THIRD PERSON "HARGH! AH! f**k! BITAWAN NIYO AKO!" Hindi matigil sa pagsigaw at pagpupumiglas ang isang lalake. Hawak-hawak siya ng dalawang nakabalabal sa kanyang mga braso at sa likod naman niya ay mayroon pang mga nakabalabal. May dala silang mahahabang tungkod at ang iba naman ay may dalang mga lampara. Hindi naman matigil sa pagpupumiglas ang lalake. Napakarumi na niya, ang kanya ding amoy ay hindi na masikmura pero tila wala lang ito sa mga nakahawak sa kanyang magkabilang braso. Hindi sila nandidiri sa tila amoy ng bihag na parang pinaghalong dumi at amoy ng patay na daga. "Oh, dominus practicarum tenebrarum. te vocamus." Nakakabingi ang sabay-sabay na pagsasalita ng iba pa'ng mga nakabalabal sa paligid. Seryoso at matalim ang kanilang tingin sa lalakeng bihag na para ba'ng napa

