Cypher’s POV
Naramdaman ko ang isang butil ng tubig na pumatak sa aking mukha. Pinakiramdaman ko ito hanggang sa nagsunod-sunod na ito sa pagpatak. I opened my eyes to see the dark clouds in front of me, at ang hindi mabilang na patak ng ulan na tumatama sa aking mukha. Napabangon ako sa pagkakahiga, at napalingon ako sa aking gilid kung saan nakita ko si Zero.
Napapikit ako nang mariin nang naramdaman ang kirot mula sa sugat na nasa aking ulo.
“Hey, wake up.” Tinapik ko ang braso ni Zero, hanggang gumalaw ang kaniyang mata at nagmulat bago sinalubong ang aking tingin. Napabangon siya mula sa pagkakahiga, at sinapo ang kaniyang ulo.
“My head hurts. Crap.” Nagawi ang tingin ko sa kaniyang sentido at napansin na ang dugo mula roon.
“Your head is bleeding.” Balak ko na sanang hipuin ang sugat niya sa ulo, ngunit naramdaman ko na lang ang kamay niya na mabilis na nahawakan ang kamay ko upang pigilan iyon sa balak na gawin.
Nagtama ang mata naming dalawa. Even with the dark place where we are, I still could see his face, na bahagyang natatamaan ng sinag ng buwan. He has a very dark eyes, and a sharp pointed nose. His crossed eyesbrow were thick, and his jawline is very prominent. I’ve seen a lot of good looking guys since before, but I never admire one...except him.
Mabilis akong napaiwas ng tingin nang naisip ko iyon. What is wrong with me?
“I’m sorry.” Napaangat ang aking kilay at napabaling sa kaniya.
“For what?” Nag-iwas siya ng tingin sa akin, at napaangat ng tingin sa kalangitan.
“I am the one that they’re chasing. I’m sorry about that.” Tuluyan akong napamaang sa kaniya at napakagat na lang sa aking labi. Kung ganoon...mali ako ng hinala kanina? Napapikit ako nang mariin at nakahinga nang maluwag dahil doon. I’m glad then.
“Kasama rin ba nila ang mga mafias na sumugod sa bar?” Walang pagd-dalawang isip na tumango siya sa akin. “Why?” sa naging tanong kong iyon ay tuluyang siyang napabaling sa akin bago bahagyang ngumisi.
“It’s my deepest secret.” Napairap ako at napailing-iling dahil iyon din ang sinabi ko sa kaniya noong tinanong kung paano ko nagawang kumitil ng buhay.
Napalingon ako sa paligid kung nasaan kami at napansin ang mapunong lugar. Unti-unti kong nararamdaman ang malakas na pagbuhos ng ulan kaya naman napatayo ako, ganoon din si Zero. Muntik na akong matumba dahil sa biglang pag-ikot ng aking paningin, ngunit kaagad na may kamay ang umalalay sa aking braso.
“You’re hurt?" he asked. Mabilis akong umiling.
“I’m fine. Nahilo lang ako bigla.” Kumalas ako mula sa pagkakahawak niya.
“We should look for a place that we can stay for a while,” saad niya na sinang-ayunan ko.
Nahatak niya ako nang nagsimula na siyang maglakad, kaya wala ako ibang nagawa kung hindi ang sumunod. I checked my wrist watch and found that it’s dawn already.
Naglakad lang kami nang naglakad para makahanap kami ng matutuluyan. Nakararamdam na ako ng lamig dahil bahagya ring lumalakas ang hangin. Hanggang sa nakakita kami ng isang bahay na hanggang dalawang palapag ang taas. Kaagad kaming tumungo roon ni Zero bago niya pinindot ang doorbell.
Isang babaeng medyo may edad na ang nagbukas ng pintuan ng kanilang bahay at may dalang payong. Nanlaki ang kaniyang dalawang mata nang nabuksan niya ang gate kung saan kami bumungad.
“Susmaryusip! Diyos ko! Mga hijo at hija, ano ang nangyari sa inyo at bakit ganiyan ang inyong mga ayos?!”
“A-ah— ”
“Naaksidente po kasi ang sinasakyan namin at medyo naliligaw rin po kami. Maaari po ba kaming makituloy ng girlfriend ko?” Hindi na ako nagreklamo pa sa palusot ni Zero dahil kanina pa ako kinakaligkig sa lamig.
“Aba'y oo naman! Diyos ko! Kayo talagang mga kabataan, oo hindi nag-iingat. Halika kayo at sumunod sa akin.” Nakahinga ako nang maluwag nang inaya kami ng babae sa loob ng kanilang pamamahay.
Nang nakapasok kami sa loob ay isang simpleng salas ang bumungad sa amin. Pinaupo niya kami sa isang mahabang sofa at hindi inalintana na baka mabasa namin ito. Nagpaalam siya sa amin na ipagtitimpla muna niya kami ng mainit na kape.
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Zero at nagulat sa kaniyang ginawang pagyakap mula sa aking likuran. Dahil sa nakaposas kami ay nasa loob ako ng mga bisig niya.
“What are you doing?” Naramdaman ko ang ulo niya na pumatong sa aking balikat. Last time I've checked, we’re not that close.
“Giving you a body heat.” Napamaang ako at napakurap-kurap nang bahagyang kumiliti sa aking leeg ang kaniyang mainit na hininga. Pinilit kong pakalmahin ang aking sistema.
“Don't use that move at me, Zero. I'm not one of your toy that you can play with.” Inalis ko ang kamay niya na nakapulupot sa akin pati na rin ang kamay namin na may posas na nakapaikot sa akin.
This guy is one of a hell flirty. Tsk.
Eksakto naman ang pagdating ng babae habang may dala itong dalawang tasa. Mayroon din itong dalang dalawang tuwalya na kaagad naman niyang iniabot sa amin. Ibinalot ko naman kaagad ang aking katawan dito.
“Inumin niyo muna itong mainit na kape para hindi kayo lamigin. Ako nga pala si Adelya. Aling Adelya na lang. Kayo, ano bang mga pangalan ninyo?” tanong niya matapos niyang ibigay sa amin ang kape.
“Cypher.”
“Zero.” Nagkatinginan pa kami ni Zero nang sabay kaming umimik, ngunit napaiwas din ako matapos.
“T-teka, dumudugo ang ulo mo, hijo. Sandali lamang at gagamutin natin 'yan,” si Aling Adelya bago ito umakyat sa hagdan. Ilang minuto ang lumipas nang bumaba ito at may dalang first aid kit. “Halika hijo at gagamutin natin `yan."
“Uh...I’m fine, actually—”
“Ay nako hindi. Gagamutin natin 'yan at baka `yan ay ma-infection pa,” pamimilit ni Aling Adelya kaya wala nang nagawa si Zero kun’di ang lumapit sa kaniya. Nasama ako dahil sa posas namin. Damn.
“Aba'y bakit naman kayo nakaposas?” nagtatakang tanong ni Aling Delya.
“Mahabang kuwento po.” Hindi ko naman puwedeng i-kwento ang totoong nangyari sa amin dahil baka matakot lamang ito at palayasin kami ng bahay
Umupo si Zero kaya umupo na rin ako, hanggang sa sinimulan na ni Aling Adelya ang pagagamot sa sugat ni Zero. Pati rin pala siya ay natalsikan ng bubog. Pasalamat na lang ako dahil daplis lamang ang sa akin. May iilan akong galos sa mukha pati na rin sa braso, ngunit hindi naman ganoon kalala.
Matapos magamot si Zero ay bumaling sa akin si Aling Adelya.
“Ikaw, hija? Baka may sugat ka? Gagamutin ko.” Mabilis akong umiling sa alok ni Aling Adelya.
“Hindi na po. Ayos lang po—”
“May sugat po siya sa ulo. Ako na po ang bahalang gumamot sa kanya.” Nangunot ang noo ko kay Zero.
“I told you, I’m fine—”
“Aba'y mabait na bata.” Natigil ako sa pagsasalita nang sumingit si Aling Adelya. “Sige, maiwan ko muna kayo. Dadalhin ko lang ang inyong pinag-inuman sa kusina,” wika niya bago ito tumayo at lumakad papuntang kusina habang dala ang tasa na pinag-inuman namin.
“So...it’s just the two of us.” Nabaling ang paningin ko kay Zero na ngayon ay may mapaglarong ngiti sa labi. What's wrong with this man?
“Kung ikaw lang din ang gagamot sa 'kin, h’wag na lang," matabang kong sabi sa kaniya, ngunit mas lalo lamang lumawak ang ngiti niyang mapang-asar.
“You sure?” nanghahamon niyang tanong, ngunit inirapan ko lang siya. Bahala siya sa buhay niya.
Naramdaman ko naman na mas lalo siyang lumapit sa akin kaya napaurong ako nang bahagya. Tiningnan ko siya nang masama, ngunit patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin.
“You will let me put first aid on your wounds or else....” Napakurap-kurap nang halong dalawang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin.
“Or what?” Hindi ako nagpatinag sa kaniya. Tsk. Pasalamat siya sa akin dahil ngayon ay buhay pa kami.
Lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang labi. Napamaang ako nang bigla akong ginapangan ng kaba sa aking sistema. Why is that?!
“I'll kiss you.”
“Go to hell!" Kaagad ko siyang naitulak nang malakas nang tinangka niya akong halikan. Is he freaking serious?!
Bigla naman itong bumulinghit ng tawa kaya napatingin ako rito nang masama. f**k! I’m going to kill him if he’s just playing around!
“Come on, Cypher. Just choose. Hm?” Nagsalubong ang kilay ko at wala nang nagawa pa kun’di ang magpagamot sa kaniya.
Matapos niya akong magamot ay dumating muli si Aling Adelya. Nagtanong ako sa kaniya kung may alam siyang paraan para maalis ang posas namin ni Zero, ngunit ang sabi niya ay wala. Kaya sa huli ay nagpatuyo na lang kami ni Zero gamit ang tuwalya.
“Dito muna kayo matulog na dalawa. Malaki naman ang higaan at saka malinis ang kuwarto na ito,” si Aling Adelya nang naihatid niya kami sa kuwarto na aming tutulugan.
Napatingin ako sa kama na aming tutulugan. Maayos naman ang laki ng higaan. Hindi lang ako makapaniwalang matutulog ako sa isang kuwarto na may kasamang lalaki. Urgh! Curse that police officer.
“Let's sleep.” Tiningnan ko nang masama si Zero nang bigla akong nadala sa paghila niya patungo sa higaan.
Tila sanay na sanay ang gago na may kasamang babae sa kuwarto. Well, what whould I expect to a flirty guy like him? Nahiga na lang siya sa higaan habang ako naman ay nakaupo. I gave him a death glare.
“What?” inosenteng tanong niya.
“Don't you dare do something stupid, Zero. I will definitely kill you.” Mahirap nang maging katabi sa pagtulog ang malanding kagaya niya.
Napatawa siya nang pagak dahil sa sinabi ko. Do I look like I'm kidding?
“Why? Do you expect me to do something?” Napairap ako sa tanong niya.
“Go to hell.” Nahiga ako sa tabi niya at nagtalukbong na lang ng kumot.
Urgh! I feel so exhausted, and I don’t know if it’s just my dream, but I could feel that Zero’s staring at me while sleeping.