bc

SALEM: LAMP OF THE BLUE [Solitary Witch #1]

book_age16+
85
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
powerful
witch/wizard
mystery
scary
city
witchcraft
supernatural
horror
like
intro-logo
Blurb

Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga pangalan ng tao, lugar, bagay, karanasan, o organisasyon ay hindi makatotohanan at produkto lamang ng imahinasyon. Ang pagkakatulad at nagkataon lamang.

There are minor changes regarding with the timeline of the story. Introduction from year 1991 to 1999. This is to adjust the ages of the characters and to prepare the story for the upcoming events.

This story contains sensitive contents that some readers might find disturbing.

ng mga pangalan ng karakter sa totoong tao: buhay man o yumao na ay hindi sinasadya

Synopsis

Salem is a boy who has been living different for years. Only to uncover the secrets of the Dark Practice, in which he discovered the dark secrets of magicians devouring the light in the modern world. Joing the cult of Wizards, Salem soon faced his reality of fighting the Sinister Magicians to save the world from enslavement. Little did he know that they are not the only enemies of the world.

chap-preview
Free preview
Introduction
YEAR 1999 Napakaingay ng gabi. Hindi matigil ang sigawan ng mga tao sa labas. Ayaw nila kaming tantanan. Wala ata silang plano na umalis sa bahay namin. Kanina pa sila sumisigaw, napapatakip na lang ako sa aking tenga. Nakakabingi ang kanilang nanggigigil na pagtawag. Tinatawag nila ang Mama ko. “Ma, kanina pa sila sa labas. Ano ba gusto nila, Ma?” hindi ko maiwasang magtangong kay Mama. “Hindi ba sila napapagod? Kanina pa sila sigaw ng sigaw sa labas, Mama, oh. Gusto ka nilang palabasin. Ano ba kailangan nila sa’tin, Ma?” “Shh,” putol pa ni Mama sa akin. “’Wag na lang kayong maingay. Dito lang kayo,” lumingon siya kay kuya ko. “Huwag mong pababayaan ang kapatid mo. ‘Wag mong iwan dito ang kapatid mo. At tandaan mo, ‘wag na ‘wag kayong susunod sa’kin sa labas.” I was about to call Mama pero hindi ko na nagawa na g yakapin ako ni Kuya ng mahigpit. Tumalikod na si Mama at lumabas ng aming bahay. Rinig ko pa ang kanyang pagbukas ng aming lumang pinto, bago pa man niya ito isara ay lumingon siya sa amin. Hindi ko maiwasang mag-alala nang makita ang isang butil ng luha na pumatak mula sa mata ni Mama. Ano ang nangyayari? Bakit umiiyak si Mama? “Kuya, hindi ba uuwi si Papa? Saan pupunta si Mama, Kuya?” Sa halip na sumagot ay niyakap lang ako ng mahigpit ni Kuya. Huminga siya ng malalim at saka niya ako dinala sa sulok ng aming bahay, malapit sa pinto palabas kung saan naroon ang likod ng bahay. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. “Hindi na uuwi si Papa.” Tumingin ako kay Kuya para sana magsalita nang bigla akong nakarinig ng sigawan sa labas ng bahay. Mas malakas pa kesa sa sigawan nila kanina. “Sunugin siya!” “Demonyo!” “Dapat sa’yo ay itapon sa impyerno!” “AAAAAGGHHHHHH!” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang matinis na boses ni Mama. Sumisigaw siya na para bang nasasaktan. Sinubukan kong tumayo! Pero mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Kuya! Nagsisigawan pa din ang lahat sa labas na animo’y may pistang nagaganap. Hindi ko maiwasang matakot para kay mama dahil naririnig ko ang kanyang sigaw sa labas. Mukhang nasasaktan si Mama. Anong ginawa nila kay Mama? “K-Kuya, si M-mama..” “Shhh… dito lang tayo, ang sabi ni Mama ay dito lang tayo. Wag tayong lalabas.” Niyakap ako ni Kuya pero ako ay nakatingin lamang sa bintana. Nakikita ko kasi doon na tila may nag-aapoy sa labas. “Hey.” Tumayo si Kuya at agad na dumeretso sa pinto palabas sa likod ng bahay. Tinawag niya ako kaya mabilis ako na lumapit, pinalabas niya ako ng bahay. “Tandaan mo, kahit anong mangyari. Wag kang tumigil sa pagtakbo. Tumakbo ka, tumakbo ka lang.” Hindi ko maintindihan si Kuya. Ngumiti siya sa akin, ngunit alam ko na ang ngiting ‘yon ay mapait. “Huwag kang mag-alala. Susunod ako. Tumakbo ka na.” si Kuya, naluluha ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin. “Tara! Hanapin natin ang mga anak niya! Maaring sila ay alagad din ng kadiliman kagaya niya!” Narinig ko ang sigaw ng isa sa mga tao sa labas. Susugod sila sa bahay namin? Para hanapin ang mga anak niya? Anak ni mama? Kami ba iyon? Anong gusto nila sa amin? Anong ginawa nila kay Mama. “Salem,” mariing bulong ni Kuya. “Takbo.” Hindi ko alam ang gagawin, nakatayo lang ako ngunit tinulak ako ni Kuya. “TAKBO!” Sa gulat ko sa pagsigaw ni Kuya ay tumakbo ako. Hindi ko na naisip pa na hintayin siya at sinunod ang kanyang sinabi. Tumakbo ako! Mabilis na mabilis! Na para bang hinahabol ako ng mga lobo. Naririnig ko pa si kuya. “TAKBO!” sigaw niya pa, habang naririnig ko siya ay naiiyak ako. “TAKBO! TAKBO, SALEM!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

His Obsession

read
104.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook