Chapter 2
Meet
Kinakabahan pa rin ako. Tinitingnan ko lang ang tumutunog na cellphone ko na mayroong pangalan ni Jonas sa screen. Dapat ko bang sabihin sa kaniya?
Bahala na. I should tell him all basta about sa pamilya niya. He really has a messed life huh? Sana pala ay inalam ko muna. But he offered me much anyway.
"Anna. Where are you?" tanong niya.
"Nagkita pa lang tayo kanina ah. Nasa school pa ako. Bakit?"
"Magkita tayo." He demandingly said.
Magsasalita pa sana ako pero binabaan niya na ako ng phone. Ayos 'to, ah. He then sent me a message kung saan kami magkikita.
Gusto ko lang naman ng matitirhan ang makapag-aral but why am I doing these things? Why would I experiencing these all? Parusa na ba 'to sa'kin dahil noon, pa-chill chill lang ako sa buhay ko? Nag-aaral naman akong mabuti, ah?
Bumuntong hininga ako saka pumunta na lang sa sinabi niyang dapat kong puntahan.
Nagastusan pa ako ng taxi. Kesa naman kasi magbus o magjeep ako. Baka makapunta ako 'don ng amoy usok at pawis. Pero ano bang pake ko? He's not even an important person to me. Ayoko lang na maging mabaho.
"Ma'am, ipapasok ko pa ba?"
"Wag na Kuya. Dito na lang."
May nakit kong isang malaking family resto sa harap ko.
Kinuha ko ulit ang phone ko para tingnan kung may text ba siya pero wala naman. Sa tingin ko naman ay nasa loob na siya kaya pumasok na ako. Honestly, palagi ko lang 'tong nadaraanan at first time ko lang makapasok dito. That's why this is popular at pangmamayaman lang. Mga katulad naming simpleng tao lang, hindi maaafford ang ganito kasosyal na lugar. Siguro ang mahal mahal ng pagkain dito.
Libre ba ang tubig dito?
"Here!" napasimangot agad ako nang makita kong nakangiti si Jonas.
Mayroon siyang kamukhang Koreano, hindi ko lang matukoy kung sino. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng korean drama kaya hindi ko kilala ang mga artista roon.
Lumapit ako sa kaniya. Tiningnan ko ang iba niya pang kasama. Kumunot ang noo ko. Sino sila? May isang bata lalaking cute pero mukhang suplado. Nang ngumiti ako sa kaniya ay hindi man lang ako pinansin.
Iyong isa ring lalaki ay mas matanda kay Jonas. Sa harap nila ay may mag-asawang nakatingin sa'kin. The Korean woman's smiling at me. I awkwardly smiled too. Ang lalaki naman ay nakatingin lamang sa'kin, at tumagal iyon ng ilang segundo.
"Take a seat." He said.
Don't tell me... No...
"Anna, my family. Mom, Dad, si Anna." Pakilala sa'kin ni Jonas sa pamilya niya.
Tumingin ako kay Jonas. Hindi pa rin ako umuupo kahit na pinapaupo niya na ako. Hindi rin maalis ang mata ko sa kaniya dahil sa gulat. Bakit niya ako pinapakilala sa parents niya?
"Wha—"
"She's shocked. Hindi ko sinabing ininvite ko ang family ko. Akala niya kaming dalawa lang. Take a seat, Anna." Aniya pa.
"I want you to trust me on this." Bulong niya.
"Good evening hija. I'm Minha. You can call me Tita Minha. It's really nice to meet you in person. I didn't know that my son's impulsive with his decisions. And, he's interested with girls." She chuckled with what she said.
Pati 'yung Kuya niya ay natawa kaya medyo tumawa na rin ako kahit ang init init na sa inuupuan ko ngayon.
"Alam mo bang ikaw ang first girlfriend n'yan. Maraming nanliligaw dito, pero sa'yo ata tinamaan." He laughed, saka ginulo ang buhok ng kapatid niya. "By the way my name's Justin."
Ngumiti na lang ako at yumuko. I don't really know what to say. Should I greet them back? Should I entertain them? What do I do?
Nang tumingin ako kay Jonas ay nakasimangot pa rin habang inaayos ang buhok. Pareho kaming hindi nagugustuhan ang sitwasyon ngayon at hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan naming umabot dito. Later, you'll make me understand why this is happening.
"This is his first time that's why mom is very excited to meet you. Buti nga, sa kaniya namin nalaman." Tumingin ang Kuya niya sa Papa niya nang sinabi iyon.
His Dad isn't saying something. Nakakatakot siya. I don't think he likes me for his son.
"I thought she was someone important. Let's eat now so we can go." Lahat ay hindi napaimik sa sinabi ng Daddy niya.
I thought she was someone important?
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. I get it. Hindi sila magkasundo ng tatay niya. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ako pinakilala as his girlfriend. May pinaplano ba siya? Kasi kung oo, ayoko ng makisali don.
Nang matapos kaming kumain ay yumuko ako sa daddy niya. Filipino siya pero ang asawa niya ay Koreana. Kaya pala, ganon na lang mga mukha nila. They look so cute. Pero ang tatay ni Jonas ay matigas ang itsura. He's like latin or espanyol but a bit of asian. Siguro ay may lahi. Hindi pa ganoon katanda ang magulang niya pero may edad na rin.
"Nice meeting you po." Sabi ko sa kanila.
Lumapit ang Mama niya sa'kin at nakipag-beso pa.
"Let's go." Matigas na sabi ng Daddy ni Jonas.
Ang Mama niya naman ay ngumuso. "Parang may kamukha ka. Hmmm," lumiit ang mata niya.
"I said, let's go." May diin pa rin ang pakasabi noon ng ama ni Jonas.
"Jagi, she looks—"
"I told you, Minha, let's just go." Hinigit niya na ang asawa kaya wala na itong nagawa.
Masaya itong bumaling ng tingin sa'kin saka nagwave ng hand. She's so cute! I want to have a Korean mother too. Ganito pala sila. Puting-puti ang kulay at soft ang features ng mukha. Sa kaniya nagmana si Jonas ng mata at kulay ng balat. Pero ang ilong, hugis ng mukha at labi ay sa Papa niya. Kaya pala pogi, dahil maraming lahi.
"Say goodbye to Ate Anna." Sabi ng Kuya Justin niya sa bata.
Tumingin lang sa'kin ang bata kahit na nginingitian ko siya. Mana sa tatay. Napanguso na lang ako nang nilagay niya ang headset niya sa magkabilang tenga.
Kuya Justin chuckled. "Bye, lovebirds."
Nakaupo pa rin kami nang tumingin ako kay Jonas. He looked very frustrated. Magulo ang kaniyang buhok at kahit na malamig sa lugar na ito ay pinagpapawisan siya.
"What was that?" iyon agad ang lumabas sa bibig ko.
"I'll tell you. Chill." He said.
Bumuntong hininga muna siya saka humarap sa'kin. Hindi ko kayang magkatabi ngayon kaya lumipat ako sa harap ng inuupuan niya. There, more comfortable.
"Now why?"
"He'll take everything from me." He simply said that again.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala na ba siyang alam na idahilan? Puro na lang he will take everything from me!
"What?!"
"Kapag nalaman niya na hindi talaga kita girlfriend at pinatira kita sa condo ko, tapos nakabangga ako, I swear he will get mad at me. I am the successor of our company so please, maka-graduate lang ako, I will let you go."
Umiling ako sinabi niya.
"Aalis na lang ako sa condo mo. Say to your parents na hiniwalayan kita."
"You'll continue to file a case, then?" he looked so frustrated.
"Hindi na! Just let me go. Hayaan mo na ako."
"My older step-brother knows about you. Hahanapan niya ako ng butas. Isang sem na lang naman, diba? Makagraduate lang talaga ako, Anna. I promise, I will let you go. You can keep my word."
"Stepbrother? You mean Justin?"
"No. Justin is my brother; Iyong step brother ko, magkasundo sila ni Dad. And Mom probably know about Dad having an affair with another girl. Kami ang legal sa papel but his heart, it belongs to someone. Hindi ko alam kung sino, pero alam kong may kabit siya."
"I-I'll think about it." Sabi ko na lang saka kinuha ang bag ko.
"Please, help me." Tumango ako sa sinabi niya.
I don't know why I'm always saying yes to him. He needs my help. And I need his help too.
Kinaumagahan, pumunta ng condo si Jonas. His mom came here too. Buti na lang, ayos lang sa kanila na dito ako tumira for the mean time. Ang bait-bait ng nanay niya! Sana ganon din ang Tatay niya pero sing tigas ata ng bato ang puso 'non.
Nag-ring ang phone ko, at nakita ang pangalan ni Rafael sa screen. Sakto, nasa kusina si Jonas dahil ginugutom daw siya.
"Raf." Una ko.
"Ano? Free ka na ngayon?" tanong ni Rafael.
"Sa client nanaman ba 'to? Bakit ba gusto niya akong makipagkita sa kaniya?" naiinis kong tugon.
"Big time to, Anna. Gusto ka atang kunin sa kumpanya nila. I told him that you're studying BSIT. Saka, you need money right? Ayaw mo namang magpatulong sa madaling paraan so I'm thinking you'll accept this kind of help." Sabi niya galing sa kabilang linya.
"Thank you, okay? Pero wala pa akong experience, Rafael. Sabihin mo iba na lang. Bakit ba ako?" kinamot ko ang ulo ko.
"Ewan. Gusto ka niya. Manager pa mismo ang tumawag sa'kin, Anna. Pero kung ayaw mo talaga, ikaw na ang pumunta dito para sabihin 'yan sa kaniya. Alright?"
"And Raf, pano niya nalaman that we're connected?"
"That's strange too, but I honestly don't know. My boss is here, I have to go now. See you, lil couz." He said.
Napanguso ako, saka in-end na ang call.
Pakatingin ko sa right side ko, nakatingin sa'kin si Jonas. Nakakunot ang noo niya na para bang dapat ay i-update ko lahat ng ginagawa ko.
It's just a call from my cousin, should I tell him about that?
No, Anna, it's not just about your cousin. It's all about his older stepbrother so you should tell him.
Napailing ako sa naiisip ko.
Hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sa'kin kaya napabuntong hininga ako.
"I think your older brother is really rooting for your position. He wants to meet me. Sa tingin mo, alam niya ang tungkol sa pagkabangga mo sa'kin at gusto niyang kumpirmahin iyon?" I looked at him and he looked away.
Nagtiim ang bagang niya.
"No. He didn't want my position. My Dad wants it for him."
"Bakit hindi kay Justin?"
He looked at me. "Hindi pwede. Justin has a serious heart disease."
Napayuko ako sa sinabi niya. Justin is a happy person. Napaka-jolly niyang tao. Kaya pala. Ayaw niyang problemahin ang sakit niya, at dinaraan niya na lang sa tawa.
"Hahanapan niya rin ako ng butas para hindi mapunta sa'kin ang posisyon. All the more, I will not do anything stupid. That's why I need your help."
Tumango ako sa sinabi niya.
"What do you want me to do then?" tanong ko na halatang kinagulat niya.
Tutulong din naman ako, edi sasagarin ko na. Tutal, tinutulungan niya rin naman ako. Sabihin na nating, I'm just grateful kahit na nabangga niya ako na kasalanan ko rin. Hehe.
"I-I want you to talk to him. Kapag tinanong niya ang tungkol sa pagkakabangga mo, tell him na hindi ako ang nakabangga sa'yo and you don't know who it is. I'll pay for your tuition fee." Iunahan niya pa ng bayad niya.
"Wow. That's nice. Okay."
Ngumisi siya dahil sa agad kong pagpayag. Wala na akong babayaran. Walang-wala na rin ang ego at pride ko. It doesn't matter anymore. My mother needs money for her hospital fees.
"Tell me about you. Puro ako na lang ang nagkekwento sa'yo." Humalakhak siya.
"So close na tayo nyan?"
Umiling. siya. "Nope. That's why I want to you to tell about yourself more."
"Kasama ba 'to sa kailangan kong gawin?" ngumisi ako saka umiling.
Napaisip siya. "Yes. My family will probably ask me about you."
Lumiit ang mata ko. Okay.
"'Yung mama ko, nasa hospital siya. Comatose. She was a victim of hit and run. No enough proofs so nasara ang kaso. Nakahiga na siya 'don. Nilalaban pa rin ang buhay kahit isang taon na rin."
He look at me, parang naaawa. Natawa naman ako sa ekspresyon niya saka pinagpatuloy ang kwento dahil parang naghihintay pa siya.
"Nang namatay si Lolo sa side ni Mommy, lahat ay pinamana rin sa stepsister niya."
That's the mother of Rafael.
"Kaya wala kaming nakuha ni piso galing kay Lolo. Ganon na lang din ang galit ni Papa sa pamilya ni Mama kaya 'wag na 'wag daw akong hihingi ng tulong sa kanila." Sabi ko sa kaniya.
"Stepsiblings are worst." He said.
Nung lumaki si Rafael sa bahay namin, hindi pa non namamatay si Lolo. Maayos rin ang relasyon ng pamilya ni Papa at Mama. Kaso, nung namatay si Lolo, her stepsister was greedy enough para pikutin si Lolo na ibigay sa kaniya lahat ng mana.
Si mama, hindi naman siya humingi ng kahit na ano o ilan. She just wants her family to be okay. Kaso si Tita, hindi na kami kinausap. Si Rafael ay nilipat na rin sa Manila.
"I doubt that, though. My Lolo. He's worst. Dahil lang sa nagpakasal si Mama kay Papa, tinakwil niya na si Mama."
Tumango siya sa mga sinabi ko at tinitigan lang ako. Mukhang naaawa pa rin siya sa'kin.
"I'm pitiful, right?" I chuckled.
Umiling lamang siya at di sumagot. Kahit sabihin niyang hindi, alam kong awang-awa siya sa'kin.
"Kaya pumapayag ako sa mga alok mo. Kelangan ko ng pera, Jonas."
"I have money. I can give you that." Sabi niya, para bang inosenteng bata na handang ibigay lahat ng lollipops niya sa'kin dahil awang-awa siya.
Tumawa ulit ako. "Thanks. May pasok ako ng one pm. You should go. Mamayang gabi, pupuntahan ko 'yung stepbro mo."
Tumango siya saka kinuha ang cellphone at naglakad palabas ng pinto.
"Lock your door," utos niya.
Ngumisi ako at tumango. He is really bossy, and I don't like bossy people.