron buhok anong isipin nila hindi malinis ang pagluto natin" pangaral ko dito. "Sorry naman ate" nakanguso nitong ani nang matapos kung talian ang buhok nito pinaharap ko ito sa akin at kinurot ang matambok nitong namumulang pisngi ito ang laging pinang-gigilan ko. "Ouch!!! ate its hurt" daing nito habang hinimas ang pisngi kaya natatawa nalang ako ang cute kasi nito kaya lalo akong nang-gigil pinag hahalikan ko ang boo nitong mukha at kiniliti kaya napahagikgik ito. "Hahahaha a-te hahaha ta-ma na" pigil nito sa akin. "Paamoy muna ng kili-kili kahit amoy pawis hahaha" natatawang saad ko dito sabay taas sa isang kamay nito at inaamoy ang kili-kili nito na mas lalong ginahagikgik ni sam. "A-a-te ta-ta-ma na na-na-i-hi na a-ko" patigil-tigil na wika nito kaya natatawang tinigilan ko na ito. "Hahaha sige na mag luto na tayo ng ulam para pag dating nila tatay kakain nalang tayo" aniya. Ace POV. Samantala hindi alam ni ace kung saan siya pupunta padilim na ang kalangitan wala pa naman siyang dalang flash light pang ilaw at parang uulan pa naman at kanina pa siya nag lilibot kanina kasi dahil sa naboboring siya tinahak niya daan kung saan nakita niyang doon dumaan si sam pero mukhang naligaw siya ibang detection itong napuntahan niya may water falls siyang nakita napakaganda nito parang sarap maligo dito kaya dito siya tumigil dahil napagod na siya sa kakalibot at hindi niya matandaan pano babalik kung saan siya galing. "s**t" mura niya ng biglang kumulog, nilibot ko ang paningin ko sa boong paligid para mag hanap ng maaaring dinadaanan ng mga tao nagagawi sa lugar na ito bahala na kung saan bahay siya mapunta para makahingi ng tulong pano babalik sa bahay niya kasi puro mga nag sisitaasan kahoy lang ang nakikita niya. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko dito sa ilalim ng puno ng may mahawakan akong bagay kaya tinignan ko agad isa itong kuwintas na kulay gold at heart na may naka guhit na letters SPHA, so means may taong nag pupunta dito sa ganda ba naman ng lugar at ng water falls at maaring hindi namalayan ng may ari nalaglag itong kuwentas niya, usal ko sa sarili at nagulat ako ng biglang kumulog nanaman ng malakas kaya napatayo ako agad at binulsa ang nakita kong kuwentas babalik nalang ako dito pag kabisado kuna itong lugar baka babalikan ng may ari itong kuwentas niya, muling usal ko at nag lakad-lakad ako para mag hanap ng bakas ng daanan hanggang may nakita nga aKo kaya muling tinahak ko ang daan na yon kahit hindi ko alam saan detection yon pupunta bahala na ani ko sa sarili at nag patuloy sa pag lakad nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, kung minamalas ka nga naman at kung sana tumahimik nalang ako doon sa bahay ko at mag hintay ng taong gagawi doon para umpisahan ko na ang training ko edi sana hindi ako hahantong sa kagintong situation. " Fvck s**t" mura ko ng kumidlat at tuloyan ng nilamon ng kadiliman ang boong kapaligiran kaya kumakapa nalang ako sa dilim habang lumakad at sa hindi inaasahan nadulas pa ako kaya naipagik ako ng tumama ang pang upo ko sa lupa. "Damn this life, bakit ba kasi dito pa ako tinapon nila daddy fvck" bulong at muling mura ko at tumayo nakaramdam narin ako ng lamig sa boong katawan dahil sa basa ako at sumabay pa ang malakas na hangin, maaliwalas naman ang kalangitan kanina at hindi mo makitaan na nag babadiyang uulan pero muhang gusto talaga siya pahirapan ng kalangitan kung saan dito siya sa kakahuyan na walang katao-tao. Nag patuloy pa ako sa pag lakad at ilan beses narin nadulas nanginginig narin ang boo kong katawan napuno narin ng putik ang mukha ko ramdam ko yon kasi napunas ko sa mukha itong mga kamay ko napuno ng putik kung may ibang makita lang siguro sa akin baka matakot sa itsura ko ngayon malayong-malayo sa mayabang arogante at gwapong mala prinsepeng ace na kibabaliwan ng mga kababaihan. At wakas may natanaw akong bahay na meron liwanag ng ilaw kaya mabilis akong humakbang ulit at sa hindi inaasahan muli nanaman akong nadulas wala na akong sapin sa paa kasi hindi ko na alam saan natapon mga yon sa ilan beses kong pag-kadulas at heto nanaman ako subrang pag-hihirap na itong dinanas ko ngayon sa unang araw ko palang dito sa hacienda, muli akong bumangon wala narin akong lakas dahil sa pinag-halong pagod at pag-giginaw nangatal narin itong mga labi ko sa subrang lamig at nakaramdam narin ako ng gutom hindi na kasi ako ulit nakakain kanina, nag patuloy ako sa pag hakbang kahit hinang-hina na ako hanggang sa nasa harap na ako ng bahay na natanaw ko kanina at walang pag alinlangan pumasok ako sa bakoruan ng mga ito at deretso sa may pintuan ng mismong bahay buti nalang walang aso kundi hindi ko na alam anong mang-yari sa akin, nanginginig ang mga kamay kong tinaas para kumatok sa pinto nag aasang pag buksan ako ng pinto ng may ari nitong mediyo may kalakihang bahay at patuloy parin ang buhos ng malakas na ulan kaya parang basang sisiw na ako nag hahanap ng silungan, kumatok pa ako ng ilang beses baka kasi hindi ako marinig ng mga tao sa loob dahil narin sa malakas ulan, kaya nilakasan ko na ang pag katok ko kahit nanginginig na itong kamay ko nangubot narin sa subrang basa ng ulan, at sa last na pag katok ko bumukas narin sa wakas ang pinto at niluwa doon ang napakagandang dalaga na ngayon nakakatitig sa akin na parang gulat na gulat sa nakikita base narin sa namilog nitong mga mata mukhang nakakita ng multo, napatitig narin ako dito, pero bakit kamukha ito ni sam sa napakaitim nitong mahabang buhok na kulot ang dulo at nakadamit din ito ng malaking t'shirt na itim parang si sam kaninang umaga don't tell me anak ng maligno o mangkukulam ang batang yon? bata siya sa umaga tapos dalaga siya sa pag sapit ng gabi at mamayang hating gabi matanda na siya at muling babalik sa pag kabata pag sapit naman ng umaga, fvck ace ano ba yan pinag iisip mo nandito ka para makisilong tapos yan pa ang pumasok sa isip walang maligno at mangkukulam ikaw pa nga ang nag mukhang maligno sa itsura mo ngayon, kastigo ko sa sarili ko, at bumalik lang ako sa ulirat ng bigla itong sumigaw ng malakas. "Ahhhhh maligno tay, nay!!!!!!" sigaw nito kaya pati ako nagut sa sigaw nito, at hindi ako nakapag salita parang nanuyo itong lalamunan ko. "PANGIT NA MALIGNO!!!!!!" muling sigaw nito at sinara ang ng malakas ang pinto kaya naiwan akong natulala sa tinuran ng dalagang si sam wait si sam ba talaga yon? tanong ko sa sarili ko at muling kumatok kasi hindi ko na kaya ang lamig dito sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD