Chapter 3

2145 Words
Cramps After class, nagbihis lang ako sa condo saka pumunta na ulit ng del Real resort. Raf texted me na rin na andon na iyong Kuya ni Jonas. Nagtaxi na lang ulit ako para makarating 'don agad dahil naghihintay na raw sa'kin. Dumiretso na lang ako kay Rafael nang makita ko siya, wearing his usual attire when he's working. "Raf! I missed you!" sabay hug sa kaniya. I missed him! Ilang years lang naman kaming hindi nagkikita dahil baka pagalitan nanaman ako ng nanay niya like the last time. I think last two years 'yon? "Aray naman, umayos ka nga. I'm an HR here, Anna. Pero namiss din kita." Pinitik niya ang noo ko. "May boyfriend ka na pala, huh?" Tiningnan ko siya bang masama. Nang tumingin ako sa paligid ay nagtitinginan na sa'min ang mga tao at ang mga staffs ay nagbubulungan na rin. Hindi ko rin sila masisisi, we're both handsome and beautiful. Syempre, magkadugo. "This is Mr. Clyde Echari, general manager of C-Campo Corporations. Sir, this is Mari—" pinutol ko agad ang sinasabi ni Rafael. "I'm Anna. Can I sit here?" I smiled at him. Ngayon ko lang nakita talaga ang mukha niya. He doesn't have any soft features. Lahat ay matigas. Kamukhang-kamukha niya ang kaniyang tatay pero pinabata lang siya. His hair was clean cut, at mayroong beard and mustache. He's like a professional that suits in office. Magkasing tangkad lang sila ni Jonas. Pero kung si Jonas ay maputi, this man is tan. They both look manly, pero si Jonas, he has a cute part. Bumalik ako sa wisyo at nginitian siya ulit. "Sure." He smiled. "So, ikaw po 'yung pumunta sa condo last time, if I'm not mistaken." Sinimulan ko ang usapan. "Quit with the formalities. I'm just twenty five. You can order first, Anna." Tumango ako sa kaniyang sinabi. Nakakatakot siya. He's just like his father. Pano kung mamamatay tao pala siya? Pano kung kapag hindi ako pumayag ay patayin niya ako? s**t. "Waiter!" he said loudly. "Uhm, Sir, kakakain ko pa lang po so I'm fine with juice na lang po." Sabi ko sa kaniya. "You sure?" Tumango ako sa tanong niya. "Okay, then. Two mango juice, please, miss." Kinindatan niya pa ang waitress. Okay. "So, Sir, bakit niyo pala ako hinanap?" tanong ko sa kaniya. Inayos niya ang kaniyang long sleeves na black at tumingin sa'kin saka ngumiti. "I heard from your cousin that you're a BSIT student. We can offer you a career. Besides, we are looking for students that we can offer scholarships to. C-Campo Corporations isn't just about making cars and improving technology." "Sir, I'm really grateful that you personally give this kind of opportunity to me, however, I'm focused on my studies." Napahalakhak siya sa sagot ko kaya nanlaki ang mata ko. Why does it feels like I'm humiliated? Napanguso ako dahil sa halakhak niya. "Focus? Studies? Then why do you have a relationship with my brother?" aniya. Natigilan ako sa sinabi niya. Wala kaming relasyon, okay? "I can handle that. I love J-Jonas." Halos masuka ako sa sarili kong sinabi. Love ko si Jonas? Never. I just want to pay him back. He looked at me with his serious eyes. "You love him? Or you want something from him?If we both have that goal, we can work together. I can give you more. If money's what you want, I'm telling you that I have more." Nagtiim ang bagang ko sa sinabi niya. He noticed how my expression changed. He smirked. "Hindi ba, siya ang nakabangga sa'yo?" Humilig siya sa'kin kaya lumayo ako. "N-No." "Then who?" mas lalo pa siyang umabante at ganon rin ang pag-atras ko. Nakakatakot ang mga mata niya. He's a dangerous person. He's creepy. Parang tatay niya! "E-Ewan ko po!" pasigaw kong sinabi. "That's enough! Why the hell are you talking with my girl, Clyde?" galit na bungad ni Jonas sa amin ni Sir Clyde. No joke, he is really mad. Hindi ko ma-explain ang ekspresyon niya ngayon pero galit na galit talaga siya na para bang gusto niyang pumatay ng tao. Ang OA ng pumatay pero parang ganoon nga ang mukha niya. Nanlilisik ang mga mata sa galit. "Woah. Chill, bro," bulong ni Sir Clyde kay Jonas. "Don't you dare call me brother coz we are not and you disgust me. If you really want my position, then be me! If you can't, then be gone!" nanlaki ang mata ko nang narinig ko ang malakas na boses ni Jonas. Nang tumingin ako kay Sir Clyde ay matalim ang kaniyang tingin sa'kin. Bigla akong kinabahan. Bumalik ang tingin ko kay Jonas. He was here? Kinuha niya ang kamay ko saka hinigit sa kaniya. Halos makaladkad ako dahil sa bilis ng paglakad niya at ang higpit ng hawak niya sa'kin. Wow, galit talaga siya? "Aray, Jonas! Let me go! Bakit ka nag-eskandalo 'don? Mapapagalitan 'yung staffs!" sigaw ko sa kaniya. Isa pa naman si Rafael. Eto talaga, kung anong pumasok sa isip 'yun ang gagawin. Her mother said that he isn't impulsive with his decisions but look at him now! Binitawan niya ng pabalang ang kamay ko kaya mas lalo akong nainis. What's with him?! "The hell I care with those staffs? Bakit di ka pa umalis? Nilalapit niya na 'yung mukha niya sa'yo?! Bakit kasi inutos ko 'yun sa'yo? Bullshit!" sigaw niya sa akin. I jumped a bit. When he noticed it, he tried to calm himself down. Nang makabawi ay umiling ako. Kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Baliw na ba siya? Siya ang nag-utos sa'kin tapos ngayon magagalit siya sa'kin. Nasa labas kami ngayon at madilim na kaya walang taong nakakakita na nagsasagutan kami. "Kanina ka pa roon?" tanong ko. "Bakit hindi mo ko nag-text o tumawag na nakapunta ka na? Kung hindi pa ako dumating baka anong ginawa..." He sighed. "Next time, be mindful. If you'll do something, sabihin mo sa'kin. Ayokong mapahamak ka dahil sa'kin." Ginulo niya pa ang buhok niya na para bang frustrated siya sa ginawa ko, e ginawa ko lang naman ang utos niya. "Ginawa ko lang naman ang sinabi mo. Why are so you mad?" tatalikod na sana ako pero nauna siyang tumalikod sa'kin kaya napangisi na lang ako sa inis. "Ihahatid na kita, Anna. Follow me." Ugh! There again! He's bossy! Pero wala rin naman akong nagawa kundi sundin siya kahit naiinis ako sa kaniya. Ayaw na ayaw kong inuutusan ako pero bakit sumusunod ako sa lalaking ito? Frustrating! Tahimik kami buong byahe at wala ring nag-initiate na magsalita dahil ako, ayokong makipag-usap sa kaniya. He's a brat! I don't like him! Buti na lang, nakatulog agad ako kahit inis na inis. "Kanina ka pa tulala, ah? Are sure you're fine?" tanong ni Marta. Napatingin ako sa kaniya at tumango. "Yup. First day lang. This cramp is really killing me." Sabi ko, saka hinawakan ang puson. Totoo ang sinabi ko. Oo, iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi pero mas iniisip ko ang sakit ng puson ko. I really hate it when I'm having menstrual cramps! Palagi siyang ganito every month. "Did you take your meds na? Do you want to skip the class? Kahit ngayong araw lang. You need a bedrest. Hindi naman importante ang subject natin ngayon at isa lang rin naman schedule natin, tapos PE pa." Suggestion ni Marta. Ngumiti ako at kinurot ang matabang pinsngi niya. "Okay lang ako, Marta! I missed you! Feeling ko isang taon na tayong hindi nagkikita." "I have an idea! Saan ka nakastay ngayon? I'll sleepover!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ayoko! M-Mainit 'don saka maliit! W-wag na... Saka, pagagalitan tayo ni Tita Miah." Palusot ko. Ngumuso siya. "Nakausap ko na si Mommy. I told her na hindi talaga tayo ang may kasalanan but the guy with the car. And she believed in me na. Konti na lang mapapapayag ko na siya ulit na 'dun ka ulit sa'kin tumira." She smiled at her news. Ngumiti na rin ako dahil sa balita niya. "That's great, Marts! Pero kasi, I want to be independent. Ayoko ng umasa sa'yo." "Alam mo, gaga ka talaga! Kaya nga nagbabayad ka naman ng renta diba? Anong umasa? Gaga ka!" "Eto talaga puro na lang gaga. Ang sarap-sarap mong batukan alam mo 'yon? Gets mo naman diba? Gusto ko na magsarili. Eh lahat ko na kaya dinipende sa'yo. Grateful talaga ako, oo, pero siguro time na para mabuhay naman ako mag-isa." Lies. I'm doing this to help myself, my family and Jonas. Hindi dahil sa pagiging independent na 'yan. Seriously, I'm a bad bad friend. I'm sorry, Marta. I have to do this. Nasimulan ko na eh. Promise, I'll tell you everything once this is finally done. Umirap siya. "Okay! Kung 'yan talaga ang desisyon mong gaga ka, sige! Susuportahan kita. Tara na nga! Punta na tayo sa gym, andon na ata si Sir." Hinila niya na ako papunta ng gym. Ang sakit talaga ng puson ko. Pero buti nga ngayon dahil hindi siya katulad noong mga nakaraang buwan na kapag first day ay hindi ako nakakalakad dahil sa sobrang sakit ng puson tapos iyak pa ako nang iyak magdamag n'yan sa kama at miss na miss ang pamilya ko. Emotional talaga ako kapag meron pero ngayon, hindi masyado. Habang naglalakad kami ay nakita ko si Jonas na naglalaro ng basketball. Wala ba siyang OJT ngayon? Pawisan siya suot ang jersey niyang may 10 at Ocampo sa likod. Matangkad pa siya kaya mabilis lang para sa kaniya na makapuntos. "Hoy! Anna! Alam mo ngayon ka lang nanonood ng basketball. Nakakapanibago. Sino d'yan, ha? May crush ka d'yan no? Sino si Mark? Si Piolo? Si Jonas?" tumingin ako sa kaniya nang binanggit niya ang pangalan ni Jonas. "W-Wala! Tara na nga! Ang issue mo talaga kahit kailan!" Hinila ko rin siya palapit kay Sir Rico. "Go, Jonas! Whooooo!" sigaw ng mga babae sa kaniya at kinikindatan niya ito. "I love you, Jonas Steve Ocampo!" sigaw pa ng isang babae. Nairita ako bigla. May hiya pa ba sila? Kahit na crush nila 'yung tao sana naman hindi nila pinagsisigawan dito sa gym. Nakakahiya naman 'yon. Saka love? Love agad? Alam ba nila kung anong meaning n'yan? Nakakairita! "'Yung mukha mo, nakabusangot." "Mood swings." Sabi ko kay Marta. Tumingin na ako ngayon kay Sir Rico na ngayon ay may sinasabi at hindi ako makafocus dahil ang ingay ng mga babaeng nagsisigawan para kay Jonas. Just, shut up ladies, will you? "Sir, can I go to the restroom? Menstrual cramps." Paalam ko nang lumapit ako sa kaniya. "Wanna go home? If you can't really take this class, you can now go home. I'll excuse you." Sabi ni Sir. "Uupo na lang po siguro ako sa bench. Makikinig pa rin po ako sa lessons." Tumango na lang siya sa sinabi ko pero pumunta muna ako ng C.R. Naglagay ako ng liptint dahil putlang-putla na ang labi ko. Nahihilo talaga ako kapag first day saka mainit pa sa loob ng gym at maraming tao. Nang matapos ako ay pumasok ako ng cubicle para maupo saglit dahil hilong-hilo na talaga ako. I can't even walk, and if I dare to, mahahalikan ko lang ang sahig for sure. "Jonas is so hot talaga like, I want him on my bed! Right now!" napangiwi ako sa sinabi ng isang babae. "He's mine, I told you!" "No! He is mine!" "Rock paper scissors! I win, he's mine." "Tss. Let's go. Panoorin ulit natin!" Napailing ako sa usapan nila. Rock paper scissors, huh? Ganon na lang ba sa kanila kadaling pumili? Saka as if naman na sa kanila talaga si Jonas, kung makapag-agawan naman sila. Umiling na lang ako saka lumabas ng cubicle. Napahawak pa ako sa sink dahil sa hilo. Okay, I'll just go home. Wow, condo unit is now your home, really Anna? Habang naglalakad ako ay nahihilo pa rin ako. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Naghahanap ako ng mauupuan pero wala akong makita. Wala akong nagawa kundi sumandal sa pader. Nagdilim na rin ng husto ang paningin ko at halos matumba na ako. "Anna!" si Jonas. Akala ko busy siya magbasketball. Hindi na rin siya pawisan. Kakalaro niya pa lang pero ang bango bango niya pa rin. Asan naman ang hustisya? "Are you okay? Gusto mong dalhin kita sa hospital?" aniya at mas lalo pang hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Nilagay niya ang braso niya sa likod ko at ang isang kamay ay nasa batok ko, pinadulas niya ito hanggang mapunta sa braso niya at binuhat ako. Wala akong lakas para takpan ang mukha ko kaya hinilig ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya, para hindi makita ng mga tao ang mukha ko. Dahil, this will be a hot issue. "Just bring me home. This is normal." Utos ko sa kaniya. Hindi ko na alam ang suno na nangyari dahil tuluyan ng bumagsak ang katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD