SALEM Nakangiti lang ako ngayon habang nakatingin kay Rachelle na hawak-hawak ang kanyang bagong sandata. Ang tungkod ng makapangyarihang Voodoo Priestess. Maski siya ay hindi makapaniwala na hawak-hawak na niya ang tungkod ng kanyang Lola. "I can feel its power entering my body, the staff is trying to connect with me," si Rachelle. "That's great! Nagpapatunay lang 'yan na karapat-dapat ka nga talaha sa tungkod na 'yan!" sabi ko pa sa kanya. Itinaas ni Rachelle ang tungkod sa ere. Kasabay nito ang pagkulog at pagkidlat sa mga ulap na nakapaligid sa lugar. May mga hibla ng kidlat na tila tumama sa dulo ng tungkod. Para bang ang enerhiya na nagmumula sa mga ulap ay hinihigop ng makapangyarihang tungkod. "Lola, paano ka naman po?" ani Rachelle nang kanyang ibinaba ang tungkod. "Anong pa

