SHE cried hard and ran away from Sake sa kabila ng pagtawag nito. Halos madurog ang mga labi niya at bahagya pa nga niyang nalasahan ang dugo mula roon. Sake punished her through the kiss. Ni hindi ito naging marahan.
Nagpupuyos pa rin ang damdamin ni Jillian. Sake made her feel unworthy of anything, be it his trust, his respect nor his love. Pagkatapos siya nitong halikan sa paraang huling halik na niya iyong nanaisin, lalong bumaba ang tingin niya sa sarili niya.
It was no doubt a real mistake for her to come at the party. Kung bakit ba kasi madali siyang makumbinsi.
'Sa susunod, tayuan mo naman ang desisyon mo, Jillian!' She told herself habang pabalik sa hall.
Pagdating doo'y agad niyang hinanap si Shawn. Uuwi na sila. She already had enough. She was hurt enough. Hindi na niya kakayaning madagdagan pa iyon.
"Jillian, saan ka ba galing?" Nag-aalalang tanong ni Lora na karga-karga si Shawn.
"Sorry, 'ma, nagpahangin lang po sa labas..." She lied even if she knew that her appearance already gave away the fact that something's wrong. "C-can we go ahead, mama?" Dagdag niyang kinuha mula rito ang anak.
"The party's not over yet. Bakit ka nagmamadali? Besides, I made us a booking upstairs. Dito na tayo mag-stay for the night." Tiningnan siya nito nang mainam. "Well, kung pagod ka na, here's the key card to your room. Mauna na kayo ni Shawn."
"Salamat, 'ma." Agad niyang kinuha iyon at nagmamadaling umalis.
It was a good thing na nakatulog na rin ang anak niya. Matapos niya itong bihisan ay maingat na niya itong pinahiga. Tulalang pinagmasdan niya ito pagkatapos.
Tinitimbang sa loob niya if it would be worth it to run away again. To hide. And to make sure Sake would never ever find them the second time.
-----
"LET'S get married, Sake."
Mabuti at nakatigil na sila sa tapat ng bahay nina Julia, kung hindi ay baka napapreno si Sake nang wala sa oras.
"I've been waiting forever! We've postponed the wedding long enough. Ang sabi mo kailangan mo ng panahon para kalimutan ang mag-ina mong namatay. They're alive, Sake! Hindi mo na kailangang ma-guilty. It's about time that you think about us."
Huminga siya nang malalim para kalmahin ang loob niya. Tama ito. Hindi na niya kailangang ma-guilty dahil buhay naman sina Jillian at Shawn.
But he still lost his other child. Isa pa, hindi ba't kasabwat ito sa pagsisinungaling sa kanya? According to his mother, it was Julia's idea to make him believe that Jillian died.
Julia caused him to spend four years blaming himself for the fake death of Jillian. Ito ang nagpahirap ng kalooban niya nang mahabang panahon. But she's not sorry for what she did. Sa katunayan, she was still playing the victim. Wala itong inaamin sa kanya.
Instead lagi nitong sinasabi na sinungaling si Jillian. That the mother of his child does not deserve his forgiveness.
Sa totoo lang, kailangan nitong magpaliwanag sa kanya. Four years overdue na nga. Pero wala pa ring sinasabi si Julia as to why she never mentioned to him that she has a sister.
Ang pagpapakilala nito noon ay solong anak ito. What could be the grudge that she was holding against Jillian? Bakit galit na galit ito sa sarili nitong kapatid?
"No," maikli niyang sagot.
"What?!" inis na tanong nito. "What do you mean no?"
"It's not the right time, Julia."
Hindi talaga tamang panahon lalo na't gulong-gulo ang puso't isipan niya sanhi ni Jillian. Gusto niyang bumalik sa hotel. Gusto niyang mag-sorry kay Jillian dahil nasaktan na naman niya ito. Alam niyang hindi niya dapat ginawa iyon pero hindi niya napigilan ang sarili niya.
Hindi niya talaga inimbita si Jillian dahil alam na niya ang mangyayari. As much as possible ayaw niyang nagkakaharap ang kambal dahil pare-pareho silang nalalagay sa awkward na sitwasyon.
Siya dahil alam niyang kailangan niyang mamili. At si Julia ang dapat niyang piliin dahil ito ang girlfriend niya. Kahit na unang sulyap pa lang niya kay Jillian ay ito na ang gusto niyang makasama sa gabing iyon.
Pero kailangan niyang itago ang paghanga sa kanyang mga mata, kailangan niyang pigilin ang sarili niyang ipakilala itong ina ng kanyang anak, dahil masasaktan niya si Julia.
So he chose to hurt Jillian instead. At alam niyang unfair iyon sa dalaga.
"I don't get you, what is holding you back, Sake?" Nasasaktang tanong nito na tila gusto nang maluha.
"'Wag tayong mag-usap ngayon. Pareho na tayong pagod," umiiwas niyang sagot.
Hindi makapaniwalang padabog na bumaba ng kotse niya si Julia. Siya naman ay agad na umalis, ni hindi niya hinintay na makapasok ito ng bahay.
'But you, You're my biggest mistake, Sake Fortalejo!'
Napapikit siya nang maalala kung paano sinabi iyon ni Jillian. Her words were laced with so much regret and hatred.
Binilisan niya ang pagmamaneho. Kailangan niyang bumalik sa hotel.
-----
"FRESHEN up, Jillian, ako muna magbabantay kay Shawn," ani Lora nang madatnan pa rin siyang umiiyak.
Tumalima na lang siya para wala nang tanungan kung anong nangyari. She was tired.
Kahit papa'no ay natulungan siya ng maligamgam na tubig mula sa shower. Nanatili siya sa ilalim ng lumalagaslas na tubig nang ilang minuto. Sa loob niya ay iniisip niya kung paano makakalayo ulit kina Sake at Julia. Should she ask help from Lora? Pero malamang hindi nito gugustuhing malayo sa apo nito.
P'wede siyang umalis mag-isa pero hindi niya kayang iwan si Shawn. Mahal na mahal niya ang kanyang anak at hinding-hindi mangyayari na magsasakripisyo siya para iwan ito sa poder ng ama nito. She already raised Shawn alone, kakayanin niya ulit iyon.
Jillian finished her bath and put on a robe. Pababalikin na niya si Lora sa kwarto nito para makapagpahinga na rin.
"Can we talk?"
Muntik nang mapatalon sa gulat si Jillian nang sa pagbukas pa lang niya ng pintuan ng banyo ay sinalubong na siya ni Sake.
"Anong ginagawa mo rito?!" Malamig niyang tanong nang makabawi. She made a quick scan of the room to find no trace of her son nor Lora.
Mukhang wala na naman siyang choice kundi harapin ang binata sa kabila ng sama ng loob na nararamdaman niya.
"I came to apologize," umpisa ni Sake. "For what I did."
"May I get dressed first, Mr. Fortalejo?" Iritable niyang tanong na hindi pinansin ang apology na sinasabi nito.
"Jillian, I did not mean what I said. I'm sorry if I hurt you," patuloy naman ng binata.
"Can't you wait just until I'm decent for a conversation with you?" Naiinis na siya. Anong gusto nito? Mag-usap sila na tanging roba lang ang suot niya? She just stepped out from the shower! "Magbibihis lang ako-"
"No need. I won't take long. Besides, nakita ko na lahat yan dati," seryoso nitong pahayag na bahagyang nangunot ang noo dahil marahil sa isyu niya.
"Get out!" Gigil niyang sigaw na hindi napigilang mamula. Totoo pero hindi nito pwedeng gawing rason iyon sa ngayon.
"Why, Jillian? Sa tingin mo, nakalimutan ko na? I've memorized every inch of your body." Nakataas ang isang sulok ng bibig na ngumiti ito, nang-uuyam. "I owned it, in case, you already forgot, Jill..." Mapanuya nitong dagdag kaya naman lalong nagpuyos ang loob ng dalaga.
"I said get out!" Itinuro niya ang pinto pero sa halip na lumabas ay lumapit pa ito sa kanya. "Sake!" Nagbabantang babala niya.
"Natatakot ka?" Hamon nitong inisang hakbang ang pagitan nila. He held both of her wrists with just one hand habang ang isa ay hinahapit siya palapit sa katawan nito.
"Sake, ano ba?! Bitawan mo ko!" Tinatagan niya ang loob kahit na alam niyang kulang sa willpower ang pagpupumiglas niya. Dati pa ay wala na siyang kakayahang labanan o tanggihan si Sake.
"I could still remember that night, Jillian," he whispered. "That night when you wished for a lifetime with me."
"That was part of the pretense!" Depensa niya sa kabila nang malakas na t***k ng puso niya. Naalala niya rin 'yon, that stupid wish she made on their last night together. But what was she supposed to say? Deny it?
"You couldn't have possibly faked everything, Jillian..." Lumakad ito para itulak siya sa direksyon ng kama.
"You're wrong. I'm a liar, remember? All I did was to fool you so I could get my revenge on Julia!"
"Talaga? Then what would you have done with your revenge plan if Julia didn't wake up?"
"I would still leave you, Sake." Mariin niyang tugon. Tumango-tango lang ang binata ngunit sa paraang hindi naniniwala.
"Then why did you give yourself to me, huh, Jillian? Were you just pretending that you loved me? Because I felt it. I felt the love in the way you responded to my kisses! In every I love yous that you said. I felt it, Jillian."
"Let me go, Sake," she said instead. Wala siyang pagmamahal na aaminin sa binata no matter how he would rub the truth to her face. "I didn't know that you were gullible enough to believe that!" Jillian felt the edge of the bed at the back of her thighs and it was just a moment later before she felt her back pressed against the soft mattress.
"Or maybe you did fall for me," Sake crawled on top of her. "Right, Jillian?" Ibinaba nito ang mukha palapit sa mukha niya. "Bakit hindi mo aminin?" He whispered against her ear.
His breath fanning her skin sent shivers throughout her being. Para na siyang nilalamig na nilalagnat na ewan. And it's not good.
"Wala akong aaminin!" Galit na itinulak niya ang binata. Hinayaan naman nitong magtagumpay siya bagamat mabagal ang ginawa nitong paglayo sa kanya. There was an unfathomable expression in his eyes.
"Get dressed, Jillian," Sake said as he walked towards the door. "I'll be back in five."
"Let's talk tomorrow." Pagbabakasakali niya.
"No."
Frustrated na napabuntong hininga si Jillian. She wanted to cry once again. Ayaw niyang makipag-usap kay Sake dahil sigurado siya, bibigay siya sa unang tangka pa lang nito ng paghingi ng tawad.
Kasi gano'n siya. For all she'd been through, she discovered she could forgive and forget at the same time. Gaya kung paano niya napatawad ang ina at si Julia kahit na hindi naman humingi ng tawad ang mga ito sa kanya.
-----
TEN minutes later, natagpuan ni Jillian ang sarili sa rooftop ng hotel kasama si Sake.
Mayroong infinity pool doon pero pareho lang silang tahimik na nakatingin sa kagandahan no'n at wala namang may gustong lumusong sa tubig.
Sake Fortalejo managed to have that part of the hotel closed for the two of them. Hindi niya alam kung anong impluwensya ang mayroon ito but the hotel staff assured him of the privacy that he requested.
He was Sake Fortalejo after all. May mga katangian ito na hindi nito ipinakita sa kanya noon kaya hindi niya alam. Aminado siyang hindi niya rin ito gaanong kinilala noon dahil alam niyang iiwan niya rin ito. And that made her ignorant of the things he could do.
"I'm sorry, Jillian," he started out.
"Sorry for what?" Maang-maangan naman niya.
"I know I hurt you. Hindi ko sinasadya. I just wanted to protect Julia."
"Forgiven." Salat sa sinseridad niyang saad. She would forgive him eventually. Pero sa ngayon, masama pa ang loob niya dahil sinabi nitong gusto lamang nitong protektahan si Julia. Bakit? Inaano ba niya si Julia? "Would that be all? Pagod na ako at gusto ko ng magpahinga."
"I did want to protect Julia but only because she's my girlfriend and everyone at the party knows that." He locked gaze with her. "I'm sorry if I had to tell you that I am not happy to see you. I'm sorry if I didn't introduce you as my son's mother. Heaven knows how much I wanted to. But I also need to protect you, Jillian. Ayokong husgahan ka ng ibang tao."
"So, do you think you really protected me?" Sarkastiko niyang tanong. No! Because probably, everyone's thinking that she's the bad guy, ang kontrabida sa relasyon ng CEO at ng napakabuti nitong girlfriend. "It's hard protecting two women at the same time, huh?" tuya niya. "Well thank you, pero hindi mo 'ko kailangang protektahan, Sake Fortalejo. I'm very much able to protect myself. Bata pa lang kami ni Julia, siya na lagi ang nangangailangan ng proteksyon dahil mahina siya. I am not weak. Don't mistake me to a damsel who needs a knight. I don't need you, Sake."
"You and Julia are really different." Sumilay ang ngiting 'di niya mawari sa mga labi nito.
Dahil kung hindi siya nagkakamali, nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito dahil sa sinabi niya. She almost thought she succeeded in telling him that she doesn't need him. Tapos heto, split second pa lang ang lumilipas ay nakangisi na ito sa kanya.
"Paanong hindi ko agad napansin noon ang pagkakaiba ng mga ugali ninyo?"
"Simple lang... You're stupid." Sa gulat niya ay bigla itong tumawa. She was trying to insult him. Bakit ito tumawa? Did he mistake her insult to a praise? "What's funny?" Halos magdikit ang mga kilay niya.
"Had you called me stupid then, I would never mistake you as Julia. 'Coz my love, Julia is so afraid to offend me." Amused na sabi nito bago nagshift ulit sa serious mode. "But I don't think I am stupid."
"Is this conversation over? Gusto ko ng magpahinga," asar niyang saad.
"Not yet. That's only one of the two reasons why we need to talk," he answered.
"What's the second one?"
"Let's talk about Shawn's custody."
Parang pisi ng bombang sinindihan si Jillian sa narinig. One wrong word from Sake, sigurado siyang sasabog ang galit niya.