Cypher’s POV
Nakita ko ang aking sarili sa loob ng isang clinic nang nagmulat ako. Napalibot ang paningin ko sa paligid, may kurtinang asul na nakaharang sa tigkabila kong gilid kaya napaupo ako nang maayos. Tiningnan ko kung ano’ng oras na. Nanlaki na lang ang mata ko nang nakitang alas otso na pala ng gabi.
I slept for the whole day then? Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong sumakit.
“Cypher! Mabuti naman at gising ka na.” Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Denise, Sumi, at Farris habang may bitbit ang mga ito na basket.
“Gosh! Sinabi ko na sa `yo na kumain ka kanina ng breakfast. Iyan tuloy, nihimatay ka,” sermon sa akin Farris. Natigilan ako sa sinabi niya.
It’s true that I didn't eat breakfast, but I think that’s not the reason why I collapsed. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi sa bar. Napatingin ako sa aking binti na natatabunan ng mahabang itim na medyas, kung saan sa loob niyon ay may manipis na benda akong inilagay.
I almost got hit by a bullet before I could even leave the place. Mabuti na lang at daplis lang, ngunit kung `yon nga ang dahilan ng pagkawala ko ng malay, posibleng may kemikal na nakahalo sa bala na dumaplis sa aking binti.
“Kumain naman ako ng pizza— ”
“Ate Cypher, masamang malipasan ng gutom” Kaagad kong tiningnan nang masama si Sumi nang hindi ako nito pinatapos sa pagsasalita.
“Anyway, bumili kami ng pagkain. Alam kong gutom ka na. Isang araw ka nang walang kain.” Inilapig ni Denise sa aking harapan ang laman ng basket. A take out food came from the cafeteria.
I took a deep sigh before I took the food that Denise gave me. The food seems delicious though. Muli ay nilibot ko ang aking paningin sa paligid, nagbabaka sakaling may makikita pa akong ibang tao puwera sa nurse rito na palakad-lakad.
“Looking for Zero?” Bigla akong nasamid sa itinanong ni Farris. Of course not! Bakit ko naman hahanapin 'yon?
“No.”
“Don't worry. He's just outside the clinic. Hinihintay ka na magising.”
“I’m not asking.”
“Oh come, Ate! Halata sa mukha mo! Saka Teka nga, paano kayo naging close? It’s too sudden. Isa pa, si Keira lang ang alam kong palagi niyang kasama.” Napa-face palm ako sa tanong ni Sumi.
“We’re not close. He’s just trying to annoy me.” And why would I care if he’s outside? Like I've said, ayokong ma-involve sa katulad nila.
Matapos kong kumain at uminom ng tubig ay inalis ko na ang kumot sa aking katawan. Umalis ako sa aking higaan at kinuha ang aking gamit.
“Cy, Sa'n ka pupunta?” rinig kong tanong ni Denise.
“I’m going out.” Isinuot ko ang aking sapatos.
“Are you feeling better already?”
“Yeah. Don’t worry.”
“Yeeih! May something ba sa inyo ni kuya Zero?” Tiningnan ko nang masama si Sumi. “Pupuntahan niya si Kuya Zero sa labas!” pang-aasar pa niya na aking ikinangiwi.
“Of course not.” Sinakbat ko ang aking bag sa kanan kong balikat bago lumabas ng clinic. Hindi ko pinansin ang taong nakatayo sa gilid ng pintuan habang nakalalukipkip ito. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad.
“Where are you going?” Napalingon ako sa aking likuran, ngunit halos mapaurong din ako nang napagtanto kung gaano siya kalapit sa akin. Napatikhim ako at inayos ang aking postura.
“That's not your concern anymore.”
“Are you feeling better?”
“Why do you care?”
“Kumain ka na?” Napakunot ang noo ko dahil sa patuloy na pagbabato niya sa akin ng mga tanong.
“Bakit ba ang dami mong tanong?” I already told to myself that I should avoid them, but here I am, talking to him.
Unti-unting kumurba ang ngisi sa kaniyang labi hanggang sa dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Hindi naman ako nagpatinag at nanatiling nakatayo lang sa aking puwesto, hanggang sa sobrang lapit na namin sa isa't isa.
“I wonder how did you killed those mafias in that bar without hesitating.” Tinaasan ko siya ng kilay at tinampal ang kamay niyang bahagyang naglandas sa aking pisngi.
“You're wondering how did I do that?” Napangisi ako sa sarili kong tanong na hindi naman niya binigyan ng sagot. Bahagya akong lumapit sa kaniyang tainga upang bumulong. “It’s my deepest secret.”
I saw how he stunned for a bit as I slowly stepped back away from him. Muli akong ngumisi sa kaniya nang napansin ko ang gulo sa kaniyang ekspresyon bago ko siya tuluyang tinalikuran.
Suwerte siya masyado kung sasabihin ko sa kaniya. We’re not that even close anyway, but then I could feel it, there’s something strange with the three of them, ngunit ganoon pa man ay wala na akong balak pa na manghimasok sa buhay ng iba.
I just hope they would do the same.
Kinabukasan ay hindi ako lumabas dahil mas ginusto kong manatili sa dorm, ngunit kalaunan ay nakaramdam din ako ng pagkagutom kaya naisip kong lumabas at tumungo sa cafeteria. As usual, wala masyadong estudyante dahil oras pa ng klase ngayon. Bumili ako ng snacks at drinks bago ako naupo sa may bandang sulok.
"Baby!" Naibuga ko ang aking iniinom nang narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Napaangat ako ng tingin at nakita si Seike na nasa aking harapan. Natawa na lang ako nang napansin kong nakasuot siya ng school uniform ng Adamson University. Saan naman kaya niya 'to nakuha? “How’s it going?”
“You’re a great crasher now?” Natatawa kong tanong sa kaniya habang sinisipat siya sa kaniyang suot. Masyadong maganda ang katawan niya para magsuot ng isang uniform na tila payat yata ang may ari. “And don't call me with that endearment.” Hindi ko naiwasang mapangiwi sa kaniya, ngunit isang mapang-asar na ngisi lang ang natanggap ko.
“Why? You have someone already who’s calling you like that? Tinatago mo sa 'kin?” Napairap ako sa kaniyang tanong.
“Talk to my fist, Seike.” Tinaas ko ang aking kamao sa kaniyang harapan, ngunit mas naging dahilan lang 'yon para lumawak ang ngisi sa kaniyang labi.
“Easy there. Huwag masyadong mainit ang ulo. Nakakapangit 'yan. Look at you? Mukhang patanda ka na dahil sa hitsura mo.” I glared at him that made him to laugh hard at me. Ano na naman kayang trip niya ngayon sa buhay?
“One more nonsense word, Seike. One more,” banta ko na kaniyang ikinatikhim at ikinaayos ng upo, ngunit mahahalata pa rin na nagpipigil siya sa pagtawa.
“Just kidding.” Napaismid ako sa sinabi niya. Seike never failed to amaze me. Even with his playful attitude, choosing him as my best friend was the best decision that I’ve made.
“So what's the catch?” Alam kong may pakay siya kaya siya pumunta rito. Imposibleng wala. Muling gumuhit ang isang nakalolokong ngiti sa kaniyang labi.
“I missed you.” Napangiwi ako at ibinato sa kaniyang mukha nang potato chips na hawak ko, ngunit mabilis niya lang itong nasalo.
“Will you stop being too corny? Gross, Seike. And I’m being serious here.” Kailangan ko pa ba siyang hagilapan ng babae ngayon nang matigil siya?
“I’m serious too.” Tinapunan ko siya ng masamang tingin, ngunit hindi pa rin nawawala ang nakakaloko niyang ngiti sa labi. What the f**k is wrong with this man? Bakit hindi na lang siya magtungo sa bar kung balak niya lang magkalat ng kalandian dito? “Come on, Babe, I wanna hear it.”
“Don’t start with me, Seike.” Itinaas ko ang hawak kong tinidor at itutok sa kaniya. I wouldn’t think twice to stab this at him if he wouldn't stop from being a flirt.
Naitaas niya ang dalawang kamay nang wala sa oras.
“Fine. Fine. I'll be serious, but is there any... " Napaikot ang kaniyang tingin sa buong paligid. Napa-face palm ako dahil alam na alam ko na kung ano ang hinahanap niya.
“I’ll surely scare that s**t woman using your name if you’re going to get one here, Seike.” Unti-unting nawala ang ngisi sa kaniyang labi at napalitan ng natatakot na hitsura, ngunit halata pa rin ang pang-aasar.
“Scary. How then?”
“You have STD.” Muntikan na siyang malaglag sa banggko na kaniyang kinauupuan dahil doon.
“f**k! I’m just playing around!” Hindi ko naiwasan mapangisi sa naging reaksiyon niya. “I’m just here to tell that we have an invitation. Tsk. Balak mo pa yatang sirain ang buhay ko.” Napailing-iling ako sa kaniya. Maya-maya lang ay may kinuha siyang sobre sa bulsa ng kaniyang long sleeve. Ibinigay niya ito sa akin.
“An invitation? For what?” Kinuha ko ang sobra nang iniabot niya ito sa akin.
“Masquerade. Saturday evening. Nandiyan na ang address kung saan.”
“You mean, we are invited?” How come? Or maybe our group? Wala naman kami masyadong kakilala rito, kaya para saan ang imbitasyon?
“No. It’s a fake invitation.” Balak ko na sana 'yong buklatin, ngunit napahinto nang dahil sa sinabi niya. “Mga tauhan ni Amethyst ang gumawa niyan para makapasok tayo sa loob.” Napangisi ako sa kaniyang sinabi.
“Tell me the details.” Napalingon-lingon siya sa paligid hanggang sa narinig namin ang bell. Mukhang darami na ang tao rito sa cafeteria.
“Not here. Wanna come?” Tumayo siya na tila sinasabi na sumama ako.
“Where?”
“Outside the campus.” Napairap ako sa kaniya.
“Alam mo namang bawal lumabas ang mga estudyante, puwera na lang kung weekend.”
“That's why I’m here."
“Huh?” Kumurba ang ngisi sa kaniyang labi bago niya ako hinatak patayo.
“I’m going to get you out of here.” Dumarami na ang tao rito sa cafeteria kaya hindi ko alam kung ano’ng pina-plano niya, ngunit isa lang ang sigurado ako, hindi ko magugustuhan ang kung ano man ang nasa utak niya.
“Whatever your plan is, pakiramdam ko hindi ko na magugustuhan.” Tumahimik ang buong cafeteria nang napansin kong pumasok ang tatlong hari ng eskwelahan. Tsk.
“Let's go.” Hinila ako ni Seike papalabas ng cafeteria. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang nanunuring mata ni Zero at ng dalawa niyang kasama.
Nang nakarating na kami sa mismong corridor ay nanlaki na lang ang mata ko nang bigla akong binuhat ni Seike na tila pang-kasal.
“What the f**k, Seike! Is this your plan?” Kaagad kong naikawit ang dalawa kong braso sa kaniyang leeg nang nagsimula na siyang maglakad habang buhat-buhat ako. Napapansin kong napapatingin sa amin ang ilang mga estudyante na nadaraanan namin.
“Just act like you’re sick.” Napaismid ako sa kaniya.
“Lagot ka sa akin mamaya.” Narinig ko ang pagak niyang pagtawa. Nang nakarating kami sa may gate ay may isang guard ang humarang sa amin.
“Hindi ba sa inyo nasabi na ipinagbabawal ang paglabas sa eskwelahan?” tanong nito. Hindi ako umimik at umakto na lang ayon sa gusto ni Seike.
“Sorry, sir. But my girlfriend is injured. She can't walk. Medyo nanghihina na rin siya. Kailangan siyang madala sa ospital.” Napamura ako sa naisip niyang dahilan. Isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya nang bahagya akong sinuri ng guard. f**k! I hate this position.
“Totoo ba 'yan? Nasaan ang gate pass niyo kung ganoon?” Napabilog ang bibig ko sa naging tanong ng guard. Damn, Seike! Paano kung wala?
“Uh... I have, pero hindi ko makuha dahil karga ko 'yong girlfriend ko.”
“Nasaan ba? Ako na ang kukuha.” Gusto kong mapaikot ng mata dahil sa sinabi ng guard.
“Uh...I—”
“f**k! Sobrang sakit ng tiyan ko, Seike!” Napamura ako sa aking isip nang naramdaman ko ang pagkagulat ni Seike dahil muntik na niya akong mabitawan, ngunit hindi ko 'yon pinansin at umakto na lang.
“Oh? Akala ko ba injured? Masakit daw ang tiyan.”
“Ah! Ang sakit ng binti ko! Hindi ko maigalaw, Seike!” Damn, Seike! Why can’t you just run?! Nang napansin kong hindi gumagalaw si Seike ay naisip ko na lang na kurutin siya sa tiyan.
“Aww—f**k! I’m sorry, sir! But we really need to go!” saad ni Seike hanggang sa naramdaman kong tumakbo na lang siya nang mabilis papalabas ng gate.
“Damn you. Ibaba mo na ako,” utos ko sa kaniya nang tuluyan na kaming nakalabas ng gate. Ibinaba niya ako matapos niyon, ngunit kasunod niyon ang isang malutong na suntok na kaniyang natanggap mula sa aking kamao.
"What the f**k?! Para sa'n 'yon!?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya sa akin habang nakahawak sa kaniyang panga.
"My way to say 'thank you' for getting me out." Just damn! That was the most embarrassing thing that I did! And that’s because of him!
Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng sasakyan nang nakarating kami sa tapat niyon, dahil ako na mismo ang nagbukas.
“Urgh! Wala ka pa ring kupas,” saad niya nang nakapasok siya sa driver seat.
“You want me to drive?” alok ko sa kaniya, ngunit mabilis pa sa alas kwatro na napangiwi siya sa akin.
“Hell, no. Ayaw ko pang magalusan ang perpekto kong mukha.”
“Iyon na nga e. Parang gusto kong gasgasan.” Nakatanggap ako ng isang masamang tingin mula sa kaniya na aking ikinatawa.
He really knows me that much.