12. The other baby.

2520 Words
FIFTEEN years na mula noong huling magharap sina Julia at Jillian. They were still teenagers then and that was the time when Jillian begged her sister na ipagtanggol siya nito kay Valeria para tanggapin siya ulit. Pero ang magaling niyang kapatid, kasama ang kanilang ina ay ipinagtabuyan siya. Sino ang hindi magtatanim ng galit kung dahil doo'y sa kalye siya pinulot? Jillian wasn't a saint not to harbor a grudge in her heart. Pero kung nakinig siya sa kasabihang 'what you sow is what you reap', sana hindi na lang siya nagtanim ng galit. Dahil iyon mismo ang inaani niya ngayon. "Ang kapal din ng mukha mong bumalik pa." Punong-puno ng galit ang tinig ni Julia. Standing face to face with her twin sister, Jillian realized they aren't too identical. Paano niya napaniwala si Sake noon na siya si Julia? "Nananahimik ako, Julia. Bakit hindi si Sake ang tanungin mo?" Balik-tanong niya. Totoong malaki ang kasalanan niya sa kapatid at inaamin niyang masama ang intensyon niya noong pumayag siyang magpanggap bilang ito. But in the long run, she did help them. Siya ang dahilan kung bakit maging sa kasalukuyan ay may tinatamasa pa rin itong kaginhawaan sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit gumaling si Valeria- though their mother would rather die than admit that. "Talaga? Kaya sumama ka pa hanggang dito? Gusto mo ulit akong saktan! Hindi ka pa ba nakuntentong nagkaroon ka ng anak sa lalaking mahal ko? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin iyon?" "Sake took my son! Anong gusto mong gawin ko?" Aniya. "Hindi ka dapat pumayag!" "Hindi ako pumayag! At hanggang ngayon kinukumbinse ko siyang ibalik na ang anak ko... Julia, I swear, hindi ko ginustong narito kami ni Shawn!" "Talaga?" Halatang hindi ito naniniwala. "I bet that you're here to take away my happiness again. Sinusumpa ko, Jillian, this time, lalaban ako." Gusto niyang matawa. Pero hinayaan na lang niya ang kapatid niya na mag-astang kontrabida siya sa buhay nito. Tinalikuran siya ni Julia at dumiretso sa kinaroroonan ni Sake. Sumunod siya dahil naroon si Shawn. Kaya nakita niya nang umahon sa pool ang binata kasama ang kanyang anak para salubungin ng halik sa labi si Julia. Pinigil niyang mapapikit sa sakit na gumuhit sa kanyang puso. Bakit siya apektado? She was over Sake Fortalejo. Matagal na. They looked like a happy family with Shawn still in Sake's arms. Except, Shawn was her son and she will not allow them to build a family including her baby. Kaya naman hindi na nag-isip na basta na lang siyang lumapit at kinuha ang anak mula sa ama nito. "What's wrong with you?!" Asik ng binata. "Nalalamigan na ang anak ko. Bibihisan ko na siya!" Aniyang nagtagumpay na makuha si Shawn na agad namang sumama sa kanya. Ayaw niyang ma-confuse ang bata sa mura nitong edad. Hindi dapat humahalik ng ibang babae ang ama nito sa harapan nito. "Let them, babe." Narinig niyang wika ni Julia. She walked away from the couple. "Mommy, who is she?" Shawn asked habang palayo sila. "Why does she look like you? Why did daddy kiss her?" Sinasabi na nga ba niya eh. Aawayin talaga niya si Sake for acting shamelessly in front of their child. "She's your Aunt, Shawn. Her name is Julia," sagot niya. "Really?" Sa gulat niya ay sumigaw ang anak niya. "Hi, Auntie Julia!" Kumakaway pa nitong bati kahit papasok na sila sa bahay. Hinayaan na lang niya ito. Sinalubong sila ni Lora na agad siyang tinulungang paliguan si Shawn at bihisan na rin. "Mommy, can we play with daddy and Auntie Julia?" "No, Shawn. Busy sila. Hindi dapat nakikisali ang bata sa mga matandang nag-uusap," sabi niyang pinasakan na ng formula milk ang bibig nito. He should stop asking. Masasaktan ito kapag nalaman nitong hindi sila magiging buong pamilya ng ama nito. "Mommy, let's play!" Inayawan ni Shawn ang gatas. "No, baby, you've been playing all day. Kailangan mo ng matulog." Lumabi ito pero muli namang isinubo ang pinapainom niya. "I love you, mommy," he said stopping with his milk once again. "I love you too, anak." Pinagmasdan niya si Shawn hanggang sa makatulog ito. She remembered how she struggled to keep her sanity intact when he was just a baby. Wala siyang kasama sa bahay kaya wala siyang karelyebo sa pag-aalaga. Idagdag pa na hirap na hirap siya noong burahin sa isipan niya si Sake. Ilang beses niyang naisip na magpakita sa lalaki at ipakilala rito si Shawn. She was thinking that maybe he could forgive her. And maybe he would choose her over Julia. Kahit na para lang sa kapakanan ni Shawn, she would gladly have him in her life again kahit na hindi siya nito mahalin. S'yempre, noong maka-recover siya at hindi na masyadong emosyonal, sinikap na niyang 'wag isipin ang mga iyon. 'Coz in reality, Sake Fortalejo would never be hers. She'd caused him so much pain at alam niyang hindi siya nito mapapatawad kailanman. But just as when she thought she was already okay, bigla naman itong sumulpot sa buhay nilang mag-ina ni Shawn. At heto na naman, nasasaktan na naman siya. Ang masama, siya pa ang lumalabas na kontrabida. Life is really cruel to her. Bakit hindi naman siya maging bida? Sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay, she deserved to be happy. ----- "AKO NA." Walang imik na ipinasa niya kay Sake ang natutulog nilang anak sa braso niya. Ginabi na sila ng balik sa bahay nito dahil nag-inarte pa si Julia. Her sister wanted to make sure na hindi sila magkakaroon ng oras ni Sake. Akala naman nito doon sila nag-i-stay sa bahay ni Lora. Habang nasa labas ito at si Sake, Jillian had a heart to heart talk with her then mother-in-law. "Ang alam kasi ni Julia, binenta na ni Sake ang naging bahay ninyo noon. He made her believe that he did. But Sake did not sell the property," paliwanag ni Lora sa kanya. "Bakit hindi?" She asked. "I don't know the reason. Dito naman siya umuuwi kahit madalas siya roon. Nagpagawa pa nga siya ng silid para sa anak ninyong inakala niyang namatay. Jillian, Sake blamed himself for losing you and the baby. Sigurado akong gumaan ang pakiramdam niya sa kaalamang buhay kayo." So the kiddie room wasn't meant for Sake and Julia's child. It was for his baby with her. Na-touch ang dalaga sa nalaman. "Mama... Can I tell you a secret?" She asked na naging emosyonal. Although Shawn lived, ipinagluluksa pa rin niya ang kapatid nito. "Our baby did die." "Anong ibig mong sabihin?" Halatang nasorpresa si Lora. "I was pregnant with twins, 'ma." Napaiyak na siya. "Oh... I'm so sorry, dear." Niyakap siya ng ina ni Sake. "Bakit hindi mo sinabi?" "Galit si Sake sa akin. Galit si mama. Galit si Julia. Tita Victoria was not willing to take my side. Wala akong kakampi no'n, 'ma." She remembered how hard it was, minsan nga lang siya dinalaw ng ina niya noon at para lang sabihing nais ni Julia na mawala na siya. "Sana lumapit ka sa akin. Hinding-hindi ako magagalit sa 'yo. Sana natulungan kita." "Hindi ko alam ang gagawin ko no'n, 'ma. Hanggang sa napapayag nila akong magpanggap na namatay. Naisip kong tama sila, mas okay kung gano'n nga ang mangyayari. Alam ko rin kasing hindi ako mapapatawad ni Sake at mas magagalit siya kapag lumapit ako sa 'yo, mama. Isa pa nasa bakasyon ka at ayokong makaabala. I'm sorry... I'm sorry for lying to you and Sake." "I know that you are a good person, Jillian. Gusto kong malaman mo na anak ang turing ko sa 'yo. Maaasahan mo ako sa lahat ng bagay. Hindi mo kailangang solohin ang mga problema mo." "No, 'ma, masama ako. This is my karma catching up with me." "No... What I see in you is a person who longs to be loved. Hindi ka masama. At kung ako ang pipili ng magiging asawa ng nag-iisa kong anak, ikaw ang pipiliin ko para kay Sake, Jillian..." "Salamat po... Malaking bagay sa akin na naiintindihan ninyo ako. But I don't wish to ruin Sake and Julia again." Sumunod si Jillian hanggang sa loob ng silid ni Shawn. Tahimik lang sila ni Sake mula pa sa bahay ng ina nito at bahagya lang silang nag-uusap kapag kailangan. Ramdam na ramdam ng dalaga ang disgusto nito sa presensya niya at kapalan na lang ng mukha ang pinapairal niya para manatili pa rin. Hindi niya iiwan si Shawn, dapat maging malinaw iyon kay Sake. "Magpahinga ka na rin. It's very late," wika ni Sake. "I'll just make sure Shawn is comfortable," tugon niyang tinatanggal ang sapatos ng anak. Inaasahan niyang iiwanan na sila nito, but he stayed. "Are you going to sleep here?" aniya makalipas ang ilang sandali. Siya kasi ay sa guest room nito pinapatuloy. "Is it alright?" He asked, surprisingly calm. "Oo naman." Tipid siyang ngumiti. "Lalabas na ako." Humalik muna siya sa natutulog na anak. "Good night, Sake." Hindi na tumugon si Sake kaya lumabas na rin siya. ----- KINAUMAGAHAN ay maagang umalis si Sake. Kailangan na raw nitong bumalik sa trabaho. Para makasiguro itong hindi niya itatakas si Shawn, pinapunta nito si Yaya Pasing. "Kay gwapo-gwapong bata! Pakiramdam ko'y lumiit lang si Sake!" Tuwang-tuwa ang matanda kay Shawn "Hindi ba't tama ako? Ang gwapong bata ng naging anak ninyo." "Salamat, yaya," sabi niya. "Shawn, what are you going to tell yaya?" "Thank you po," her child said at lalong nanggigil si Yaya Pasing. "Very good! Now, let me tell you something," tiningnan niya sa mata ang anak. "Yaya Pasing took care of your dad since he was little. I want you to respect her all the time, okay? Hindi ka magba-bad?" "Promise, mommy!" She ruffled his hair. Malaki ang bahay ni Sake. Kahit maghapon silang magtaguan ni Shawn ay hindi sila mauubusan ng pagtataguan. Wala masyadong pagbabago roon maliban sa kiddie room. Sa katunayan, nakasabit pa sa living room ang malaking portrait nila ni Sake noong kinasal sila. "Ayaw niyang tanggalin 'yan." Wari nama'y nabasa ni Yaya Pasing ang nasa isip niya habang nakatingin sa larawan. "Dahil nagui-guilty siya sa pag-aakalang namatay ako." "Pwede." Inayos ng matanda ang salamin nito para makitingin sa tinitingnan niya. "Pwede ring may ibang dahilan. May ipapakita ako sa 'yo." Niyakag siya nito sa masters bedroom na kwarto nila ni Sake noon. "Walang binago si Sake dito. Kumbaga eh, pinreserve niya ang kwarto ninyo. Regular akong nagpupunta rito para maglinis. Nang sa gano'n ay hindi madumi lalo na't nagkukulong dito si Sake kapag narito siya." "Bakit niya gagawin 'yon, yaya?" Wala sa loob niyang tanong, mukhang totoo ngang nahirapan si Sake dahil inakala nitong ito ang dahilan ng pagkamatay niya. "Subukan mo ulit buksan ang puso niya, Jillian." Sa halip ay sagot ng matanda. "Naniniwala kami ni madame na hindi gagawin ni Sake ang lahat ng ito kung dala lang ng konsensya..." She forced a smile. No. She wouldn't do that. ----- "HEY." Malalim na ang gabi at nauhaw si Jillian kaya nagpasya siyang bumaba para uminom. Kaso naro'n pala si Sake at nakita na siya nito bago siya makapihit pabalik. "Bakit gising ka pa?" He asked, may hawak itong baso ng malamig na tubig habang nakasandal sa kitchen counter. "Nauhaw ako. Kukuha sana ako ng tubig." she answered na akmang lalampasan sana ito para kunin ang sadya niya. "Have a seat. I'll get it for you," sabi nito, ibinaba ang hawak na inumin at tinungo ang fridge. Hindi na siya kumontra. Naupo siya sa mataas na stool at ipinatong ang braso sa countertop. Naiilang siya dala ng alaala nila sa eksaktong bahagi na iyon ng kusina. He still believes she was Julia that time. Ipinilig niya ang ulo upang itaboy ang intimate memory na iyon sa utak niya. "Thanks," she murmured nang ibaba nito sa harapan niya ang tubig na mas kailangan na niya ngayon kaysa kanina. Silence. Bumalik ito sa p'westo nito kanina which was mere inches away from her. Andami niyang gustong itanong kay Sake pero hindi niya alam kung paano magtatanong nang hindi lalabas na nag-eexpect siya ng kahit na ano mula rito. "S—” "About the baby," naunahan siya ni Sake. "Malaki na si Shawn, Sake." saad niyang hindi tumitingin. "And he loves you so much. Na parang nakilala ka na niya noon pa-" "The other baby," banayad nitong putol sa kanya. Natigilan siya pero hindi pa rin niya ito nilingon. She shouldn't have told Lora. Nalaman tuloy ni Sake. Hindi naman siya galit. Jillian knew Sake will find out one day. Nagulat lang siya na sinabi agad ni Lora sa anak nito ang tungkol do'n. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hinayaan mong isipin kong nagsinungaling ka." "Dahil hindi mo kailangang malaman." "Really? Don't you think I have the right to know?" "You do. But I had to make a choice," giit niya. "Ayaw ko nang guluhin kayo ni Julia. Hindi mo na nga dapat nalaman." "So anong akala mo, dahil hindi mo sinabi sa akin ang totoo, matutuwa ako sa 'yo?" Nararamdaman niya sa pagsasalita ni Sake na nasasaktan ito. "Did you think that by hiding it from me, it would hurt less?" "I'm sorry," napayukong sabi na lang niya. Ayaw na niyang makipagtalo lalo na't sensitibo pa rin sa kanya ang usaping iyon. "I didn't tell you so you would stop blaming yourself. You don't deserve to feel the pain dahil wala kang kasalanan. It was all my fault from the beginning..." Bahagyang gumaralgal ang tinig niya. Why does it still hurt so much? Antagal na. May anak naman siyang nabuhay. Pero kapag naiisip kasi niyang dalawa dapat ang mga anak nila ni Sake, para pa ring pinipiga ang puso niya. Pakiramdam niya hindi siya nag-ingat at hindi siya karapat-dapat na tawaging mabuting magulang. "Ako lang dapat ang masaktan. You deserve to be happy, Sake--" "I'm sorry, Jillian." Napaangat siya ng tingin sa katabing binata. "I'm sorry if you have to go through the pain alone," dagdag nito. Kaya naman kung naiiyak lang siya kanina, napaiyak na siya nang tuluyan ngayon. She didn't think na darating ang oras na iyon na pag-uusapan nila ang sinapit ng isa nilang anak on that fateful morning. Most of all, hindi siya nag-eexpect ng sorry galing kay Sake. She only expected him to be mad at her forever. "It wasn't your fault alone. In fact, it was I who should be blamed. I'm sorry for causing you to lose our child, Jillian... I did not mean it." Sake said, mirroring the same sadness in her eyes. Lumapit ito sa kanya at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. "Please forgive me for hurting you that day..." Hindi siya makapaniwala. But between uncontrolled sobs, she smiled at Sake. "I forgive you," anas niya. Sake smiled as well, kumislap ang mga mata nito sa mga luhang nagbabantang mahulog mula roon. "Thank you," he whispered, then closed their distance with a hug, the kind she was missing so much... To be enveloped in his arms is still the best feeling for Jillian. But she also knew that it meant nothing more than a hug of comfort.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD