13. Jealous.

2420 Words
PINATAWAD niya si Sake hindi dahil itinuring niyang may kasalanan ito sa kanya. She forgave him for his peace of mind. Para patawarin na nito ang sarili nito. Hindi niya alam kung napatawad na rin siya ng binata. Pero okay lang. She wouldn't ask him more than what he could give at the moment. "Ba-bye, Daddy!" Nagbaba-bye pero nakayakap naman sa binti ng ama nito si Shawn. "Can I come with you?" Jillian giggled. Mukhang koala ang anak nila. Pati si Sake napahalakhak at parang gusto nang magbago ang isip sa pag-alis. "Anak, magtatrabaho si Daddy," aniya sa batang kinarga na ni Sake. Hindi niya alam pero nakangiti ang mga mata nito sa kanya. "Why, daddy? You are rich already!" "I have to make sure that we have lots of money so you can go to college." sagot ng binata. "Where is college? Do we need to ride an airplane?" Jillian and Sake laughed in unison. Akala ni Shawn ay lugar ang college na tinutukoy ng ama nito. "I want to go to college, daddy." "Shawn, come to mommy na. Male-late na ang daddy mo," aniya at nagpasalamat na sumama naman agad ang bata sa kanya. "Careful," narinig niyang ani Sake na maingat na ipinasa sa kanya si Shawn. "He's heavy." "Okay lang." Bumigat na nga ito sa ilang araw lang na pananatili nila sa poder ni Sake. "Bye, anak. I'll go home early." Humalik ito kay Shawn pero sa paglapit nitong iyon, pakiramdam ni Jillian ay siya ang hinalikan. But no, ngiti lang ang para sa kanya. "I'll go ahead," he said. "Ingat ka." She returned his smile and watched him leave. "Ingat daddy! Ingat!" Kumakaway na sigaw ni Shawn sa papalayong kotse ni Sake. "Let's go back inside na anak." "Yes mommy." Kung gano'n sila araw-araw, baka masanay silang mag-ina. Jillian knew they couldn't stay like that forever. Well, si Shawn baka. Oo. Pero siya, hindi. Nakakatakot mag-invest ng emosyon sa mga ganoong pampamilyang pagkakataon. Hindi pa sila nakakapasok sa bahay ay siya namang dating ng sasakyan ni Lora. "Lola!" Excited na sumalubong si Shawn nang umibis sa kotse si Lora. Paanong hindi kung may dala-dala itong laruan? "Shawn!" Umupo si Lora para makayakap sa apo nito. "I missed you so much, apo!" Gigil na hinalikan nito nang marami si Shawn. "Look, I have something for you!" Ibinigay na nito ang dalang robot na kung mamasdang maigi ay isang piloto. "Shawn, anong sasabihin mo kay Lola?" "Thank you, lola!" Isang matunog na halik ang ibinigay nito sa pisngi ni Lora. "You're welcome, Shawn." Mabilis na tumakbo palayo sa kanila ang bata para subukan na ang laruan nito. "Yaya, pakitignan si Shawn!" Sigaw ni Lora habang pareho silang nakamasid sa tuwang-tuwang bata. "Kumusta ang pagbabahay-bahayan ninyo rito?" Baling nito sa kanya. "Did Sake already talk to you?" "Mama, dapat sinabi ko sa inyong 'wag ninyong sasabihin kay Sake ang tungkol sa baby. Pero sa kabilang banda, narealize ko na tama ang naging pasya ninyo. We're okay now. We both decided to stop blaming ourselves for the loss of our baby." "Just as I thought." Ngumiti nang matamis si Lora. "Sake did the right thing." "Salamat, 'ma." "Anyway, I came to personally invite you to our company's anniversary celebration. Hindi ako sigurado kung isasama ka ni Sake so you will be my guest. Gusto ko ring ipakilala ang apo ko sa lahat." "Is that a good idea, 'ma? I'm sure dadalhin ni Sake si Julia." S'yempre ayaw naman niyang gumawa ng eksena sa party. Ang kompanyang tinutukoy ni Lora ay ang kasalukuyang pinamumunuan ni Sake bilang CEO. Lora retains the Chairmanship dahil kaya pa naman daw nito. Malaki ang kompanya na Electronics and Communication engineering ang nature. Lately rin ay nag-umpisa si Sake ng sarili nitong negosyo, iyon ay ang mall na in-acquire nito sa lugar kung saan sila nito natagpuan ni Shawn. "But you can bring Shawn, Mama. I'll just stay here." "I insist na sumama ka." "'Ma, ipapakilala mo si Shawn. Sake will bring Julia. Ayokong magkaroon ng confusion dahil sa presensya ko." "I don't want anyone to mistake Julia as my grandson's mother. So you should come." "But it's not good for Sake's image. Julia is my twin sister, remember?" "Leave that matter to me." Napabuntong hininga na lang si Jillian. Mukhang hindi option ang paghindi kay Lora. "Ipapasundo ko kayo kay Lex bukas ng tanghali." "Kailangan kong magpaalam kay Sake. If he says okay, then I'll go, mama," sabi na lang niya. Ayaw niyang maging bastos dito at kay Julia. ----- HINDI nakauwi si Sake kaya hindi nakapagpaalam si Jillian. Hanggang sa makarating sila sa bahay ni Lora ay hindi niya nakausap ang binata. "He was with Julia last night," ani Lora nang sabihin niyang hindi umuwi si Sake. "It's the stuff people in a relationship celebrate every month..." "Sana nagpasabi siya,'ma. Naghintay si Shawn sa kanya." Pinaka-ingatan niya ang tono niya. She was disappointed pero dahil iyon sa pinaghintay nito si Shawn. At hindi dahil nakaramdam siya ng selos na nag-celebrate pala ng monthsary sina Sake at Julia. "He didn't tell me either. Nalaman ko lang sa secretary niya when I called to find him yesterday." "You mean, he didn't come to work?" Mas lalo siyang nainis. Nagkibit ng balikat si Lora. "But he will not miss tonight's event. Alam niyang magagalit ako dahil reponsibilidad niyang pumunta," tugon ni Lora. "Come, let's go to my favorite salon." Bigla itong na-excite at hindi na naman siya nakatanggi. Four hours later, natagpuan ni Jillian ang sariling nakapulang designers gown. May lace sleeve iyon hanggang sa siko niya at sakto lang ang hapit sa katawan niya. Wala siyang accessory maliban sa diamond necklace na binili ni Lora para sa kanya. But Sake's mother said that she was stunning. Her son looked like a heartthrob in the making. Four years old lang ito pero dalang-dala nito ang suot nitong tuxedo. Alam niya, nakaka-inlove ang kacute-an ng kanyang anak. Sa isang five star hotel ang selebrasyon. Marami ng tao roon na pawang mga empleyado in their best outfits. The other members of the board together with their families were already seated in their respective tables. Dahil Chairman ang dumating, they received the warmest welcome. All glances however darted curiously on Jillian and Shawn. Nailang siya pero si Lora all smiles na proud na proud na kasama sila. Dumiretso muna sila sa seat assignment nila dahil wala pa ang Chief Executive Officer ayon sa event organizer na bumulong kay Lora. "As always." The Chairman just rolled her eyes as if usual na laging nale-late si Sake. "He's coming, don't worry," baling nito sa kanya. "I'm not worried, mama," saad niya. She was more nervous than worried at an impending confrontation with her sister. Ilan sa mga board members at officers ng kompanya ang lumapit para batiin ang chairman at sila na rin s'yempre. Walang tanong-tanong, everyone acknowledged her baby boy as Lora's grandson. "Parang si Sake lang noong bata pa ang CEO," an elderly woman chuckled. "True." Hindi maitago ni Lora ang pagka-proud kay Shawn. Naipagpasalamat lang niyang wala pang tumatawag na Julia sa kanya maliban sa Ms. Flores na pareho naman nilang apelyido ng kapatid. After approximately thirty minutes ay dumating din si Sake, kasama ang nakapula rin ngunit mas provocative ang outfit nito na si Julia. V-neck iyon na malaking bahagi ng dibdib nito ang nakalitaw. Nevertheless, the CEO appears proud of his sexy girlfriend. Tumalim ang mga mata ni Julia nang makita siya nito sa tabi ni Lora. Sake, on the other hand, was surprised. He gave his mother a questioning look na ipinagkibit lang ni Lora ng balikat. Ganoon din ang tinging ibinigay nito sa kanya. "Daddy!" Agad itong sinalubong ni Shawn. "You lied to me and mommy! You did not come home last night!” Bago niya napigilan ang anak ay nakalabi na nitong dugtong. Nagkatinginan ang mga malalapit na nakarinig pero partikular sa nagulat si Julia. But she handled it with poise dahil hindi ito nagpahalata bagamat mas sumakit ang tinging ipinukol nito sa kanya. "I'm sorry, baby... Babawi na lang si daddy sa 'yo," kalmado namang tugon dito ni Sake. "Not to me only. Mommy was worried too." Habang malamang ay ramdam ang tensyon sa pagitan nila ni Julia, si Lora ay aliw na aliw lang na tumatawa. Alam niyang nagtataka na ang mga tao roon at naghihintay na ng paliwanag. Ngunit dahil dumating na ang CEO, inumpisahan na ang programa. May nagbigay ng introductory speech. May mga naunang nagsalita hanggang sa tawagin ang Chairman. Naiwan silang apat sa mesa. Si Julia mula sa kanan, si Sake, si Shawn, ang binakanteng upuan ni Lora bago si Jillian. Without Lora on her seat, mas naging awkward ang sitwasyon para kay Jillian. Hindi pa sila nag-uusap-usap na para bang may bayad ang pagsasalita. Sinikap na lang niyang ituon kay Lora ang atensyon habang ang anak niya ay parang tukong nakakapit sa ama nito. "At this moment, I want all of you to meet the newest member of our family. Sake's son, Shawn Fortalejo... Come up here apo," magiliw na ani Lora sa isang bahagi ng speech nito. Jillian was glad na hindi na ito nagpaliwanag. She can take the judgement, 'wag na lang mapag-usapan kung paanong may anak si Sake sa kanya habang kasintahan nito ang kakambal niya. She didn't wish to explain herself nor their situation to anybody. "Halika, Sake, bring your son here." Her son and his father received a warm of applause from the crowd. Natutuwa siyang hindi na siya tinawag ni Lora. Siguro inisip din nitong masasaktan si Julia kapag ginawa nito iyon. "Don't think you already won." Narinig niyang wika ni Julia na lumapit nang bahagya, sa harapan ito nakatingin, "I will do something about this situation, I promise. Hindi ka magtatagumpay sa plano mong panggugulo." "Wala akong plano, Julia. It wasn't my idea to come here." "Once a liar, always a liar. Tama si Sake, you aren't trustworthy." Kung si Julia lang ang nagsabi no'n, matatanggap pa niya. Pero iyong galing kay Sake na hindi siya mapagkakatiwalaan, ibang usapan na iyon. Nasaktan siya pero hindi niya iyon ipinakita sa kapatid. "Say what you want." Sake delivered a short speech bago nagkaroon pa ng awarding ceremony at incentive giving para sa mga outstanding employees at sa mga matatagal na sa kompanya. All the while ay kasama ng mag-ina si Shawn na tuwang-tuwa naman na taga-abot ng mga certificate. Nang bumalik sa mesa ang tatlo at mag-serve na rin ng pagkain, inabala na ni Jillian ang sarili sa pagpapakain kay Shawn. She couldn't bring herself to even look at Sake and Julia's direction. Hindi pala siya trustworthy ha, kung gano'n ay hindi sincere sa pakikipag-ayos sa kanya si Sake. The thought made her heart ache. Noong maisipan ni Shawn na pumagitna kina Sake at Julia, hindi na napigilan ni Jillian ang sarili. Tumayo siya at lumabas para makalanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal siya sa mga mapanghusgang tingin at sa bahagyang pagka-out of place. Wala siyang magagawa roon. Natural na mag-isip ang mga bisita dahil hindi nagpaliwanag si Lora kung sino siya. Lalo dahil kamukha niya ang girlfriend ng CEO. Sa may pool area siya dumiretso pagkagaling sa function hall. Mangilan-ngilan lang ang naliligo roon kaya kahit paano ay nakaramdam ng katahimikan si Jillian. Hindi naman siya magtatagal. Gusto lang niyang huminga at ilabas sandali ang sakit na nararamdaman. Kanina ay nakaramdam siya ng selos nang makita ang sabay na pagdating nina Sake at Julia. She was jealous at how Sake held her sister's hand possessively. Na para bang may aagaw sa babae. Alam niya iyon dahil gano'n din siya hawakan ni Sake dati. Tapos buong gabi ay kay Julia lang ito nakatingin. Minsan lang siya nitong tinignan, tinging nagtatanong kung ano ang ginagawa niya roon. She ignored that, hoping he would be a little considerate of her presence. Kaso binigo siya ni Sake. Ipinaramdam nito na parang wala siya roon. And it hurt her kahit ideny pa niya sa sarili niya iyon. Dahil ang totoo, hindi naman siya humintong mahalin si Sake Fortalejo. It was just a defense mechanism on her part to keep telling herself that she was done loving him. "Nakakainis!" She muttered to herself at marahas na pinunasan ang matang walang pasabing lumuha. "Take this." Nagulat siya nang marinig ang tinig ni Sake, pagtingin niya ay may puting panyo itong iniaabot sa kanya. "What are you doing here?" Asik niyang hindi kinuha ang panyo. "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, bakit ka lumabas?" Sake asked. "Pabalik na rin ako." She turned to move pero pinigilan siya nito sa braso. "If it's difficult for you, why did you come?" Mapanghusga ang pagkakatanong nito at hindi niya iyon nagustuhan. Kahit kailan ay wala itong konsiderasyon. "Dapat naisip mong dadalhin ko si Julia." "Ask your mother!" Galit niyang tugon, sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito sa braso niya pero napakahigpit ng pagkakahawak ng binata "Let go, nasasaktan ako!" "Umasa ka ba na ipapakilala kitang ina ng anak ko? Umasa ka bang matutuwa akong makita ka rito? Umasa ka bang iiwanan ko si Julia para sa 'yo---" natigil ito sa pagsasalita dahil sinampal niya ito gamit ang libre niyang kamay. "Don't please yourself, Mr. Fortalejo!" sikmat niya. Tama ito pero hindi niya aaminin iyon at patunayan ditong baliw na baliw pa rin siya rito. "Kung may huling lugar akong gustong puntahan, iyon ay kung nasaan kayo ni Julia!" "Talaga?" Kung nasaktan ito sa ginawa niya ay hindi niya masabi dahil hindi man lang nagbago ang higpit ng hawak nito sa braso niya. "You are a liar, Jillian." She lost her temper. Galit na galit na sinampal niya ulit ito, itinulak gamit ang buong lakas niya but to no avail. Hindi man lang ito tuminag. "Hindi mo kailangang ulit-ulitin iyan. Yes, I lied. Hindi ko naman tinatanggi iyon, 'di ba? I did wrong things! I have shortcomings! But you, you're my biggest mistake, Sake Fortalejo!" Gustong gusto niyang sumigaw pero dahil ayaw niyang makatawag ng atensyon, lumabas ang sama ng loob niya sa pamamagitan ng mga luha niya. "Bitawan mo 'ko! Babalik na ako sa loob!" "Gustong-gusto na kitang kalimutan kung hindi lang ikaw ang ina ni Shawn! Gustong-gusto kong magalit sa iyo para maramdaman mo ang sakit na pinaramdam mo sa akin noon!" Hinila siya nito palapit sa katawan nito habang pinipigilan ang pagpupumiglas niya gamit ang mala-bakal nitong mga kamay. "Pero hindi ko magawa! Instead, I wanted to do this---!" Marahas nitong inangkin ang mga labi niya pagkatapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD