Cypher's POV
Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni Seike katapat ng isang five star hotel. Dito namin napiling huminto matapos naming makalabas ng university.
“Kasama natin sina Avery sa masquerade. They have their own invitations,” panimula niya.
“So what’s the main reason?”
“Flashdrive.” Napatingin ako sa kaniya nang may pagtataka. Is he serious?
“What about it?”
“Kailangan natin 'yong makuha sa isang tao. Which is the main celebrant in the party.” Napahalukipkip ako sa sinabi niya.
“Para lang sa isang flashdrive dadalo ang karamihan sa atin? Is it too important?” I mean, they can do it without me. We are just in the same place, so what’s the difference?
But then the truth is, I don't want to go. Dahil ayaw ko sa mga ganoong klase ng event.
“Yes, because it’s his order.” Natahimik ako sa aking narinig.
Hindi ko pa nakikita ang main boss namin kaya wala akong ideya kung ano ang hitsura nito. Tanging si Amethyst palang ang nakakaalam, at hindi namin alam kung kailan niya balak na ipakilala kami. Well, it doesn't matter anyway. As long as we’re doing our job.
“Don't worry, you're not going to be bore there.”
“How can you say so?” nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya. Kumurba ang ngisi sa kaniyang labi.
“’Cause you're with me. You'll be my date in that party.” Napairap ako sa kaniya.
Wala naman akong problema kung siya ang magiging date ko sa gabing iyon. The problem is...I’m not used to wear such too formal clothes. Or do I need to wear one? I can just hide myself in the shadows, or get the flashdrive without attending the party. I can just climb the building, and enter using the window, ngunit base na rin sa mangyayari sa gabing 'yon, nahihinuha kong hindi 'yon ganoon kadali.
Matapos namin mag-usap ay hinatid na niya ako pabalik sa university, ngunit dahil sa hindi ako puwedeng pumasok sa gate dahil hindi ako naka-uniform—because I did not attend my class earlier, kaya tinuro ko sa kaniya ang lugar kung saan ako dumaan dati palabas ng university.
“Saan na ang punta mo ngayon?” I asked him. He turned to me and gave me a wide grin. It’s past 7 p.m already, kaya sa tingin ko ay tapos na sa klase ang karamihan sa mga estudyante.
“Bar?” Napangiwi ako sa tinuran niya. Boys are really—damn.
“You're gross,” nakangiwi kong wika.
“What? I only said I’m going to the bar. I never said I will fu—”
“Just—” napapikit ako nang mariin at itinaas ang aking kamay, “shut up. Okay? I’m out.” Nagmadali kong inalis ang aking seatbelt at kaagad na lumabas ng kaniyang sasakyan. He's a flirty guy. Paano ko ba natatagalan ang isang ito?
“See you!” narnig kong sigaw niya sa loob ng sasakyan kaya napailing na lang ako.
Next time, isusumbong ko na siya kay Peia at iutos na dalawin man lang siya kahit minsan. Sinimulan ko nang akyatin ang pader at tumalon sa likod ng girls dormitory. Masikap ko naman itong nagawa at ngayon ay nasa loob na ulit ako ng university.
Naglalakad na ako sa hallway nang natigilan ako saglit dahil may nakita akong hindi kanais-nais. My brows raised when I found Zero making out with some other girl. Nangunot ang noo ko nang napansin na hindi 'yon si Keira.
Wait, I thought Keira is his girlfriend?
I shook my head with that thought. Why do I care anyway? Maybe he’s just like Seike. Flirty man. Tsk.
Napatigil sila sa kanilang ginagawa nang nabaling ang atensyon ni Zero sa aking direksyon. Bahagyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko at nagpatuloy sa paglalakad, ngunit napahinto ako nang pagkarating ko sa may bandang boys dormitory ay isang sigaw ng babae ang hindi nakatakas sa aking pandinig. Hindi iyon ganoon kalakas para mapansin ng lahat, ngunit hindi rin 'yon ganoon kahina para hindi ko marinig.
Nagsimula akong lumakad papuntang boys dormitory. Hindi naman bawal mag-trespass sa lungga nila dahil wala 'yon sa patakaran ng eskwelahan. Pagkarating ko sa Boys Dormitory ay wala namang kahina-hinala. Maybe at the back of this dormitory.
Sinimulan kong tahakin ang daan papunta sa likod ng Dormitoryo. Isang kawad na harang ang bumungad sa akin, nakita kong may pintuan ito sa gilid, ngunit hindi na ako nag-abala pa na buksan iyon dahil madali ko naman itong naakyat. Isang madamong bahagi ang bumungad sa akin, at doon ko naaninaw ang tatlong lalaki habang buhat-buhat ng mga ito ang isang babaeng nagpupumiglas.
“Urgh! Bitawan niyo ako!” Naalarma ako sa pagsigaw ng babae.
Nagmadali akong pumunta sa direksyon kung nasaan sila. Nakita kong lumingon ang isang lalaki sa gawi ko bago niya sinenyasan ang mga kasama niya na tumakbo na. Nagtaka ako nang hindi nila kasama ang babae kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad.
Napamura na lang ako nang nadatnan ko ang babae sa damuhan na may saksak sa tagiliran nito, at ngayon ay nahihirapan na sa paghinga. s**t! Balak ko na sanang itayo ang babae nang may kamay ang pumigil sa akin.
“Let me.” Nangunot ang noo ko nang bumungad sa akin si Zero. What is he doing here? “I followed you,” saad niya, na tila nabasa ang kung ano man ang gumugulo sa akin.
Hindi na ako umimik pa nang nagsimula na siyang maglakad. Sinundan ko na lamang siya hanggang sa nakarating kami sa kalsada. Napalingon kami sa aming kaliwang bahagi nang nakarinig kami ng serina, at napansin ang mga pulis na paparating.
“Walang kikilos! Itaas ang inyong mga kamay!” Napamaang ako sa narinig.
“f**k, what?” Nagsimula kaming tutukan ng baril ng mga ito.
“But—”
“Sa presinto na kayo magpaliwanag. Sa ngayon sumama kayo sa amin, kami na ang bahalang magdala ng babae na 'yan sa hospital,” wika ng isang pulis bago kinuha kay Zero ang babae at isinakay sa isa pang sasakyan. Nanlaki na lang ang mata ko nang pusasan kami ng pulis sa tigkabilang kamay namin ni Zero.
I was about to complain, but Zero started to walk towards the car. Napamura na lang ako nang bigla niya akong nadala. That police officer! Puwede namang tig-isa kami ng posas, hindi 'yong isa lang! Tsk.
Dahil kaliwang kamay ang nakaposas sa akin, ay naunang pumasok si Zero ng sasakyan. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba na sa tuwing nandiyan siya ay minamalas ako. Last time I've checked, he’s at the bar when the mafias attacked, and now this? Damn.
Pagkarating namin sa presinto ay kaagad kaming in-interview ng pulis. I didn't speak nor even say a single word. What for? I didn’t do anything. I was just trying to help. Napahawak ako sa aking tiyan nang nakaramdam ako ng gutom dahil hindi pa ako kumakain ng dinner.
Kinuwento ng pulis na may tatlong lalaki raw ang lumapit sa kanila para humingi ng tulong at sinabi na kami ang sumaksak doon sa babae. Are they really observing or they’re just too stupid? Nakita ba nilang may hawak kaming kutsilyo?
Tanging si Zero lang ang sumasagot ng tanong nila. The argument lasted long, hanggang sa pulis na mismo ang sumuko kay Zero dahil sa paulit-ulit nitong pagpapaliwanag na wala naman kaming ginagawang masama. Well, I have a lot of sins, but hell, I don't kill innocent people.
Matapos ang usapan ay sinabihan na kami na puwede nang makaalis, ngunit kahit na ganoon ay may isang pulis pa rin ang naatasan na maghatid sa amin patungo sa eskwelehan at hindi pa rin nila inaalis ang posas namin ni Zero hanggang ngayon.
“Can you remove this handcuffs now?” Hindi ko naiwasang mairita nang itanong ko 'yon.
“Mamaya na lang pagbaba natin.” Napaikot ang mata ko sa sinabi ng pulis.
“Well, I’m enjoying this.” Tinapunan ko ng masamang tingin si Zero na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa akin.
“This is more enjoyable.” Itinaas ko ang aking kamao, hudyat na masasapak ko siya kapag tuluyang nawala ang posas sa pagitan namin dalawa.
Ilang minuto pa ang lumipas nang tumigil ang sasakyan at nagpaalam ang pulis na magb-banyo muna. Nang medyo nakalayo na ang pulis ay sinubukan kong tumayo nang kaunti para dumungaw sa driver’s seat ng sasakyan.
“What are you doing?” rinig kong tanong ni Zero.
“Obviously. I’m searching for the key.” Binuklat ko ang bawat lalagyan kung saan puwedeng ilagay ng pulis ang susi, ngunit napangiwi na lang ako nang wala akong nakita. “Where did he put it—” Napatigil ako sa paghahanap nang nakarinig kami ng putok ng baril. Napamura na lang ako nang nauntog ako sa bubong ng sasakyan dahil sa pagkabigla. “Darn.”
Napahawak ako sa aking ulo at napatingin kay Zero na nakadungaw sa may bintana, ngunit kaagad din kaming napayuko at sabay na napamura nang may nagtangkang barilin ang aming sinasakyan. Dumungaw ako sa bintana at doon ko nakita ang isang mahabang limousine kung saan lumabas ang mga lalaking nakasuot ng formal suit habang may mga hawak na baril.
“f**k. Mafias. We need to get out of here.” My mouth gaped to what he said as he immediately pulled me that made me again to hit the roof of the car. Nanggigigil ko siyang tiningnan.
“Mag-ingat ka nga!” Parehas kaming napatalon sa unahan ng sasakyan dahil nadadala niya ang aking kamay.
Siya ngayon ang nakaupo sa driver’s seat habang ako naman ay sa katabi niya. I cursed when he gunshots started again. Nagmadaling pinaandar ni Zero ang sasakyan. Napamura na lang ako nang paghaharot nito ay ang pagkauntog ko naman sa dashboard ng sasakyan. Nakakadalawa na siya!
“I’m gonna kill you, Zero!”
“Just shut up and stay still.” Mas binilisan niya ang pagpapatakbo matapos niyon, habang ako naman ay sumisilip nang bahagya sa mga humahabol sa akin.
Hindi ko naiwasang mapakagat ng labi. Who are they? Don’t tell me they already found us? Ipinadala sila ng organisasyon? Kasamahan ba nila ang mga mafias na sumugod din sa bar? Nanlaki ang mata ko at nagsimulang kumabog ang aking dibdib.
Are they going to get us already?
Napayuko ako nang biglang may balang lumihis sa gilid ng bintana ng sasakyan. Ipinihit ni Zero pakaliwa ang sasakyan para maiwasan ang mga bala ng baril. Napatingin ako sa salamin ng kotse at halos nakailang mura na lang nang nakita ang isang van at isang limousine na humahabol sa amin habang nagpapaulan ang mga ito ng bala.
We can't survive here in this state. Ang bagal ni Zero magpatakbo!
“P’wede bang bilisan mo ang pagmamaneho?!” Tinitiis ko na nga lang na hilahin niya ang kaliwa kong kamay dahil dalawang kamay ang gamit niya sa pagda-drive!
“I’m trying! Okay?!” Napayuko kami nang biglang nabasag ang salamin ng sasakyan sa aming hulihan.
“Faster! Ang bagal mo mag-drive!”
“Can you stop screaming?! Lalo akong natataranta sa 'yo! We can't just switch our position because of the handcuffs! Kung gusto mo kumandong ka sa sakin para ikaw ang mag-drive—s**t!” Napayuko kaming muli nang nabasag ang salamin sa tigkabilang gilid naming dalawa.
“Urgh! Fine!” Do I have a choice then?!
Umalis ako sa aking kinauupan at kumandong sa kaniya. Oh how I hate this position! Pero kung kaartehan ang ipapairal ko ngayon ay baka sabay kami ritong mamatay. Nandilim bigla ang paningin ko bago ko kinambyo paharap sa kalaban ang aming sasakyan.
“Are you insane!? Balak mo bang ibunggo 'to?!” sigaw sa akin ni Zero. Naramdaman ko ang isang braso niya na pumulupot sa aking bewang.
“Just shut up okay!? I'm doing my best to save our lives, you idiot!” Mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan bago ko matapang na pinaharurot ito. Before our car started to bump in, I immediately opened the door beside us.
“When I count to three, we will jump out in the car?! Okay?!” Wala na akong ibang maisip pa na paraan bukod dito. We have no guns or any other weapons that we can use, and it’s the only way.
“Fine! Fine! Just don't move!” Napabalong ako nang bahagya sa kaniya nang mas hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko.
“What?!”
“Basta h’wag ka masyadong malikot!” Napamaang ako nang napansin ko ang pamumula ng kaniyang tainga. What the hell is wrong with him?!
Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na lang sa harapan ang tingin ko. Napahigpit ang hawak ako sa manibela nang biglang nabasag ang salamin sa aming harapan. Napayuko ako at naramdaman ang mainit na likido mula sa aking ulo, ngunit hindi ko iyon pinansin. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa manibela nang halos isang metro na lang ang kotse ay bubunggo na ito sa sasakyan ng kalaban.
“One, two, three! Talon na!” I screamed before we jumped out of the car, kasabay ng isang malakas na pagsabog at ang paggulong namin sa kung saan.