CHAPTER 7 :
Shantal POV.
Tamang-tama pag dating nila nanay at tatay kanina biglang bumuhos ang malakas na ulan buti nalang hindi sila naabutan ng ulan sa daan kundi kawawa sila.
"Anak mamaya ka nalang mag hain maaga pa naman" saad ni tatay.
"Opo tay" tipid kong sagot, at pumasok na ito sa kuwarto nila ni nanay dito sa baba doon naman sa taas ang kuwarto ko at kila sandro at santino, simula pala nung araw na napalitan nila tatay at nanay si sam dahil sa kuwento nito na ikinagalit nila nanay ay kasama ko na kuwarto ko si sam kahit ayaw nito pero kalaunan nasanay narin si sam na ako ang katabi niya sa pag tulog.
Tinignan ko ang oras sa orasan namin nakasabit sa dingding alas siyete imidiya palang ng gabi kadalas kasi mag hapunan kami alas otso ng gabi kung ganito wala kaming pasok sa paaralan kasi maaga din kami matulog pero kung parehero kaming busy kinabukasan ala sais imidiya palang ng gabi mag hapunan na kami.
Habang hindi pa kami kumain ng hapunan pumunta muna ako sa sala at umupo ako dito sa bayog kawayang sala set naming upuan na last month pa ito binili ni nanay doon kakilala din namin dito sa hacienda gumagawa ng mga upuan na gawa sa bayog o kawayan at may ibat-ibang design kaya nagustohan ni nanay, kinuha ko ang isang maliit na unan pinag lalagay ni nanay dito at niyakap ito malamig kasi umulan sa labas at mahangin narin, at habang nanahimik akong naka upo nakarinig ako ng parang may kumakatok sa may pintuan pero hindi ko muna ito pinansin baka bunga lang ng mga kahoy nadala sa hangin at tumama sa may pintuan pero natigilan ako ng lumakas ang pag katok nito kaya napakunot noo akong napatingin sa pinto sinong bibisita dito sa bahay sa ganitong oras at ang lakas pa ng ulan? usal ko sa sarili, nang muli ko nanaman marinig ang pag katok nito napatayo na ako at nakaramdam ng kaba sa dibdib baka kung sinong tulisan o mag nanakaw ang kakatok ng ganitong oras pero pinilig ko ang ulo ko may tulisan o mag nanakaw bang kakatok? muling usal ko sa isip, lumapit nalang ako sa pinto kahit kinabahan man inalis ko ang dalawang lock nito at dahan-dahan kong binuksan ang pinto , at ganun nalang ang gulat at panlalaki ng mga mata ko ng bumungad sa akin ang pigura ng matangkad at itim na mukha ng tao maligno o ingkanto ba ito tanging yung mga mata lang nito ang nakita kong puti at itim nakatitig sa akin ang buhok nito naka tayo paas at halos itim ang boo nitong katawan kaya ng mataohan ako sa pag kagulat napasigaw ako ng malakas dahil sa takot.
"Ahhhhh maligno tay, nay!!!!!!" sigaw ko habang tinatawag sila nanay at subrang takot ang nararamdaman ko, at muling binalik ang tingin ko sa maligno na hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan nito kaya muli akong napasigaw.
"PANGIT NA MALIGNO!!!!!!" muling sigaw ko at naisara ko bigla ng malakas ang pintuan, napahawak pa ako sa dibdib ko sa subrang takot sampong taon na ako nanirahan at namumuhay dito sa hacienda de monteverde pero wala pa naman kumakalat na balita na may maligno o anomang uri ng ingkanto ang gumagala dito pag gabi ngayon palang ata.
"Nanay!!!! tatay!!!!!" muling sigaw at tawang ko kila nanay at tatay at nakita ko naman humahangus na lumapit si tatay sa akin may dala pa itong shotgun binigay ito ni don asthon kay tatay for protection daw si nanay naman may dalang baston kaylan pa natotong gumamit ng baston si nanay ngayon lang ata nag tataka kong usal sa sarili.
"Saan ang tulisan anak" tanong ni tatay at kinasa pa nito ang hawak na shotgun kaya mas lalo akong kinabahan hindi ako nakamik pinakalma ko muna ang sarili ko.
"Shasha sumagot ka rinig na rinig namin yung sigaw mo" sabat ni nanay.
"Tay, nay pa-parang hi-hindi po tu-tulisan yung na-kita ko ku-kundi ma-maligno o ing-kan-to po ku-ma-tok di-to sa pin-tuan pag bu-kas ko po may pi-gura na ma-tang-kad at i-itim at naka ta-as po ang bu-hok" pautal-utal kong paliwanag sa mga ito at habol ang hininga ko sa pag sasalita.
"ANO!!!! MALIGNO!!!" sabay nilang sagot hindi ko napansin nandito na rin pala ang tatlo kong kapatid may kaniya-kaniyang dala, si sandro tubo si santino kadena at si sam naman walis tambo, gustohin ko man matawa kasi isa lang ang reaction sa mga mukha ng mga ito pero hindi ko magawa dahil hindi maalis sa isip ko ang nakita kong pigura sa labas, at napitlag ako ng kumatok nanaman ito kaya tumakbo ako sa tabi nila nanay at napahawak ako sa braso nito nanginginig pa ang mga kamay ko.
"A-ayan ku-matok na-naman siya" nauutal ko parin usal, at naging sunod-sunod na ang katok nito kaya mas lalo akong natakot at ramdam kong ganun na rin itong mga kasama ko kasi napatago sa likod ko si sam maging ang dalawa ko pang sapatid.
"Sandali buksan ko ang pinto" saad ni tatay.
"Pero sean pano kung may gawing hindi maganda yan sa atin, diyos ko matagal na tayong nanirahan dito pero wala pa man maligno o anong nilalang ang pagala-gala dito sa hacienda at kakatok sa mga pinto" mahabang saad naman ni nanay.
"Ano ba kayo malay niyo totoong tao yung kumatok kaylangan ang tulong natin" giit ni tatay.
"Eh pano kung masamang tao yan at patayin tayong lahat dito sean naman maraming napabalitang pinasok ang bahay at pinatay ang may ari" nag aalang usal ni nanay.
"Hindi mangyayari yan susan huminahon kayo" pag-pagaan ni tatay sa nararamdaman naming takot, at lumapit ito sa pinto sumunod naman kami parang nag linyahan kami sa likod ni tatay at dahan-dahan binuksan ni tatay ang pintuan habang tinutok ang shotgun nito dito nang tuluyan nabuksan ni tatay ang pinto na kakasara ko lang kanina dahil sa takot, muli naman tumambad sa amin ang itim na pigura ganun na ganun parin ang itsura nito nang una kong makita kanina lang kaya lahat kami napasinghap at nag silakihan ang mga mata si tatay naman mahigpit na tinutok ang hawak nitong shotgun sa maligno na ngayon namilog narin ang mga mata nakatingin sa amin lalo na kay tatay mukhang nagulat din sa nakita.
"Sino ka!!!? matigas at malakas na boses tanong ni tatay dito, at nakita namin unti-unti nitong tinaas ang mga kamay kaya lahat kami nag sipag handa sa maari nitong gawin o pag ataki sa amin.
"Sino ka!!!? ulit ni tatay.
"A-a-a si-sir hin-hin-di po-po a-a-ako m-ma-ma-sa-mang ta-ta-o" nanginginig nitong usal habang nakataas ang dalawang kamay na nanginginig din hindi lang yon maging ang boong katawan nito kaya kunot ang noo kong napatitig ng mabuti dito hindi ko kasi masiyadong natitigan ang boong itsura nito kanina, tinignan ko ito pataas baba at ngayon ko lang napatunayan naligo pala ito ng putik kaya muntik na akong matawa pero pinigilan ko nalang nanginginig na nga ang tao pag tawanan ko pa, naramdaman ko naman sumilisip si sam sa likod ko habang naka hawak sa kamay ko.
"Sa-sam" nginig nitong wika habang nakay sam na ang attention nito at mukhang nagulat pa at muli nitong binalik ang tingin sa akin at kay sam kaya napalingon ako kay sam na ngayon parang nakakita ng multo namilog ang mga matang nakatingin sa maligno este tao pala diko naman alam ang pangalan niya.
"ku-kuyang po-pogi" sigaw ni sam na napabitaw pa sa kamay kong hawak nito, kaya lahat kami nakatingin dito ng lumapit sa b****a ng pinto, si tatay naman binaba na ang hawak na shotgun at nag tatanong ang mga matang nakatingin kay sam.
"Anak kilala mo siya?" tanong ni tatay kay sam.
"Opo tay siya si kuyang pogi si kuya jude po yung bagong dating na taohan dito sa hacieada" sagot ni sam kaya lahat kami nakahinga ng maluwang akala na kasi namin kung sinong maligno na ang kumatok lalo na sa ako subrang natakot dito kanina.
"Kung ganun tulongan na niyo yan makapag hugas ng katawan alangan naman ipasok natin dito sa loob ng bahay na puno ng putik ang katawan" sabi ni tatay kaya napatingin kami sa isat-isa kung sino ang tutulong dito kay kuya jude daw sabi ni sam kaya malamang jude nga pangalan nito.
"Tayo na ate ikaw ang hahawak ng payong para hindi tayo mabasa ng ulan hanggang doon sa may banyo at ako nalang ang tutolong paliguan siya kasi parang hindi na niya kaya" saad ni sandro kaya wala sa sariling napatango nalang ako, at kinuha ang payong naka sabit sa likod ng pintuan.
"Jusmiyo akala ko kung sinong tulisan o maligno na, ikaw lang pala yan hijo ano bang nangyari sayo bakit naligo ka ng putik at para kang taong grasa" sabat ni nanay na mukhang ngayon lang bumalik ang ulirat sa pagka gulat.
"Susan mamaya mo nalang tanungin kaylangan muna niya mapaliguan at mukhang kanina pa siya nabasa ng ulan at nanginginig na" sabi ni tatay kay nanay.
"Kuya jude halika kana" aya ni sandro sa maligno este jude pala, sumunod naman ito kahit subrang nanginginig na, ako naman sumabay sa kanila para payungan si sandro na inaalalayan si kuya jude papunta sa banyo namin dito sa labas ng bahay, dahan-dahan lang ang mga hakbang namin para hindi madulas sa maputik na lupa.
Nang marating namin ang banyo inalalayan ni sandro si kuya jude para ipasok sa loob hindi naman umimik ito siguro nilalamigan na talaga tiniis lang nito.
"Ate kumuha ka ng towel dito kana dumaan sa kusina" utos ni sandro sa akin tumalima naman ako agad dito kasi banda sa may kusina namin itong banyo.
bubuksan ko na sana ang pinto ng kusina pero kusa na itong bumukas, si sam pala may dala itong tuwaliya na inabot agad sa akin.
"Anak ito mga damit ng tatay mo at itong brief kanina lang binili ng tatay mo ipasuot niyo kay jude kasya naman siguro mga yan sa kaniya kahit malaking bulas siya " saad ni nanay, tumango lang ako dito at kinuha ang mga hawak nitong mga damit, at muli akong bumalik sa banyo.
"Sandro tapos naba kayo?" tanong ko sa malakas na boses.
"Patapos na ate" sagot nito.
"Bilisan niyo kasi lumalakas nanaman itong ulan baka mag brown out mawalan tayo ng ilaw" sigaw ko ulit kasi bumuhos nanaman ang malakas na ulan.
"Tapos na ate akin na ang towel at mga soutin niya" sigaw ni sandro at sumilip ito sa siwang ng pinto ng banyo, agad ko naman inabot ang towel at mga damit, nang makuha ni sandro lumabas na ito sa banyo at iniwan saglit si kuya jude para makapag bihis na ito kaya hinintay muna namin ito matapos.
Hindi naman nag tagal bumukas muli ang pintuan ng banyo at bumungad doon si kuya jude na ikinalaglag ng panga ko, diyos ko tao ba ito o angel na adonis bumaba dito sa lupa ngayon gabi ang pogi-pogi niya kung ganun totoo ang sinasabi ni sam na pogi nga ito hindi mukhang paa o maligno gaya kanina at ang tangkad at matcho niyang tignan sa damit ni tatay na mahaba ang manggas at hindi na rin naka taas ang mediyo mahaba nitong buhok haggang mamapal nitong kilay at ang tangos ng ilong nito nababagay sa mamumula nitong labi. parang nakakahilina ang lalaking ito sa klasi ng titig nito, parang gusto ko naman sabunotan ang sarili ko dahil sa mga pumapasok dito sa isipan ko.
"O' ano ate para kang nakakita ng multo diyan gwapo ba ni kuya jude hindi na mukhang maligno?" natatawang tukso ni sandro sa akin kaya bumalik ang ulirat ko kaylan pa ako natotong humanga sa isang lalaki haysss ewan ko, asik ko sa sarili ko at inirapan ko ang kapatid ko.
