Cypher's POV
“Ito na nga pala ang trycicle na maghahatid sa inyo sa siyudad,” wika sa amin ni Aling Adelya habang tinuturo sa amin ang isang tricycle.
Bandang alas otso nang nagising kami ni Zero. Pinakain muna kami ng agahan ni Aling Adelya bago niya kami kinuhaan ng masasakyan. Why is that there are some people that are willing to help you, even if that was the first time you met that person? Aling Adelya is kind, at hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan.
“Is she serious na riyan tayo sasa— ” Siniko ko si Zero sa may tagiliran na ikanadaing niya. Tsk. Ang arte. Pasalamat pa nga siya at may masasakyan kami.
“Maraming salamat po sa tulong, Aling Adelya.” Iniisip ko lang kanina na hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan, but here I am, saying those magic words.
“Walang anuman. Sige na, sumakay na kayo.” Bahagya niya kaming itinulak papasok sa loob ng tricycle.
Nakaposas pa rin ang kamay namin ni Zero kaya hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapagpalit ng damit. Such a bad day. Minamalas talaga ako kapag nasa paligid siya.
“Aray! f**k!” Napabaling ako sa kaniya nang nauntog siya pagpasok sa loob ng trycicle. I shook my head. Nagagawa talaga ng matatangkad.
Nang nakaupo na kami nang maayos ay pinaandar na ni Manong ang sasakyan, napapamura na lang si Zero dahil pauga-uga raw ang sasakyan. Ang arte talaga. Kung hindi lang ako nakaposas sa kaniya, ay kanina ko pa ito naitulak palabas ng tricycle.
Naisip kong kuhanin ang cellphone ko sa bulsa ng aking suot na pantalon. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ito nasira kahit nabasa kagabi. Halos twenty percent na lang ang battery at wala pang signal. Kailangan kong matawagan si Seike mamaya pagdating namin sa Manila, dahil siya lang ang alam kong makatutulong sa amin para maalis itong posas.
“Nandito na po tayo,” wika ni Manong kaya bumaba na kami ng sasakyan. Hindi na kami nagbayad dahil si Aling Adelya na ang gumawa niyon para sa amin.
Tumapat kami sa isang convenience store at puros mata ng mga estranghero ang napapatingin sa aming direksiyon. What? Do we look like a disaster to them? Tsk. They can just mind their own businesses. Kinuha ko ang aking cellphone, ngunit bigla kong naalala na wala na nga pala akong load para tawagan pa si Seike.
“Do you have a phone?”
Kumunot ang noo ni Zero. “Why?”
“Can I borrow it?” Kinuha naman niya sa bulsa niya ang kaniyang pantalon ang cellphone at ibinigay sa akin.
Balak ko na sanang buhayin ang cellphone niya, ngunit napangiwi nang hindi 'yon nabuhay. Low battery? Tsk. Bulok na cellphone.
“Walang kuwenta 'yang cellphone mo.” Hinagis ko pabalik ang kaniyang cellphone na nasalo naman niya.
“Palibhasa wala kang taste sa mga gadgets,” wika niya na ikinaismid ko.
Ano naman kung naka-iphone siya, habang ang cellphone ko ay isang mumurahing touch screen na cheery mobile? Basta may communication, kahit di-keypad pa 'yan ayos lang sa akin. H’wag niya akong itulad sa kaniya na maarte. Tsk.
Pumasok kami sa loob ng convenience store para makitawag. I dialed the number of Seike, at makalipas lang ang tatlong ring ay sumagot na ito. Ni-loud speaker ko para malinaw.
“Hey! What’s with the call? Miss me?” Napa-ikot ang dalawa kong mata sa tanong niya.
“Cut that crap. Puntahan mo ako rito sa may Convenience store malapit sa may 7/11.” I told him the exact address and the street, and told him to bring some lock picking kit.
“Why? May pinto ka bang gustong buksan?”
"Nope. Handcuffs.”
"A’right. Wait me there then.” Ibinaba na niya ang tawag matapos iyon.
Napatingin naman ako sa aking katabi na ngayon ay magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin. Ano na naman kayang problema nito?
“What?” tanong ko, ngunit mas lalo lang nagsalubong ang kilay niya.
“Your boyfriend?” Napaangat ang kilay ko. The hell is he talking about? Boyfriend? Like what the hell with that thing.
“Who?” Umismid siya sa akin bago niya ako hinila palabas ng convenience store.
We’ve waited there for about thirty minutes, until I saw the familiar car that stopped in front of us. Bumukas ang driver seat niyon at bumungad sa akin si Seike na nakaangat ang kilay nang natagpuan niya ako ng kaniyang mga mata, pati na rin ang katabi kong si Zero.
“What the f**k happened to you?” tanong niya na may halong pagtataka. “And who’s he?” Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin, pati na rin kay Zero.
“Long story. Just remove this.” Itinuro ko ang handcuffs na nakakabit sa amin ni Zero na ikina-buntonghininga niya bago lumapit sa aming dalawa.
I creased my forehead when I noticed how he darted glares on Zero, napaangat ako ng tingin kay Zero at ganoon din naman siya kay Seike. Napailing-iling ako. Boys are really. . .damn.
Nagpahatid ako kay Seike sa likod ng university, habang si Zero naman ay lumihis sa amin ng landas nang naalis ang posas naming dalawa. Seike didn’t ask anything about what happened, siguro ay dahil halos sanay na rin siya sa ganito. We’ve been together for years, I knew what he’s doing, and so he is to me.
Matapos kong maakyat ang pader ng university ay dumiretso na kaagad ako sa dorm para makaligo at makapagbihis. I wore my uniform, and just like the usual, hinayaan kong nakabukas ang dalawa nitong butones sa may banda kong leeg, at tinupi hanggang siko ang long sleeve. Niluwagan ko rin ang aking necktie, para hindi ako masyadong masakal, matapos iyon ay lumabas na rin ako ng dorm na tila walang nangyari.
My bruises are still visible, but it got better unlike yesterday. Para tuloy akong nabugbog ng kung sino sa hitsura ko ngayon.
Napakapa ako sa bulsa ng aking palda nang biglang nag-ring ang aking cellphone. I glanced at my phone and found Denise’s name on my phone screen. I smirked and didn’t bother to answer it. Muli ko 'yong nilagay sa bulsa ng aking palda bago naglakad patungong cafeteria, hindi pinapansin ang mga matang dumadapo sa akin mula sa mga estudyanteng nakakakita na akin.
As I entered the cafeteria, my eyes then suddenly search to where Denise is. Napansin ko ang paghinto ng iba sa kanilang mga kinakain at napabaling sa aking direksyon. I cumbed my hair using my hand never minding the visible bruises on my face. Napalingon ako sa aking gilid nang napansin ang isang lalaking nasamid habang umiinom ng tubig. Nang napansin nitong nakatingin ako sa kaniya ay mabilis itong nag-iwas ng tingin.
I was about to walk again, when I figured out that something's missing. Napakapa ako sa aking mata at napabuntong hininga na lang nang napansin na wala akong eyeglasses na suot.
“Ate Cypher, bumalik ka!” My eyes darted in front when I heard the familiar voice of Sumi. Sunod na nagawi ang tingin ko ay sa table kung nasaan ang iba pa.
I saw Trace and Xaver, na mukhang kagagaling lang sa table nina Sumi at balak na ring umalis. My brows raised when I saw Keira who looked pissed.
“Oh, nandito na pala si Cypher!” Kumaway sa akin si Xaver na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin dahil kaagad na akong nagtungo sa kabilang direksyon.
“Gosh! Cypher, what happened to you?!” si Denise ang unang dumalo sa akin nang nakarating ako sa table nila.
She checked me from head to foot. Nagawi naman ang tingin ko kay Farris na ngayon ay nakamaang sa akin ng tingin.
“Nadulas lang ako sa bubog kagabi.”
“What?” I glanced at Farris. “You were not in our dorm last night. Saan ka nagpunta?”
“Zero weren’t there too. Did you see him?” Napaangat ang kilay ko sa tanong ni Trace. I shrugged my shoulders and sat on a chair.
“Urgh! Bakit ba nasa kaniya lahat ng atensyon niyo!? And where is Zero!?” Napatingin kami kay Keira nang umalis ito habang nagdadabog. I glanced at Denise.
“Did she bully you again?” Mabilis siyang napailing sa tanong ko, kaya muling nagawi ang tingin ko kina Trace at Xaver. What are they doing here anyway?
Napansin ko ang pagtikhim ni Xaver, sumunod niyon ay hinawakan niya sa braso si Trace at hinatak na ito papaalis.
“Mauna na kami.” We’ve all nodded to Xaver, but then my eyes landed on Trace who’s intently looking at me.
He’s observing me. I know, and maybe he’s starting to think that I was with Zero last night.