"Tseeeee naninibago lang ako sa itsura niya kumpara kanina napagkamalan kong maligno" tanggol ko sa sarili ko.
"Asus kunwari kapa" asar pa nito kaya tinignan ko ito ng masama.
"Ano ba kayo pumasok na kayo dito sa loob malakas ang ulan saka nilalamig na yan si jude!!! at mag hapunan na tayo baka mawalan tayo ng kuryente bigla" sigaw ni nanay kaya agad ko na tinaas ang hawak kong payong para mapayungan itong dalawa at nasa gitna ako nila kuya jude at sandro kasi ako may hawak ng payong parang sumikip tuloy ang pakiramdam ko ng dumikit ang katawan ni kuya jude sa akin pero sinawalang bahala ko nalang, mabalis kaming lumakad at dali-daling pumasok sa loob ng kusina tiniklop ko agad ang payong at sinabit sa labas bago ko sinara ang pinto.
"Hali na kayo sa mesa naka hain na ako" usal ni nanay.
"Jude halika para maka-higop ka nitong mainit-init na sabaw ng sinigang para maibsan yan lamig na nararamdaman mo, bakit mo ba kasi sinulong ang napakalakas na ulan?" muling usal ni nanay kami naman nila tatay umupo na sa kaniya-kaniya naming upuan katabi ko si sam kasunod nito si santino habang sila nanay sa harap namin bali mag kaharap kami ni kuya jude sa tabi naman nito si sandro si tatay naman nasa unahan ng mesa na laging nitong pwesto bilang haligi ng tahanan, pero bago kami umpisa kumain nag dasal muna kami.
"Hijo humigop ka nitong sabaw ng mainitan yan sikmura mo" saad ni tatay kay kuya jude na tahimik naman nitong sinunod, sinusundan ng mga mata ko ang bawat kilos nito nakikita kong nanginginig parin ang mga kamay nito habang hawak ang maliit na mangkok na may sabaw.
"Sa-salamat" nanginginig na anito, at unti-unti nitong nilapit sa bibig nito ang mangkok at naging sunod-dunod na ang pag higop nito sa sabaw na mukhang nagustohan ang lasa.
"Masarap ba kuyang pogi? si ate ang nag luto niyan kaya masarap talaga" wika ni sam sa tabi ko at may pagmamalaki pa kaya mahina ko itong siniko.
"Ito kanin hijo kumain ka lang wag kang mahiya" usal ni nanay dito at tudo asikaso nito kay kuya jude kaya napatingin nalang kami sa kanila.
"O' kayo bakit hindi pa kayo kakain" baling ni nanay sa amin ng mapansin nito hindi pa kami kumakain kaya isa-isa na kaming kumuha ng pag kain namin at umpisa na rin kami kumain, at napapansin ko panay ang sulyap ni kuya jude sa akin kaya parang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ano ba kasi tinitingin-tingin ng lalaking ito may dumi ba sa mukha ko? tanong ko sa sarili ko.
"Ayan inihaw na isda hijo isawsaw mo dito sa soy sauce na may kamatis kalamansi at sibuyas masarap yan parang hindi ka kasi sanay sa mga ganitong pag kain" muli nanaman kausap ni nanay kay kuya jude ganito talaga si nanay pag may bisita kami tudo asikaso kay nakakahiya daw kung hindi asikasohin ang mga bisita baka isipin ng mga ito masama ang ugali nila.
"Salamat po mam" sagot ni kuya jude at kumuha ng maliit na laman isda at sinawsaw nito sa sawsawan na ginawa ko din kanina nang matapos nitong isawsaw hinaluan nito ng kanin bago nito sinubo gamit ang kanang kamay nito at halatang hindi ito marunong kumamay sa pagkain kasi sinubo nito lahat ang dailiri kaya maraming kanin ang naiwan sa gilid ng mga labi nito at nahulog pa ang iba parang nag mukha tuloy siyang bata na madungis kumain at lihim akong natawa dito, tinignan ko ang reaction ng mga kasama ko pigil narin nilang matawa sa itsura ni kuya jude pero mukhang hindi nito kami napansin kasi naging sunod-sunod na ang pag subo nito at tumatango-tango pa mukhang nasarapan sa isda at nakailan kuha narin ito ng kanin kaya hinayaan nalang namin baka kasi bigla itong mahiya pag sitahin namin na hindi ganun sumubo gamit ang kamay kahit masyado na itong makalat at halatang gutom narin ito.
Nang matapos kaming kumain pinag tulongan namin ng mga kapatid ko ang pag ligpit ng kinainan namin at ganun din sa pag hugas, sila nanay naman pumunta na sila sa sala kasama si kuya jude.
"Halatang galing sa mayamang angkan si kuya jude sa itsura at kilos palang niya at hindi marunong sumubo gamit ang kamay" natatawang usal ni santino.
"Oo nga pero dapat niyang matutunan ang buhay mahirap" sabat naman ni sandro.
"Kaya nga po mga kuyang tinuruan ko pa nga siya mg gawa ng apoy at mag saing pati pag gisa ng sardinas kaninang tanghali e! alam niyo ba sa subrang gutom niya na ubos niya yung sinaing namin pati yung ulam na sardinas" mahabang salaysay ni sam.
"Hayaan niyo na matoto din siya pag tumagal na siya dito" sabat ko sa mga ito.
Nang matapos kaming mag linis sa kusina pumunta kami sa may sala naabutan naming kinakausap nila tatay si kuya jude.
"Pano ka pala napadpad dito sa bahay namin at alam mo ba dito nakatira ang bunso kong anak si sam?" tanong ni tatay dito, napakamot naman sa batok si kuya jude bago ito nag salita.
"Actually i don't know sir, i just kept walking even thou----" hindi natapos ni kuya jude ang ano mang sasabihin ng biglang pigilan ito ni tatay.
"Eeeepp wag kang mag english jude tagalog nalang kasi nandito tayo sa bayan ng pilipinas kong mahal" usal ni tatay kaya natawa kami sa tinuran ni tatay.
"Anong nakakatawa sa sinabi ko totoo naman dito tayo sa pilipinas kaya sariling wika natin dapat ang gamitin nating salita hindi yan pang afam" muling usal ni tatay kaya muli kaming natawa.
"Ikaw talaga sean pati afam nabanggit mo na, sige hijo ipag patuloy mo na yung sasabihin mo wag mo na pansinin itong asawa ko saka tito at tita nalang ang itawag mo sa amin wag na yung sir at mam kasi hindi naman na kami guro e!" sabat ni nanay, napahigikgik nalang kami ng mga kapatid ko sa tinuran ng mga magulang namin.
"I mean hindi ko alam na dito nakatira si sam, kanina kasi gusto ko nga sana hanapin kung saan ito nakatira kasi naboriyo ako doon sa kubo ko kaya tinahak ko yung dinaanan ni sam kanina sa pag uwi niya nag bakasakali akong matuntun ang tinitirahan niya pero nag kamali ako ng daan na tinahak kasi nung nasa gitna na ako ng daan may talong daan doon kaya nalito ako alin ba ang daan papunta dito sa bahay niyo pero nag kamali ako ng napiling daanan kasi yung pakanan daan ang pinili ko ayon nga po napadpad ako doon sa kakahuyan na walang katao-tao hanggang sa palibot-libot nalang po ako doon at hindi ko na alam kung pano babalik kasi hindi ko na matandaan ang dinaan ko at may nakita din po akong water falls kaya doon po muna ako huminto at mag pahinga saglit kasi napagod po ako sa paglalakad at nang makahanap po ako ng daan muli po akong nag lakad kahit hindi ko alam kung saan nanaman ako po ako mapapad basta gusto ko lang makita ng bahay o tao mahingian ko ng tulong kasi inabutan na po ako ng dilim at masama pa biglang bumuhos ang malakas na ulan hanggang sa natanaw ko po itong bahay niyo po sir, mam este tito, tita kaya hindi ako nag dalawang isip na lumapit dito" mahabang salaysay ni kuya jude nakaramdam naman ako ng awa dito kasi nawala pala ito doon sa kakahuyan kaya naabutan ng malakas na ulan.
"Kaya pala nag mukha kang taong ingkanto o maligno sa intsura mo kanina natakot tuloy itong dalagita kong anak" natatawang sabi ni tatay kaya lihim na rin kami natatawa, napakamot sa batok ulit si kuya jude parang nahiya sa nangyari sa kaniya kanina.